CHAPTER 1
“HELLO? Nand’yan po ba yung panty ng nanay ko?” pinaliit ni Bria ang kaniyang boses nang sumagot ang tao sa kabilang linya.
“Sino po ’to?” dinig niyang tanong ni Blythe sa kuryosong boses.
Pinigil niya ang paghagikgik. It’s not every day that she gets to prank this girl and now, it’s payback time!
Hindi pa niya nalilimutan ang paglalagay nito ng sangkatutak na condoms sa maleta n’ya, ’no. Wala tuloy siyang mukhang maiharap sa mga kasambahay na roommate niya sa maid’s quarters.
Paano ba naman kasi. Pagbuklat niya pa lang sa maleta, bumungad na agad ang mga unopened condoms. Binigyan agad iyon ng malisya ng mga kasambahay! Hiyang-hiya tuloy siya at hindi makakibo nang tuksuhin siya ng mga ito.
“Naligaw po kasi yung panty ng nanay ko. Baka po nand’yan sa ‘yo,” consistent niyang binago ang kaniyang boses.
“Ha?! Ano ako, panty robber? Aanhin ko naman po ang panty ng nanay n’yo, ha? Sisinghutin?” masungit na tanong ni Blythe.
Bumunghalit na si Bria ng tawa. Hindi na siya nakapagpigil. Mabuti na lang at nagka-budget siya na pambili ng sim card. Nabawian na niya ang lukaret niyang best friend! It’s still worth the money because Blythe’s reaction was priceless!
“Sino ba ‘to, ha? Nakakabwisit. Hindi ho ako nakikipaglokohan. Bumili na lang kayo ng bagong panty kung nawawala!”
Tawa nang tawa si Sabria na tipong pinunasan niya pa ang kaniyang mga matang namamasa na dahil sa tears of joy. Ang aliw talaga pag-trip-an nitong si Blythe!
“Ako ‘to, gaga,” pag-amin niya nang mapawi nang bahagya ang pagtawa.
Matagal bago ito nagsalita. “Bria bruha?”
She chuckled. Tumango siya kahit hindi naman nito nakikita. “Oo, ako ‘to.”
“Anak ng pusang gala naman. Akala ko naman kung sino yung hinahanapan ako ng panty!”
Tumawa ulit si Bria habang naglalabas ng himutok ang kaniyang kaibigan. It felt satisfying to prank her her best friend. At least, nakabawi na siya sa panti-trip nito. Actually, mas malala pa nga iyon dahil condoms ba naman ang piniling ipanloko sa kaniya.
“Sasabihin ko sana, bibigyan kita ng brochure tapos mamili ka. Nakakahiya naman sa hinahanap mong panty, baka makunat na sa sobrang luma,” dagdag pa nito.
She could imagine Blythe’s frowning face. Ngumisi siya at nangalumbaba. Nakatanaw siya sa malawak golf course na nasa loob ng estate ng mga Del Rio. Nakaka-relax ang tanawin at sumasabay ang mga dahon ng mga puno sa indayog ng hangin.
Bria sighed dreamily. Sana laging pahinga na lang. Haggard ang beauty niya nitong mga nakalipas na araw! Napadalas ang pagbili ni Mrs. Del Rio ng kung ano-anong branded items at bilang personal shopper siya, kung saan-saang panig siya ng mundo napadpad. Myghad!
“Alam mo ba,” panimula niya.
“Hinde,” masungit pa ring saad ni Blythe.
“Syempre hindi mo pa alam kasi sasabihin ko pa lang. My gosh, Blythe! It’s you who started this. You put a ton of condoms in my luggage!”
Blythe scoffed over the line. “Alam mo para sa isang maid, ang arte mo.”
“I don’t care,” irap niya at inabot ang straw ng nilibre sa kaniyang mango juice.
She sipped on it and the sweetness of the fresh mango fruit spread through her mouth. Oh, how she loves sweets. Mabuti na lang talaga at nasa mood si Mrs. Del Rio na idamay siya sa pamper day nito. Kung ano-ano na rin tuloy ang nakakain at naiinom niya sa araw na 'yon.
“Promise. You’re so maarte. You should keep your accent hidden, okay? Or else you’ll intimidate your co-workers. Wait. Bwisit, napa-English din tuloy ako.”
She only mimicked Blythe’s words through making a face and mouthing them. Bumusangot siya at matamlay na pinatong ang ulo sa lamesa. Her one arm stretched on the table while the other was hanging loosely.
Parang pagod na sa life ang peg. Pero true!
“I’m so tired. The Madame made me go to Japan and Italy this week. Imagine the distance,” rant niya pero syempre, sa mahinang boses lang dahil mahirap nang marinig ng staff at maisumbong pa siya sa amo niya.
“They’re rich, bruha. Anong gusto mo? Mamalengke ka lang sa wet market, tapos okay na? Napanindigan mo na ang pagiging personal shopper mo?”
“It’s not like that. It’s just...” she trailed off. She drew a deep breath when she couldn’t find the next words to say.
“Ano? Naaalala mo yung dati mong lifestyle?” Blythe guessed.
Ngumuso si Bria. Kilalang-kilala talaga siya nito. Sapul na sapul, eh.
She sighed again and watched her boss from afar. The chairwoman was interacting with her amigas down the golf course. There was a buffet table set for them and a large circular table for dining. As what she could see, they’re already drinking their tea while chatting.
Meanwhile, her scene was like the maid whose job was to wait while spending idle moments on the veranda. Bonus na lang talaga na may maiinom siya at sumagot sa tawag niya ang kaibigan niya kaya may pampalipas-oras siya.
“Well... okay naman na ‘ko. Ang bilis nga ng promotion ko, ‘di ba? Personal shopper agad in a year,” aniya kay Blythe pero mistula lang iyong pakunswelo niya para sa sarili.
“Sus. ‘Wag na natin i-sugarcoat. The Madame just trusts your taste in fashion, because duh? You’re the Queen Sabria.”
“Dati...” she murmured.
Blythe hissed. “Okay lang ‘yan! At least maganda.”
Her face fell. Every time that she sees branded clothes, bags, and shoes, she would instantly be reminded of the splendor and glam that she used to enjoy back when she was still rich. She didn’t use to look at the price tags of her purchases because first and foremost, she’s hella rich and she could afford whatever she likes.
But her life took a major turn so... nauwi siya sa pagiging maid. She’s an undergraduate of BS Computer Science in Ateneo and because of personal reasons, she didn’t pursue it anymore. So far, okay lang naman siya sa trabaho niya at nakakaya niya naman.
Ang kaso lang, nagiging reminiscent siya sa kung sino siya dati kapag nagsho-shopping siya sa mga stores na paborito ni Mrs. Del Rio. Kung mayroon man silang pinagkatulad ng boss niya, iyon ay ang pagiging shoppaholic.
“Tama. Maganda naman ako...” bulong niya at pinakalma na ang sarili.
“‘Yan! Ganyan dapat. Self-support. And you shouldn’t ruin the present moment just to look back on your painful past. Tapos na ‘yon, eh,” payo ni Blythe.
Bria smiled a bit. Tama ito. Wala rin namang magagawa kung babalikan niya nang babalikan ang nakalipas na. Saka mataas din naman ang pasahod sa kaniya at minsan pa, may libreng hotel accomodation kapag kailangan niyang mag-stay sa isang bansa, so hindi na rin siya lugi.
“Ayan lang ba ang tinawag mo, Bria? Or do you need anything?”
She pursed her lips. “Hmm. Wala naman.”
“Sure ka? ‘Pag pera, marami tayo n’yan. Isampal ko pa sa ‘yo.”
Napahalakhak siya. “Oo na, senator’s daughter. Ikaw na ang afford ang buong kaluluwa at pagkatao ko.”
Dinig niya ang pag-ismid ni Blythe. Napangiti siya ulit pero this time, yung totoo na.
Masaya naman siya ngayon, eh. Yun ang mahalaga. She has a job to provide for herself and she’s getting through each day with an assurance of comfort and stability.
Kaya kahit hindi na siya mayaman, kahit hindi na siya ang heiress ng Sienna Shipments, Inc., at kahit hindi na siya isang fashion icon sa alta sociedad, she still survived.
That’s what matters.
“Wait, paakyat na ang mga Madame. Tawagan na lang ulit kita,“ taranta niyang sinabi nang makita ang nagkakatuwaang mga donya na naglalakad na patungo sa clubhouse.
“‘Ge. Ingat ka,” paalam ni Blythe.
Binaba nito ang tawag kaya agad niyang tinago ang cell phone sa bulsa ng kaniyang uniporme.
Work, work, work, Bria! Ajah!
CHAPTER 44“ARE you okay?” maingat na tanong ni Magnus nang sa gitna ng yakap nila ay marahang umalis si Sabria at bumangon.She covered herself with the thick blanket as she tried to sit down. He saw her winced a bit. Bumangon na rin siya at tumayo para isuot ang kaniyang boxers.When he finished, he came back to sit on the bed. Pinalibot niya ang kaniyang braso sa bewang ni Sabria. He peeked at her when he rested his chin on her shoulder. She looked lost in her deep thoughts.“Hey...” untag niya.From the back, he held out his hand and touched her cheek. He carefully titlted her face so their eyes could meet.Then it dawned on him that her eyes didn’t just look lost. She also looked bothered by something.“Baby...” he called, “is there something wrong?”The worry in her eyes didn’t vanish. Sa katunayan ay mas tumindi pa yata iyon. She took a deep breath and tried to smile. “Wala...” her voice sounded soft and soothing, but he couldn’t be fooled by it.His heart thumped on his chest
CHAPTER 43“YOUR wound...” seryosong sinabi ni Laurent habang lasing ang mga matang nakatingin kay Bria.Meanwhile, she only gave him her sweetest smile. She then grinded her hips above him, biting her lower lip as she dry-humped him. Nakita niya naman ang pag-igting ng panga ng lalaki. She could feel him getting bigger in between her legs.Ilang saglit pa ay humigpit ang hawak ni Laurent sa kaniyang bewang. Napatigil siya sa paggalaw. Sumubsob ito sa kaniyang leeg. He groaned a bit. He panted heavily.“Baby, I’m serious...” ungot nito, “s-stop...”Pinigil ni ghorl ang pagtawa. “Really? I should stop?”Hindi muna siya gumiling gaya ng ginawa niya kanina. In fairness sa kaniya, ha. Na-maintain niya ang pag-balance sa sarili niya sa ibabaw nito. Masakit sa legs, pero let’s go for the gold na siya!Para sa Bataan! Chariz!She smirked and went near his ear to whisper, “okay lang ‘yan. Magdudugo rin naman ako mamaya...”Mali yata ang nasabi niya dahil kahit siya, nahiya sa pinagsasabi niya
CHAPTER 42“UWI na tayo...” Pumikit si Sabria at umusli ang kaniyang nguso. Sa ospital pa lang, feeling niya pagod na siya, eh. Nakakapagod naman kasi umupo-upo lang at walang gawin. Like, hindi na keri ng katawang lupa niya ang gano’ng lifestyle!Gusto niya naman nang gumalaw at magtrabaho! Grind kung grind! Para sa kayamanan! Chariz!“Where?” malambing nitong tanong.“Eh ‘di sa bahay n’yo. Uwi na tayo, ha? Okay naman na ‘ko...”Nagtaas-baba ang dibdib nito. “Can’t we stay here longer, baby? For your recovery.”Umiling siya. “Hindi. Time to work na. Tara na, ha?”Hindi ito nakaimik.“Ih, ayoko na kasi nang walang ginagawa...” pagmamaktol niya at medyo lumapit sa tenga nito para bumulong, “saka baka bugahan na ‘ko ng apoy ni Miss Minchin at Mr. Benson. Baka akalain nila vacation galore na lang ako.” “Miss Minchin?” kuryoso nitong tanong.Tumawa siya. “Ay, gagi. Si Ate Doris ‘yon.” “Ah...“ his deep voice resonated.Kumalat ang init sa pisngi niya. Heto na naman ang pag-iisip niyang
CHAPTER 41“UMALIS na sila...” saad ni Bria habang maingat na nililinisan ni Laurent ang nagdurugo niyang sugat.She’s very accustomed to pain so even if every touch of the cotton ball makes her wound ache, keri naman ni girlie na tiisin. Saka naagapan naman ng uncle mo ang gamutin ang sugat niya.Umigting ang panga ni Laurent. Masiyado itong serious at focused sa paglilinis ng sugat niya.Napangiwi siya dahil hindi siya nito kering tingnan. Actually, kumulo rin naman nang slight ang dugo niya sa pag-jombag sa kaniya ni Lorena Del Rio. Pero siyempre, wit na siya magkaroon ng pakels. Gano’n lang talaga ang ugali niyon. Hindi talaga ‘yon boto sa kaniya from the very beginning.Nang matapos na nitong malagyan ng gasa ang sugat niya, siya na ang nag-first move. Since he was seated on the couch in front of her, tumayo siya at kumandong dito. Pinalibot niya ang braso niya sa leeg ni Laurent na ikinagulat naman nito.She leaned her head on his temple. Pumikit siya at tipid na ngumiti. “Okay
CHAPTER 40“KUYA!” Mabilis na napamulat si Bria. Nagkatinginan sila ni Laurent. Lumayo muna siya rito at napatingin sa niluto niya. Dzai, akala niya hindi pa niya napatay ang kalan! Pinatay na nga pala niya ang apoy nang maluto na ang Sinigang!At hindi pa sila nananghalian dalawa!“Kuya! Kuya, it’s me!” shouted the familiar voice behind the door.Pinanood naman niya si Laurent na lumabas ng kusina. Sumunod naman siya at lumabas na rin sa pinto. They made their way to the small living room then Laurent opened the banging door.“Kuya!” Halos mapaatras siya nang mabungaran ang kapatid ni Laurent.Si Lorena!Lorena glared at her brother. Magkakrus ang mga braso nito habang kunot na kunot ang noo. Then suddenly, her eyes turned to her. Halos mabato siya sa kaniyang kinatatayuan nang makita siya nito.Shutanginabels.Trobol na ‘to.“So, totoo nga?” sarkastiko nitong tanong. Her angelic face not giving enough justice to the harshness of her tone, “you’re being head-over-heels and stupidly
CHAPTER 39“I WANT to spend every happy and sad moments with you,” anito habang maingat na hawak ang dalawang kamay ni Sabria at titig na titig ito sa mga mata niya, “I want to love you more and more each day... and share every bit of myself with you in this lifetime, Sabria...”Tears formed in her eyes. Mapait siyang napangiti. Her vision of him blurred because of her tears, but she could feel him with all of her heart.Her Laurent. The one and only Magnus Laurent Del Rio that she loved wholeheartedly and unregretfully. Bumitiw siya saglit para palisin ang dumausdos na luha. Then she used that free hand to cup his cheek. Binalot naman nito ang kaniyang kamay at hinalikan nang masuyo ang kaniyang palad.He wrapped an arm around her waist. Napadikit ang katawan niya rito. She only stood until his neck because of her height. Her other hand rested on his chiseled chest. Doon lang niya na-appreciate na ang guwapo rin pala nito kapag naka-plain white sando lang.“Please, be my wife. I onl