“Are you okay, beks?” tanong sa akin ni Orlie nang makabalik kami sa lamesa namin. Concerned na concerned sa pagkatulala ko ang bestie ko.
“Never been better!” sabi ko naman sa kanya sabay lagok ko sa iniinom kong beer. Ibinalik ko ang ngiti ko sa mukha ko. Imbyerna ako, oo. Kami pa pero may dinadale nang iba. Syempre, nasaktan ang ego ko. Pero ‘yong pakiramdam na nasaktan ang puso at iiyak, parang hindi naman. Hindi pa kami ganoon kalalim ni Marc. Nanghihinayang lang ako kasi si Marc na ang pinakamatagal kong boyfriend. Kahit medyo juts sya ay gwapo naman si Marc at may stable rin na trabaho. Ipi-period ko na nga sana sa kanya. Magpapakatino na ako, kumbaga. Buti na lang din nalaman ko na nang maaga. Dito kami sa disco bar na ito nagkakilala ni Marc, dito rin nagtapos ang relasyon naming dalawa. “Uy si Pogi, bumababa na!” turo ni Orlie sa lalakeng naka-eye to eye ko kanina habang gumigiling ako sa dance floor. “Uuwi na ‘ata, maaga pa ah! May nyosawa (asawa) na siguro,” sabi ni Orlie na medyo nadidismaya. “Does it matter kung may asawa o wala?” pinilantik ko ang nakapuyod kong buhok habang tinitingnan ang lalakeng naglalakad pagawi sa likuran ko papuntang exit ng disco bar. Nabuhayan ng loob sa akin si Orlie. “That’s my girl!” at napapalakpak pa talaga si bakla. “Sige beks, magpaka-hot ka! Prove Marc nagkamali sya sa ginawa nya sa ‘yo!” +++++ “Ooopsie!” naglulumanding sambit ko nang masilo ko ang braso ng lalake habang dumadaan sya sa likuran ko. “Hi!” napakatamis ng ngiti nya sa akin. Syet! Sobrang pogi naman pala sa malapitan. At ang bango! Weakness ko pa naman ang mababangong lalake. Buti na lang nakaupo ako kundi nalaglag na ang panty ko kasama pati bra. “Uuwi ka na?” inipit ko ang lumugay na buhok sa likod isa kong tenga. Narinig ko ang pag-ubo ni Orlie pero hindi ko sya pinansin. “I don’t own a house here,” sagot ng lalake. Syet. English. Slang. Mapapalaban si Ma’am Kat. “So… Where do you live?” “U-hu, u-hu…” Tinapunan ko na ng masamang tingin si Orlie. Nasisira nya ang diskarte ko. Agad naman naka-gets si bakla. Tumayo na sya sa kinauupuan nya karay-karay ang pandak nyang ka-date. “Beks do’n muna kami ha, ang hot dito eh. Hindi umaabot ang aircon.” Nakita kong magka-abresiete ang dalawa na may palingon-lingon pa sa akin habang tumatawa. “Where are you staying?” ni-rephrase ko na lang ang tanong ko. Para nga namang sa kindergarten lang tinatanong ‘yung ‘where do you live?’ “At a hotel room.” “You wanna join me here? My friends just left me.” “Oh, I’m sorry but I think I had more drinks that I could handle, but, thanks.” Kinabahan ako bigla nang matanaw ko si Marc na kausap si Orlie. Nagsasalubong ang kilay ni Marc tapos tumuturo si Orlie sa ibang direksyon. Malamang hinahanap nya ako at galit sya sa akin sa ginawa kong pagtubog sa slacks at brief nya sa sink ng men’s room. Hindi afford ng kagandahan ko ang pangalawang komprontasyon. Nag-isip ako agad ng paraan. “C-can I come with you?” Tumayo ako sa kinauupuan ko. Medyo hinila ko ‘yong lalake palapit sa akin para matakpan nya ako sa paningin ni Marc. Tinanggal ko na rin ang pagkakatali ng buhok ko, nilugay ko iyon kunwari nagpapa-cute ako. “Ah… I don’t think—” Nakita ko si Marc na pagawi na sa direksyon ko, bigla akong nataranta. Tumingkayad ako nang konti sabay siniil ko ng halik ang lalake na nasa harap ko. Kumunyapit ako sa leeg nya nang medyo lumalayo sya sa akin sa sobrang gulat nya. Nakita ko si Marc na naglakad sa likuran ng lalakeng kahalikan ko, luminga-linga sa paligid saka tuluyang lumabas ng exit. Nakakahinga na sana ako nang maluwag pero naramdaman kong niyayapos naman ako sa likod ng lalake. Nababali na ang likod ko sa paghabol nya sa mga labi ko kaya bumitaw na ako sa leeg nya. “You kissed me,” bumubulong sya malapit sa bibig ko. “What’s your name?” Naamoy ko ang brandy na nainom nya na humahalo sa pabango nya. para akong nabitin bigla. Napalunok ako ng laway. Hindi ako nakapag-focus kanina sa kakatago ko sa ugok na Marc na ‘yon. Ang gwapo talaga, ang tangos ng ilong at ang mga mata, chinito. Tinitigan ko ang mga labi nya. Para akong nababatobalani. Baka hindi ako makatulog kung hahayaan ko na lang matapos ang gabing ito nang hindi ko matitikmang muli ang mga labi nyang iyon. “Ahm... Can w-we try again?” Hinalikan ko sya ulit. This time, naka-concentrate na ako. Bahagya nyang pinaling ang ulo nya sa kanan. Shit, para na akong dinuduyan. Ang sarap nyang humalik. Napakabanayad. Nadala na ako, naisampay ko na tuloy ang mga braso ko sa balikat nya. Niyapos nya pa akong lalo. Dikit na dikit ang mga katawan namin sa isa’t isa. Naramdaman ko ang dila nya kada buka ng bibig nya sa akin, kumawala ang mahihinang ungol ko. Halik palang naungol na. De pota talaga! “Get a room!” Narinig kong may sumigaw. Narinig nya rin ‘yon kasi sabay kaming napabitaw. Natawa ako. Napakamot naman sya sa ulo nya tapos nagpalingon-lingon sya sa paligid habang sapo-sapo ang batok nya na parang hindi nya matandaan kung paano sya nakarating sa harap ko. Napahagikhik ako. “D-do you? Ah— s-sorry,” Hala, nautal na sya sa pagkailang. “Sorry… Sorry…” “Why are you saying sorry?” Natatawa akong lalo sa kanya. Tinitingnan nya na lang tuloy ako na tawa nang tawa. Alam ko namang gusto rin nya kung anong naiisip kong gawin. Ako na lang ang magsasabi nang hindi nya magawang bigkasin. “You wanna get outta here?” Uyy, gumanda ang English ko. Magka-holding hands na kami paglabas namin ng disco bar.Pinagmamasdan ko ang mga microwavable tubs na pinahatid ni Mama sa driver ng mansyon dito kanina. Buti hindi sya nagalit noong tumawag si Seiji para magpaalam na hindi na kami tutuloy sa dinner ngayon, hindi naman kasi sya nagagalit kay Seiji kahit na anong sabihin nito. Pero kung ako ‘yung tumawag malamang sa natulig na naman ang aking tenga sa sermon nya.“I will reheat all of this so you can eat it warm, madame,” ani Mamancona na isinasalansan ang mga tub sa isa nyang braso. “Seiji is upstairs. He will join you later after he finishes the meeting.”“Yes, please. Thanks, Mamancona,” ngiti ko sa kanya. Napatingin ako sa hagdan paakyat ng third floor. Pagdating na pagdating namin dito sa bahay, dumiretso na sya agad sa taas; ni hindi nga nya naiparada nang maayos ang kanyang sasakyan. Maski si Veronica na iniwan namin sa ospital ay hindi pa rin dumarating. Napakatagal naman ng meeting na iyon ni Seiji. Nakatapos na akong kumain at nakapagpalit na ng damit-pantulog pero hindi pa rin
I smiled and gently touched Kataleia’s knees para magpaalam na lalabas ako para sagutin ang tumatawag. She just gave me a nod at nagbaling muli ng tingin kay Veronica na nangingiwi habang nilalapatan ng lunas ang sugat sa noo. “Ii shiai datta ne, Oyabun. Nani ga atta ka wakannai kedo, shiai mite nakatta n da yo ne, (It was a good match, Boss. I don’t know what happened; I wasn’t watching the fight,)” mahinang sagot habang nilalakad ko ang palabas ng ER. “Our friends are not happy with the result, and so am I. Losing that huge amount of money to a useless fight is so frustrating. You disappointed me for the second time, Shateigashira.” Yasou sounded calm, yet there was no mistaking the fury beneath his measured tone. “I sincerely apologize. I wasn’t expecting that, too. It won’t happen again, Oyabun. I assure you. ” “Where were you? I was calling you, but you seem to always disappear when you are needed.” "I'm just taking care of a few things, Oyabun. I’m sorry, I was about to
Tumahimik ang paligid ng ilang segundo na tila napakatagal para sa akin, hanggang sa sinagot na rin nya ang tanong ni Kataleia. “Uhm, oo, nauntog. Nauntog ako. Hindi ko kasi nakita… Madilim dito,” napakahinang bulong ni Veronica na halos hindi bumuka ang mga namamaga nang labi. Para akong nabunutan nang malaking tinik sa lalamunan. “See? Nauntog. Nagulat na nga lang ako pag-akyat ko dito umiiyak na sya eh. Hay naku! Ipapalipat ko na nga 'yang pasong ‘yan, laging na lang may nadidisgrasya rito,” natatawa na naiiling ako. Daig ko pang nakapasa sa bar exams nang maibsan ang kaba ko. “Magpahinga ka na Veronica. Ipapasunod ko na lang sa kwarto mo ang first aid kit... ‘Lika na, love.” yakag ko sa kanya. “Gutom na ‘ko, baka hindi pa sila kumakain kakahintay sa ‘tin,” Hinawakan ko syang muli sa braso pero tinapik nya nang malakas ang aking braso. “Hindi pwede! Anong first aid kit?! Kelangan ‘tong matahi,” although may pagpa-panic, marahan nyang sinapo ng panyo ang tumulong dugo sa pisngi ni
“Hindi ba sinabi kong h’wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya?!” gumaralgal ang boses ko sa lakas ng aking hiyaw. “Napakawala mong silbi!” “Pa-pasensya na, Boss. A-aalis na po ako nga-ngayon— hahanapin ko si Madame,” nagkakandautal sya sa takot sa nag-aapoy kong titig. Tumalikod sya sa akin at akmang lalayasan ako kaya hinablot ko ang maiksi nyang blonde na buhok, hinatak ko ‘yun at naglakad patungo sa bahay. Hanggang sa napahiga sya sa semento ay hindi ko binitawan ang buhok nya at nagpatuloy sa bilis ng paglalakad. Dumidilim ang utak ko sa nagpupuyos kong galit. Hindi ko na naririnig ang mga matitinis nyang tili sa sakit na dulot ng pagkakakaladkad ko sa kanya paakyat sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. “Saan sya nagpunta??!” nanggagalaiting hiyaw ko pagbalibag ko sa maliit nyang katawan sa gilid ng sofa, nauntog pa sya sa matulis na gilid ng kwadradong paso ng halaman kaya dumugo ang malapit sa kanyang kilay . “Nasampal na kita kanina bago kayo umalis, ‘di ba? Hindi ka p
Ilegal ang mga laban sa aking flight club. Mga puganteng kriminal ang aking mga manlalaro—mga itinakwil ng batas at itinulak sa aking teritoryo. Walang anunsyo sa TV o radyo, walang media, walang permit. Isa lang ang batas dito: lumaban hanggang sa huling hininga. Ang gantimpala? Kalayaan para sa nag-iisang mabubuhay na higit pang mahalaga kesa sa pera. At tanging mga high-definition na kamerang nakakonekta sa bahay ni Yasou at ng ilan pang kasapi ng pamilya ang tahimik na nagmamasid sa bawat laban. Sa aming pamilya, death boxing is a sport— a tradition. A challenge of courage. The definition of honor. Isang tournament kung saan ang bawat igkas ay hindi lang pagsubok ng lakas, kundi pati na rin ng tapang at paninindigan. Dito, ang bawat manlalarong nasa loob ng ring ay hindi lumalaban para lang manalo, kundi para patunayan ang kanilang sarili at para sa kanilang kasarinlan. Sa ring na ito, hindi sapat ang bilis ng kamao o tigas ng katawan. Kailangan ng tibay ng loob, dahil ang bawa
[Seiji’s POV] “Aniki! Faito Kurabu o katte ni shimeru nante arienai! Koko de sore ga wakattara, watashitachi no pātonā ga dore dake okoru ka wakatteru no ka!? (Older brother! You can’t just close the fight club like that! Do you know how frustrated our family will get?!) “Kore wa watashi no bijinesu da. Shimeru ka dou ka wa watashi no jiyuu da. (This is my business. Whether I close it or not is my choice.)” mahinanong tugon ko sa kausap ko sa malaking monitor. Bumuntung-hininga ako at hinila ang aking buong bigat sa nakalaglag na lubid. I can feel my muscles flexing with each pull. “No, we cannot do that. The cards have already been laid out, and it is not possible to return their money so easily. That is not how things are done!” Gumusot pang lalo kulubot nyang mukha sa galit nya nang ibalita ko sa kanya na isasarado ko na ang club na matagal kong pinagyaman. Kanina pa nya ako sinisermunan. Paulit-ulit na ang pagpapaliwanag ko, mapa-English, Tagalog, o Nihongo, wala syang mai