공유

Chapter 5 - Multo ng Dating Ako

작가: Himari Yua
last update 게시일: 2026-05-20 21:46:30

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Liezel.

Aalis na sana si Rona ngunit narinig nito ang malakas niyang hinampas ang mesa at biglang tumayo.

“Rona Soriano!”

Pero hindi na siya pinansin ni Rona.

Tinalikuran lang niya ito at umalis na ng tuluyan.

Pagbalik niya sa workstation, tahimik siyang umupo. Kinuha niya ang maliit na salamin mula sa bag niya.

Tiningnan niya ang pisngi niya, may manipis na marka ng dugo.

Hindi naman malalim, kinuha niya ang wet wipes at marahang pinunasan.

Walang expression.

Sa totoo lang sa itsura niya ngayon, kahit madagdagan pa ng peklat…

Wala na ring magbabago.

Biglang pumasok sa isip niya ang mukha ng babaeng nakita niya kanina sa opisina ni Sean. May kung anong pamilyar siyang naramdaman sa babaeng yun pero hindi niya maipaliwanag.

Malapit na mag-out biglang nagring ang cellphone niya, may tumatawag sa kanya.

“Hello, Pa?”

“Rona, umuwi ka mamaya. Nandito na si Noah.”

Napangiti siya agad.

“Ha? Andito na si Kuya Noah? Akala ko sa 15 pa siya babalik!”

“Maaga siyang natapos sa trabaho, kaya hindi na niya inaksaya pa ang oras niyang ito para makauwi.” 

“Okay po, uuwi ako after work.”

Pagkatapos ng shift, diretso siyang umuwi sa bahay nila sa Quezon City, sa isang mid-range condo unit sa may West Ave.

Hindi kasingyaman ng pamilyang Tiongson, pero maayos at komportable siyang tumira. Masaya siyang lumaki sa ganoong klaseng buhay.

Ang tatay niya, may real estate business.

Hindi super yaman, pero hindi rin naghihirap. Pero nitong mga nakaraang buwan, bumagsak ang negosyo dahil nalugi. Halos ma-bankrupt na ito, pero nilalaban pa rin nila. 

Noong nalaman ng tatay niya na buntis siya, hindi siya pinagalitan, hindi siya dinala sa pamilyang Tiongson para mag-demand ng malaking halaga kapalit ng nasira niyang pangarap. Hindi siya pinilit, bagkus inintindi ng tatay ni Rona na mahal siguro ni Sean talaga si Rona, kaya may nabuo sa sinapupunan ng anak niya. 

Pero, nakakaramdam si Rona ng guilt lalo na dahil tumanda agad ang itsura ng tatay niya. Kung paano sila napilitang magbenta ng properties para lang makabayad ng utang.

Kaya siya ang lumapit sa pamilya Tiongson pero hindi lang dahil sa pamilya niya.

Para rin sa sarili niya, dahil mahal niya si Sean. Nakuha niya ang gusto niya. Nabayaran ang utang ng pamilya nila.

Pero ang kapalit ay ang sarili niya.

Pagpasok niya sa bahay lumabas si Auntie Lara mula sa kusina.

“Rona, andito ka na!”

Ngumiti si Rona.

“Auntie, nasaan po si Papa at si Kuya?”

“Papunta na sila. Magpahinga ka muna.”

“Okay po.”

Noong siyam na taon siya, naghiwalay ang parents niya. Sumama ang nanay niya sa kuya niya habang siya naman ay naiwan. 

Kalaunan, nakilala ng tatay niya si Auntie Lara, hindi sila kasal pero magkasama sila sa iisang bubong. Noong una hindi siya komportable.

Hindi niya gusto, pero habang tumatagal, nakita niya kung gaano ito kabait dahil itinuring siyang tunay na anak ni Lara.

Pumasok si Rona sa kwarto niya. Kahit may asawa na siya, may sariling kwarto pa rin siya doon.

Pinarenovate pa ng tatay niya ayon sa gusto niya. Pagkaupo niya sa kama, parang nawala lahat ng pagod niya.

Lahat ng sakit at dito may peace of mind siya, alam niyang safe siya dahil nasa paligid niya ang mga taong tinuturing talaga siyang pamilya. 

Napatingin siya sa photo album sa bedside table.

Kinuha niya ito at binuksan. 

Unang larawan, isang luma at punit na family picture.

Eight years old siya doon, halos bata pa ang tatay niya. Hindi mapagkakailang gwapo ang tatay niya, matikas na alam mong kaya niyang protektahan ang buong sambahayan niya. 

Buhat siya nito sa litrato, katabi ang kuya niya at sa kabilang side ang nanay niya.

Lumipat siya sa susunod na page.

Napahinto siya.

sang larawan ng isang teenage girl, maganda, sobrang ganda, naka-puting dress may woven hat. Nakatayo sa ilalim ng puno na tinatamaan ng araw. Ang mga ngiti nito ay parang kumikinang. Mahaba ang buhok habang ang mukha naman ay maliit, at yung mga mata nito ay tila may ilaw. 

Siya ‘yon.

Dati.

Mapait siyang napangiti, itong nakikita niyang litrato ngayon ay ang multo niya ngayon, bagay na hindi na niya kayang ibalik pa. 

Dahil nagkasakit siya, uminom ng hormone meds at doon nagsimulang magbago ang katawan niya kaya naman siya ay tumaba, at kahit anong diet, kahit anong exercise, hindi na bumalik.

Napahigpit ang hawak niya sa album at biglang pumasok sa isip niya si Cheska, yung mukha ng babae, at ang mga mata nito. Magkahawig sila lalo na sa mata at sa unang pagkakataon may kutob si Rona.

Na baka…

May koneksyon ang lahat.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Billionaire's Regret: Divorce Me, Mr. Tiongson   Chapter 5 - Multo ng Dating Ako

    Biglang nagbago ang ekspresyon ni Liezel.Aalis na sana si Rona ngunit narinig nito ang malakas niyang hinampas ang mesa at biglang tumayo.“Rona Soriano!”Pero hindi na siya pinansin ni Rona.Tinalikuran lang niya ito at umalis na ng tuluyan.Pagbalik niya sa workstation, tahimik siyang umupo. Kinuha niya ang maliit na salamin mula sa bag niya.Tiningnan niya ang pisngi niya, may manipis na marka ng dugo.Hindi naman malalim, kinuha niya ang wet wipes at marahang pinunasan.Walang expression.Sa totoo lang sa itsura niya ngayon, kahit madagdagan pa ng peklat…Wala na ring magbabago.Biglang pumasok sa isip niya ang mukha ng babaeng nakita niya kanina sa opisina ni Sean. May kung anong pamilyar siyang naramdaman sa babaeng yun pero hindi niya maipaliwanag.Malapit na mag-out biglang nagring ang cellphone niya, may tumatawag sa kanya.“Hello, Pa?”“Rona, umuwi ka mamaya. Nandito na si Noah.”Napangiti siya agad.“Ha? Andito na si Kuya Noah? Akala ko sa 15 pa siya babalik!”“Maaga siyan

  • The Billionaire's Regret: Divorce Me, Mr. Tiongson   Chapter 4 - Hindi Na Ako Mananahimik

    “Tapusin mo yung financial statement analysis ng Guevarra bago mag-lunch break.”Maiksi at walang emosyon ang utos ni Liezel, habang tumango naman si Rona at bumalik sa workstation niya.Kahit na inilipat na siya sa mas mababang posisyon sa secretarial department, tuloy pa rin ang pagbibigay sa kanya ni Liezel ng mga trabahong hindi naman niya sakop at tinatanggap niya ang lahat.Tahimik lang si Rona pero sa totoo lang yung pananatili niya sa kumpanyang ‘yon, panloloko na lang sa sarili niya.Kahit anong gawin niya, hindi na siya lilingunin ni Sean.Pagkatapos niyang matapos ang report, inayos niya ang soft copy at printed version at iniabot kay Liezel.Pagbalik niya sa desk, nag-order siya ng pagkain. May cafeteria naman sa kumpanya, pero hindi siya kumakain doon. Ayaw niya ng mata ng tao at lalong ayaw niya ng usapan.Ngayon lang siya napilitang magpa-deliver dahil hindi siya nakapaghanda ng pagkain.Habang hinihintay niya ang order, may dalawang officemates na pumasok, halatang exc

  • The Billionaire's Regret: Divorce Me, Mr. Tiongson   Chapter 3 - Sa Likod ng Tagumpay Mo, Ako ang Nawala

    Pag-angat ng tingin ni Prof. Joaquin, napahinto siya sandali. Hindi niya agad nakilala ang babaeng nasa pintuan.“Professor…”Napakurap siya. “Rona?” saglit siyang natahimik bago ngumiti nang bahagya.“Pasok ka.”Dahan-dahang pumasok si Rona at tinanggal ang face mask niya.“Ang tagal ko rin talagang hindi nakabalik, Prof. Mukhang nanibago ka sa akin,” pabirong sambit ni Rona. Napangiti si Prof. Jax.“Ang tagal nga… halos hindi nga kita nakilala.”Napangiti si Rona, pero may halong lungkot. “Honestly, Prof. nahihiya nga po akong magpakita sa inyo sa itsura ko ngayon.”Tumayo si Prof. Jax at lumapit sa kanya.“Normal lang ‘yan. Buntis ka eh,” kalmado niyang sabi. “After manganak, babalik din ‘yan. Umupo ka.”Umupo si Rona sa sofa.Nagbuhos si Prof. Jax ng maligamgam na tubig at iniabot sa kanya.“Inom ka muna, stay hydrated para rin sayo at sa baby mo.”“Thank you, Sir.”Napatingin siya sa tiyan ni Rona.“Ilang months na?”“25 weeks na po.”Tumango si Prof. Jax.“Mga late January ka n

  • The Billionaire's Regret: Divorce Me, Mr. Tiongson   Chapter 2 - Kaya Ko Nang Wala Ka

    Kunot-noong tiningnan ni Sean pero hindi na rin ito nagtanong pa. Nagpatuloy si Rona, pilit pinapakalma ang sarili.“Bukas Monday na, free ka ba this afternoon?” maingat niyang tanong. “Pwede na siguro nating asikasuhin yung papers? Mas maaga, mas okay.”Pagkatapos pumirma nila, may one-month cooling-off period pa naman. Sakto sa due date ni Rona. Saglit siyang tiningnan ni Sean, natahimik siya bigla, kalmado pero may halong pagsusuri ang mga mata nito, parang may binabasa sa kanya at saka siya umiwas ng tingin.“Sabihin ko na lang kung anong oras,” malamig niyang sagot.Hindi na nagsalita si Rona.Huminto ang sasakyan sa malaking bahay ng pamilya Tiongson sa San Juan, isang luma pero engrandeng ancestral house, mataas ang gate, may hardin sa loob, at halatang matagal nang mayaman ang angkan.Pinapunta sila doon dahil sa batang dinadala ni Rona.Sa pamilya Tiongson, halos puro lalaki ang mga apo.Dalawa ang anak ni Doña Salvacion. Sina Zachary Tiongson at Harold Tiongson.Si Zachary

  • The Billionaire's Regret: Divorce Me, Mr. Tiongson   Chapter 1 - Isang Sulyap, Isang Katotohanan

    “Ma’am, ready na po yung results niyo.”Napakurap si Rona.Parang ang layo ng boses ng nurse, parang galing sa ilalim ng tubig.“Ma’am?” ulit ng nurse, medyo nag-aalala na.Doon lang siya natauhan.“A-ah… salamat.”Inabot ng nurse ang envelope sa kanya. Nanginginig ang kamay. Hindi pa niya binubuksan, hindi niya alam kung handa ba siyang makita ang laman o harapin ang buhay na kasunod nito.Huminga siya nang malalim at lumabas.Sa labas ng private hospital sa Ortigas, basa ang kalsada dahil sa ambon. Kumikinang ang ilaw mula sa salamin ng building.Pero wala siyang napansin, kaya nagpatuloy siyang maglakad.Hanggang sa tumigil ang mundo niya.Nakita niya si Sean na nakatayo sa curb, katabi ng isang itim na luxury car. Nakasuot siya ng long black coat na lalong nagpapatingkad sa tindig niya, matangkad, tuwid ang postura, at may presensya na parang kusa kang mapapalingon kahit ayaw mo.Sa ilalim ng malamlam na ilaw, malinaw ang matitigas niyang features, matangos na ilong, matalim na ja

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status