Share

Chapter Thirty One-Threat

WALA na si Wesley sa aking tabi pag dilat ko kinabukasan. Muling sumagi sa isip ko ang pinagsaluhan namin kagabi. Kaya naman kahit medyo mabigat pa ang aking pakiramdam ay nakangiti pa rin akong bumangon.

Lumabas ako ng silid at agad kong nasalubong si Aling Bebang.

"Good morning 'nay!" masiglang bati ko sa matanda.

"Wow! Mukhang maganda yata ang gising mo ngayon ah. Kahapon lang ay hindi maipinta 'yang mukha mo pero ngayon kahat yata hindi ako marunong gumuhit ay kayang-kaya kong iguhit 'yan dahil sa tamis at lapad ng pagkakangiti mo."

"Tss, 'nay naman! Pagbigyan mo na akong ngumiti. Ngayon lang 'to. Mamaya kapag nakita ko na naman si Mrs. Cordova ay paniguradong burado na agad ang ngiti kong 'to."

"Sus, bumaba ka na diyan at baka magkita pa kayo dito ng biyenan mo. Nariyan pa iyon sa silid niya kasama 'yong lalaki." Biglang humina na ang tinig ni Aling Bebang nang banggitin niya iyon. Kaya naman pabulong akong nagtanong sa kanya.

"Alam ba ni Wesley na nariyan-"

"Hindi. Pinakiusapan
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status