INICIAR SESIÓN"Masarap?" Nakangiti na tanong ni Thor.Nasa mamahalin kainan kami ngayon. May malaki na Chandler sa gitna ng restaurant. Magkakalayo ang mga table na halos hindi ko na matanaw. Madilim ang paligid. May tumutugtog ng violin sa isang tabi habang kumakain kami.Nahihiya pa ako dahil ang simple ng suot ko. Pareho kaming nakapang bahay ni Thor. Ang sabi niya kasi kakain sa labas. Akala ko iyong nakikita sa mga street hindi ko naman alam na sa Fancy restaurant pala niya ako dadalhin.Mukha tuloy kaming naligaw na pulubi. At least kahit naka pang bahay si Thor at walang alahas sa katawan bukod sa relo niya, eh mukha pa rin siyang mayaman. Samantala ako mukhang basahan."Oo, malambot siya tapos naiiwan sa dila ang lasa..." Sabi ko. Tumango siya. "Bakit pala dito tayo kumain? Sigurado na mahal dito..." Nahihiyang tanong ko."Deserve mo lahat ng mahal na pwedeng mabili dahil mahal kita..." Sabi niya, nakita ko ang pamumula ng leeg at pisngi niya.Natawa na lang ako. "Talaga?" Sabi ko, tumango
"Nasaan ang anak ko?" Galit na tanong ko sa kaniya."Mabuti naman dumating ka. Kailangan ka pa palang pwersahan eh bago magpakita." Natatawa na sabi niya. "Nasaan ang pera."Diyos ko naman Cris bakit kailangan mong idamay ang pamangkin mo? Alam mo naman na may sakit siya diba?"Ibang iba na ang Cris na kaharap ko ngayon kaysa noon. Alam ko na makasarili na siya noon pero mas malala siya ngayon. Mas lalo rin siyang pumayat at nangingitim ang gilid ng mga mata niya."Ilang beses akong nagpunta sa bahay niyo, ang sabi ni Tanda nasa hospital ka raw. Napano ka ba? Sa pagkakaalam ko hindi ka naman sakitin.""Please ilabas mo na si Astria. Baka mapano ang anak ko Cris, hindi ko kakayanin...." Halos maiyak na sabi ko.Umiling siya at lumapit sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang braso ko. Kumunot ang noo niya at kahit pilitin niyang itago ay hindi niya naitago ang gulat at galit na dumaan sa mga mata niya."Sugat na galing sa latigo ito ah. Sinasaktan ka ba ng walang hiya mong asawa
Umalis din agad si Divine dahil tumawag si Gelo sa kaniya at sinabing hinahanap siya ni Astria. Hindi naman niya pwedeng sabihin sa anak ko na nanggaling siya sa akin dahil tiyak na magtatampo iyon.Pag alis niya ay tumahimik na naman ang paligid. May dumating na nurse at tiningnan ang kalagayan ko. Pagkatapos ay binigyan nila ulit ako ng gamot at pinahiran ng cream ang sugat ko upang habang gumagaling siya ay hindi magkaroon ng peklat ang balat ko.Ilang araw pa akong nanatili sa hospital. Araw-araw akong dinadalaw ni Thor upang dalhan ng makakain o hindi kaya ay para bihisan ako. Sa umaga at gabi naman ay nag oorder siya ng makakain ko at pinapadala dito, may kasama pang bulaklak.Inayos ko ang buhok ko. Ngayon araw na ako makakalabas. Naka ayos na lahat, si Thor ay binabayaran na lang ang bill ko."Let's go?" Saad niya ng makapasok sa loob.Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Pagkalabas namin ay lumanghab agad ako ng sariwang hangin. Sa wakas ay nakalabas na ako.Naglakad kami papunt
Hindi ako naka imik sa pagbabanta sa akin ni Tita Sonya. Tahimik lang akong umiiyak habang iniinda ang pwet ko na tumama sa sahig."Sinong po ba ang gusto niyo para kay Thor? Ang kagaya ni Sofia?" Walang emosyon sabi ko habang nakatingin sa sahig.Tinignan ko siya at kita ko ang panggagalaiti sa mukha niya."Oo! Dahil si Sofia lang ang karapat dapa--""Karapat dapat? Ang babaeng parati niyo na pinapaburan ay ang taong nagpapatay sa panganay mo...." Hindi ko na napigilan sigawan siya sa sobrang inis na nararamdaman. "Ano po ba ang pinakain sa inyo ni Sofia at tiwalang--""Sisiraan mo pa si Sofia sa akin..." Sabi niya. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ang buhok ko at hinatak patayo. Napayuko ako sa harap niya dahil sa paghawak niya ng mahigpit sa buhok ko. "Sino ka para magsabi kung sino ang pumatay sa anak ko? Matagal na namin siyang naipakulong..""Nagkakamali po kayo..." Matigas na sabi ko. Hindi alintana ang pananakit niya sa akin. "Siya ang nagpapatay kay Warren--""WALA KANG
"SOFIA!"Galit na galit si Khalil ng lapitan niya si Sofia at hatakin palabas ng kwarto ko."Nababaliw ka na ba talaga?" Rinig kong tanong ni Khalil."What are you doing? Let me go!"Napahawak ako sa likod ng palad ko ng mawala na sa pandinig ko ang mga boses niya. Nakahinga ako ng maluwag. Kanina kasi ay para akong nalulunod sa mga pinagsasabi ni Sofia sa akin.Ang babae na iyon. Sukdulan na ang kasamaan. Nagagawa ng aminin ang mga bagay na ginawa niya. Masyado kasi siyang kampante na paniniwalaan siya.Muli kong nilabas ang cellphone ko at muling pinakinggan ang record."Malandi ka. Marami na akong isinakripisyo makuha ko lamang si Thor. Si Warren na hadlang sa pagmamahalan namin? Tinanggal ko sa landas, sa tingin mo ay hindi ko kayang gawin sayo iyon?" "Mahal?" Gulat na tawag sa akin ni Thor.May hawak siyang paper bag. Bigla akong kinabahan dahil narinig niya ang audio."Is that Sofia?" Tanong niya, tumigas ang panga.May balak naman talaga akong sabihin sa kaniya ang tungkol sa
Hindi ako mapakali habang lumilipas ang bawat segundo. Natatakot ako na baka maniwala si Thor sa kaniyang ina.May dumating na rin na Doctor upang tingnan ang kalagayan ko. At nalinisan na rin nila ang mga sugat ko ngunit wala pa rin si Thor.Naalala ko ang sinabi ni Tita Sonya. Hindi ako makapaniwala na nakaisip agad ng alibi si Sofia upang linisin ang pangalan niya.Ngunit hindi ako tanga at mas lalo na hindi ako bobo. Oo nga, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral ngunit hindi sukatan ang edukasyon upang maging matalino.Kinuha ko sa may lamesa sa gilid ng kama ang cellphone ko. Pumunta ako sa record at doon nakita ko ang audio kung saan inamin ni Sofia na plano niya ang pagkidnap noon sa kanila kaya namatay ang kuya ni Thor.Hindi ko alam kung kailan ko ipaparinig ito kay Thor ngunit alam ko na dapat maiparinig ko na ito sa kaniya ng maaga.Nang bumukas ang pinto, inaasahan ko si Thor ang papasok dito sa loob ngunit nagulat ako ng si Khalil ang dumating."Astrid...." Tawag niya sa pa







