Tila binagsakan ng langit ang mundong ginagalawan ni Xoe. Ang kaninang durog niyang puso ay muli pang dinurog ng pinung pino hanggang sa maging abo ito. Dahil ang kanyang natitirang karapatan ay gustong bawiin ng kanyang minamahal.
“J-jake…” Nabasag ang boses niya.
“Diba ilang beses ko sinasabi sayo, tawagin mo akong kuya mo.”
“Pero hindi kita kuya.” Mahinang sambit nito.
“Ano?” sa tono ng pananalita ni Jake ay halatang nainis ito.
“S-sigurado ka ba?” Nauutal na tanong ni Xoe.
“Kahit pa na maghiwalay tayo, ayaw naman ng mga magulang mo si Kendra. Tyaka paano mo maipapaliwanag ang paghihiwalay natin?” tanong ni Xoe.
“Alam ko. Kaya tulungan mo akong itago muna ito sa kanila.” Napaawang ang bibig ni Xoe at di makahuma sa sinambit ni Jake.
‘Sobra na ang lahat. Naiintindihan kong bilang doktor, kailangan kong gamutin ang aking pasyente kahit kabit man siya ng asawa ko. May sinumpaan ako na kahit mamamatay tao pa ang nangangailangan, kailangan ko silang tulungan. Pero ang maging personal na doktor nang kanyang kabit sa loob mismo ng aming pamamahay ay hindi ko kaya. Tapos ngayon hihingi pa siya ng pabor na tulungan ko siyang ilihim ang relasyon nila ng kanyang kabit sa kanyang pamilya… Manhid ba siya upang di maramdaman na may nararamdaman ako sa kanya… na iniibig ko siya? O kahit makonsensya man lang dahil kahit papaano, ay mag-asawa kami sa mata ng Diyos at ng batas. May sinumpaan kaming dalawa.’ Gustong sabihin lahat ng kanayang pag-aalangan sa lalaki, ngunit natatakot rin siyang iwasan siya nito at tuluyang lumayo.
“Kung gusto mo siyang itira sa bahay, okay lang. Bihira lang din naman akong umuuwi sa bahay dahil busy kami sa ospital. Pero ang alagaan siya roon, pasensya na hindi ko magagawa. Humanap ka nalang ng iba na mag-aasikaso sa kanya. O kaya ay pwede siyang pumunta dito sa ospital para masuri kung may nararamdaman man siya. Walang problema sa akin iyon. Pero ang itago ang relasyon niyo sa magulang mo, hindi ko maipapangako. Paano kung bumisita sila bigla sa bahay? Makikita nila roon si Kendra, sa tingin mo hindi sila magtatanong? Kaya mas mabuti sigurong ipaalam mo sa magulang mo.” Paliwanag ni Xoe.
“Hihintayin muna naming lumabas ang bata saka ko sasabihin sa kanila. Sigurado naman ako na kapag makita nila ang kanilang apo ay matutuwa ito.” Sagot ni James.
“Ikaw ang bahala. Kung iyan ang gusto mo. Basta pigilan mo nalang sila mama at papa mo na pumunta ng bahay para hindi ka mahuli.” Nagliwanag ang mukha ni Jake sa pagpayag ni Xoe na tumira si Kendra sa kanilang pamamahay. Tumayo ito, lumapit sa asawa at masaya itong niyakap.
“Maraming salamat talaga Xoe. Maswerte ako at may kapatid akong katulad mo.”
Tinanggal ni Xoe ang brasong nakayakap sa kanya. “Kung kapatid na babae lamang ang turing mo sakin, bakit mo pa ako pinakasalan?”
Ang kaninang nagliliwanag na mga mata at matamis na ngiti ay biglang napawi sa tanong ni Xoe.
“Ahh… Kasi…” Tila umurong ang dila ni Jake sa tanong ni Xoe at naiwang nakabuka ang bibig.
Apat na taon ang nakalipas, umalis si Kendra upang tuparin ang kanyang pangarap na maging sikat na hollywood actress. Hanggang sa mabalitaan nilang nakapangasawa ito ng isang direktor na banyaga sa ibang bansa. Nang malaman ni Jake ang balitang iyon, ay naaksidente ang kanyang minamanehong kotse. Yupi ang harapan ng kotse na nabangga sa isang poste sa kalsada. Marami rin itong natamong sugat at gaya ng nakita ni Xoe kanina sa ER, naliligo sa sariling dugo noon si Jake, habang walang malay na nakahiga ang asawa sa istretser. Kaya naman nang makita niya ang asawa na duguan ay sobra siyang nag-alala.
Nasa ikattlong taon ng pagiging doktor noon si Xoe, bilang isang doctor sa CIty Hospital. Kaya naman nang maaksidente si Jake, ay siya na ang nagprisintang mag-aalaga rito.
Araw-araw niya itong pinupuntahan, pinapakain at pinupunasan ng basang bimpo dahil hindi ito makaligo.
Hanggang isang araw, habang pinupunasan niya si Jake, ay hindi maiwasan ni Jake ang mailang sa kanya.
“Xoe, kumuha ka nalang kaya ng lalaking nars para gumawa ng mga bagay na ito sakin.”
Kumunot ang noo ni Xoe at natawa sa suhestiyon ni Jake.
“Bakit naman?” Natatawa nitong tanong. “Doktor ako at bilang doktor wala kaming pakialam kung lalaki man o babae ang pasyente namin. Bukod pa roon, alam ko ang mga tampok sa pisyolohika ng bawat tao. Kaya wala kang dapat ikailang sakin.” Nakangiti nitong sagot.
Mariing tinitigan ni Jake si Xoe at ilang minuto itong natahimik bago muling magsalita.
“Xoe… Pakasalan mo ako.”
Napatigil si Xoe sa pagpupunas kay Jake at napatingin sa mga mata ng lalaki.
“Anong sinabi mo?” tanong niya.
“Ilang araw ko nang napag-isipan ito. Iniisip kong kung hindi si Kendra ang makakatuluyan ko, ikaw na lang?” Paliwanag ni Jake.
‘Ano ako pamalit lang? Dahil walang ibang mapili? Ganun?’ Gusto niyang suntukin si Jake sa sinabi pero hindi niya magawa.
“Gusto ka din nila mama at papa. Kaya mas mabuti kung ikaw ang mapapangasawa ko. Kasi noon, di ako pinapansin ng mga magulang ko ng malamang nobya ko si Kendra. Tapos nang malaman nilang ikinasal na si Kendra sa iba, hinahanapan naman nila ako ng mapapangasawa. Kaya kung papayag ka, tayo nalang ang magpakasal. Nang sa gayun ay hindi na nila ako kulitin pa sa paghahanap ng bagong nobya.”
“Paniguardong matutuwa pa mga magulang ko kung tayo ang magkakatuluyan.” dagdag ni Jake.
Tila umurong ang dila ni Xoe sa sinabi ni Jake. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa narinig mula kay Jake, o hindi dahil sa mata ng binata, isa lamang siyang kapalit.
“Ano? Payag ka ba?” nagningning ang mga mata ni JAke na nakatingin kay Xoe na tila nasasabik sa bagong laruan na matatanggap.
“Huh?” Blangko ang utak ni XOe at di makapag-isip ng maayos.
Mula nang mabalitaan ni Jake ang tungkol kay Kendra ay hindi na ito muling ngumiti pa. Hanggang dumating ang araw na iyon na tila nakahanap si Xoe ng pag-asang baka sakaling matutunan rin siyang mahalin ng lalaki.
“Xoe… Huwag ka mag-alala… Kapag may magustuhan kang iba, pwede naman tayong maghiwalay agad.” Sabi ni Jake nang makita ang pag-aalinlangan ng dalaga.
“Paano kung wala akong magustuhang iba?” Tanong ni Xoe.
“Edi… Habang buhay tayong magsasama ng ganito. Ayaw mo nun? May kuya ka na may asawa ka pa.” Sambit ni Jake na tila ba nag-aalok ng produktong binagsak presyo.
***
Tatlong taon nang lumipas ngunit para kay Xoe, ay matagal na silang magkasama.
At sa loob ng tatlong taon na iyon, naging maayos ang buhay mag-asawa nila Xoe at Jake. Inaalagaan siya nito ng maayos na gaya noong panahong hindi pa man sila kinakasal. Ang tanging pinagtatalunan lamang nila ay ang hindi pagtawag ni Xoe kay Jake na kuya.
“Xoe, hindi ka na bumabata. Kaya pagmatapos ang proseso at maaprobahan ang papeles natin sa paghihiwalay, humanap ka din ng taong mamahalin mo. Hindi iyong puro trabaho ka na lamang. May mundo sa labas ng hospital na ito. Tandaan mo.” Payo ni Jake.
“Meron…” tila ba may kung anong bumara sa lalamunan ni Xoe na di niya masabi ang gusto niyang sabihin.
Naningkit naman ang mga mata ni Jake at tiningnang maigi si XOe sa mata. “Huwag mong sabihing…may nagugustuhan ka na?!”
Napahinto si Xoe at tumango. “Oo,” sagot nito na ikinaliwanag ng mata ni Jake na tila nakahanap ng pag-asa sa madilim na mundo.
“Talaga?! Sino? Doktor din ba? Dito ba nagtatrabaho? Anong pangalan niya?” sunod-sunod na tanong ni Jake.
“Sa larangan accounting siya.”
“Ah… Talaga? Parehas pala kami. Kailan mo ipapakilala samin? Para makaliskisan ko at matanggalan ng hasang, kung sino man iyang bumihag sa puso ng aking Xoe.”
Nakaigting ang pangang mariin ang mga titig ni Jake kay Xoe na tila ba napapaso na si Xoe sa masakit na titig nito. Gayunpaman, hindi ito nagsalita at agad na binuhat ang asawa papalabas ng mall upang makalanghap ng sariwang hangin. Hindi alintana sa lalaki ang mga titig ng mga tao na kanilang nadaraanan at nakakasalubong.“Ibaba mo ako. Kailangan kong bumalik sa loob. Kailangan ko pang tulungan ang sales clerk sa paglilinis ng suka ko.” Sinusubukan ni Xoe na magpumiglas mula sa pagkakakarga sa kanya ni Jake.“Mahuhulog ka huwag ka nang gumalaw.” sagot nito.Nang makarating sila sa labas, ay agad siyang binaba ng lalaki.“Ilang buwan na iyan? Kaya ba gustong gusto mo nang mapawalang bisa ang kasal natin dahil dyan sa lalaking nakabuntis sayo? Sino ba iyan? Doktor? KAsama mo sa trabaho? Sino? Sagutin mo ako!” Hindi mapigilan ni Jake ang magtaas ng boses sa taas na kanyang emosyon na nararamdaman. Inis, pagkadismaya at galit. “Ano bang pinagsasabi mo?” Pagtatanggi ni Xoe.“Nahihilo ka,
Dumating sila sa mall na nakabusangot ang mukha ni Xoe. Habang patungo sila sa loob ng department store, nadaanan nila ang mga bilihan ng mga gamit ng mga pambata at mga pambuntis. Agad na napukaw ang atensyon ni Xoe sa isang manekin na may suot na damit ng pangbuntis. Bagamat nasa pangbuntis na mga paninda ito nakalagay, tila hindi mahahalata sa isang buntis na ina ang mag susuot nito. Isa itong maluwag na maternity dress na iyon at iniisip na ni Xoe na tipong kakailanganin niya itong damit sa mga darating na araw.Napansin naman ni Dustin ang paghinto ni Xoe sa isang manekin na nakasuot ng damit.“Bakit ka napahinto? Gusto mo na bang bilhin yan? Balak mo ba agad na magpabuntis sa boyfriend mo?” Nagtaas ng kilay si Xoe ng mapansin ang pagkasarkastikong saad ni Jake.“Napatingin lang ako. Masama ba? Tyaka mukha naman siyang hindi halatang pangbuntis. Sa katulad kong pusunin at malusog ng bahagya, bagay sa akin ang ganitong damit.” Pagtatanggol nito sa sarili.“Mataba ka na sa lagay na
Magkatapat silang nakaupo sa isang lamesa, ngunit ni isa sa kanila ay walang may gustong magsalita. Inorderan ng sopas ni Jake si Xoe, upang mainitan ang sikmura nito. Ngunit, ni isa sa kanila ang walang may gustong gumalaw ng pagkain. Parehong mga walang gana.Tulalang hinahalo halo lamang ni Xoe ang sopas. At kahit walang gana itong kumain dahil sa bigat na nararamdaman… Ay kailangan niyang kumain kahit kaunti. ‘May anak akong umaasa sa tiyan ko. Hindi ako pwedeng magutuman.’ PAalala ni Xoe sa sarili.‘Kailangan na naming bumalik sa munisipyo.’ Nagtaas ng kamay si Xoe upang magtawag ng waiter para hingiin ang bill ng kanilang kinain. Lumapit naman ang isang waiter at binigay sa kanila ang kanilang bill na babayaran.“Hindi ka pa nga kumakain. Ni hindi mo nagalaw iyang sopas.” Saad ni Jake.“Nawalan na ako ng gana.” Sagot ni Xoe.“Ubusin mo iyan.” Utos ni Jake at agad na kinuha mula sa kamay ni Xoe ang bill, pagkatapos ay dinukot niya mula sa kanyang pitaka ang kanyang card para sa
“Sa ayaw at sa gusto mo… Asawa pa rin kita. At ikaw lang ang asawa ko. Kaya may karapatan kang umupo sa tabi ko.”“...”Napaawang ang bibig ni Xoe at di makapaniwalang tumingin kay Jake na hindi na maipinta ang mukha.‘Bakit ka ba ganito? Ginugulo mo ang utak ko.’ Gustong sabihin ni Xoe iyon pero minabuti na lamang niyang manahimik.“Bakit ba kahit masama na ang pakiramdam mo, ay gusto mo pang unahin ang pag aasikaso ng annulment papers natin. Ganyan ka ba ka atat na humiwalay sakin?” Hindi makapaniwalang tiningnan ni Xoe si Jake sa sinabi nito. “Siguro may lalaki nang naghihintay sayo at hinihintay lamang ang pagpapawalang bisa ng kasal natin.“Wow!” Sarkastiko itong natawa. “Ako pa talaga? Sa pagkakaalala ko ikaw itong gusto nang makipaghiwalay matapos bumalik dito ng Kendra mo. Gusto ko lang naman tulungan kang maging malaya sa akin.” Sagot ni Xoe.“Ikaw nga itong nagmamadali tapos nagdesisyon ka na agad na umalis ng bansa. At ikaw ang unang mang iiwan. Baka ikaw itong nagmamadali.
Pagkapasok nila, ay hindi inaasahan ni Xoe at Jake na maraming pupunta ng munsipyo. Ngunit lahat ng mga iyon ay nakapila sa mga magpaparehistro ng kasal. Ngunit kung gaano man kagulo at kaingay ang linya ng mga ikakasal, siya namang tahimik at tila nilalangaw na pwesto ng mga nagpapasa ng aplikasyon para sa annulment.“Mabuti at walang pila dito. Mabilis tayong matatapos.” Saad ni Xoe.Patuloy niyang hinila si Jake patungo sa pila ng mga nag-aaplay ng annulment. Umupo si Xoe sa upuan kaharap ng isang tagapagtala at inilabas ang mga papeles na kanyang inihanda sa para sa pagproseso ng kanilang annulment.“Mukhang naligaw ata kayo ng pila… Doon ang pila ng magpapakasal.” Saad ng isang aleng tagapagtala.“Ay naku hindi po kami magpapakasal. Andito po kami para ipagwalang bisa ang aming kasal.” Sagot ni Xoe na ikinaawang ng bibig ng babaeng kanyang kaharap.“Sigurado ka? At ngayong araw pa na ito?” tanong nito.“Opo. Bakit ano pong meron?” Naguguluhang tanong ni Xoe.“Hindi mo alam? Araw n
Matapos niyang tawagan ng ilang beses si Xoe ay sinagot na din ito agad ng babae. Sinabi niya ang lokasyon kung saan siya naroon bago pinatay ang tawag.Huminto si Jake sa harap ng hotel na tinutuluyan ni Xoe.Nasa labas naman ng lobby si Xoe, nakatayong naghihintay kay Jake. MAy hawak itong brown na envelop na naglalaman ng kanilang mga papeles. Agad siyang umayos ng tayo nang mapansin ang paglabas ni Jake sa kotse. Nakakunot ang noo ng lalaki na tila ba pinagsakluban ng lupa ang mukha.“Bakit umalis ka kagabi? Maayos na ba ang pakiramdam mo? May bahay ka naman bakit dito ka pa natulog?” Sunod sunod na tanong ni Jake kay Xoe.Nagtaas ng isang kilay si Xoe. “Bahay? Ako? Sa pagkakaalam ko pamamahay mo iyon.” Sarkastikong ngumiti si XOe. “Isa pa… HIndi ako komportable sa higaan ko masyadong makati ang kutson na hinihigaan ko. Daming surot.” Sagot ni Xoe.“Ang bahay ko, ay bahay mo.” Sagot ni Jake ngunit umiling na lamang si Xoe.Imbes na magsalita ay dumerecho na lamang ito sa kotse. Aga