Share

FIFTY THREE

last update publish date: 2026-07-10 09:30:00

“Ako si Thalia…” mahinang sambit ko bago itinuro ang ID na hawak niya. “… pero bakit hindi ako ‘yan?”

Pakiramdam ko ay may kung anong mabigat na bumagsak sa dibdib ko habang nakatitig sa sariling pangalan na hindi naman ako ang may-ari. Parang may salamin sa harap ko—pero hindi ko repleksyon ang nakikita ko.

Tulad kanina ay hindi agad nakapagsalita si Brielle. Sa halip ay muli niya lamang tiningnan ang ID na hawak niya, parang umaasang magbabago ang mukha roon kapag mas matagal niya i
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Jane Dizon
update pa pls..kabitid andon na eh sobra na akong nadadala sa awa Kay kaia
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Rebound Wife   FIFTY THREE

    “Ako si Thalia…” mahinang sambit ko bago itinuro ang ID na hawak niya. “… pero bakit hindi ako ‘yan?”Pakiramdam ko ay may kung anong mabigat na bumagsak sa dibdib ko habang nakatitig sa sariling pangalan na hindi naman ako ang may-ari. Parang may salamin sa harap ko—pero hindi ko repleksyon ang nakikita ko.Tulad kanina ay hindi agad nakapagsalita si Brielle. Sa halip ay muli niya lamang tiningnan ang ID na hawak niya, parang umaasang magbabago ang mukha roon kapag mas matagal niya itong titigan. Kapagkuwan ay kinuha niya mula sa akin ang wallet ni Tres at kinuha ang picture na tinitingnan namin kanina.“This woman…” Ipinakita niya sa akin ang litrato ni Tres at ng babae. Bahagya pang nanginginig ang kamay niya. “… this is Thalia Esquivel.”Mas lalong nanghina ang tuhod ko kaya’t napaupo akong muli sa kama. Parang biglang nawala ang lakas sa katawan ko. Ang paligid ay tila umiikot, at ang tanging malinaw lang sa paningin ko ay ang mukha ng babaeng nasa larawan.

  • The Billionaire's Rebound Wife   FIFTY TWO

    "Brielle, baka biglang dumating si Tres...""'Di ba sabi mo sa akin, ang sabi niya, gabi pa siya uuwi." Tumigil sa paglalakad si Brielle at humarap sa akin. "Come on. Perfect opportunity na 'to para malaman kung may iba pa ba siyang tinatago sa 'yo."Malakas akong bumuntong hininga, malakas pa rin ang kabog ng dibdib. Tama siya. Hindi naman namin 'to magagawa nang andito si Tres, pati na rin si Aziel dahil hindi niya papayagan si Brielle. Pero kasi...Ewan ko ba! Alam ko namang umalis si Tres pero parang may kung ano pa rin akong nararamdaman na takot.Paano kung bigla siyang bumalik at mahuli kami?"Thalia..." tila naiinip na pagtawag ni Brielle sa pangalan ko."Sige na nga!" pagsuko ko. Ibinaling ko ang tingin ko kay Paige na nasa tabi ko. "H'wag mo 'tong sasabihin sa Papa mo, hmm?"Marahan naman siyang tumango. Hindi ko mapigilang mapangiwi. At talagang idinamay ko na naman si Paige dito.

  • The Billionaire's Rebound Wife   FIFTY ONE

    “Are you sure you won’t come with us? You’ll be left alone here,” tanong ni Sir Aziel habang karga si Rory. Dumako ang mata niya sa may hagdan kung saan mabagal na bumababa si Brielle. “Come on, hurry up. We’ll be late.”Malakas na bumuntong hininga si Brielle. Hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang pasimple niyang pag-irap.“Do I really need to come? You know naman na hindi ako welcome room,” sambit niya.Napatango ako sa isip ko. Base sa mga kuwento niya, hindi sila ayos ng mga Fontanilla dahil sa ginawa niya noon, at lalong hindi rin sila magkasundo ni Kaia.“Brielle, it’s Kaia’s birthday. They’ve been going here a few times already para imbitahin tayo,” mahinahong paliwanag ni Aziel. Muli akong napatango sa isip ko. They’ve been convincing Brielle to come… I mean, Aziel and Dylan. Hindi naman ako bumababa sa tuwing dumarating sina Dylan at Kaia dahil gusto kong umiwas sa gulo kaya’t hindi ko alam kung anong tunay

  • The Billionaire's Rebound Wife   FIFTY

    "Alam ba ng Papa mo na andito ka, Paige?"Iginiya ko papunta sa kama ko si Paige. Nang nakaupo na siya ay saka ako umupo sa tabi niya. Tulad kanina ay lingon pa rin siya nang lingon sa paligid. Patuloy niya pa ring iginagala ang mga mata niya sa buong bahay."Dito ka po natutulog, Mama?"Bumuntong hininga ako at marahang tumango. "Hmm. Ito ang kwarto ko rito.""Wow! Ang laki po! Saka ang ganda ng bahay..."Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sobrang inosente ng pagkakasabi niya. Naalala ko tuloy ang sarili ko noong una akong nakarating dito. Manghang-mangha rin ako. Nakikita ko ang sarili ko sa mga mata ni Paige."Paige," mahinahong pagtawag ko sa atensyon niya. "Alam ba ni Papa mo na andito ka?"Tumingin sa akin ang anak ko at kapagkuwan ay marahang tumango. Saglit siyang tumayo at may kung anong kinuha sa bulsa ng shorts niya. Kunot-noo ko naman iyong tiningnan."Pinapabigay po ni Papa," sambit niya.

  • The Billionaire's Rebound Wife   FORTY NINE

    Kinabukasan, maaga akong nagising kaysa sa karaniwan. Hindi dahil sa alarm ko at hindi dahil sa ingay sa labas. Kundi dahil may kung anong mabigat sa dibdib ko na ayaw akong hayaang bumalik sa tulog. Para bang may boses sa loob ng isip ko na paulit-ulit akong ginigising kahit pagod pa ang katawan ko. Umupo ako sa gilid ng kama at ipinikit ang mga mata ko kahit saglit lang. Sinubukan kong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pero kahit anong pilit ko, bumabalik at bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Naalala ko ang sinabi ni Brielle na siyang naging dahilan kung bakit halos hindi ako makatulog kagabi. Hanggang kailan ko pa ipagtatanggol si Tres? Tumayo ako at tahimik na lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong bahay nina Aziel at Brielle. Mahimbing pa ang tulog ni Rory sa kwarto nila at sarado pa ang ilaw sa kusina. Binuksan ko ang ilaw sa kusina at nagsimulang maghanda ng pagkai

  • The Billionaire's Rebound Wife   FORTY EIGHT

    "What is he doing here?" Agad na tanong ni Brielle nang makalapit ako sa kanila. Hindi pa man ako nakakasagot ay pumasok na sa sasakyan nila sina Kaia at Dylan at tahimik na umalis. Wala naman akong nagawa kung hindi panooring lumayo ang kotseng sinasakyan nila.Malakas akong bumuntong hininga. "Sinundan ako.""Is he nuts?! Hindi ba't napag-usapan niyo na naman na tatapusin mo lang ang kontrata mo sa amin? Bakit kailangan niya pang sumunod?"Iginiya ko na papasok sa bahay nila si Brielle at sumunod naman sa amin si Aziel na buhat si Rory. Sumulyap ako sa bahay na mismong katapat ng bahay nina Brielle kung saan pumasok sina Tres at Paige bago ko tuluyang isinara ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Padabog na ibinaba ni Brielle ang mga paper bags niya sa sofa samantalang umupo naman si Aziel para ibaba si Rory. "What did he tell you? You looked mad a while ago," tanong ni Aziel kaya't malakas akong bumuntong hininga.

  • The Billionaire's Rebound Wife   THIRTY SEVEN

    “Dapat sinabi mo sa aming uuwi ka para nasundo ka namin ni Paige, Thalia.”Tumigil ako sa pag-alis ng mga gamit ko sa dala kong maleta nang marinig ang sinabi ni Tres. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya kaya naman agad kong nakasalubong ang seryoso niyang mga mata.“Nasabi ko na nga sa ‘yo na gusto ko

  • The Billionaire's Rebound Wife   THIRTY SIX

     Natulog na ako mula nang makausap ko sina Brielle at Sir Aziel. Kailangan ko ring magpahinga para maihanda ko ang sarili ko dahil babalik na ako sa isla kinabukasan—bagay na hindi ko muna sinabi kina Brielle at Sir Aziel sapagkat alam kong pupunta sila sa bahay nina Dylan at baka sabih

  • The Billionaire's Rebound Wife   THIRTY FOUR

     “Excuse me but…” Itinulak ni Dylan palayo ang babae kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tingnan kung sino iyon. “Who are you?”Ilang beses akong kumurap dahil kahit na anong tingin ko sa mukha ng babae, hindi ko siya makilala. Hindi ko pa siya nakikita kahit kail

  • The Billionaire's Rebound Wife   THIRTY THREE

     Kahit na sinabi sa akin ni Brielle na huwag muna kaming umuwi ni Dylan sa Maynila, hindi ko pa rin nasunod ang gusto niyang gawin ko dahil desidido pa rin talaga si Dylan na umuwi kahit na ano mang pilit ang gawin ko sa kaniya.  Aniya, kailangan niya raw umuwi sa Ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status