TULUYAN na nga kami'ng nagsama ni Kiera. Sa katunayan ay isang linggo na kami'ng naninirahan sa bahay na inuukopa nila ni Cindy. Mas pinili ko na lang ang lumayo sa aking ina kahit pa nga naghihikahos kami ngayon. Ang importante ay makasama ko lang ang babaeng pinakamamahal ko."Baby." Ani Kiera isang umaga habang nag-aalmusal kami."Hmm?""Hindi ka ba nagsisisi na pinili mo ako?" bigla ay tanong niya saakin."Huh? Syempre hindi. Bakit naman ako magsisisi? Mahal kita kaya kahit anong mangyari ikaw pa rin ang laging pipiliin ko.""Hindi mo ba nami-miss ang mommy mo?"patuloy na usisa pa niya."Syempre nami-miss ko rin."Aniya na sinundan pa ng pagbuntonghininga. "Pero wala akong magagawa kung mas gusto niyang kasama ang pera namin kaysa sa'kin na anak niya."Tumayo si Kiera at nilapitan ako. Pagkatapos ay mahigpit niya akong niyakap mula sa likuran. "Salamat dahil ako pa rin ang pinili mo kahit alam mong mahirap para sa'yo ang gan'tong buhay.""Baby, walang mahirap
NAPABALIKWAS ako sa higaan dahil sa naramdaman kong may sunud-sunod na yumuyugyog sa aking balikat. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at naiinis na nagreklamo ako nang makita kong si Kiera pala iyon."Ano ba 'yon? Natutulog pa ako eh.""Bumangon ka na nga diyan! Ang dami niyong kalat sa sala!" aniya habang pilit na hinihila ang aking kumot."Mamaya na 'yon!" reklamo ko at muli kong ipinikit ang aking mga mata."Ano ba, Wesley? Babangon ka ba diyan o ibabato ko sa'yo 'yong mga bote ng beer na nagkalat do'n?""Oo na! Babangon na! Ba't ba kasi ang aga mo naman yatan'g nagising!''"Palagi naman akong maaga gumising ah. May nakakapagtaka ba do'n?'' pabalang na sagot niya saakin.'' Tss...ito naman kay aga-aga highblood agad. Kumalma ka nga! Alam mo bang nakakapangit ng mukha kapag palaging galit?" natatawang sambit ko dahilan upang mas lalo lamang siyang magalit saakin."Naku, ang dami mong satsat, Wesley. Bumangon ka na nga diyan!''asik ko sa kanya.''Bab
TILA wala ako sa aking sarili habang tinatahak ko ang pasilyo papasok sa aming mansiyon.Magulo ang isipan ko nang mga sandaling iyon. Hindi ko lubos maisip na niloloko lang pala ako ni Kiera. "Parang may mali eh!" Hindi maiwasan'g maisigaw ko 'yon. Kaya naman napalingon sa'kin si 'Nay Bebang na abala sa pagwawalis ng paligid."Wesley!" Bulalas ng matanda at patakbo akong nilapitan. ''Diyos ko po, mabuti naman at bumalik kana! Na-miss na kita anak!" Maluha-luhang sambit ng matanda at bigla akong niyakap. Ginantihan ko rin ito ng yakap lalo pa't kahit pasaway ako ay hindi ito nagsasawang unawain ako. Mabuti pa nga ito at nakakausap ko ng matino kumpara saaking ina... kahit pa nga palagi rin niya akong pinapagsasabihan sa mga mali kong desisyon sa buhay."Na-miss rin kita 'nay. Nariyan ba si mommy?""Wala siya dito iho. Pero baka bumalik rin kaagad 'yon. Dinig ko kanina na may kausap siya sa telepono at parang may bisita siyang darating ngayon'g araw na it
MADALING araw na ay hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko mawari kung naninibago lang ba ako sa mansiyon o sadyang magulo lang ang aking isipan. Kanina pa akong pabiling-biling sa kama, kaya't naisip kong lumabas na lang ng silid at sa may terrace na lang ako magmumuni-muni.Maingat akong bumaba ng hagdan. Hindi na rin binuksan ang ilaw dahil naaaninag ko naman ang tamang daanan. Ngunit hindi pa man ako nakakarating sa may sala ay may naririnig na akong ungol at paghalinghing ng isang babae."Oh...Ah! Sige pa!'' Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang couch na naroon sa sala. Buong akala ko ay nagkakamali lamang ako ng pandinig. Subalit nang tuluyan na akong makalapit ay gayo'n na lamang ang aking pagkamangha saaking nakita. '' Ah...ang sarap no'n Alfred! Please...do it again honey!''Kahit madilim ang paligid ay hinding-hindi ako maaaring magkamali sa aking nakikita. Siguradong-sigurado ako na ang aking ina at ang ama ni Mara na si Alfred ang naroon at nagtatalik. At sa bawat
GABI na nang bumalik ako sa mansiyon. Nagulat pa ako nang maabutan ko ang aking ina na naroon sa sala, nakaupo sa couch at tila hinihintay ang pagdating ko."Where have you been?" kaagad na tanong niya saakin."Hindi mo na kailangan pang malaman mom." Pabalang na sagot ko."Wesley, ayoko na gan'to na lang tayo araw-araw. Gusto kong ibalik 'yong dating samahan natin bilang mag-ina." Puno ng pagsusumamo sa kanyang tinig."Huwag ka ng umasang mangyayari pa 'yon mom! Aakyat na ako, kailangan ko ng magpahinga!" naiiritang sambit ko."Sandali! Ano bang puwede kong gawin para mapatawad mo ako, anak?" muli ay tanong niya."Tanggapin mo si Kiera at hayaan mo siyang manirahan dito sa mansiyon!" seryoso kong tugon."What? Wa-wala bang ibang paraan, huh Wesley?""That's the only way mom! Kapag nangyari 'yan, kakalimutan ko na ang lahat ng kasalanan at panloloko mo saamin'g lahat." Puno ng penalidad sa aking tinig bago ko pa iniwan ang aking ina.Nakasimangot na tinungo ko ang aking silid at basta
KINABUKASAN ay tuluyan na nga'ng na-discharge si Kiera. Nagdalawang-isip pa nga ito kung sasama ba sa'kin sa mansiyon o hindi. Bandang huli'y napilitan din itong sumama."Wesley, natatakot ako sa mommy mo!" Aniya nang tuluyan na kaming makarating sa mansiyon."Relax, okay? Nandito naman ako hindi kita pababayaan. At saka napag-usapan na namin ni mom ang tungkol dito.""Kahit na. Iba pa rin ang-""Oh, nandito na pala kayo iho! Tamang-tama nagpaluto ako kay Bebang ng maraming pagkain." Nakangiting wika ng aking ina. Medyo nagulat rin ako dahil hindi ko inaasahan'g ito ang magbubukas sa amin ng pintuan at napansin kong ang tamis ng pagkakangiti nito kay Kiera."Ma-magandang u-umaga po Mrs. Cordova." Naiilang na bati ni Kiera sa aking ina.Kapagkuwa'y nakipagbeso pa sa kanya si mommy na siyang mas lalong ikinagulat ko pa. "By the way, gaya nga ng sinabi ko sa'yo...dito na nga maninirahan si Kiera." Pag-uulit ko sa napagkasunduan namin ni mommy.."Yeah, sure. No pr
Kiera's POV ISANG linggo na ang nakalipas mula ng manirahan ako sa mansiyon ng mga Cordova. Sa mga naunang araw ay kay gaan pa sa pakiramdam lalo pa't naroon si Wesley sa tabi ko nakaalalay palagi. Subalit ngayon ay talaga'ng nanibago ako dahil bumalik na ulit siya sa pag-aasikaso ng kanilang kompanya.Buong maghapon ay hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sumulyap sa aking cellphone. Simula kasi kaninang umaga ay hindi man lang ako naalala ni Wesley. Wala man lng ni kapirasong mensahe mula sa kanya. Ilang beses na rin akong napabuntonghiniga. At hindi nga iyon nakaligtas kay Aling Bebang.""Uy, Kiera ayos ka lang ba? Kanina ka pa diyan bumubuntonghininga. May problema ba?""Uhm, wa-wala naman po 'nay. Hi-hinihintay ko lang po si Wesley na mag-message.""Naku! Kaya naman pala eh. Marahil ay na'busy iyon sa opisina lalo pa't hindi pumuta do'n ang kanyang ina."Hmm...siguro nga po.""Sige na, maiwan muna kita dito huh. Magahhain na ako ng ating hapun
ILANG araw na akong balisa. Maging si Wesley ay napapansin na rin ang biglaan kong pagbabago."Hey, are you okay?'' untag niya sa'kin isang umaga habang nag-aalmusal si Wesley. Nauuna itong mag-almusal kaya't madalas ay si Aling Bebang ang kasabay kong kumain sa umaga.Kung hindi pa nga ito kumaway-kaway sa mismong pagmumukha ko ay hindi ko ito mapapansin."Huh? Ah...oo, okay lang ako.'' pagsisinungaling ko.''Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo 'ko sinasagot.'' Dagdag pa ni Wealey na tila ba may pagmamaktol sa tinig. ''Ang aga pa eh ang lalim na ng iniisip mo. May problema ba?'' pangungulit pa niya.''Wa-wala. Na-naisip ko lang sina nanay at tatay.'' Palusot ko na agad naman'g pinaniwalaan ni Wesley.''Tss...huwag mo na silang masyadong isipin. Pinadalhan ko sila ng pera kahapon. Kaya nga ginabi na ako ng uwi dahil nakipagkita ako sa kapatid mo para iabot ko 'yong pera.''''Sa-salamat Wesley.'' Garalgal ang tinig na sambit ko.''Wala 'yon. Payakap nga ako sa baby ko na masy