Ano pong masasabi ninyo sa takbo ng story? Please don't forget to leave some comments and gems. Thank you po sa patuloy na pagsuporta!
Hindi po ako hihinto sa pagpapasalamat sa mga sumubaybay sa kwento nina Marco de Guzman at Kara Baker.I was emotional when I wrote the words ‘the end’, and now I can’t help but cry because, finally, after more than two years, I was able to write and finish Marco and Kara’s story. I will be forever grateful to Goodnovel for this opportunity. Sana maging isang magandang alaala sa inyong mga puso ang kuwento nila, isang kuwento ng pagmamahalan na ipinilit sa una para sa kani-kanilang hangarin: Si Kara para sa kanyang ama, maisalba ang maliit nilang kompanya at hindi mawalan ng trabaho ang kanilang mga empleyado, at si Marco na gustong kumawala sa isang pag-ibig na alam niyang kailanman ay hindi mapapasakanya— pero sa huli, totoong pag-ibig ang namayani dahil nagdesisyon silang panindigan kung ano ang nagsimulang yumabong sa kanilang mga puso at pagyamanin pa ito.Isang paalala sa mga umiibig at gustong pumasok sa isang relasyon– na ang pag-ibig ay isang pagpili at ang kasal ay isang pa
Pinasadahan ni Kara nang tingin ang kanyang mga bistida sa rack. Nang hindi makuntento ay nilapitan niya ang mga iyon at inisa-isa. Kinuha niya ang peach halter dress niya at saka inilagay sa kanyang harapan. Pagkuwan ay ibinalik niya ang bistida sa kung saan niya iyon kinuha. Napabuntong-hininga siya. Ngayon lang siya niyaya ng kanyang asawa para mag-date na silang dalawa lang. Mula nang magkabalikan sila, umikot na ang mundo nilang dalawa kay Kyros dahil sa sakit nito at kay Kyzer. Kaya nagulat siya na tinawagan siya kanina ni Marco at sinabing susunduin siya ng alas sais ng gabi dahil may date sila.Galing sa ilang araw na business trip ang asawa kaya nga kaninang umaga paggising niya ay nanibago siya na walang paandar si Marco. Tuwing darating ang araw na ito, hindi pa lumiban ang lalaki na ipagluto siya ng paborito niyang almusal, ngayon lang. Muntik na nga sumama ang loob niya at naghanda na siyang magtampo sa lalaki pero nagulat siya nang tumawag ito at sinabing maghanda siya
“Good morning!”Masayang mukha ni Marco ang bumungad kay Kara sa umaga. “Good morning!” nakangiting sagot ni Kara bago siya napalingon sa kanyang tabi. Wala ang dalawang bata. “Nasa swimming pool sila kasama sina Xander, Amari at Yaya Grace.” Isang pilyong ngiti ang nakapinta ngayon sa mukha ni Marco.Natawa si Kara. Kilala niya ang tingin at ngiti na iyon ng asawa. “Baka bigla silang bumalik.”Umiling ang lalaki. “Nag-usap na kami ni Xander.”Pinanlakihan ni Kara ng mga mata niya ang mister. “Pinag-usapan ninyo? Nakakahiya!”“Ngayon pa lang kita masosolo dahil busy tayo ng tatlong araw sa mga bisita tapos bukas babalik na rin tayo sa Palo Alto,” sagot ni Marco at saka mabilis na inangkin ang labi ni Kara.Magsasalita sana si Kara para tumutol pero nang ibuka niya ang kanyang bibig ay nilaliman na ng lalaki ang halik sa kanya. Mapusok ang mga halik nito dahilan para madala na rin si Kara. Maya-maya pa ay bumitaw sa kanyang labi ang lalaki at bumaba sa panga niya ang mga halik nito ba
“Grabe ka Marco, akala ko kami lang ang sinagot mo ang round trip ticket at accommodation. Iyon pala lahat ng guests sa kasal ninyo?” nanlalaki ang mga mata ni Layla na naka-abresiete sa kanyang mister.Si Layla ang Editor-In-Chief ng Showbiz Mag sa Pilipinas at isa sa mabuting kaibigan ni Marco noong sa Manila Office pa siya naka-assign. Maliban sa kanya ay kasama rin ang buong pamilya ni Nickelle at mismong si Kara ang namili sa mga anak ng babae bilang parte ng entourage. Si Nikolai bilang ring bearer habang sina Neisha at Naomi naman ang flower girls.“Anything for my wife,” nakangiting sagot ni Marco kay Layla.“Gaano ka na ba kayaman ngayon? Balita ko lalo kang nagpayaman noong iniwan ka ni Kara?” natatawang sabi pa ni Layla.“Hon, nakakahiya kay Kara,” pagsaway ng asawa ng babae na nasa kanyang tabi dahil ngayon lang nila nakasama ang misis ni Marco at bilang mga kaibigan nina Nickelle ay lubhang nag-iingat ang lalaki.Nanlaki ang mga mata ni Layla. “Bakit? Totoo naman iyon! For
Hindi mapakali si Marco sa harap ng simbahan. Pinauna na kasi sila ng organizer at sinabing hindi sila sabay na babiyahe ni Kara mula sa hotel.“Bro, nakailang paroot-parito ka na. Maupo na lang muna tayo sa loob,” pag-aya ni Axel sa kanyang pinsan.“Nag-aalala kasi ako, nasa ibang bansa tayo at…” “At bitbit natin ang mga bodyguards ninyo. Nangako rin si Dom ng high security protocol. Wala ka bang tiwala sa kaibigan natin?” pagpapakalma ni Axel sa pinsang-buo.Isang malalim na buntong-hininga ang pinawala ni Marco. Last week kasi ay nakatanggap siya ng isang patay na ahas na nasa box. Ito na ang pinakamalala kumpara sa mga text messages at sulat na sinasabihan siyang mag-iingat siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya lagi niyang pinasasamahan sa bodyguard noon si Kara. Nang mabunyag na sa publiko ang tungkol kina Kara at Kyros, maging ang kanyang mag-ina ay idinadamay na. Wala naman siyang maisip na naagrabyado pero hindi pa rin niya maipagsawalang-bahala dahil hindi lang buhay n
Nagising si Kara nang marinig ang isang musika na nagmumula sa isang violin. Napangiti siya dahil sigurado siyang may paandar na naman ang kanyang sweet na mister. Excited siyang naupo sa kama at napangiti siya nang makita ang isang pulang rosas sa night stand. Nakapatong ang bulaklak sa isang note:Happy 30th Birthday, my ever gorgeous wife!I love you times more than our networth!Love,HubbyNakangiting umikot ang mga mata ni Kara. Isang bulaklak at isang sweet note ay kaya na siyang pakiligin ng asawa.Kumunot ang noo niya nang mapansing nag-iisa siya sa kanilang silid. “Nasaan kaya ang tatlong boys ko?” pabulong niyang tanong, kausap ang sarili.Sinilip niya ang banyo, walang tao. Sumunod niyang sinilip ang walk-in cabinet sa pag-aakalang naroon ang tatlo at nagtatago pero wala rin sila roon. Napilitan na siyang maglinis muna ng katawan, magsipilyo at magbihis nang maayos na pambahay bago bumaba. Baka nag-aabang ang mga ito sa lanai para sa surprise breakfast.Pagbaba niya sa ha