Share

Chapter 67

Penulis: Zairalyah_dezai
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-15 13:48:16

Ariana POV

Kinabukasan, masarap sana ang tulog ko—kung hindi lang ako ginising ng presensyang parang… mainit.

Napadilat ako nang bahagya. At ang una kong nakita?

Si Zephyr. Nakatitig sa akin.

Walang damit pang-itaas. Basa pa ang buhok. At tila ba kanina pa naroon—nakaupo sa gilid ng kama ko na parang may hinihintay.

“Z-Zephyr?” bulong ko, halos hindi ko alam kung nananaginip pa ba ako. “Anong ginagawa mo rito? Di ba may sarili kang kwarto?”

Napangiti siya. Hindi lang basta ngiti—pilyong ngiti.

“Gising ka na pala, good morning,” malambing niyang sabi. Inabot niya ang isang hibla ng buhok ko at inilayo iyon sa aking mukha. “Na-miss lang kita sa tabi ko, kaya ako na ang lumapit.”

“Ha?” napabangon ako, pero agad siyang umusog palapit. Lalo tuloy akong kinabahan. “Zephyr, grabe ka… Baka makita tayo ni Emanuel…”

“Relax, tulog pa si baby boy. At si Yaya Felecidad, busy na sa kusina. Walang makakakita.”

Lumapit pa siya. Yung tipong… halos magdikit na ang mga labi namin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Vanessa Seriales
update napo
goodnovel comment avatar
Juan Mana-ay
update please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 67

    Ariana POV Kinabukasan, masarap sana ang tulog ko—kung hindi lang ako ginising ng presensyang parang… mainit. Napadilat ako nang bahagya. At ang una kong nakita? Si Zephyr. Nakatitig sa akin. Walang damit pang-itaas. Basa pa ang buhok. At tila ba kanina pa naroon—nakaupo sa gilid ng kama ko na parang may hinihintay. “Z-Zephyr?” bulong ko, halos hindi ko alam kung nananaginip pa ba ako. “Anong ginagawa mo rito? Di ba may sarili kang kwarto?” Napangiti siya. Hindi lang basta ngiti—pilyong ngiti. “Gising ka na pala, good morning,” malambing niyang sabi. Inabot niya ang isang hibla ng buhok ko at inilayo iyon sa aking mukha. “Na-miss lang kita sa tabi ko, kaya ako na ang lumapit.” “Ha?” napabangon ako, pero agad siyang umusog palapit. Lalo tuloy akong kinabahan. “Zephyr, grabe ka… Baka makita tayo ni Emanuel…” “Relax, tulog pa si baby boy. At si Yaya Felecidad, busy na sa kusina. Walang makakakita.” Lumapit pa siya. Yung tipong… halos magdikit na ang mga labi namin.

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 66

    Ariana POV “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko habang nakatingin sa malawak na tanawin sa labas ng kotse. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin kahit naka-aircon kami. Tahimik lang si Zephyr habang nagmamaneho, at ang pilyong ngiti niya sa gilid ng labi ay mas lalong nagpakaba sa akin. Hindi namin kasama si Emanuel ngayon. Sabi niya kasi, gusto raw niyang bigyan ng espesyal na oras ang anak niya — na parang hindi ako kasama sa plano. Pero hindi ako nagtampo. Sa totoo lang, tuwang-tuwa ako na nakikita kong binibigyan niya ng atensyon si Emanuel sa ganitong paraan. Iba na talaga ang Zephyr ngayon. Mas tahimik, mas mapagmasid, at mas… totoo. “Surpresa,” maikling sagot niya, hindi inaalis ang tingin sa daan. “Basta, huwag kang mag-alala. Safe ka sa akin.” Ewan ko ba, pero sa simpleng salitang ‘safe,’ parang biglang lumambot ang puso ko. Sa dami ng pinagdaanan namin — sakit, tampuhan, at mga tanong na walang kasagutan noon — ngayon, tila unti-unti nang nabubuo ang mga sagot. At he

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 65

    Ariana POV Gabi. Tahimik ang paligid. Pumasok ako sa kwarto ni Emanuel, dala ang paborito niyang stuffed toy. Nasa kama na siya, nakasilip lang sa kumot at parang may inaantay. “Ayan na si Ate Ariana,” mahina kong sabi habang pinapatay ang ilaw sa kisame at iniwan na lang ang lampshade. Ngumiti si Emanuel at tinapik ang tabi niya. “Dito ka matulog, Ate. Para sigurado akong di ka na aalis.” Natawa ako, pero humiga rin ako sa tabi niya. Mahigpit ang yakap niya sa stuffed toy at sa akin. Wala pang ilang minuto ay bumigat na ang mga mata niya. Bago siya tuluyang makatulog, narinig ko siyang bulong: “Buti na lang bumalik ka, Ate.” “Hindi na ako mawawala,” sagot ko habang hinahaplos ang buhok niya. Tahimik. Payapa. Parang sandaling natigil ang mundo. Pero maya-maya’y bumukas ang pinto. Maingat na pumasok si Zephyr, bitbit ang kumot. “May space pa ba?” tanong niya, bahagyang nakangiti. “Halika,” sabi ko, kahit may kabang di ko maipaliwanag. Humiga siya sa kabilang gilid

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 64

    Zephyr POV Tahimik lang akong nakatayo habang pinagmamasdan si Ariana—nakayuko, nangingilid ang luha, pero nananatiling matatag ang tindig. Narinig ko ang mga salitang binitiwan niya. Malumanay. Mapanatag. Pero sa kaloob-looban ko… hindi sapat ang mga iyon para agad akong maniwala. “Hindi ko na kayo iiwan… hindi ko na kayang mawala pa siya… o kayo.” Para akong nabingi sa huling bahagi ng sinabi niya. O kayo. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa puntong 'yon—kung matutuwa ba ako na kasama ako sa dahilan niya, o mas lalo lang akong malilito. Lumapit ako, hanggang sa halos magkadikit na kami. Hinawakan ko ang baba niya para mapatingin siya sa akin. “Totoo ba 'yan, Ariana?” tanong ko, mababa ang boses pero ramdam ko ang panginginig. “O sinasabi mo lang ‘yan dahil naaawa ka sa anak ko?” Umiling siya. “Hindi, Zephyr. Totoo ‘yan. Hindi lang si Emanuel ang na-miss ko…” Huminga ako nang malalim. Pilit kong kinakalma ang sarili, pero tangina, ang hirap. Ang tagal

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 63

    Ariana POV Naalimpungatan ako sa isang pamilyar na tunog. Malambing. Masaya. May halong pangungulila at tuwa. Halakhak iyon ng isang bata—masiglang halakhak na matagal ko ring hindi narinig. Dahan-dahang bumangon ang katawan kong tila nanigas sa pagkakahiga. Napatingin ako sa paligid, saka ko lang napagtantong nasa hotel pa rin ako. Dumaan sa utak ko ang nangyari kagabi—ang pagtatalo namin ni Zephyr, ang galit niya, ang pagpigil niya sa akin. Napaungol ako ng mahina, hinilot ang sintido. Bakit nga ba ako pumayag na manatili? Ang kulit ko rin minsan. Pero higit sa lahat, ang halakhak ng batang iyon—si Emanuel. Parang kuryente sa buong katawan ko ang marinig siyang muli. Tumayo ako agad, pero bago pa ako lumabas ng kwarto, napalingon ako sa salamin. Napatigil ako. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib ko. Parang ayokong makita ako ni Zephyr na magulo ang buhok ko, o may muta pa ang mata ko. Ang tanga ko talaga minsan. Pero ewan. Simula pa

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 62

    Ariana POV Nanlamig ang mga kamay ko sa sinabi ni Zephyr. Ang bigat ng tinig niya, parang may poot sa bawat salitang binitiwan niya. Napatingin ako sa kanya. Nakapako ang mga mata niya sa daan, pero ramdam ko ang init ng galit niya—ramdam ko sa buong katauhan ko. “Dahil ayokong makita kang kasama ng ibang lalake,” ulit niya, mas madiin, mas mabigat. Napalunok ako. “Z-Zephyr…” nauutal akong nagsalita habang pilit kong iniintindi ang damdaming gusto niyang iparating. “Bakit ka ba—bakit ka ba nagagalit?” Hindi siya sumagot. Nakasalampak lang ang kamay niya sa manibela, ang mga daliri’y nakakuyom. Kita ko ang tensyon sa panga niya, pati ang muscle sa leeg niya ay nanginginig. Hindi ko na napigilan. “Wala naman tayong... wala naman tayong label, ‘di ba?” mahina kong sabi, halos pabulong, parang kinakausap ko lang ang sarili ko. “Bakit parang boyfriend ka kung umasta? Parang asawa?” Bigla siyang prumeno at itinigil ang kotse sa gilid ng kalsada. Napaatras ang katawan ko sa laka

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 61

    Ariana POV Maagang gumising si Ariana kinabukasan. Bagamat kulang sa tulog dahil sa mahabang lakad nila kahapon, mas pinili niyang bumangon nang mas maaga para makapaghanda. Isang linggo na rin siyang tuloy-tuloy sa trabaho kaya ngayon, kahit paano, gusto niyang ma-enjoy ang araw na ito kasama si Beth. Tumayo siya sa harap ng salamin habang suot ang simpleng puting blouse at faded jeans. Simple pero presentable. Hinila niya ang maliit na kahon mula sa drawer—naroon ang couple bracelets na binili niya kahapon. Kinuha niya ang isa, ang pambabae, at maingat na isinuot sa pulso. Napangiti siya sa sarili. Simple lang, pero may dating. Paglabas niya ng kuwarto ay naroon na si Beth, nakaupo sa sofa at abalang nagso-scroll sa phone. Napatingin ito agad sa pulso ni Ariana at agad itong napangiti. “Uy, suot mo na agad?” ani Beth, sabay lapit para silipin ang bracelet. “Ang cute! Ang ganda sa’yo.” Ngumiti si Ariana. “Sinukat ko lang. Para matansya kung okay ba sakin.” Napansin ni B

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 60

    Zephyr POV Tuwang-tuwa si Emanuel habang magkasama silang muli ng daddy niya. Nasa hotel sila ngayon para sa isang business stay ni Zephyr, pero sinama na rin niya ang anak bilang bonding time nilang dalawa. Kasama rin nila ang bagong yaya ni Emanuel—si Nanay Felicidad, isang 45 anyos na may mahinahong boses at inaasahang disiplina. Dahil may edad na si Nanay Felicidad, medyo may takot at galang si Emanuel dito. Hindi na siya tulad ng dati na pilyo at matigas ang ulo. Sa isip niya, “Kapag naging bad ako kay Yaya, baka hindi na ako isama ulit ni Daddy next time.” Kaya ngayon, todo good boy siya. Pero habang naglalakad sila sa lobby ng hotel papunta sa café, napansin ni Emanuel ang sunod-sunod na mga tingin ng mga babae sa daddy niya. May iba pa ngang palihim na kumakaway at may mga nakangiti pa habang dumadaan sila. “Ang kapal ng mukha nila,” bulong ni Emanuel sa sarili habang nakakunot ang noo. “Daddy,” bulong niya kay Zephyr habang hawak ang laylayan ng coat nito. “Bakit an

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 59

    Sa Mansyon... Tahimik ang paligid habang nakaupo si Zephyr sa veranda ng kanilang mansyon. Katatapos lang nilang kumain ni Emanuel, at ngayon ay magkasamang nagkakape’t gatas sa ilalim ng malamlam na liwanag ng mga ilaw sa hardin. Tahimik si Emanuel ngunit bakas sa mukha nito ang lungkot. “Daddy…” mahinang tawag ng bata. Tumingin si Zephyr sa anak, hinagod ang buhok nito. “Hmm?” “Kailan po babalik si Mommy?” inosente ang tanong ng bata, pero sapat iyon para mapatigil sandali si Zephyr. Napatingin siya sa malayo, saglit na natahimik. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa anak na wala na talaga siyang balak balikan si Noime. Na ang pagmamahal niya rito ay matagal nang nawala. Sa ngayon, isa na lang ang mahalaga sa kaniya—ang kaligayahan at kapakanan ng kanilang anak. “Hindi ko alam, anak,” sagot niya sa huli, mahinahon ngunit totoo. “Pero alam mo ba, kahit wala si Mommy ngayon, andito si Daddy palagi para sa’yo.” Napabuntong-hininga si Emanuel. “Gusto ko lang po sum

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status