Share

Author's Note

last update Dernière mise à jour: 2025-08-09 12:58:25

Hindi po ako hihinto sa pagpapasalamat sa mga sumubaybay sa kwento nina Marco de Guzman at Kara Baker.

I was emotional when I wrote the words ‘the end’, and now I can’t help but cry because, finally, after more than two years, I was able to write and finish Marco and Kara’s story. I will be forever grateful to Goodnovel for this opportunity. 

Sana maging isang magandang alaala sa inyong mga puso ang kuwento nila, isang kuwento ng pagmamahalan na ipinilit sa una para sa kani-kanilang hangarin: Si Kara para sa kanyang ama, maisalba ang maliit nilang kompanya at hindi mawalan ng trabaho ang kanilang mga empleyado, at si Marco na gustong kumawala sa isang pag-ibig na alam niyang kailanman ay hindi mapapasakanya— pero sa huli, totoong pag-ibig ang namayani dahil nagdesisyon silang panindigan kung ano ang nagsimulang yumabong sa kanilang mga puso at pagyamanin pa ito.

Isang paalala sa mga umiibig at gustong pumasok sa isang relasyon– na ang pag-ibig ay isang pagpili at ang kasal ay isang paninindigan. Sana patuloy ninyong piliin na ibigin ang isa’t isa at mapanindigan ang pamilyang gustong buuin.

Sa mga sumusubok pa lamang magmahal, naway maging inspirasyon ito para piliin ninyo nang tama ang gusto ninyong ibigin– iyong taong kaya kayong panindigan.

Gustung-gusto kong banggitin ang mga pangalan ng mga taong sumuporta sa nobelang ito pero natatakot akong may makalimutan at may magtampo pero alam ninyo sa inyong mga sarili kung sinu-sino po kayo. 

Maraming salamat po sa pag-inspire sa akin na magsulat. Mahal ko po kayo!

PS

Pakihintay po ang request ninyong Book 2– Ang kwento nina Noah, Amari at Xander.  Dito ko rin po iyon ilalagay. Habang naghihintay, baka gusto rin po ninyong basahin ang (Miner Boys Series 1) A Contract Marriage with Abe Dela Torre. Kita-kita po tayo roon! 

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (8)
goodnovel comment avatar
Nora DeBorja
salamat miss A . maganda ang wento di nkaka inip basahin Hanggang d end.congratulations ! Godbless
goodnovel comment avatar
Evelyn Roque
thank you miss A
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
thank you author such a wonderful story
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 177

    “Our final dish for tonight is called stick-it-up! We are giving the contestants the freedom to cook a main dish that they think best describes the theme,” paliwanag ng host. “They need to finish within one hour and thirty minutes.”Mabilis na kumilos si Amari nang marinig niya ang hudyat na maaari nang magsimula. Kinuha niya ang beef sirloin at hiniwa iyon ng manipis. Pagkuwan ay pinukpok-pukpok niya ang karne para masigurong malambot ito bago ibinabad sa toyo, suka, at bawang. Itinabi niya muna iyon para naman simulan ang pagdurog sa crackers na gagamitin niyang breadcrumbs bago naghiwa ng bawang, sibuyas at parsley. Hindi nagtagal ay nag-roast siya ng pine nuts at saka iyon dinurog. Naggisa siya ng bawang at sibuyas sa kawali, nilagyan niya ng toyo, suka at constarch, hinalo hanggang sa lumapot, Nilagyan din niya ng kaunting asukal at nang kumulo ay itinabi niya.Inilatag niya ang na marinade na niyang sirloin, at saka niya maingat na inilatag ang breadcrumbs, kasunod ang cheese, t

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 176

    Pinagsalikop ni Amari ang kanyang dalawang kamay at ikiniskis iyon ng ilang ulit habang nasa back stage. Ngayon ang championship ng Palo Alto Junior Cooks at pinalad na naman siyang makapasok sa final list ng mga nakapasang mga batang nais maging chef. Dalawang round ang paglalabanan nila at grading system ang mangyayari kaya lubhang kinakabahan ang dalagita kahit pa ilang linggo siyang nagsanay para sa kanyang mga lulutuin ngayon.Isa-isa nang tinawag sa stage ang mga contestant. Bawat tinatawag ay ini-interview rin muna bago tatawagin ang susunod na contestant. Anim silang nakapasok ngayon at lahat sila ay nagmula sa pamilyang may mga pag-aaring restaurant sa buong Palo Alto. Ang isa ay ang panganay na apo ng may-ari ng Palo Alto Hotel and Casino na isang seven-star hotel at ito ang laging nangunguna sa kanilang qualifying rounds na pinagdaanan. Habang silang lima ay anak o apo ng mga may-ari ng sikat na resort, restaurants at diners. “Now, our last contestant and the youngest among

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 175

    “I only see her as my younger sister.” Paulit-ulit na naririnig ni Amari iyon sa kanyang isipan pati na ang paraan nang pagyakap ni Noah sa baywang ng kaklaseng babae kahit ilang buwan na iyong nakaraan.Napatitig sa malawak na soccer field si Amari, naroon ang buong team ni Noah na nagpa-practice. Kahapon ay kasama ng lalaki na nagpunta ang ama nito at Kuya Marco niya sa bahay nila at kinausap siya ni Noah. Hiniling ng lalaki na panoorin niya ang kanilang practice ngayon, hindi siya nangako pero natagpuan na lamang niya ang sarili na dumidiretso sa field pagkatapos ng kanyang klase.Naupo siya sa bench kung saan malapit na nakatambak ang mga gamit ng mga players. Tahimik siyang nanood ng cooking show sa kanyang phone habang nililingon-lingon si Noah na mula nang makita siya ay maya’t maya na ang pagkaway sa kanya.Kung hindi niya narinig ang sinabi ng lalaki ilang buwan na ang nakalilipas, siguro ay kinikilig na siya ngayon. Hindi alam ni Noah na para siyang kinagat nang napakaraming

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 174

    Buhat ni Amari sa kanyang likod ang backpack na naglalaman ng kanyang school tablet, at supplies na kailangan sa art project habang ang kaliwang kamay naman ay bitbit ang kanyang lunch box. Pababa na siya ng school bus at huling hakbang na lang nang may kung anong pumatid sa kanya at bumagsak siya sa sementadong sahig ng drop-off point nila sa school.Nagtawanan ang lahat ng kanyang kasama sa bus maging ang ilang estudyanteng nakakita sa kanya. Namumula na ang kanyang mata at sinubukan niyang tumayo pero masakit talaga ang pagkakabagsak niya. Natahimik ang lahat nang may lumapit sa kanya at halos buhatin na siya para maiangat. Nang tingalain niya ito ay walang iba kung hindi si Noah.“Where does it hurt?” kunot ang noong tanong ni Noah kay Amari.Nakagat ni Amari ang gilid ng kanyang pisngi para pigilan ang kanyang pag-iyak. Tiningnan ni Noah ang kanyang mukha at nang may makitang sugat sa panga ng batang babae ay bigla na lamang kinwelyuhan ang isang kaklaseng lalaki ni Amari na ka

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 173

    Nagtatakbo si Amari sa likod ng bahay at hindi niya alam na sinusundan siya ni Noah, na siyang nakakita sa simpleng pananabunot sa batang babae ng madrasta nito. Bumigat ang dibdib niya sa nararanasang pang-aabuso ng batang babae sa kamay ng ina ng kanyang Kuya Marco.Alam niya ang pakiramdam ng hindi tanggap ng isang pamilya. Alam niya ang pakiramdam na makitang masaya ang kanyang ama sa binubuo nitong pamilya habang siya ay nanatiling anino ng pagkakamali ng kanyang mga magulang. Pagkakamaling nabuo noong kaedad niya lamang ang mga ito.Tahimik siyang nakatanaw sa tumatakbong bata habang binabaybay ang makitid na sementadong daan patungo sa mas madilim na likod na bahagi ng mansyon. Nilagpasan na nila ang swimming pool at garden, ngayon ay pumasok sila sa daan na may mga punongkahoy sa magkabilang gilid. Napahinto si Noah nang makitang pumasok sa isang pinto na parang malaking kubol si Amari. Pagkuwan ay bumukas ang ilaw sa loob. Ito kaya ang tirahan nilang mag-ina sa likod ng mans

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 172

    “At bakit ka naririto, Selina?” nakataas ang dalawang kilay na tanong ni Mitch nang makitang nasa kusina ang kinamumuhiang yaya ng kanyang anak na si Marco.“Pinapunta kami ni Marco,” kalmadong sagot ng babae habang tinitingnan ang pagkakaayos ng plating ng mga prutas na tinalupan at hiniwa ng chef ng mansyon.Tumawa ng hilaw si Mitch. “Pinapunta o ipinagsisiksikan mo na naman ang sarili mo?”Napabuntong-hininga si Selina. Wala siyang planong patulan ang dating amo. “Hindi rin kami magtatagal ni Amari, babati lang kami kay Marco.”Magsasalita pa sana si Mitch nang pumasok si Roger sa kusina. “Nandito lang pala kayo. Hinahanap na kayo ni Marco.”Inis na umismid si Mitch at saka lumabas ng kusina.“Pagpasensiyahan mo na lang si Mitch, Selina,” mahina ang boses na sabi ni Roger pagkuwan ay iniikot ng lalaki ang paningin sa paligid na para bang may hinahanap. “Nasaan si Amari?”“Baka nasa kuwarto niya,” maiksing sagot ni Selina na hindi man lamang nilingon ang dating asawa.“Puntahan ko si

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status