Mag-log inPagkaalis ko sa hotel ay nagpasya akong bumalik muna sa Maynila. Alam ko kasi na mas mapapadali ang paghahanap ko ng ebidensya pag nasa Maynila ako., oo mas nakakatakot dahil mas malapit ako kila Ralph pero wala akong magagawa kundi mag-ingat na lang na wag nila akong makita Mag-ama pati na ng mga alagad nila.
Dumiretso ako sa bahay ng mga magulang ko pag balik ko ng Maynila. Kailangan kong kumuha ng iilang damit at may mga papeles ako na dapat dalhin. Pagpasok ko pa lang sa pintuan ng bahay ay nakita na agad ako ng isa sa mga katulong naming.
“Maam Ysa nagbalik kayo.” Maluha luhang nyang sambit habang inaalalayan ako papasok ng p***o.
“Maam nag-ayos na po ako ng iilang damit nyo, nakalagay po sa garahe. Kung may iba pa po kayong kailngan ay kunin nyo na po. Wag po kayong magtagal dito Maam. Halos araw araw pong dumadaan dito sina Sir John at Sir Ralph, hinahanap po nila kayo. Mukha pong galit nag alit sila kaya natakot na po ang ibang katulong at nagpasya na lang na umalis. Hinintay ko lang po talaga kayo na umalis para makapagpaalam ng maayos pero hindi na din po ako magtatagal dito natatakot po ako sa kaligtasan ko at ng mga mahal ko sa buhay.” Mahabang detalye nya.
“Salamat, heto ang pera umuwi ka na ng probinsya. Ikaw na din ang bahalang mamahagi nyan sa mga kasamahan mo na umalis na. May kkunin lang ako sa itaas pwede bang dalhin mo dito sa sala ang naimpake mo ng mga damit ko. Tapos nun ay pwede ka ng umalis wag mo na akong hintayin bumaba kaya ko na ang sarili ko.” Sambit ko habang paakyat ng hagdan.
Hindi ko inakala na patili ang mga namamahala ng bahay naming ay guguluhin nila Uncle John. Wala silang kalaban laban.
“Salamat po Maam. Aalis na po ako mag-iingat po kayo Maam madami pong kakampi ang Mag amang yun. Madami po silang koneksyon.” Naluluha nyang sambit.
“Sige magiingat ka din. Salamat.” Maikli kong sagot.
Pagkaakyat ko sa kwento ay inayos ko na ang lahat ng importanteng papeles. Bago pa ako malabas ng kwarto ko ay Nakita ko ang litrato ko kasama ang mga magulang ko mabilis ko tong kinuha at bumaba na ng hagdan.
Kinuha ko na din sa sala ang bag ng mga damit ko at agad na lumabas ng p***o. Sumakay ako ng kotse at agad itong pinaandar. Hindi pa man ako nakakalayo ng bahay at napanisin ko sa dalawang kotse na tumigil sa tapat ng bahay naming. Nanlaki ang mga mata ko ng makita na sina Ralph at Uncle John ang sakay nun. Hindi ko tiningnan pa ang pagpasok nila sa bahay, agad na akong umalis at lumayo.
Tumigil ako sa isang convenient store para bumili ng pagkain. Ilang oras na din akong nagddrive at nagugutom na ako. Mabilis akong pumili ng pagkain at agad na pumunta sa cashier.
“Next costumer please.” Sigaw ng kahera
“Eto po.” Sambit ko habang inaabot ang mga napili ko.
“842 po Maam.” Nakangiti nyang sabi habang sinisilip ang mukha ko. Nakajacket kasi ako na may hoody kaya siguro sya nagtataka. Sinusubukan kong itago ang mukha ko ayoko kasing may makakilala sa akin.
Pagkasabi ng kahela ay biglang napunta ang atensyon naming sa TV ng convenient store. Sabi sa balita. “Billionaire’s Run Away Bride patuloy paring pinaghahanap. Ang Bilyonaryong si Mr. Ralph Borja ay hindi pa din nakikita ang kanyang bride na si Ms. Ysabella Del Sol. Mahigit isang linggo na mula ng takasan nya ang sarili nyang kasal.” Pagkatapos nun ay Nakita kong naka flash na sa TV ang litrato naming ni Ralph.
Nanlamig ang buong katawan ko. Binaba ko ang isang libong bill sa lamesa ng cashier at kinuha ang mga pinamili ko sabay talikod sa kahera.
Palabas na ako ng p***o ng biglang nagsalita ang kahera. “Maam sandali lang po. Guard, wag mo syang palabasin.”
“Ba-ba-bakit?” pautal na tanong ko. Sa isip isip ko, namukhaan nya kaya ako? Tatakbo na sana ako sa nerbyos ng sumagot sya. “May sukli pa po kayo Maam 1k po tong pera nyo.”
“Okay lang, keep the change” mabilis kong sagot sabay labas ng pintuan.
Maluha luha ako ng sumakay ng kotse. Akala ko ako’y katapusanan ko na.
Pinaandar ko na agad ang kotse. Habang naghahanap ng mappwestuhan para kumain, napansin ko ang isang playground. Naalala ko dun ako madalas dalhin ng mga magulang ko para maglaro. Inayos ang mga pagkain ko at balak na sa playground nay un kumain.
Pagkababa ko sa kotse bigla kong nabitawan ang mga pagkaing dala ko. Nanigas ang mga paa ko na tila ba napakong bigla sa sahig. Habang ang mga mata ko ay nanlaki.
“Ra-Ralph” naiiyak kong sabi habang nakatingin kay Ralph. Gusto kong tumakbo pabalik sa kotse pero hindi ako makagalaw.
“Ysaaaaa” Sigaw ni Ralph. Pasalamat ako sa sigaw nya dahil tila nagkaron muli ng lakas ang mga paa ko para tumakbo.
Mabilis akong pumasok sa kotse at nilock ang mga p***o. Pilit binubuksan ni Ralph ang p***o pero pinaandar ko agad ang kotse. Tanaw ko sa side mirror kung paano nya habulin ang kotse ko.
Hindi ko alam pero takot na takot ako, akala ko matapang na ako pero hindi pa pala. Si Ralph pa lang ang Nakita ko ay takot na takot na ko paano pa kung si Uncle John na ang makasalubong ko.
Umiiyak ako habang nagmamaneho. Malayo na ang nadrive ko at nagpasyang huminto sa isang gilid ng daan. Patuloy akong umiyak, nakayuko sa manibela at pakiramdam ko wala akong kakampi ng biglang… may kumatok sa bintana ng kotse ko.
TOK!! TOK!!
“Ysa…Ysa…Ikaw ba yan?” boses ng isang lalake na pamilyar sa pandinig ko.
Mahabang katahimikan ang naglaro sa bawat sulok ng storage room na pinagtataguan namin ni Tom. Madami kaming tanong na gusto naming mabigyan agad ng kasagutan at hindi namin yun makukuha kung mauupo lang kaming dalawa at maghihintay sa wala. "Magsimula na tayo." matapang kong bigkas. "Tama! Magtulungan tayo Ysa." malakas na loob na sambit ni Tom. "Pero may request lang sana ako sayo. Hindi kita masasamahan na mag-ayos ngayon dito. Kailangan kong lumabas, naiwan ko sa hotel ang isa kong bag nandun ang ibang importanteng gamit ko. Kailangan kong makuha yun agad kaya babalik ako sa hotel. Gusto man kitang isama pero mainit pa ang mata ng publiko sayo kailangan nating mag ingat." "Walang problema naiintindihan ko Tom. Hayaan mo pagbalik mo dito sisiguraduhin kong may nahanap na akong ebidensya o kahit clue man lang." "Aalis na ako ngayon para makabalik agad ako. Mga walong Oras din ang byahe ko pabalik dito. Nag lagay na ako ng mga pagkain sa ref magluto ka na lang. Wag kang magpagut
"Balak mong linisan tong storage room dba?" Tanong ni Tom habang tumango naman ako. "Dito tayo maguumpisa. Isa sa pinakaiingatang kwarto ng parents ko ang storage room na to. Halos lahat ng mga mahahalaga at importanteng papeles at gamit nila tinatago nila dito. Kaya malakas ang kutob ko may makukuha tayong clue sa loob nito." wika ni Tom "Pero Tom hindi ko maintidihan. Kung may Makita man tayong mahalagang bagay na pagmamay Ari ng mga magulang mo, ano ang koneksyon nun sa pamilya ko at sa pamilya ni Ralph? pati na sa sitwasyon ko ngayon?" patuloy pa din akong naguguluhan sa pangyayari. "Hindi ko to sinabi sayo agad gusto ko sanang makasigurado muna pero may pakiramdam ako na may koneksyon ang pamilya nating tatlo. Hindi pa ako sigurado, Wala pa akong pruweba pero iba ang kutob ko Ysa" seryosong tono ni Tom. "Ano ba yun Tom? Kailangan ko bang kabahan?" pagaalala ko. "Remember the first time we've met? Remember nabangga kita? I was rushing because I think I saw someone na mata
Napakaganda ng gising ko ngayong araw. Nagising ako sa amoy ng nilulutong almusal ni Tom. Ang saya gumising ng ganito, naalala ko tuloy ang Mommy ko pareho kaming mahilig sa Tosilog (Tocino, sinangag at itlog). Nung bata pa ako sinasama nila ako ni Daddy palagi sa palengke tuwing Linggo para bumili ng home made tocino sa suki nila. Paguwi namin magluluto na agad ng sinangag si Mommy, nagpapasobra talaga sya ng luto ng rice every Saturday night para kasi sa amin mas masarap ang fried rice pag yun ang ginagamit. Every Sunday ang family day namin, lagi kong nilolook forward and araw na yun dahil isang beses lang talaga sa isang Linggo kami kung mag bonding. Madalas na busy sa mga negosyo ang parents ko pero they make sure na Sunday is for me. Nilulutuan nila ako ng favorite kong food or kakain kami sa labas tapos pupunta kung saan ko gustong mamasyal. My childhood is really special, every time I look back puros happy memories lang ang naalala ko. My parents raised me in a healthy env
Namamadali akong nag drive pabalik Kay Ysa. Kailangan ko pang asikasuhin ang almusal namin bago sya magising ngunit habang nag drive ay inaalala ko din ang balita na narinig ko sa TV ng convenient store. "Isang milyon" mahina kong bigkas sa sarili habang bahagyang napangiwi.Naisip ko iba talaga ang pamilya ng mga Bilyonaryo kaya nilang paikutin ang sitwasyon sa mga palad nila. Kaya nilang makalikom ng madaming alagad na tutulong sa kanila upang mahanap agad si Ysa gamit lang ang Pera nila. At kaya nilang pagmukaing mabuting tao sila sa harap ng marami pero ang totoo mga d*monyo sila na nagpapanggap na tao. Lalo na si John Borja, walang pusong nilalang na kayang sirain ang buhay ng iba makuha lang ang nais nya. Ang mas masaklap pa ay kaya nyang kumitil ng buhay ng iba para lang ang kamayanan at negosyo.Ganyang-ganyan ang ginawa nya sa mga magulang ko. Hindi ko pa man naikwekwento ito Kay Ysa dahil sa bilis ng pangyayari. Pero marami akong natuklasan ng bigla akong umalis sa hotel n
Bago matulog ay nag set ako ng alarm sa aking cellphone para makasiguro na magigising ako ng maaga kinabukasan. Unang ring pa lang ng alarm sa cellphone ko ay agad na akong bumangon at in-oof ang alarm. Ayokong pati si Ysa ay magising dahil sa alarm na yun. Dahil sa pagod kagabi ay pareho kaming natulog ng gutom, hindi na namin nagawang magasikaso ng makakain at mas pinili na lang na magpahinga. Alam namin na kailangan ng katawan namin ng pahinga, mahaba habang pagsubok pa ang haharapin namin sa mga susunod na araw. Pagkabangon ay dumeretso na ako sa CR at naligo. Habang nasa loob ng shower room ay iniisip ko kung anong lulutuin para sa agahan namin ni Ysa. Hindi ko sya nagawang tanungin kagabi bago matulog ng gusto nyang almusal kaya sa tingin ko ay magluluto na lang ako ng sinangag, pritong itlog at tocino. Yun Kasi ang madalas na kinakain ni Ysa sa almusal nung nakastay pa kami sa isang hotel. Mga ilang minuto lang ang itinagal ko sa CR at nagmadali na akong magbihis. Gusto na
BANGG!!! Sa pangalawang pagkakataon ay narinig kong may nabasa na bagay sa gilid ko pero sa pagkakataong ito ay mas malakas ang tunog. Mas may diin at mas may galit.Pagkatapos pala ibato ni Daddy ang shot glass nya ay hindi pa sya nakuntento. Ngayon naman ay hinagis nya ang mismong bote ng iniinom nyang alak. PAKKK!! Isa pang malakas na tunog pero sa pagkakataong ito hindi ko lang yun narinig kundi naramdam ko pa. Walang pagtitimping nagpakawala si Daddy ng isang malakas na suntok sa mukha ko. Suntok sa nagiisa nyang anak. Suntok na ramdam kong walang pagsisisi.Eto ang unang pagkakataong sinaktan ako ni Daddy ng pisikal. Sanay na sanay na ako sa verbal na pananakit nya sa akin simula pa pagkabata. Halos araw-araw nya akong tinatawag na Tang* at walang kwenta. Pabigat sa buhay nya at kung ano ano pa. Nung bata ako akala ko normal lang na tinatawag ng mga magulang ang anak nila ng ganon pero nung lumaki ako at magkaisip ay nalaman ko na iba pala ang pagpapalaki sa akin ni Daddy. N







