Share

Chapter Four

TAHIMIK na binabalikan ni Harry sa kaniyang isipan ang pangyayari kagabi. Malinaw pa sa alaala niya ang disappointment na nakalatag sa mukha ng kaniyang ama habang nagsasalita ito sa kaniya.

"You spent one million just to have a fake bride. You prepared an agreement to make your marriage null and void. You were willing to spend another fortune just to find your fake bride. I can't believe how my son turned out to be an idiot!... Just how crazy can you be?" Mula sa paniningkit ng mga mata ay pinanlakihan siya ng mata ng kaniyang ama.

"Crazy enough to find my father's happiness! Here's your idiot son who would spend a fortune to bring back your lost priceless treasure!" Hindi na niya itinago sa ama ang naramdaman niyang disappointment. Pinanghinaan na siya ng loob na matupad ang nais niyang mangyari.

Humigit ng hininga si Samuel bago nagsalita. "If you really want to see me happy..."  tinitigan niya sa mata ang anak habang nagsasalita, diniinan ang bawat kataga, "marry the woman I want for you." Nilapitan niya ang anak. "Be her good and loyal husband. Start a family. And that's what's in that document you just signed, Harry. Be the happy married man I am not."

Matapos niyang limiin ang kinasuungan niyang sitwasyon ay saka niya tinapunan ng tingin ang kaniyang katabing nakaupo sa loob ng eroplano,-- ang kaniyang ama, payapa itong natutulog, hindi katulad niyang kanina pa aligaga sa kinauupuan. Napabuntunghininga na lang siya. Hindi siya makapaniwalang naisahan siya ng kaniyang ama. Pero ang higit niyang pinagtatakhan ay ang matinding kagustuhan nitong ipakasal siya sa isang babaing ni hindi niya alam kung sino.

Minabuti niyang umidlip. Napaisip siya kung sino ang babaing pakakasalan niya. Hindi pa man ay naiinis na siya rito. Bago niya ipinikit ang mga mata ay mahina niyang naiusal, "I will never get tired of giving you the punishment that you deserve."

Nakarating sila ng Pilipinas na wala pa rin siyang tulog mula kagabi. Inumaga siya sa kaiisip kung paano matatakasan ang pinirmahang dokumento. Habang nakapikit naman siya kanina ay napuno ang kaniyang isipan ng sari-saring pangit na senaryo tungkol sa kanilang magiging kasal.  Nararamdaman niya ang sari-saring emosyon na lumukob sa kaniya. Pinanlalamigan siya ng pawis at kung minsan ay nahahaluan ng pag-init ng kaniyang katawan. 

Lumapag na ang sinasakyan nilang eroplano sa Pilipinas. Napansin ni Samuel na tila bumigat ang katawan ni Harry.

"You're having a cold feet now? You can't back out now, son. Move out!"

Pinili ni Harry ang tumahimik at sundin ang kaniyang ama. Sinisisi niya ang sarili kung bakit siya pumayag na sumama sa ama. Mas pinagsisihan niyang hindi niya binasa ang dokumentong pinirmahan. Ginusto man niyang suwayin ang ama kagabi ngunit hindi niya nagawa. Nakita niya kasi sa mga mata nito ang determinasyong matupad ang binabalak. Tila may urgency itong nais ipahiwatig sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi ang tumango dito.

Habang papalabas ng eroplano ay pakiramdam ni Harry na lumalaki siya at hindi siya magkasya sa pintuan nito. Nakaramdam siya ng bahagyang pagkahilo. Ngunit naramdaman niya ang pagtapik ng ama sa balikat niya. 

"Don't worry, I'm with you."

'I really hope so,' ngunit hindi ito namutawi sa kaniyang bibig.

Uurong pa ba siya gayung naka-invest na ang ama niya sa sobrang pag-asam? Pumayag na siya, e. Hoping for a miracle na lang siya. Ayaw niyang sa kaniya manggaling ang sunod na disappointment ng ama. Ayaw niyang makitang sumakit uli ang dibdib nito.

Isang maganda at morenang babae ang sumalubong sa mag-ama.

"Melinda!" 

Sinundan ng tingin ni Harry ang ama habang masaya itong humarap sa babae. Ngayon niya lang uli nakita ang maluwang na ngiti ng ama.

"Welcome back to the Philippines, Mr. Sy," ang pagbati nito kay Samuel Sy, kapagkuwa'y binati rin nito si Harry. "Welcome to the Philippines, sir. You must be Harry Sy?"

Bahagyang kumunot ang noo ni Harry, feeling off siya dahil palagay niya'y masyadong eager ang babae na makilala siya. Pero agad niya itong nginitian alang-alang sa ama.

"Yes, I am. How are you?" Nakita niya na malawak pa rin ang pagkakangiti ng kaniyang ama sa babae.

"I am fine, sir. First time here?"

"No." Binigyan niya ito ng pinakamatipid na sagot.

"Oh, in that case, welcome back. You must be tired." Iginiya ni Melinda ang mag-ama sa nakaabang na service car.

Habang nagbibiyahe ay nakikinig si Harry sa pag-uusap nina Samuel at Melinda. Nakita niyang magiliw dito ang kaniyang ama at interesado sa bawat sinasabi nito. Nasanay siyang business ang topic kung gusto niyang makuha ang interes ng kaniyang ama. Ngunit ngayon ay keen ito sa pakikinig kay Melinda kahit na ang topic ay traffic sa Metro Manila at kung ilang oras sila naghintay sa airport.

'He really likes her.'

Hindi siya nagpapahalatang inoobserbahan niya ang babae. Pinagmasdan niya ang pormal nitong pananamit, naka coat ito at halos loose ang pants. Ibinaba niya pa ang tingin ngunit naka- closed shoes ang babae. Makapal ang eyeglasses ni Melinda, bagay na bahagyang ikinakunot ng noo ni Harry. Pinagmamasdan niya kung paano ito makipag-usap sa kaniyang ama.

'Boring. I must die on her bed.'

Naa-appreciate naman niya ang finesse nito habang nakikinig siya sa pag-uusap ng dalawa. Pero hindi niya pa rin tipo si Melinda bilang mapapangasawa. Hindi pa siya nagsasawa sa pakikipag-date sa mga socialite niyang ka-fling. 'Oh, dad! What are you doing to me?'

Nagtaka si Harry nang dumating sila sa isang paliparan. 

"What's this? Are we going to fly again?" Tinatamad na siyang umibis ng kotse, hindi pa kasi siya nakaka- recover sa jet lag.

"Yes, and hurry up!"

Wala siyang nagawa kundi ang bumuntot sa ama. Isang chopper ang sinakyan nila. 

Magandang pagmasdan ang aerial view ng Metro Manila hanggang Zamboanga Peninsula. Nalilibang si Samuel sa magandang tanawin. 

"I always like the view here," sabi niya kay Melinda nang nasa himpapawid na sila ng Zamboanga. "This place is amazing!"

"You've been here, Dad?" Hindi niya narinig na nagpunta sa ibang bahagi ng Pilipinas ang kaniyang ama. Inakala niyang sa capital city ng Pilipinas lang ito naglalagi.

"This is my third time to visit Zamboanga Peninsula, and I always love it here," wika ni Samuel habang nakatingin sa dakong ibaba.

Nagkibit na lang ng balikat si Harry. Sa isip niya'y maagang bumalik sa pagkabata ang kaniyang ama. Minabuti niyang hayaan ang ama sa pag-i-enjoy sa panonood ng view ng peninsula, lalo at ngayong araw lang niya uli nakita ang mga ngiti ng ama.

Paglapag ng chopper sa maliit na runway ay sinalubong ang mga bagong dating ng mag-asawang Allan at Zorayda Te.

"Kumpare!" Masayang binati ni Allan Te si Samuel Sy. Nakangiti ring sumunod sa kaniya ang asawang si Zorayda. Si Zorayda ay makinang ang suot na damit at mga alahas. 

"Auntie Zorayda!" Agad na bineso ni Harry si Zorayda.

Ikinagulat naman ng babae ang ginawa ni Harry. "Harry, I thought you don't remember me."

"Oh, I can not forget you, Auntie. You've been very nice to me," kapagkuwa'y binalingan niya ang asawa nito, "and Uncle Allan, who taught me how to ride a bike when I was a kid."

"Yes, I did teach you. I'm glad you remember it." Kinausap naman niya agad si Samuel, "magpahinga na kayo sa bahay at malayo ang pinanggalingan ninyo."

"Oo nga, my back is killing me."

Naunang naglakad ang dalawang babae, sinundan naman ng magkumpare at ng pilot. Naiwan si Harry. 

"Father!"

Nilingon lang siya sandali ng ama at sinenyasan na sumunod. 

Sa loob ng mansion ng mga Te, pumasok si Harry sa ini-assign na guest room para kay Samuel.

"Don't tell me you miss me already?"

Seryosong tiningnan ni Harry ang ama habang nagpapalit ito ng damit. Halos pabulong niya itong kinausap. "Dad, what has gotten into you? She's so freaking good and boring, just not my type! I can marry a woman whom I don't love, but at least there's something like a spark between us, or she should have a body to die for! That woman can't even drive me to… to…" Naiilang siyang ituloy ang pagsasalita sa ama.

"How did you know? It's only in your imagination." Nginitian lang niya ang anak at lumabas ng bedroom. "Fix yourself and don't let me down," he demanded.

"But you're letting me down," he mumbled.

"Your fiancee can give you the spark you want… and even more." 

"How did you know?" He groaned on the thought na binitag siya ng ama para ilagay sa napaka- boring na situwasyon.

Nagkibit- balikat lang at umalis si Samuel. Iniwan na siya ng kaniyang ama. Napu-frustrate siyang patamad na ibinagsak ang katawan sa kama. Ngunit agad din siyang bumangon. Kailangan niyang magpakita sa mga Te.

"Ahh!" Halos sabunutan niya ang sarili. Tila tuluyan na siyang mamamaalam sa pagkabinata. Sigurado siyang wala siyang makakakutsaba ngayon para pekein ang kaniyang kasal. Ayaw niyang makasal kay Melinda!

Habang naghahapunan kasama ang ama at mag-asawang Te ay ipinakita ni Harry sa matatanda na mabait siya kay Melinda. Ayaw niyang ipahiya ang ama niya. Iisip na lang siya ng paraan kung paanong hindi matutuloy ang kasal sa paraang hindi magagalit ang mga Te sa kaniyang ama.

"I understand that you're Auntie Zorayda's relative," wika niya kay Melinda habang iniabot niya dito ang catsup.

"Yes,... and thank you!" Inilagay naman ng babae ang catsup sa platito. "Mr. Sy told me that you're his eldest son. So how are your younger brothers?"

"They're fine. In fact, they're both gorgeous. Perhaps you'll like them more than me."

Matipid na ngiti lang ang isinagot ni Melinda.

"Oh, here comes Jemima!" Sinenyasan ni Zorayda ang bagong dating na anak na lumapit sa hapag-kainan.

"Good evening, people!" 

Hinalikan niya sa pisngi ang mga magulang kapagkuwa'y nagmano siya kay Samuel.

Nakasuot ng simpleng office attire si Jemima at nakalugay ang hair. Halos singkulay ng balat ang lipstick nito ngunit may taglay na come-on ang full lips ng babae. May karakter ang deep eyes nito. Ang angkin niyang ganda ay iyong tipong mapapatitig ka kahit halos wala siyang make-up. 

"Jemima, paganda ka nang paganda habang tumatagal!"

"Thank you, Uncle. Your tagalog is good now."

"Well, I did some training, para hindi ako mahalatang foreigner."

Napahigop ng hangin si Harry nang dumaan sa gawi niya si Jemima. Naamoy niya kasi ang pabango nito. Gentle sa ilong at presko ang amoy, parang hindi galing sa maghapong paggawa ang babae.

"Ayaw mong makakuha ng atensyon, pero pare, iyang kutis mo ay hindi pa rin masasabing taga bundok. Naiiba ka pa rin pag-akyat mo doon," ani Allan sa kaibigan.

"Well, I could get some tan." 

Napatitig si Harry sa ama. Makinis at mamula-mula ang mukha nito, halatang alaga pa rin nito ang sarili. Sabagay, ito naman ang nagpaalala sa kaniya noon na kailangang alagaan niya ang sarili, kasama ang kaniyang itsura.

Napansin ni Samuel na walang sawsawan si Jemima. "Harry, pass the catsup to her."

Nagpaalam muna siya kay Melinda at nginitian ito ng matamis bago kinuha ang bote ng catsup para ipasa kay Jemima.

"It's all right, Uncle. I don't use catsup on my shrimps. Ipinakita niya sa mga kasama ang iniabot na suka ng katulong. 

Sinadya ni Harry na ipakita kay Jemima ang bahagya niyang pagngiwi nang isinawsaw ng babae ang hipon sa sukang may sili. Jemima just rolled her eyes.

"You didn't greet our visitor." Paraan iyon ni Zorayda para ma- lighten ang mood ng dalawa. "Remember Harry?"

Pinigilan ni Jemima ang sariling mapangiwi, sinikap niyang maging ngiti ito. "Siyempre naman po."

"Anak, bisita natin siya. Matagal na rin kayong hindi nagkita, 'di ba," imploring her daughter to greet Harry.

"Yeah,... Hi, Harry! Long time no see. Feel at home." Halatang pilit ang pagkakangiti ng dalaga kay Harry.

"H-hi, Janina." Sinadya niyang magkunwaring hindi natatandaan ang pangalan ng babae. Gusto niyang itago ng pang-aasar niya ang paghanga niya sa kagandahan nito.

Pinanlakihan ni Jemima ng mga mata ang binata. Agad namang itinama ni Samuel ang pagkakamali ng anak.

"It's Jemima, how can you forget?" Kumunot ang noo ni Samuel, disappointed sa ginawi ng anak.

"S-sorry, Jemima," pinaamo pa niya ang kaniyang mukha. "You're so beautiful today, like a swan," he teased.

She flushed with embarrassment, pero minabuti niyang huwag nang pansinin ang pang-aasar ng binata.

"Natatandaan ko, noong bata pa iyang dalawa'y walang araw na 'di sila nag-aaway," natatawang sabi ni Allan kay Samuel. "Tila ngayon ay wala silang ipinagbago, pare, parang aso at pusa pa rin."

"Oo nga. Pero naglalambingan na ang mga aso at pusa ngayon," nakangiti namang sagot ni Samuel sa kaibigan.

"Sabagay, nagbabago ang panahon. Nagbabago rin ang tao," kapagkuwa'y pinasadahan niya ng tingin si Harry at ang kaniyang anak.

Sinikap ni Harry na maging cool. Ngingiti-ngiti lang siya habang nagsasalita ang magkakaibigan. Nginingitian niya rin si Melinda. 

Si Melinda naman ay nag feeling awkward sa naging reactions ni Harry. 'Gosh! Bakit ganito ito makatingin sa akin?'

Wala namang balak ngumiti si Jemima. Pero ayaw niya ring sumimangot. Ayaw niyang sirain ang gabi ng magkakaibigan.

"By the way, anak," Allan spoke to his daughter, "ikaw na ang sumundo sa kapatid mo bukas. Isama mo si Harry para makita niya ang isa sa production sites natin. After all, magiging part na siya niyon after your wedding."

Namilog ang mga mata ni Harry sa sudden realization. Bakit nga ba hindi niya naisip na baka si Jemima ang fiancee niya,-- ang number one bully sa buhay niya mula pa noong bata pa sila.

"Pero, Pa, 'di ko siya puwedeng iangkas doon. Baka mahulog siya."

"Well, I'm used to cars, but I can handle your driving. It would be like walking in a park," pagsabat ni Harry kay Jemima. Naalala niya kasi noong umangkas siya sa pink na bisikleta nito noong bata pa sila. Lagi siyang nahuhulog noon dahil lagi silang nag-aaway.

Nagkataong ang tagpong iyon din ang naalala ni Jemima. Ngumiti siya ng matamis kay Harry, "like a walk in a park? Hmm... how did you know?" 

Agad na binawi ni Harry ang kaniyang tingin kay Jemima. Ayaw niyang magpahalatang totoong nagagandahan siya ngayon sa dalagang ina-annoy niya kaya hindi niya nakita ang makahulugang pagngiti nito.

          

        

         

       

        

      

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status