PAGKATAPOS kong maihatid ang aking ina ay nagmamadali rin akong umalis ng bahay. Sinabi ko sa kanya na dadalawin ko si Angela kaya naman walang pag-aalinlangan na pumayag agad ito. Laking tuwa ko dahil ang balak ko talaga ay puntahan si Kiera.Mabilis kong pinaharurot ang aking kotse patungo sa bahay na tinutuluyan ni Kiera. Pagdating ko do'n ay sunud-sunod na pagkatok sa pinto ang ginawa ko dahilan upang agad akong pagbuksan ni Kiera.Natulos si Kiera sa kinatatayuan matapos niya akong mapagbuksan ng pinto. Maging ako man ay hindi agad nakapagsalita matapos kong mapagmasdan ang mukha niya. Nanggingitim ang ilalim ng talukap ng mga mata nito na tila ba ilang araw ng hindi natutulog ng maayos. Namumugto rin ang mga mata niya na halatang kagagaling lamang sa pag-iyak. Ilang minuto rin na namayani ang katahimikan sa pagitan namin'g dal'wa. Kalauna'y si Kiera rin ang unang bumasag no'n. ''Ano'ng ginagawa mo rito Wesley?""Uhm...dinadalaw ka.'' Maikling tugon ko."Hindi b
UMAGA na ng umuwi ako sa aming mansiyon. Kaya naman gaya ng dati, ang aking ina ang unang bumungad sa'kin matapos kong mag-doorbell."Where have you been?" gigil na tanong ni mommy."Good morning mom!" nakangiting pagbati ko matapos kong humalik sa kanyang pisngi. ''Galing ako kina Franco." Sagot ko bago ko pa man siya nilampasan."Huwag mo akong gaguhin Wesley!" Magkakrus ang mga braso na wika ng aking ina."Mom, I am telling you the truth! Hindi ba't ang paalam ko sa'yo kagabi ay dadalawin ko si Angela?""Really? Kakauwi ko lang dito sa mansiyon tapos ganyan na kaagad ang ginagawa mo! Nagsisimula ka na naman ng kabastarduhan mo!" sermon pa nito saakin."Mom, kumalma ka nga! Ang aga-aga eh high blood ka na naman!" Napakamot pa ako saaking ulo. "Galing nga ako kina Franco! Kita mo naman oh, hindi ako lasing at hindi rin ako amoy babae." Pangangatwiran ko pa at bahagya ko pa nga'ng inamoy ang suot kong damit."Siguraduhin mo lang na wala kang ginagawa'ng kalokohan dahi
DALAWA'NG buwan ang matulin'g lumipas. At kagaya ng napag-usapan namin ni Kiera ay wala muna'ng dapat na makakaalam sa relasyon namin maliban kay Cindy. Kaya naman palihim pa rin kami kung magkita at mag-date."Oh, ba't nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya na dinalaw kita?'' tanong ko isang umaga'ng dumalaw ako kay Kiera.Nakapangalumbaba kasi ito sa mesa habang nakaharap saakin at tila wala sa sariling nakatitig lang sa mga pagkain'g dala ko.''Masaya." Walang buhay niyang tugon."Baby, ayos ka lang ba? May sakit ka ba?" usisa ko pa. Nilapitan ko ito at sinalat ang noo ngunit hindi naman pala ito mainit."Wala akong sakit. Medyo nahihilo lang ako kaya matamlay ako ngayon." Ani Kiera."Huh? Bakit ka nahihilo? Hindi ka ba nakatulog kagabi? Nalipasan ka ba ng gutom or-""Okay lang ako Wesley. Huwag mo akong alalahanin. Paniguradong mamaya ay mawawala rin ito.""Sigurado ka ba? Magpa-check up na lang kaya tayo para masiguro natin na okay ka lang." Nag-aalalang suhestiyo
TAHIMIK lang sa buong biyahe si Kiera. Maging ako man ay tila umurong din ang dila matapos ang nangyari kanina sa restaurant. Ngunit nang tuluyan na kaming makarating sa bahay nila ay napilitan din akong kausapin siya." Baby, i'm sorry. Pangako , kakausapin ko si mommy tungkol sa relasyon natin.'' sambit ko matapos alalayan sa pagbaba ang aking kasintahan.''Dapat kasi hindi na lang tayo lumabas eh!'' puno ng iritasyon at pagsisisi sa tinig ni Kiera.''Yeah, i know it's all my fault. That's why I am apologizing to you, baby.'' Puno ng pagsusumamo sa aking tinig."Sige na, umuwi ka na. Baka sugurin pa ako ng mommy mo rito sa oras na malaman niyang dito ka dumiretso.''Pagtataboy niya saakin."Tss, Kiera I know it's hard for you na unawain ang nangyari kanina. Please, bigyan mo 'ko ng kaunting panahon para ayusin 'to.'' Dagdag ko pa."Hindi 'yan ang gusto kong marinig Wesley.''''Huh? W-what do you mean?'' naguguluhang usisa ko.''Gusto kong marinig mula sa bibig mo na kahit an
TULUYAN na nga kami'ng nagsama ni Kiera. Sa katunayan ay isang linggo na kami'ng naninirahan sa bahay na inuukopa nila ni Cindy. Mas pinili ko na lang ang lumayo sa aking ina kahit pa nga naghihikahos kami ngayon. Ang importante ay makasama ko lang ang babaeng pinakamamahal ko."Baby." Ani Kiera isang umaga habang nag-aalmusal kami."Hmm?""Hindi ka ba nagsisisi na pinili mo ako?" bigla ay tanong niya saakin."Huh? Syempre hindi. Bakit naman ako magsisisi? Mahal kita kaya kahit anong mangyari ikaw pa rin ang laging pipiliin ko.""Hindi mo ba nami-miss ang mommy mo?"patuloy na usisa pa niya."Syempre nami-miss ko rin."Aniya na sinundan pa ng pagbuntonghininga. "Pero wala akong magagawa kung mas gusto niyang kasama ang pera namin kaysa sa'kin na anak niya."Tumayo si Kiera at nilapitan ako. Pagkatapos ay mahigpit niya akong niyakap mula sa likuran. "Salamat dahil ako pa rin ang pinili mo kahit alam mong mahirap para sa'yo ang gan'tong buhay.""Baby, walang mahirap
NAPABALIKWAS ako sa higaan dahil sa naramdaman kong may sunud-sunod na yumuyugyog sa aking balikat. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at naiinis na nagreklamo ako nang makita kong si Kiera pala iyon."Ano ba 'yon? Natutulog pa ako eh.""Bumangon ka na nga diyan! Ang dami niyong kalat sa sala!" aniya habang pilit na hinihila ang aking kumot."Mamaya na 'yon!" reklamo ko at muli kong ipinikit ang aking mga mata."Ano ba, Wesley? Babangon ka ba diyan o ibabato ko sa'yo 'yong mga bote ng beer na nagkalat do'n?""Oo na! Babangon na! Ba't ba kasi ang aga mo naman yatan'g nagising!''"Palagi naman akong maaga gumising ah. May nakakapagtaka ba do'n?'' pabalang na sagot niya saakin.'' Tss...ito naman kay aga-aga highblood agad. Kumalma ka nga! Alam mo bang nakakapangit ng mukha kapag palaging galit?" natatawang sambit ko dahilan upang mas lalo lamang siyang magalit saakin."Naku, ang dami mong satsat, Wesley. Bumangon ka na nga diyan!''asik ko sa kanya.''Bab
TILA wala ako sa aking sarili habang tinatahak ko ang pasilyo papasok sa aming mansiyon.Magulo ang isipan ko nang mga sandaling iyon. Hindi ko lubos maisip na niloloko lang pala ako ni Kiera. "Parang may mali eh!" Hindi maiwasan'g maisigaw ko 'yon. Kaya naman napalingon sa'kin si 'Nay Bebang na abala sa pagwawalis ng paligid."Wesley!" Bulalas ng matanda at patakbo akong nilapitan. ''Diyos ko po, mabuti naman at bumalik kana! Na-miss na kita anak!" Maluha-luhang sambit ng matanda at bigla akong niyakap. Ginantihan ko rin ito ng yakap lalo pa't kahit pasaway ako ay hindi ito nagsasawang unawain ako. Mabuti pa nga ito at nakakausap ko ng matino kumpara saaking ina... kahit pa nga palagi rin niya akong pinapagsasabihan sa mga mali kong desisyon sa buhay."Na-miss rin kita 'nay. Nariyan ba si mommy?""Wala siya dito iho. Pero baka bumalik rin kaagad 'yon. Dinig ko kanina na may kausap siya sa telepono at parang may bisita siyang darating ngayon'g araw na it
MADALING araw na ay hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko mawari kung naninibago lang ba ako sa mansiyon o sadyang magulo lang ang aking isipan. Kanina pa akong pabiling-biling sa kama, kaya't naisip kong lumabas na lang ng silid at sa may terrace na lang ako magmumuni-muni.Maingat akong bumaba ng hagdan. Hindi na rin binuksan ang ilaw dahil naaaninag ko naman ang tamang daanan. Ngunit hindi pa man ako nakakarating sa may sala ay may naririnig na akong ungol at paghalinghing ng isang babae."Oh...Ah! Sige pa!'' Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang couch na naroon sa sala. Buong akala ko ay nagkakamali lamang ako ng pandinig. Subalit nang tuluyan na akong makalapit ay gayo'n na lamang ang aking pagkamangha saaking nakita. '' Ah...ang sarap no'n Alfred! Please...do it again honey!''Kahit madilim ang paligid ay hinding-hindi ako maaaring magkamali sa aking nakikita. Siguradong-sigurado ako na ang aking ina at ang ama ni Mara na si Alfred ang naroon at nagtatalik. At sa bawat