
I Was His Wife, But Never His Choice
Sa araw ng anibersaryo ng pagkawala ng kambal nilang anak, tuluyang gumuho ang mundo ni Clarissa Velasco, not just from grief, but from the cold indifference of the man she once loved.
Iniwan na lang siyang muli ni Adrian na parang wala siyang halaga, iniwan siyang maraming tanong sa isip niya, at nang bumalik ito, hindi para ayusin ang lahat, kundi para durugin pa siya lalo.
Pero sa gitna ng pagkawasak niya, isang bagay ang hindi niya inaasahan.
She’s pregnant.
Habang pilit niyang binubuo muli ang sarili para sa batang dinadala niya, natuklasan niya ang mas masakit na katotohanan.
Ang lalaking tinatawag niyang asawa ay may ibang buhay, at may anak na tinatawag siyang “Daddy.”
She was abandoned. Betrayed. Replaced.
Ngayon, haharap si Clarissa sa pinakamahirap na laban ng buhay niya.
Mananatili ba siya sa lalaking sumira sa kanya, o pipiliin niyang lumayo at ipaglaban ang sarili at ang anak niya?
In a world full of lies, pain, and betrayal.
Kaya pa ba niyang magmahal ulit, or this time, sarili naman niya ang pipiliin niya?
Read
Chapter: Chapter 5 ~ Dinner Before the StormNaka-custom tailored na business suit si Mika, malinis ang pagkakatahi, eksaktong akma sa kanyang payat at elegante na katawan. Ang mahaba niyang buhok, kulay cool brown, ay naka-soft waves na maayos na nakapatong sa kanyang balikat.Sa bawat hakbang ng mataas niyang heels sa marmol na sahig ng lobby, ingay na nanggagaling sa heels niya lang ang tanging maririnig. Aakalain mong siya ang may-ari ng kumpanyang ito, kung umasta siya ay tila makapangyarihan siya. Habang naglalakad siya, bahagya siyang nakatagilid sa kanyang assistant na si Lyn, nagbibigay ng instructions sa mahinang boses pero sapat na para marinig ko iyon.“Make sure finalized na yung export shipment sa Hong Kong by Friday, and check mo yung pricing ng new collection, I want a revised margin.”“Yes, Ma’am,” mabilis na sagot ni Lyn.Ibang-iba na siya sa dating Mika, ngayon, makikita mo na siyang isang tunay na corporate leader, isang babaeng kayang humawak ng kumpanya.At isang babaeng, kayang agawin ang buhay ng iba, ul
Last Updated: 2026-04-17
Chapter: Chapter 4 ~ Reclaiming My Empire“Daddy, naririnig niyo po ba ako?”Hinila ng batang lalaki ang kamay ni Adrian, bahagyang nakasimangot ang maliit nitong mukha.“Gusto ko po ng chocolate cake.”Naputol ang tingin ni Adrian sa akin, para bang hindi niya ako kilala kaya agad siyang bumaling sa bata. “Hindi pa pwede,” mahinahon niyang sabi, bahagyang yumuko para pantayan siya. “Kagagaling mo lang sa lagnat. Bawal muna ang matamis.”Bahagyang nalungkot si Adi, at ngumuso.Marahang ginulo ni Adrian ang buhok nito.“Bibili si Daddy pag tuluyan ka nang gumaling, okay?”Agad na tumango si Adi, parang nawala ang lungkot.“Okay po!”Sandali siyang nag-isip, saka muling tumingin sa display ng cake.“Daddy, bili na lang po muna tayo ng favorite ni Mommy, strawberry cake.”Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko.“Okay,” sagot ni Adrian.Tinawag niya ang staff.“Miss, pa-pack po nitong strawberry cake.”“Sure po, Sir,” nakangiting sagot ng crew, suot ang apron ng café.Inabot niya ang cellphone, at nag-scan ng QR code.Sa buo
Last Updated: 2026-04-17
Chapter: Chapter 3 ~ The Day I Faced My Husband’s BetrayalHindi makapaniwala si Atty. Diane. “Sige, bukas magkita tayo, magusap tayo.” hindi ko na ako nakapagpaalam, binaba ko na agad ang tawag niya. ***Kinabukasan…Tahimik na nakaparada ang puting Porsche Panamera ko sa gilid ng kalsada sa loob ng eksklusibong subdivision sa dito sa Alabang, malalapad ang daan, tahimik, may mga puno ng acacia at narra na nagbibigay-lilim, at may mga guard na paikot-ikot sa patrol.Sa harap namin, isang marangyang villa din. Modernong disenyo, may malalaking salamin, malinis ang linya ng arkitektura, at halatang pinag-isipan ang bawat detalye. Napailing si Atty. Diane. “Grabe! Hindi ako makapaniwala, Clarissa. Bakit naisip pa ni Adrian na halos magkatapat pa ang mga bahay niyo ng babae niya.” mahina niyang sabi. “Hindi ko masabing ‘kamukha’ ng bahay niyo, pero parang eksaktong kopya siya.”Pagkasabi niya, agad niyang napagtanto ang sinabi niya.Napakagat siya sa labi at mabilis na tinakpan ang bibig.“Sorry…”Dahan-dahan siyang napalingon sa akin, haba
Last Updated: 2026-04-17
Chapter: Chapter 2 ~ From Wife to Stranger“Daddy, natatakot po ako, ayaw ko po injection!” sigaw ng bata at kita mo sakanya ang takot. Bahagyang itinaas ng batang lalaki ang kanyang baba habang umiiyak, at doon ko tuluyang nasilayan ang mukha niya.Huminto ang paghinga ko, nanikip bigla ang dibdib ko.Ang batang iyon, halos kamukha ni Adrian.Ang hugis ng mata, ang ilong, pati ang panga parang mas batang bersyon niya.Parang biglang nawalan ng kulay ang mundo ko, unti-unti na nga ako bumabalik sa dati at normal na ako bago ang lahat, pero ngayon ramdam kong ang pagbagsak muli ng balikat ko. Hindi! Hindi pwede! Hindi pwedeng may iba na siya?! May anak siya sa iba?!Pakiramdam ko ay may piraso ng laman na biglang pinunit mula sa puso ko. Napakapit ako sa pader, halos nanginginig ang buong katawan.Hindi ko halos marinig ang paligid, tanging boses lang ni Adrian ang malinaw sa tenga ko.“Adi, magpakatapang ka, okay? Kailangan mo ng injection para gumaling,” malumanay niyang sabi, kabaligtaran talaga ng malamig niyang tono kapa
Last Updated: 2026-04-17
Chapter: Chapter 1 ~ His Secret ChildSa loob ng master bedroom na halos nilalamon na ng dilim, tahimik ang lahat, maliban sa mahihinang ingay ng lungsod na pilit sumisingit sa katahimikan. Kahit umaandar ang aircon, hindi nito tuluyang mapawi ang nananatiling init ng summer vibes na kumakapit sa balat. Napatingin ako sa bahagyang nakabukas na bintana, hindi ko namamalayan, pumapasok na pala ang mabagal at maalinsangang hangin, dala ang pamilyar na amoy ng gabi. Parang may sariling buhay ang hangin, na dahan-dahang gumagapang sa loob ng kwarto, pinupuno ito ng bigat na hindi maipaliwanag.Marahan kong naririnig ang paggalaw ng makapal na kurtina, habang ang maputlang liwanag ng buwan ay sumisingit sa pagitan nito, gumuguhit ng mga anino sa loob ng silid.Nagpalinga-linga ako sa paligid, napakalaking kwarto, habang kaming dalawa ay nasa gitna. Oo, kaming dalawa. Ang lalaking kasama ko ay halata mong marami ang nainom na alak. Paano ko nasabi? Dahil sa bawat galaw niya para bang bigat na bigat siya sa sarili niya, dahil m
Last Updated: 2026-04-17
Chapter: Chapter 5 - Multo ng Dating AkoBiglang nagbago ang ekspresyon ni Liezel.Aalis na sana si Rona ngunit narinig nito ang malakas niyang hinampas ang mesa at biglang tumayo.“Rona Soriano!”Pero hindi na siya pinansin ni Rona.Tinalikuran lang niya ito at umalis na ng tuluyan.Pagbalik niya sa workstation, tahimik siyang umupo. Kinuha niya ang maliit na salamin mula sa bag niya.Tiningnan niya ang pisngi niya, may manipis na marka ng dugo.Hindi naman malalim, kinuha niya ang wet wipes at marahang pinunasan.Walang expression.Sa totoo lang sa itsura niya ngayon, kahit madagdagan pa ng peklat…Wala na ring magbabago.Biglang pumasok sa isip niya ang mukha ng babaeng nakita niya kanina sa opisina ni Sean. May kung anong pamilyar siyang naramdaman sa babaeng yun pero hindi niya maipaliwanag.Malapit na mag-out biglang nagring ang cellphone niya, may tumatawag sa kanya.“Hello, Pa?”“Rona, umuwi ka mamaya. Nandito na si Noah.”Napangiti siya agad.“Ha? Andito na si Kuya Noah? Akala ko sa 15 pa siya babalik!”“Maaga siyan
Last Updated: 2026-05-20
Chapter: Chapter 4 - Hindi Na Ako Mananahimik“Tapusin mo yung financial statement analysis ng Guevarra bago mag-lunch break.”Maiksi at walang emosyon ang utos ni Liezel, habang tumango naman si Rona at bumalik sa workstation niya.Kahit na inilipat na siya sa mas mababang posisyon sa secretarial department, tuloy pa rin ang pagbibigay sa kanya ni Liezel ng mga trabahong hindi naman niya sakop at tinatanggap niya ang lahat.Tahimik lang si Rona pero sa totoo lang yung pananatili niya sa kumpanyang ‘yon, panloloko na lang sa sarili niya.Kahit anong gawin niya, hindi na siya lilingunin ni Sean.Pagkatapos niyang matapos ang report, inayos niya ang soft copy at printed version at iniabot kay Liezel.Pagbalik niya sa desk, nag-order siya ng pagkain. May cafeteria naman sa kumpanya, pero hindi siya kumakain doon. Ayaw niya ng mata ng tao at lalong ayaw niya ng usapan.Ngayon lang siya napilitang magpa-deliver dahil hindi siya nakapaghanda ng pagkain.Habang hinihintay niya ang order, may dalawang officemates na pumasok, halatang exc
Last Updated: 2026-05-20
Chapter: Chapter 3 - Sa Likod ng Tagumpay Mo, Ako ang NawalaPag-angat ng tingin ni Prof. Joaquin, napahinto siya sandali. Hindi niya agad nakilala ang babaeng nasa pintuan.“Professor…”Napakurap siya. “Rona?” saglit siyang natahimik bago ngumiti nang bahagya.“Pasok ka.”Dahan-dahang pumasok si Rona at tinanggal ang face mask niya.“Ang tagal ko rin talagang hindi nakabalik, Prof. Mukhang nanibago ka sa akin,” pabirong sambit ni Rona. Napangiti si Prof. Jax.“Ang tagal nga… halos hindi nga kita nakilala.”Napangiti si Rona, pero may halong lungkot. “Honestly, Prof. nahihiya nga po akong magpakita sa inyo sa itsura ko ngayon.”Tumayo si Prof. Jax at lumapit sa kanya.“Normal lang ‘yan. Buntis ka eh,” kalmado niyang sabi. “After manganak, babalik din ‘yan. Umupo ka.”Umupo si Rona sa sofa.Nagbuhos si Prof. Jax ng maligamgam na tubig at iniabot sa kanya.“Inom ka muna, stay hydrated para rin sayo at sa baby mo.”“Thank you, Sir.”Napatingin siya sa tiyan ni Rona.“Ilang months na?”“25 weeks na po.”Tumango si Prof. Jax.“Mga late January ka n
Last Updated: 2026-05-20
Chapter: Chapter 2 - Kaya Ko Nang Wala KaKunot-noong tiningnan ni Sean pero hindi na rin ito nagtanong pa. Nagpatuloy si Rona, pilit pinapakalma ang sarili.“Bukas Monday na, free ka ba this afternoon?” maingat niyang tanong. “Pwede na siguro nating asikasuhin yung papers? Mas maaga, mas okay.”Pagkatapos pumirma nila, may one-month cooling-off period pa naman. Sakto sa due date ni Rona. Saglit siyang tiningnan ni Sean, natahimik siya bigla, kalmado pero may halong pagsusuri ang mga mata nito, parang may binabasa sa kanya at saka siya umiwas ng tingin.“Sabihin ko na lang kung anong oras,” malamig niyang sagot.Hindi na nagsalita si Rona.Huminto ang sasakyan sa malaking bahay ng pamilya Tiongson sa San Juan, isang luma pero engrandeng ancestral house, mataas ang gate, may hardin sa loob, at halatang matagal nang mayaman ang angkan.Pinapunta sila doon dahil sa batang dinadala ni Rona.Sa pamilya Tiongson, halos puro lalaki ang mga apo.Dalawa ang anak ni Doña Salvacion. Sina Zachary Tiongson at Harold Tiongson.Si Zachary
Last Updated: 2026-05-20
Chapter: Chapter 1 - Isang Sulyap, Isang Katotohanan“Ma’am, ready na po yung results niyo.”Napakurap si Rona.Parang ang layo ng boses ng nurse, parang galing sa ilalim ng tubig.“Ma’am?” ulit ng nurse, medyo nag-aalala na.Doon lang siya natauhan.“A-ah… salamat.”Inabot ng nurse ang envelope sa kanya. Nanginginig ang kamay. Hindi pa niya binubuksan, hindi niya alam kung handa ba siyang makita ang laman o harapin ang buhay na kasunod nito.Huminga siya nang malalim at lumabas.Sa labas ng private hospital sa Ortigas, basa ang kalsada dahil sa ambon. Kumikinang ang ilaw mula sa salamin ng building.Pero wala siyang napansin, kaya nagpatuloy siyang maglakad.Hanggang sa tumigil ang mundo niya.Nakita niya si Sean na nakatayo sa curb, katabi ng isang itim na luxury car. Nakasuot siya ng long black coat na lalong nagpapatingkad sa tindig niya, matangkad, tuwid ang postura, at may presensya na parang kusa kang mapapalingon kahit ayaw mo.Sa ilalim ng malamlam na ilaw, malinaw ang matitigas niyang features, matangos na ilong, matalim na ja
Last Updated: 2026-05-20