ホーム / Romance / The Billionaire's Precious Diamond / Chapter 13 "Under the moonlight"

共有

Chapter 13 "Under the moonlight"

作者: BleedingInk29
last update 最終更新日: 2025-11-26 20:58:07

ELLISON MANSION

Hatinggabi na nang makauwi si Harrison mula Cebu. Tahimik ang buong mansion; tanging tik-tak ng lumang grandfather’s clock sa hallway ang maririnig. Ang bawat yapak niya sa marmol ay mabigat, tila sinasabayan ng bigat ng mga iniisip niya. Hawak pa niya ang coat na isinampay sa braso, may bahid ng pagod sa mukha pero buhay ang apoy sa mga mata.

Pagdaan niya sa tapat ng silid ni Azalea, bigla siyang natigilan. Para bang may invisible na puwersang pumigil sa kanya.

Ilang segundo siyang nakatayo roon, walang imik. Tahimik ang paligid, pero sa katahimikan na iyon—ramdam niya ang presensiya ni Psyche sa loob.

Marahan niyang inilapit ang kamay sa doorknob. Sandaling tumigil. Sa halip na buksan, idinikit niya ang palad sa malamig na kahoy ng pinto.

"Azalea..." mahina niyang bulong, halos wala sa sarili.

Ilang sandali siyang nanatiling gano’n—tila sinasamba ang pintuang iyon na parang altar. Hanggang sa bumuntong-hininga siya, malalim at mabigat. Pagkatapos, dahan-dahan siyang
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 15 "Imminent Danger"

    BLVCK CAFÉ, MALL OF ASIA, PASAY CITYSa isang sulok ng BLVCK Café sa SM Mall of Asia, masayang nagkakape ang grupo. Pagkalapag ng orders sa mesa, agad na kinuha ni Calista ang cupcake at ngumiti.“Buti naman at pumayag si Kuya Harrison na gumala ka with us,” sabi ni Calista habang humigop ng kape.“Strict man siya,” sagot ni Claire, halos kinikilig. “Pero kung si Harrison ang magseset ng rules, okay lang. Kahit ikulong pa niya ako habang-buhay.”Lance rolled his eyes. “Tumigil ka nga sa pangarap mong imposibleng mangyari.”“Excuse me?” kontra ni Claire, taas-kilay. “Hindi imposible, baka biglang maging totoo!”Napailing si Kenshin habang tumatawa. “Ayan na naman kayo. Parang mga grade schoolers na walang humpay sa asaran.”Tahimik lang si Psyche, nakangiti habang pinagmamasdan ang kakulitan ng barkada. Ang tawa nila’y umaalingawngaw sa paligid, halong saya at kabataan.Pero habang masaya ang grupo, hindi nila alam—may isang pares ng matang matalim na nakatutok sa kanila. O mas tumpak—

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 14 "Sweetest Comfort"

    INTERNATIONAL SCHOOL MANILA (ISM)Break time na, at abala ang mga estudyante sa kanya-kanyang grupo. Sa ilalim ng malaking punong mangga, tahimik na nakayuko si Psyche sa mesa, mahimbing ang tulog. Halatang kulang sa pahinga—at hindi lang basta pagod, kundi may iniisip.Sa isip niya, paulit-ulit pa ring bumabalik ang eksenang naganap kagabi sa balcony... ang mga salita, ang titig ni Harrison, at ang init ng gabing hindi niya maintindihan.Lumapit sina Calista at Claire, parehong nagtatakang parang detective na nag-iimbestiga."Uy, look o—si Psyche," bulong ni Claire, sabay kindat kay Calista."Parang zombie. Baka naman hindi natulog kagabi," hirit ni Calista, sabay alog ng balikat ni Psyche.Napailing silang dalawa."Feeling ko binge-watch na naman ng K-drama ‘to," sabi ni Claire, tawa ng tawa."O baka nag-review sa exam. Hindi na nga nagrereply sa GC kagabi eh," dagdag ni Calista.Hindi pa rin gumagalaw si Psyche. Kaya naglagay si Claire ng kamay sa baba at nagkunwaring detective."P

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 13 "Under the moonlight"

    ELLISON MANSIONHatinggabi na nang makauwi si Harrison mula Cebu. Tahimik ang buong mansion; tanging tik-tak ng lumang grandfather’s clock sa hallway ang maririnig. Ang bawat yapak niya sa marmol ay mabigat, tila sinasabayan ng bigat ng mga iniisip niya. Hawak pa niya ang coat na isinampay sa braso, may bahid ng pagod sa mukha pero buhay ang apoy sa mga mata.Pagdaan niya sa tapat ng silid ni Azalea, bigla siyang natigilan. Para bang may invisible na puwersang pumigil sa kanya.Ilang segundo siyang nakatayo roon, walang imik. Tahimik ang paligid, pero sa katahimikan na iyon—ramdam niya ang presensiya ni Psyche sa loob.Marahan niyang inilapit ang kamay sa doorknob. Sandaling tumigil. Sa halip na buksan, idinikit niya ang palad sa malamig na kahoy ng pinto."Azalea..." mahina niyang bulong, halos wala sa sarili.Ilang sandali siyang nanatiling gano’n—tila sinasamba ang pintuang iyon na parang altar. Hanggang sa bumuntong-hininga siya, malalim at mabigat. Pagkatapos, dahan-dahan siyang

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 12 "He cares"

    ELLISON MANSION — TERRACENasa terrace si Don Ramon nang datnan siya ni Harrison. Ang hangin ay malamig, may kasamang halimuyak ng gabi at kape.Tahimik na umupo si Harrison sa tapat ng matanda. Sa pagitan nila, isang porselanang tasa ng kape ang bahagyang umaaso, tila sumasabay sa usok ng kanilang mga iniisip.“Kumusta ang trabaho mo, apo?” tanong ni Don Ramon, may ngiting puno ng pagmamalasakit.“Okay lang naman, Lolo,” sagot ni Harrison habang marahang iniikot ang tasa sa kamay, parang may pinagninilayan.Tumango si Don Ramon, bahagyang nakangiti. “Kumusta naman ang paghahanda para sa debut ng aking prinsesa?”Napatingin si Harrison sa kanyang Lolo, diretso at tapat ang mga mata.“Ipinapangako ko, Lolo,” mababa pero matatag ang tinig niya. “Ang debut ni Azalea will be the most spectacular of them all. Hindi lang magarbo—pero espesyal. Para maramdaman niyang mahal siya ng lahat.”Kita sa mukha ni Don Ramon ang saya at pride. “Mabuti. Gusto kong sa gabing iyon, wala siyang ibang mara

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 11 "Between two friends"

    LOS ANGELES, CALIFORNIA, U.S.A.NATALIE’S OFFICESumilip si Raffie sa pinto ng opisina ni Natalie.“You have a visitor,” sabi niya.“I’m busy,” malamig na tugon ni Natalie, hindi man lang tumingin.“Don’t you even want to face me?”Lander’s voice cut through the air as he stepped inside.Napatingin si Natalie — and just like that, her face softened. Tumayo siya agad at niyakap ito.“Lander!” she breathed out, relief and surprise blending in her tone.“How have you been?” tanong ni Lander, genuine concern written on his face.“I’m doing my best,” sagot ni Natalie, may bahid ng pagod sa ngiti. “I’ve moved on, somehow. What brings you here? When did you get in?”“Just a few hours ago,” sagot niya, may ngiting pamilyar.“And you came straight here?” Natalie chuckled.“Of course. You’re still on top of my ‘must visit’ list,” biro ni Lander, sabay kindat.“Don’t flatter me too much, Lander,” natawang sabi ni Natalie.“I’m just being polite,” sagot nito sabay abot ng kape. “Peace offering.”

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 10 "Devil in tailored suit"

    INTERNATIONAL SCHOOL MANILA (ISM)Pagkapasok pa lang ni Miranda Hidalgo sa classroom, biglang tumahimik ang buong klase—para bang may dumating na bagyong walang hangin pero puno ng tensyon.Ramdam niya ang mga matang sumusundan sa bawat hakbang niya. May ilang curious, may ilan na nagbubulungan… at mayroon ding mga pilit kinukubli ang ngisi, as if they were secretly enjoying her downfall.Napatingin si Miranda sa grupo nina Psyche Azalea Ellison.She held Psyche’s gaze for a split second—sharp, defensive—but quickly looked away, pretending she didn’t care.“Hi, girl.”Lumapit si Cheri, agad siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.“How are you?” tanong nito, may halong takot at pag-aalala.Miranda forced a thin smile. “I’m fine… but my family isn’t.”Napataas ang kilay ni Cheri. “So, totoo nga? Ginigipit kayo ni Harrison Cale Ellison?”A bitter laugh escaped Miranda. “Yeah. My family’s in deep crisis… and only Harrison has the power to save us.”“Grabe,” bulong ni Cheri. “My mom always

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status