“Ma, please tulungan niyo ako.” Napahikbi ako habang sinusubukan hawakan ang kamay ni mama.
Mas lalo akong napaiyak ng bigyan niya ako ng isang sampal. Hindi ko alam kung talaga bang malakas ang sampal niya o mahina na talaga ang katawan ko dahil natumba ako sa ginawa sa akin ni mama. Gumapang ako papunta sa harap ni mama at nanginginig na niyakap ang paa niya. Wala na akong ibang mapupuntahan, sila na lang ang makakatulong sa akin. “Mama,” hagulgol ko. Ngunit hindi ko nakikita ang awa kay mama. Si papa ay galit na nakatitig sa akin habang ang tatlo kong kapatid ay walang magawa kundi ang panoorin na lang ako sa takot na baka madamay sila. Nagbibingi bingihan at bulagan sila sa paghingi ko ng tulong. Napasubsob na lang ako sa lupa ng tadyakan ako ni mama. “Pagkatapos mong tumalikod sa pamilya babalik ka? Astrid nakakalimutan mo na yata na hindi ka na parte ng pamilya.” Halos manlomo ako sa sinabi ni mama. Wala akong nagawa kundi ang panoorin sila papasok sa amin bahay. Hindi kami mayaman ngunit alam ko na may maitutulong sila, lalo maraming alam si mama na paghihingan ng tulong. Pero nawala ang pag asa ko ng talikuran nila ako. Napahawak ako sa dibdib ko ng sumikip ito. Ang sakit, ang mga taong akala ko tutulong sa akin sa kabila ng ginawa ko sa kanila ay tinalikuran lang ako. Alam ko naman na nagkamali ako pero pamilya pa rin naman nila ako. Sana kahit kaunting awa ipinakita nila, pero kung tratohin nila ako para lang akong ibang tao sa paningin nila. Nawawalan na ako ng pag-asa. Bagsak ang katawan ko habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Hindi mahinto ang luha ko sa pagpatak sa pagod ko ng mga mata. Nag-iisip ako ng paraan kung paano ko magagawan ng paraan ang problema ko. Ang hirap, lalo na kung wala kang ibang malalapitan. Gusto ko ng sumuko pero kung susuko ako, paano na ang taong umaasa sa akin? Nanghihina kong nilibot ang mga mata ko sa buhay na city. Kagaya ko ay may naglalakad at ang iba naman ay nakasakay sa mga mamahalin nilang sasakyan. Napansin ko yung babaeng kaedaran ko na nakasuot ng magarang damit at may hawak na mamahalin bag. Samantala ako ay nakasuot ng pulang bestida na binili ko lang sa ukay. Kung hindi siguro nangyari ang gabing iyon baka nabibili ko na din ang lahat ng gusto ko. Hindi sana ako pinalayas nila mama. Baka nakapagtapos pa ako ng pag-aaral, pero malupit ang mundo. Binigyan ako ng dahilan para hindi na subukan pang mangarap. Huminga ako ng malalim at muli na naman napaluha. Ang daya naman ng mundo, wala naman akong ginagawang masama ngunit nararanasan ko ang lahat ng ito. Bakit ba hindi naging magaan sa akin ang lahat? Mariin akong napapikit at ng pagmulat ng mata ko ay tumama ito sa isang papel na nakadikit sa isang poste. Lumapit ako at nagkaroon ng pag asa ng mabasa ang nakasulat. Santos Real State Company is looking for a secretary. Malapit lang ang kompanya na sinasabi sa papel kaya mabilis akong pumara ng taxi at nagpahatid sa lugar. Sakto naman na dala ko ang mga resume ko dahil balak ko talaga na maghanap ng trabaho. Hindi ako nakapagtapos ng high school. Kaya naman inaasahan ko ng hindi ako makukuha pero umaasa pa rin ako. Kung hindi ako makukuha baka pwedeng sa ibang posisyon na lang, kahit taga linis ng cr gagawin ko. “I’m sorry Ms. Reyes but you’re not qualified for our requirements.” Magalang na sambit ng nag interview. “Please ma’am , kahit anong trabaho na lang po.” Pagmamakaawa ko. “Kahit tagalinis po ng Cr o janitress tatanggapin ko.” “Miss Secretary ang hinahanap namin. Mag apply ka na lang sa iba.” Naiinis na sambit niya. Tatalikuran na sana niya ako ng hawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. “Ma’am, hindi niyo po ako naiintindihan kailangan ko po ng trabaho.” Garalgar ang boses na sambit ko. Tinignan lang niya ako ng masama bago mariin na tinanggal ang palad ko sa kamay niya. “Hindi mo rin ba maintindihan na hindi ikaw ang hinahanap namin?” Umirap pa siya bago ako tinalikuran. Umiling ako. Desperada ng gawin ang lahat makuha lang ako. Muli ko siyang hinarangan sa kaniyang dinadaanan kaya binigyan niya ako ng matalim na titig. Nahihiya akong ngumiti. “Ma’am wala po bang ibang bakante? Kahit ano po na pwede ko pong paso—” “Umalis ka nga diyan, istorbo ka sa trabaho ko.” Inis niya akong itinulak paalis sa kaniyang daraanan. Tuloyan ng lumaylay ang katawan ko. Walang pag-asa. Huminga ako ng malalim , hindi ako pwedeng sumuko. Baka hindi talaga para sa akin ang kompanya na ito. Masyado naman kasi akong desperada para isipin na ang walang pinag aralan kagaya ko ay maka trabaho sa ganitong kalaking kompanya. “You need work?” Napa tingin ako sa likod ko ng marinig ang malamig na boses. Halos lumuwa ang mata ko ng tuluyan makita ang lalaki. Napa ayos ako ng tayo at hindi nagpahalata. Naramdaman ko ang pagsibol ng kaba sa dibdib ko. Kagaya ng una ko siyang nakita naka suit pa rin siya. Ang isang kamay ay nakapasok sa pocket ng pants niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Napalunok ako bago tumango. “O-Oo, kailangan ko.” Mahinang sagot ko, para niyang hinigop ang lahat ng tapang at lakas ko kanina. “Follow me..” Utos niya bago ako lagpasan. Sinundan ko siya ng tingin. Lahat ng madadaanan niya ay yumuyuko sa kaniya at nagbibigay ng galang. Napalunok ako bago siya sinundan. “Tell me you want more.” Muling nag echo ang sinabi niya sa akin limang taon na ang nakalipas. Mariin akong napapikit at tinawag ang lahat ng santo na kilala ko upang hilingin na sana hindi niya ako kilala. Dahil ang lalaking iyon ay ang lalaking tinakasan ko limang taon na ang nakalipas. Kung saan may isang beses na may nangyari sa amin. Panginoon, sana hindi na niya ako maalala! Ang munting panalangin ko sa sarili habang patuloy pa rin sa pagsunod sa binataThor PoV:Naramdaman ko ang pagbaon ng kuko niya sa balat ko sa braso ng ipasok ko sa loob ng panty niya ang daliri ko. “Thor.” Awat niya, pero naging ungol iyon na nagbigay ng labis na pag iinit ng katawan ko.“Yes, baby?” Malambing na bulong ko sa sarili bago tuloyan ipinasok ang isang daliri ko sa pagkababae niya.I felt that she’s not a virgin anymore. Umigting ang panga ko sa isipan na hindi ako ang nakauna sa kaniya. Don’t worry Astrid, I make sure I’m gonna be your last.Tumingin siya sa akin. Makikita ang pagmamakaawa na pinaghalong pagnanasa sa kaniyang mukha. “Argh! Thor…” Humarap na siya sa akin, napapikit siya sa harap ko at halos ihiga na niya ang katawan sa lamesa.Napangisi ako. Pinagilid ko ang mga istorbong gamit na nasa lamesa bago ko siya tuloyan pinahiga. Tuloyan ko ng tinanggal ang kamay ko sa pagkababae niya. Inilagay ko ang dalawang hita niya sa magkabilang balikat ko. Itinugod niya ang dalawang siko niya sa lamesa at parang nalalasing na nakatitig sa akin.Hin
After the contract signing, Astrid Reyes received Five million pesos from Thor Santos . After Mr. and Mrs. Santos gives the company to Thor, Astrid needs to sign the annulment. She can still work as P.A assistant of Mr. Thor Santos if wanted.This contract Both have rules. 1.Don't fall for each other. Just work, nothing personal2.It is forbidden to interfere in each other's personal affairs. It is forbidden to ask questions. It is forbidden to interfere.3.No one should know that they are married, especially at the company. They will just pretend to be married in front of Thor's parents.Pinabalik ako ni Thor kinaumagahan. Pagdating ko sa office niya nadatnan ko na siya doon kasama ang isang judge. Binasa ko ang kontrata bago ito pinermahan. “Thank you po.” Paalam ko sa judge bago ito umalis.Pag alis ng judge ay tumahimik ang paligid. Tanging ang tunog lang mula sa orasan ng dingding ang nagbibigay ingay sa loob. “Ano pang ginagawa mo diyan?” Inis na tanong niya.Kanina pa ka
“So, what work do you prefer?” Malamig na simula nito ng makaupo sa mamahalin niyang itim na upuan.Nilibot ko ang tingin pagpasok ko sa loob ng opisina niya. Walang kabuhay buhay, dalawang kulay lang ang nakikita ko, kulay itim at abo lang. Umangat ang ulo ko sa lalaking prenting nakaupo sa harap ko, seryoso at matalim siyang nakatingin.Napansin ko ang daliri niyang nilalaro ang labi niya habang seryoso na nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin ng may naalala ako.“K-Kahit ano po.” Nahihiyang sagot ko, napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking folder.Ramdam ko ang kaba sa aking buong katawan. Paano nakakatakot naman kasing kaharap ang lalaki. Parang sobrang taas niya, at kung titignan parang ang hirap niyang abotin.Parang hindi ako sinamba noon ah?Napakagat ako ng labi. Naalala ang nangyari sa amin. Astrid, focus, masyadong mataas ang lalaking nadali mo. Baka mamaya isipin isa kang malandi.“Be my P.A then.” Sambit niya.Lumaki ang tenga ko sa narinig. Kusang kumawala ang ngiti s
“Ma, please tulungan niyo ako.” Napahikbi ako habang sinusubukan hawakan ang kamay ni mama.Mas lalo akong napaiyak ng bigyan niya ako ng isang sampal. Hindi ko alam kung talaga bang malakas ang sampal niya o mahina na talaga ang katawan ko dahil natumba ako sa ginawa sa akin ni mama.Gumapang ako papunta sa harap ni mama at nanginginig na niyakap ang paa niya. Wala na akong ibang mapupuntahan, sila na lang ang makakatulong sa akin.“Mama,” hagulgol ko.Ngunit hindi ko nakikita ang awa kay mama. Si papa ay galit na nakatitig sa akin habang ang tatlo kong kapatid ay walang magawa kundi ang panoorin na lang ako sa takot na baka madamay sila. Nagbibingi bingihan at bulagan sila sa paghingi ko ng tulong.Napasubsob na lang ako sa lupa ng tadyakan ako ni mama. “Pagkatapos mong tumalikod sa pamilya babalik ka? Astrid nakakalimutan mo na yata na hindi ka na parte ng pamilya.”Halos manlomo ako sa sinabi ni mama. Wala akong nagawa kundi ang panoorin sila papasok sa amin bahay. Hindi kami maya
Bawat lagok ng alak sa lalamunan ko ay ang pait ng mga nadatnan ko kanina sa bahay ng boyfriend ko. Dalawang taon, ang lahat ng tiwala ko nawala lang sa isang segundo matapos ko itong makita na nakapatong sa isang babae at parehong hubad ang katawan.flashback........“Astrid,”Mabilis akong tumalikod at naglakad palabas ng bahay nila. Nanginginig ang katawan ko sa galit, ang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa pagwawala. Walang ibang pumasok sa isipan ko kundi ang panloloko sa akin ni James.“Astrid.” Hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan ako sa pag alis. Nasa labas na kami ng bahay nila.Ang nanginginig kong palad ang sumalubong sa kaniya. Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ko na akala ko kaya kong pigilan.“Putang ina James, ano iyon?” Galit na tanong ko habang tinuturo ang bahay nila kung saan naiwan yung babae. Napansin ko rin na baliktad ang boxer na suot nito, siguro sa pagmamadali na isuot dahil gusto akong habolin. “Ano yung nakita ko?” Dagdag na tanong ko.Hinawakan n