共有

FIFTY TWO

last update 公開日: 2026-07-09 09:29:00

"Brielle, baka biglang dumating si Tres..."

"'Di ba sabi mo sa akin, ang sabi niya, gabi pa siya uuwi." Tumigil sa paglalakad si Brielle at humarap sa akin. "Come on. Perfect opportunity na 'to para malaman kung may iba pa ba siyang tinatago sa 'yo."

Malakas akong bumuntong hininga, malakas pa rin ang kabog ng dibdib.

Tama siya. Hindi naman namin 'to magagawa nang andito si Tres, pati na rin si Aziel dahil hindi niya papayagan si Brielle.

Pero kasi...
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • The Billionaire's Rebound Wife   FIFTY THREE

    “Ako si Thalia…” mahinang sambit ko bago itinuro ang ID na hawak niya. “… pero bakit hindi ako ‘yan?”Pakiramdam ko ay may kung anong mabigat na bumagsak sa dibdib ko habang nakatitig sa sariling pangalan na hindi naman ako ang may-ari. Parang may salamin sa harap ko—pero hindi ko repleksyon ang nakikita ko.Tulad kanina ay hindi agad nakapagsalita si Brielle. Sa halip ay muli niya lamang tiningnan ang ID na hawak niya, parang umaasang magbabago ang mukha roon kapag mas matagal niya itong titigan. Kapagkuwan ay kinuha niya mula sa akin ang wallet ni Tres at kinuha ang picture na tinitingnan namin kanina.“This woman…” Ipinakita niya sa akin ang litrato ni Tres at ng babae. Bahagya pang nanginginig ang kamay niya. “… this is Thalia Esquivel.”Mas lalong nanghina ang tuhod ko kaya’t napaupo akong muli sa kama. Parang biglang nawala ang lakas sa katawan ko. Ang paligid ay tila umiikot, at ang tanging malinaw lang sa paningin ko ay ang mukha ng babaeng nasa larawan.

  • The Billionaire's Rebound Wife   FIFTY TWO

    "Brielle, baka biglang dumating si Tres...""'Di ba sabi mo sa akin, ang sabi niya, gabi pa siya uuwi." Tumigil sa paglalakad si Brielle at humarap sa akin. "Come on. Perfect opportunity na 'to para malaman kung may iba pa ba siyang tinatago sa 'yo."Malakas akong bumuntong hininga, malakas pa rin ang kabog ng dibdib. Tama siya. Hindi naman namin 'to magagawa nang andito si Tres, pati na rin si Aziel dahil hindi niya papayagan si Brielle. Pero kasi...Ewan ko ba! Alam ko namang umalis si Tres pero parang may kung ano pa rin akong nararamdaman na takot.Paano kung bigla siyang bumalik at mahuli kami?"Thalia..." tila naiinip na pagtawag ni Brielle sa pangalan ko."Sige na nga!" pagsuko ko. Ibinaling ko ang tingin ko kay Paige na nasa tabi ko. "H'wag mo 'tong sasabihin sa Papa mo, hmm?"Marahan naman siyang tumango. Hindi ko mapigilang mapangiwi. At talagang idinamay ko na naman si Paige dito.

  • The Billionaire's Rebound Wife   FIFTY ONE

    “Are you sure you won’t come with us? You’ll be left alone here,” tanong ni Sir Aziel habang karga si Rory. Dumako ang mata niya sa may hagdan kung saan mabagal na bumababa si Brielle. “Come on, hurry up. We’ll be late.”Malakas na bumuntong hininga si Brielle. Hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang pasimple niyang pag-irap.“Do I really need to come? You know naman na hindi ako welcome room,” sambit niya.Napatango ako sa isip ko. Base sa mga kuwento niya, hindi sila ayos ng mga Fontanilla dahil sa ginawa niya noon, at lalong hindi rin sila magkasundo ni Kaia.“Brielle, it’s Kaia’s birthday. They’ve been going here a few times already para imbitahin tayo,” mahinahong paliwanag ni Aziel. Muli akong napatango sa isip ko. They’ve been convincing Brielle to come… I mean, Aziel and Dylan. Hindi naman ako bumababa sa tuwing dumarating sina Dylan at Kaia dahil gusto kong umiwas sa gulo kaya’t hindi ko alam kung anong tunay

  • The Billionaire's Rebound Wife   FIFTY

    "Alam ba ng Papa mo na andito ka, Paige?"Iginiya ko papunta sa kama ko si Paige. Nang nakaupo na siya ay saka ako umupo sa tabi niya. Tulad kanina ay lingon pa rin siya nang lingon sa paligid. Patuloy niya pa ring iginagala ang mga mata niya sa buong bahay."Dito ka po natutulog, Mama?"Bumuntong hininga ako at marahang tumango. "Hmm. Ito ang kwarto ko rito.""Wow! Ang laki po! Saka ang ganda ng bahay..."Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sobrang inosente ng pagkakasabi niya. Naalala ko tuloy ang sarili ko noong una akong nakarating dito. Manghang-mangha rin ako. Nakikita ko ang sarili ko sa mga mata ni Paige."Paige," mahinahong pagtawag ko sa atensyon niya. "Alam ba ni Papa mo na andito ka?"Tumingin sa akin ang anak ko at kapagkuwan ay marahang tumango. Saglit siyang tumayo at may kung anong kinuha sa bulsa ng shorts niya. Kunot-noo ko naman iyong tiningnan."Pinapabigay po ni Papa," sambit niya.

  • The Billionaire's Rebound Wife   FORTY NINE

    Kinabukasan, maaga akong nagising kaysa sa karaniwan. Hindi dahil sa alarm ko at hindi dahil sa ingay sa labas. Kundi dahil may kung anong mabigat sa dibdib ko na ayaw akong hayaang bumalik sa tulog. Para bang may boses sa loob ng isip ko na paulit-ulit akong ginigising kahit pagod pa ang katawan ko. Umupo ako sa gilid ng kama at ipinikit ang mga mata ko kahit saglit lang. Sinubukan kong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pero kahit anong pilit ko, bumabalik at bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Naalala ko ang sinabi ni Brielle na siyang naging dahilan kung bakit halos hindi ako makatulog kagabi. Hanggang kailan ko pa ipagtatanggol si Tres? Tumayo ako at tahimik na lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong bahay nina Aziel at Brielle. Mahimbing pa ang tulog ni Rory sa kwarto nila at sarado pa ang ilaw sa kusina. Binuksan ko ang ilaw sa kusina at nagsimulang maghanda ng pagkai

  • The Billionaire's Rebound Wife   FORTY EIGHT

    "What is he doing here?" Agad na tanong ni Brielle nang makalapit ako sa kanila. Hindi pa man ako nakakasagot ay pumasok na sa sasakyan nila sina Kaia at Dylan at tahimik na umalis. Wala naman akong nagawa kung hindi panooring lumayo ang kotseng sinasakyan nila.Malakas akong bumuntong hininga. "Sinundan ako.""Is he nuts?! Hindi ba't napag-usapan niyo na naman na tatapusin mo lang ang kontrata mo sa amin? Bakit kailangan niya pang sumunod?"Iginiya ko na papasok sa bahay nila si Brielle at sumunod naman sa amin si Aziel na buhat si Rory. Sumulyap ako sa bahay na mismong katapat ng bahay nina Brielle kung saan pumasok sina Tres at Paige bago ko tuluyang isinara ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Padabog na ibinaba ni Brielle ang mga paper bags niya sa sofa samantalang umupo naman si Aziel para ibaba si Rory. "What did he tell you? You looked mad a while ago," tanong ni Aziel kaya't malakas akong bumuntong hininga.

  • The Billionaire's Rebound Wife   FORTY FIVE

    “Nakausap mo ba nang maayos si Senator Clemente? Wala naman siyang sinabing kung ano?”Naputol ang mahaba kong pag-iisip nang putulin ng mama ni Dylan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung nasaan na kami pero ang alam ko lang, kanina pa kami nakaalis sa opisina ni Senator Cle

  • The Billionaire's Rebound Wife   FORTY THREE

    2 TBHW 41“I talked to Dylan’s mother.”Tila pumintig ang tainga ko nang marinig ang sinabi ni Sir Aziel. Ibinaba ko sa lapag si Rory at hinayaan itong maglaro bago tuluyang tumingin sa bagong dating na si Sir Aziel. “Ang nanay ni Dylan?”Tumango siya. “Nakasalubong ko

  • The Billionaire's Rebound Wife   FORTY TWO

     “I haven’t sleep a wink while waiting for you two. Mabuti at hindi pa rin nagigising  ngayon si Rory dahil kung hindi, baka nag-iiyak na ‘yon dahil naputol ang tulog niya,” reklamo ni Brielle at inabutan ako ng isang tasa ng tsaa.  Dahil nilalamig na rin ako ay kaag

  • The Billionaire's Rebound Wife   FORTY

     Sa halip na isang linggo lamang ako rito sa isla ay naging dalawang linggo na. Akala ko noon ay nagloloko lamang si Tres nang sabihin niya sa akin na hindi niya ako palalabasin hangga’t hindi ko sinasabi sa kaniya na hindi na ako kailanman babalik pang muli sa Maynila.  

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status