January 2001
Tondo, Manila
"Hi, babe!" Inabot ni Anthony sa girlfriend ang isang tangkay ng rosas na pinitas nito sa paso ng nanay niya.
"Hmp! Binawasan mo nanaman ang bulaklak ng tanim ng Mama mo," kunyari ay sumimangot ni Andrea
"Marami pa namang tanim si Mama, ayaw mo ba? Sa iba ko na lang ibibigay sige ka," tukso nito
"Ah, ganun! Bakit may iba ka pa bang pinagbibigyan, ha?" nakapamewang na wika ni Andrea.
"Syempre ikaw lang." Hinapit nito ang bewang ng dalaga at hinagkan sa batok. Nagpumiglas naman si Andrea.
"Subukan mo lang Anthony, naku lagot ka talaga sa akin."
"Hmp! Ang bilis mo naman magalit, binibiro ka lang."
"Kumain ka na nga lang ng pan de coco tinirhan kita dyan alam ko paborito mo yan." Umupo ang kasintahan sa bankong upuan at itinuon ang mata sa palabas.
Nasa bahay sila ni Andrea sa Tondo, dalawang kanto ang layo mula sa tirahan nila.
"Ano ba yang pinapanood mo? 'Yan na namang teleseryeng puro kadramahan." Tumabi siya sa kasintahan habang kinakain ang pan de coco na kinuha sa ibabaw ng mesa.
"Anong kadramahan? Ang gwapo kasi ni Ashton no at si Vanessa ang ganda din. Bagay na bagay sila."
Tumayo si Anthony at kumuha ng tubig sa pitsel. Ang tirahan ng kasintahan ay isang maliit na kwarto na halos ilang hakbang lang mula kusina at sala. May isang double-deck bed na nagsisilbing higaan na tinatabinan ng kurtinang plastic. Kasama ng kasintahan ang isang pinsan na nag-aaral sa isang universidad bilang iskolar na pinopondohan ng gobyerno. Si Andrea ay third year high school pa lang at siya nama'y nasa kolehiyo na. He is taking up Business Management.
Ang ina ni Andrea ay isang ofw sa hongkong na siyang sumusuporta sa anak para makapag-aral. Ang ama nito ay hindi niya nito nakilala dahil iniwan ang ina nito noong ipinagbubuntis pa lamang si Andrea.
"Balang araw magiging artista din ako," wika ng kasintahan habang pinapanood ang paboritong teleserye.
"Nangarap ka na naman," nakatawang sabi niya. Pangarap nito noon pa ang makita ang sarili sa telebisyon. Kung sabagay ay may karapatan naman ang kasintahan na mangarap ng ganun. Maganda ang mga mata nito at maganda ang hugis ng ilong. At kahit sa maliit na apartment lang ito nakatira ay maganda ang kutis. Sa katunayan ay marami ang nanliligaw dito na higit pang maykaya sa kanya. Pero masuwerte siyang siya ang sinagot ni Andrea.
Nakilala niya ito nang minsang mayaya sila sa liga ng basketball sa kanilang barangay. Mula ng makita niya ito sa gitna ng mga nanonood na kabataan ay hindi niya ito tinantanan. Mas nene pa ito noon. Ngayon ay dalawang taon na silang magkasintahan. Kinse anyos na ang kasintahan at siya naman ay bente uno na.
"Malay mo naman kung ma-discover ako. Kaya nga ako laging tumatambay sa mall baka may makasalubong akong talent manager," tila nangangarap pa rin nitong wika. Natatawa naman siya sa sinasabi ng kasintahan.
"Mag-aral ka na lng muna. Kung magiging artista ka hindi ka makakatapos."
"Hindi bale na, yayaman naman ako," patuloy nitong pagtatanggol sa pangarap. "Makakaalis na ako sa bahay na 'to. Hindi na rin ako kukutyain ng mga kamag-anak namin na nabuntisan lang si Mama kaya ako ipinanganak."
"E paano ako? Iiwan mo ako dito?" tanong niya na hinaluan ng himig pagtatampo.
"Hmmm..." kunwari ay nag-isip pa ito. "Pwede ka namang maging bodyguard ko."
Napahalakhak siyang talaga sa sagot ng kasintahan. "Sa gwapo kong ito magiging bodyguard mo lang?"
"Joke lang," nakangiti nitong wika. "Pero syempre kapag ganun bawal kong sabihin na may boyfriend ako kasi masisira ang career ko."
"Napakalayo nang nararating ng pangarap mo," natatawang wika naman niya.
Pagkatapos ng mahigit isang buwan ay ikinasal sila ni Anthony sa isang simbahan sa Dumaran. Sa Hacienda Falcon ginanap ang reception na dinaluhan ng maraming bisita na karamihan ay kasosyo sa negosyo at mga kaibigan ng pamilya Falcon. Ang tanging bisita lang niya ay ang ina at si Perly na umalis din kaagad pagkatapos ng reception. Naroon din si Maddox na hindi napigilang lumapit kay Anthony habang nakikipag-usap ang asawa niya sa isang kaibigan ng pamilya. Hindi pa rin mawala ang panibugho niya sa babaeng iyon dahil alam niyang matagal itong naging karelasyon ni Anthony.
Bago sila lumipad pabalik ng Maynila ay dumaan sila sa opisina ni Anthony para ibilin nito ang ilang trabaho sa personal secretary nito na noon niya lang nakita dahil naka-leave ito ng isang linggo. Hindi nakaligtas sa kanya ang maiksing palda nito na bakat pa ang pantyline kapag naglalakad. Pinalampas niya ang malalagkit nitong tingin kay Anthony kapag akala nitong hindi siya nakatingin pero nanggagalaiti siya sa inis hanggang makarating sila sa Maynila. Na kung bakit hindi naman napansin ni Anthony ay hindi niya alam.
Kinabukasan ay maaga sila sa clinic ng OB-Gyne na kaibigan ng mga Falcon. Sa hapon ay nasa hotel naman sila para asikasuhin ang kasal. May meeting din itong pinuntahan na kasama siya. Habang pauwi sila ay nakita niyang tumatawag sa telepono nito si Maddox. Agad niyang iniwas ang mata."Yes, honey?" sagot nito na ikinasingkit ng mga mata niya. "No, I can't tonight," wika pa nito na kung para saan ay hindi niya alam. "I'll be there tomorrow morning."
Nakatitig si Andrea kay Anthony habang ang huli ay nasa balcony at tinatanaw ang matatayog na mga gusali sa lungsod. Nang lumingon ito'y agad naman niyang iniwas ang tingin."Come here," wika nito saka iniabot ang kamay. Lumapit naman siya at hinawakan ang nakalahad nitong kamay. Iniyakap ni Anthony ang braso nito sa kanya. "Why were you staring at me?" tanong nito.
"Why, Andrea?" mahina pa rin ang boses nito nang magtanong. "Hindi mo gustong ipaalam sa akin ang ipinagbubuntis mo? Wala ba akong karapatang malaman?"Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan dahil sa kawalan ng isasagot. "You don't want me..." halos pabulong niyang wika."Don't want yo
"Hindi ba iyon makakasagabal sa kontrata ni Miss Andrea kung ikakasal kayo?" tanong ng isang reporter."Her manager and I are settling the issues," kampanteng wika ni Anthony. "May mg endorsements si Andrea na ako na ang makakapareha niya. I don't think that our wedding would be a problem.""Per