Se connecter“So, what work do you prefer?” Malamig na simula nito ng makaupo sa mamahalin niyang itim na upuan.
Nilibot ko ang tingin pagpasok ko sa loob ng opisina niya. Walang kabuhay buhay, dalawang kulay lang ang nakikita ko, kulay itim at abo lang. Umangat ang ulo ko sa lalaking prenting nakaupo sa harap ko, seryoso at matalim siyang nakatingin. Napansin ko ang daliri niyang nilalaro ang labi niya habang seryoso na nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin ng may naalala ako. “K-Kahit ano po.” Nahihiyang sagot ko, napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking folder. Ramdam ko ang kaba sa aking buong katawan. Paano nakakatakot naman kasing kaharap ang lalaki. Parang sobrang taas niya, at kung titignan parang ang hirap niyang abotin. Parang hindi ako sinamba noon ah? Napakagat ako ng labi. Naalala ang nangyari sa amin. Astrid, focus, masyadong mataas ang lalaking nadali mo. Baka mamaya isipin isa kang malandi. “Be my P.A then.” Sambit niya. Lumaki ang tenga ko sa narinig. Kusang kumawala ang ngiti sa labi ko. Halos lapitan ko pa siya sa sobrang saya, mabuti napigilan ko ang sarili ko. “Talaga po? Tanggap na ako?” Halos tumalon na ako sa saya. Mabuti pa iyong boss madaling pakiusapan, eh yung mga tauhan niya? Mas mahigpit pa sa amo, grabe. Ano yung P.A? “Do you have a resume?” “Ano po yung P.A?” Sabay kaming nagsalita. Nakita ko ang pag igting ng panga niya at pagtalim ng titig niya sa akin, hindi siya makapaniwala sa tanong ko. Nahihiya naman akong ngumiti bago inilabas mula sa folder ko ang resume na hinahanap niya. Lumapit ako mula sa harap niya at inilapag sa mamahalin itim na lamesa ang resume ko. Pinulot niya ito at halos mabura na ang mukha sa pagkunot ng buo niyang mukha. “Ang kapal ng mukha mong pumasok bilang secretary ko eh hindi ka naman nakapagtapos ng pag-aaral.” Hindi makapaniwala na sambit niya. Napalunok ako. Nakaramdam ng hiya. Tama nga naman siya, patapos na sana ako ng high school , isang taon na lang ng tumigil ako. “Pero madiskarte ako.” Malakas ang loob na sambit ko. Sinulyapan niya ako bago ibinaba ang resume. “You don’t even know what P.A means!” Nakakainsultong sabi niya. “Ang sabi ko, madiskarte ako sir, hindi ko naman sinabing matalino ako.” Halos umikot ang mata ko pero mabilis din ngumiti ng makita ang pagtalim ng mata niya sa akin. “Promise sir gagalingan ko. Paghuhusayan ko ang trabaho ko---” “What is P.A?” Seryoso na naman siya. Nakita ko ang pag ngisi niya bago sumandal sa kaniyang upuan. Parang inaasar ako. Nahihirapan akong lumunok. Nagsimula na din mamawis ang palad ko kahit sobrang lamig naman dito sa opisina niya. “Hindi ko alam kung ano iyong P.A pero kapag sinabi mo sa akin malalaman ko sir.” Nahihiya kong sagot. Muli niyang nilagay ang kamay niya sa kaniyang bibig habang nakatingin sa akin. Napansin ko rin ang pagkislap ng mga mata niya. Tumango tango pa siya. “I have a proposal for you.” Simula niya. “Tatanggapin kita sa trabaho pero pumayag ka muna sa gusto ko.” Huminga siya ng malalim bago ako tinitigan ng maayos. Hindi ko maiwasan mailang sa klase ng titig niya. Na nagtataka tuloy ako sa itsura ko ngayon. Isang araw na akong hindi naliligo pero maayos naman ang red dress na suot ko ngayon. Kahit walang make up, ayos lang, hindi naman beauty pageant ang pinuntahan ko para magpaganda. Hindi ako nagsalita, hinintay ko lang ang sasabihin niya. Bigla tuloy akong kinabahan. “Be my wife….” Laglag ang panga ko at halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya. Hinintay ko na isunod niya ang mga it’s a prank, pero hindi niya binawi ang sinabi niya. “My fake wife, actually!” “Bakit ako?” Halos tumaas ang boses ko dahil sa kaba. Gwapo gwapo niya tapos sa isang hampas lupa pa na kagaya ko siya mag proposed. Sa sobrang gwapo na ba niya hindi na siya nakukuntento sa mga magagandang ka level niya? “Because you need money, and I want my company.” Seryoso siyang nakatingin, hindi tinatanggal ang mata sa akin. “ My parents want me to get married. I can’t disappointed them.” Muli akong napalunok. Hindi makapaniwala sa mga naririnig. Kaya nga, bakit ako? Impossible naman sa sobrang gwapo niyang iyan wala siyang natitipuan? Sure naman akong papatolan siya. “Ang bata mo pa sir, gusto na agad ng parents mo na maikasal ka?” Kung titignan, mukhang magka age lang kami. Besides, I’m still yung, yang, yong. Shit Bata pa ako, Twenty two ko lang tapos kasal agad? Pero fake naman, pwede na? Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya at hanga sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Nang makitang nakatitig ako sa kaniya ay tumikhim siya bago muling binalik ang seryoso niyang mukha. Napanguso ako. Mas maganda siyang pagmasdan kapag nakangiti siya. Mas lalo siyang gumagwapo. “I am already thirty, miss.” Teka, ang lakas ng hangin. Bigla akong nawalan ng balanse sa narinig. “Trenta ka na?” Hindi ko na naman napigilan napasigaw. Lumapit na ako sa kaniya at mula sa gitnang lamesa ay inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Kumunot ang noo ko, ang ganitong mukha, malapit ng mabura sa kalendaryo ang edad? Kung trenta na niya. Napahawak ako sa bunganga ko ng may marealize. Tang ina, bente dos siya ng may nangyari sa amin? Mariin akong napapikit ng itulak niya ang noo ko gamit ang hinlalaki niya. “Overreact?” Inis na sabi niya. Ilang beses kong ipinikit ang mata ko. “Hindi lang ako makapaniwala.” Umayos na ako ng tayo, para kasi akong malanding babae na nakatuwad sa harap niya. “So, do you agree, miss?” Seryoso ko siyang tinitigan. Wala yata sa bokabolaryo ng lalaking ito ang salitang pagbibiro. “Ano naman ang mapapala ko sa pagsang ayon ko sa pekeng kasal na iyan?” Matapang na tanong ko . “Name your price, I can pay you how much you want.” Itinukod nito ang dalawang siko sa lamesa bago pinagdikit ang kamay niya. “Name it, Astrid.” “Pera?” Napaupo na ako sa harap niyang upuan. Kanina pa ako nakatayo , hindi man lang siya nagmalasakit na paupuin ako. “Yes, money!” Ulit niya. Ito na ba ang sagot sa mga hinihiling ko? Mariin akong napapikit, bahala na. Mas mabuti ng maging desperada sa pera, lahat naman ng tao mukhang pera. “Sabihin mo kung ano ang mga kasunduan bago ako pumerma.” Nakita ko ang pag ngisi sa labi niya. Sa mga tingin pa lang niya para na niya akong hinuhusgahan. Umiwas ako ng tingin. Lahat kaya kong gawin, matulungan lang ang nag-iisang kakampi ko sa buhay."Masarap?" Nakangiti na tanong ni Thor.Nasa mamahalin kainan kami ngayon. May malaki na Chandler sa gitna ng restaurant. Magkakalayo ang mga table na halos hindi ko na matanaw. Madilim ang paligid. May tumutugtog ng violin sa isang tabi habang kumakain kami.Nahihiya pa ako dahil ang simple ng suot ko. Pareho kaming nakapang bahay ni Thor. Ang sabi niya kasi kakain sa labas. Akala ko iyong nakikita sa mga street hindi ko naman alam na sa Fancy restaurant pala niya ako dadalhin.Mukha tuloy kaming naligaw na pulubi. At least kahit naka pang bahay si Thor at walang alahas sa katawan bukod sa relo niya, eh mukha pa rin siyang mayaman. Samantala ako mukhang basahan."Oo, malambot siya tapos naiiwan sa dila ang lasa..." Sabi ko. Tumango siya. "Bakit pala dito tayo kumain? Sigurado na mahal dito..." Nahihiyang tanong ko."Deserve mo lahat ng mahal na pwedeng mabili dahil mahal kita..." Sabi niya, nakita ko ang pamumula ng leeg at pisngi niya.Natawa na lang ako. "Talaga?" Sabi ko, tumango
"Nasaan ang anak ko?" Galit na tanong ko sa kaniya."Mabuti naman dumating ka. Kailangan ka pa palang pwersahan eh bago magpakita." Natatawa na sabi niya. "Nasaan ang pera."Diyos ko naman Cris bakit kailangan mong idamay ang pamangkin mo? Alam mo naman na may sakit siya diba?"Ibang iba na ang Cris na kaharap ko ngayon kaysa noon. Alam ko na makasarili na siya noon pero mas malala siya ngayon. Mas lalo rin siyang pumayat at nangingitim ang gilid ng mga mata niya."Ilang beses akong nagpunta sa bahay niyo, ang sabi ni Tanda nasa hospital ka raw. Napano ka ba? Sa pagkakaalam ko hindi ka naman sakitin.""Please ilabas mo na si Astria. Baka mapano ang anak ko Cris, hindi ko kakayanin...." Halos maiyak na sabi ko.Umiling siya at lumapit sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang braso ko. Kumunot ang noo niya at kahit pilitin niyang itago ay hindi niya naitago ang gulat at galit na dumaan sa mga mata niya."Sugat na galing sa latigo ito ah. Sinasaktan ka ba ng walang hiya mong asawa
Umalis din agad si Divine dahil tumawag si Gelo sa kaniya at sinabing hinahanap siya ni Astria. Hindi naman niya pwedeng sabihin sa anak ko na nanggaling siya sa akin dahil tiyak na magtatampo iyon.Pag alis niya ay tumahimik na naman ang paligid. May dumating na nurse at tiningnan ang kalagayan ko. Pagkatapos ay binigyan nila ulit ako ng gamot at pinahiran ng cream ang sugat ko upang habang gumagaling siya ay hindi magkaroon ng peklat ang balat ko.Ilang araw pa akong nanatili sa hospital. Araw-araw akong dinadalaw ni Thor upang dalhan ng makakain o hindi kaya ay para bihisan ako. Sa umaga at gabi naman ay nag oorder siya ng makakain ko at pinapadala dito, may kasama pang bulaklak.Inayos ko ang buhok ko. Ngayon araw na ako makakalabas. Naka ayos na lahat, si Thor ay binabayaran na lang ang bill ko."Let's go?" Saad niya ng makapasok sa loob.Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Pagkalabas namin ay lumanghab agad ako ng sariwang hangin. Sa wakas ay nakalabas na ako.Naglakad kami papunt
Hindi ako naka imik sa pagbabanta sa akin ni Tita Sonya. Tahimik lang akong umiiyak habang iniinda ang pwet ko na tumama sa sahig."Sinong po ba ang gusto niyo para kay Thor? Ang kagaya ni Sofia?" Walang emosyon sabi ko habang nakatingin sa sahig.Tinignan ko siya at kita ko ang panggagalaiti sa mukha niya."Oo! Dahil si Sofia lang ang karapat dapa--""Karapat dapat? Ang babaeng parati niyo na pinapaburan ay ang taong nagpapatay sa panganay mo...." Hindi ko na napigilan sigawan siya sa sobrang inis na nararamdaman. "Ano po ba ang pinakain sa inyo ni Sofia at tiwalang--""Sisiraan mo pa si Sofia sa akin..." Sabi niya. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ang buhok ko at hinatak patayo. Napayuko ako sa harap niya dahil sa paghawak niya ng mahigpit sa buhok ko. "Sino ka para magsabi kung sino ang pumatay sa anak ko? Matagal na namin siyang naipakulong..""Nagkakamali po kayo..." Matigas na sabi ko. Hindi alintana ang pananakit niya sa akin. "Siya ang nagpapatay kay Warren--""WALA KANG
"SOFIA!"Galit na galit si Khalil ng lapitan niya si Sofia at hatakin palabas ng kwarto ko."Nababaliw ka na ba talaga?" Rinig kong tanong ni Khalil."What are you doing? Let me go!"Napahawak ako sa likod ng palad ko ng mawala na sa pandinig ko ang mga boses niya. Nakahinga ako ng maluwag. Kanina kasi ay para akong nalulunod sa mga pinagsasabi ni Sofia sa akin.Ang babae na iyon. Sukdulan na ang kasamaan. Nagagawa ng aminin ang mga bagay na ginawa niya. Masyado kasi siyang kampante na paniniwalaan siya.Muli kong nilabas ang cellphone ko at muling pinakinggan ang record."Malandi ka. Marami na akong isinakripisyo makuha ko lamang si Thor. Si Warren na hadlang sa pagmamahalan namin? Tinanggal ko sa landas, sa tingin mo ay hindi ko kayang gawin sayo iyon?" "Mahal?" Gulat na tawag sa akin ni Thor.May hawak siyang paper bag. Bigla akong kinabahan dahil narinig niya ang audio."Is that Sofia?" Tanong niya, tumigas ang panga.May balak naman talaga akong sabihin sa kaniya ang tungkol sa
Hindi ako mapakali habang lumilipas ang bawat segundo. Natatakot ako na baka maniwala si Thor sa kaniyang ina.May dumating na rin na Doctor upang tingnan ang kalagayan ko. At nalinisan na rin nila ang mga sugat ko ngunit wala pa rin si Thor.Naalala ko ang sinabi ni Tita Sonya. Hindi ako makapaniwala na nakaisip agad ng alibi si Sofia upang linisin ang pangalan niya.Ngunit hindi ako tanga at mas lalo na hindi ako bobo. Oo nga, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral ngunit hindi sukatan ang edukasyon upang maging matalino.Kinuha ko sa may lamesa sa gilid ng kama ang cellphone ko. Pumunta ako sa record at doon nakita ko ang audio kung saan inamin ni Sofia na plano niya ang pagkidnap noon sa kanila kaya namatay ang kuya ni Thor.Hindi ko alam kung kailan ko ipaparinig ito kay Thor ngunit alam ko na dapat maiparinig ko na ito sa kaniya ng maaga.Nang bumukas ang pinto, inaasahan ko si Thor ang papasok dito sa loob ngunit nagulat ako ng si Khalil ang dumating."Astrid...." Tawag niya sa pa


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




