Share

Chapter 73

last update Last Updated: 2025-05-26 23:26:44

Napahinto si Kara sa ginagawa ng marinig ang mga katagang iyon mula sa asawa. Rumehistro sa kanyang mukha ang pag-aalala na baka hindi pa gusto ng kanyang mister na magkaanak sila.

Kumunot ang noo ni Marco nang mapansing nakatitig na lamang ang misis sa kanya kaya mas lalong inakala ng babae na hindi pa nga handa ang lalaki.

“S-Sorry,” mahinang sabi ni Kara at saka tumayo para linisin ang katawan. “I will just take an emergency pill tomorrow morning.”

Nabatukan ni Marco ang sarili nang maintindihan kung bakit nagso-sorry ang asawa. Niyakap niya patalikod ang misis na halatang nagtampo at saka pinatakan ng halik ang sentido nito. “I’m sorry if it came out wrong. It’s not what I meant.”

Hindi kumibo si Kara at tinapos na ang pagbabanlaw sa sarili. Umahon siya sa bath tub at saka kinuha ang bath robe bago iniwan si Marco mag-isa sa banyo.

Napapikit ang lalaki at nanigas ang panga sa inis sa sarili. Tinapos niya ang pagligo at saka nagtapis ng tuwalya para sundan ang asawa na alam niyang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
MeAnn Tenorio Pesigan Gallaron
more pa po...
goodnovel comment avatar
グレース メアリー
bkit nman po Isang episode lang, taga abang pa nman ako
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 74

    Isang matamis na amoy ang gumising sa diwa ni Kara. Masakit ang kalamnan niya na para bang binugbog kaya gusto pa sana niyang matulog ngunit hindi niya magawang ipagsawalang-bahala ang naaamoy na ngayon ay nagiging dahilan nang pagkalam ng kanyang sikmura.Sinubukan pa niyang takpan ng comforter ang kanyang mukha ngunit mas tila lumapit pa ang amoy dahil mas lumakas pa ito. Sininghot niya ang mala-strawberry and waffles na pabango. Suminghot pa siya muli para kilalanin pa ang amoy ng gatas.“Uggghh!” Inis na sabi ni Kara at saka tinanggal ang comforter sa kanyang mukha ngunit nanatiling nakapit ang mga mata. “Why am I dreaming about food?”“Does it smell like strawberries?” Napakunot si Kara nang marinig ang boses ng asawa. “Yeah!”Pigil na humagikgik si Marco na nakatayo lamang malapit kay Kara habang hawak-hawak ang tray ng waffles with strawberries and cream at isang baso ng maligamgam na gatas.“Open your eyes, wifey,” malambing na utos ni Marco kaya napilitan na si Kara na buksa

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 73

    Napahinto si Kara sa ginagawa ng marinig ang mga katagang iyon mula sa asawa. Rumehistro sa kanyang mukha ang pag-aalala na baka hindi pa gusto ng kanyang mister na magkaanak sila.Kumunot ang noo ni Marco nang mapansing nakatitig na lamang ang misis sa kanya kaya mas lalong inakala ng babae na hindi pa nga handa ang lalaki.“S-Sorry,” mahinang sabi ni Kara at saka tumayo para linisin ang katawan. “I will just take an emergency pill tomorrow morning.”Nabatukan ni Marco ang sarili nang maintindihan kung bakit nagso-sorry ang asawa. Niyakap niya patalikod ang misis na halatang nagtampo at saka pinatakan ng halik ang sentido nito. “I’m sorry if it came out wrong. It’s not what I meant.”Hindi kumibo si Kara at tinapos na ang pagbabanlaw sa sarili. Umahon siya sa bath tub at saka kinuha ang bath robe bago iniwan si Marco mag-isa sa banyo.Napapikit ang lalaki at nanigas ang panga sa inis sa sarili. Tinapos niya ang pagligo at saka nagtapis ng tuwalya para sundan ang asawa na alam niyang

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 72

    Tatlong araw lamang ibinurol si Reginald at inilibing na rin nila ito sa tabi ng ina ni Kara. Dumalo sa libing ang mga magulang ni Marco kahit pa kalalabas lamang sa ospital ni Roger, naroon din ang malalapit nilang kaibigan, kamag-anak, mga empleyado at mga manunulat para magbigay nang pagpupugay sa namayapang publisher sa huling pagkakataon. Iyak pa rin ng iyak sina Kara at Liv na hindi pa rin lubuang matanggap na wala na si Reginald. Maging si Harper ay hindi rin mapigil ang pag-iyak dahil naging mabuti sa kanya ang matandang amo. Pagkatapos ng libing ay dumiretso sila sa Filipino Restaurant nina Marco para magtanghalian bago umuwi sa bahay ng mga Baker. Nakiusap si Kara sa kanyang asawa na doon muna sila manirahan para samahan ang kanyang tiyahin na hindi naman kinontra ng lalaki. Ramdam sa buong bahay ang kalungkutan at wala ring gana kumilos sa bahay ang tatlong babae. Upang masigurong may maglilinis at magluluto ng kanilang pagkain, kinuha muna ni Marco ang dalawang kasambaha

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 71

    Naging laman ng balita ang biglaang pagpanaw ng publisher ng RB's Publishing House na si Reginald Baker. Bumuhos ang pakikiramay sa pamilya Baker. Maging ang mga napasikat nilang manunulat ay isa-isang dumating at nagbigay ng respeto sa namayapang publisher.Sa ikalawang gabi ng burol, nagulat ang lahat nang dumating si Victor. Tahimik na naglakad ang lalaki palapit sa ataol ng matanda. Napatitig si Kara sa likod ng dating kasintahan. Hindi niya inaasahang magpapakita roon ang lalaki lalo na at ang huling sabi ng ina nito ay hindi ito nakikipag-ugnayan sa kanila kaya nga sa kanya isinisisi iyon ng matandang babae at pinaratangan pa siyang itinatago ang dating kasintahan.Nang pumihit ito ay dumiretso ang lalaki sa tabi ni Kara at tahimik na naupo. Nanatiling nakatitig si Kara sa lalaki, nag-aabang kung anong sasabihin na naman nito sa kanya.Magsasalita sana si Victor nang lapitan sila ni Marco at tumayo sa harap ng kanyang asawa para protektahan ang huli. “Let my wife grieve properly

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 70

    “H-Hindi ka pa rin uuwi?” Bumigat ang pakiramdam ni Kara sa ibinalita ni Marco sa kanya.Mahigit dalawang linggo na sa Pilipinas ang lalaki. Ang ipinangako nitong hindi magtatagal ay hindi nagkatotoo. Miss na miss na niya ang asawa na nakakausap lamang niya kung hindi umaga ay sa gabi. “Hindi naman kasi sinasabi sa akin ng COO na marami na palang problema. Maybe this is also my fault,” nakokonsensiyang sabi ni Marco.Nakapangako siya na sandali lang siya doon. Hindi naman niya alam na maraming problema sa Manila Office kung hindi pa niya pinag-report ang mga department heads ay hindi niya malalaman.Narinig niya ang malalim na buntong hininga ng asawa. Agad niyang ibinaba ang tawag at saka tumawag sa pamamagitan ng Video call.“O, bakit video call na?” tanong ni Kara. Sinikap pa rin ng babae na ngitian ang asawa para hindi na makadagdag sa dalahin nito.Pero nababasa ni Marco ang lungkot sa mga mata ng kanyang misis kaya lalo siyang nakokonsensiya.“Wifey, I miss you!” Hinabaan pa ni

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 69

    Nangunot ang noo ni Marco nang manahimik ang asawa sa kabilang linya. Sumibol ang kaba sa kanyang dibdib at saka siya unti-unting inuusig ng kanyang konsensiya. Sa natanggap na balita noong Sabado ay hindi siya nakapag-isip ng tama at nagmamadali siyang umuwi ng Pilipinas para gampanan ang nakasanayan niyang responsibilidad. Pagkalapag nang kinalululanan niyang eroplano sa Manila, nagmamadali siyang pinuntahan ang sinasabing emergency para lamang sampalin siya ng katotohanan. Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na lunod na naman sa alak. Umuwi siya sa kanilang bahay sa Valle Verde na talunan. Nang matanggap niya sa sarili na sablay at naging padalos-dalos ang kanyang desisyon at saka lamang niya naalala na hindi na niya nagawang mag-update sa asawang bigla niyang iniwan sa Amerika. Kaya ngayong gumising siya na mag-isa sa kama, bigla siyang nangulila sa presensiya ni Kara. Nagpasya siyang tawagan ito pero sa tono nang pakikipag-usap sa kanya ng babae ay ramdam niyang malaki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status