Share

The Billionaire’s Runaway Nanny
The Billionaire’s Runaway Nanny
Author: VelvetProse

Chapter 1

Author: VelvetProse
last update publish date: 2026-07-29 18:08:12

Lagpas alas-sais na ng gabi nang dumating si Inay sa may gate ng bahay namin, habang malakas na sumisigaw.

“Aya!”

Dali-dali akong lumabas. Parehong puno ng mga pinamili ang mga kamay niya.

“Bilisan mo nga! Hindi mo ba nakikitang ang bigat-bigat nito?”

Masama na naman ang timpla ni Inay, gaya ng nakasanayan ko. Sigurado akong may nasabi o may nagawa na namang hindi niya nagustuhan si Tito Peter. At gaya ng dati, sa akin na naman niya ibubunton ang inis niya.

“Mga grocery natin 'yan para sa buwang ito. Ilagay mo lahat sa tamang puwesto. Alam mong ayaw ni Tito Peter ng makalat. At isa pa, huwag kang kukuha ng kahit ano nang hindi nagpapaalam. Kapag nagutom ka, sabihin mo sa akin at ipagtatabi kita ng pagkain.”

“Wow. Hindi ba puwedeng kumuha na lang ako ng makakain sa sarili kong bahay?”

“Tumigil ka nga, Aya! Kapag hindi ka tumigil, bubugbugin talaga kita. Akala mo nakakatuwa ang mga biro mo? Wala namang kahit isang sentimo sa mga grocery na 'yan ang galing sa'yo. Wala ka ngang naitutulong sa bahay na ito.”

“Gusto ko naman magtrabaho, pero ako naman ang pinagbabantay n'yo kay Tala.”

Bigla na lang dumapo ang isang malakas na sampal sa pisngi ko. Sanay na sanay na ang mga kamay ni Inay sa pananakit sa akin. 

“Huwag mo akong sasagutin, Aya ha! Akala mo ba mga tripa mo lang ang kausap mo? Sobra na ang kawalan mo ng respeto. Nanay mo ako! Kung gusto mong manatili sa bahay na ito, matuto kang gumalang sa nakatatanda at ibaba mo ang yabang mo.”

“E saan naman ako pupunta?” umiiyak kong tanong. Ikalawang beses na akong nasampal sa linggong iyon. “Ikaw na lang ang natitira kong pamilya sa mundong ito, pero pakiramdam ko parang wala pa rin akong kahit na sino. Simula nang maging kayo ni Tito Peter, puro pagpapahirap na lang ang ginawa mo sa akin. Ang mas masakit pa, hinahayaan mo rin siyang gawin din iyon sa akin.”

Apat na taon na ang lumipas mula nang mawala si Papa. Pagkaraan ng isang taon, nagkaroon ng bagong nobyo si Inay.

Hindi pa sila nagtatagal nang dalawang buwan ay nagsama na sila sa iisang bahay dahil buntis na siya kay Tala, ang nakababata kong kapatid. Ako ang nag-aalaga sa kanya para pareho silang makapagtrabaho.

Simula nang lumipat kami sa bahay ni Tito Peter, hindi na niya ako tinuring na anak. Hindi niya ako kinakausap maliban na lang kung may nawawalang gamit o kung uutusan niya akong magligpit kapag may gamit na wala sa tamang lugar.

Bulag na bulag si Inay sa kanya, sa pagmamahal at sa selos. Pakiramdam ko iyon ang dahilan kung bakit ganito na lang ang trato niya sa akin.

Hindi...

Sigurado pala ako.

Tuwing day off ni Tito Peter, pinapaalis niya ako ng bahay buong maghapon. Makakabalik lang ako kapag nakauwi na siya galing trabaho. Ayaw niyang naiiwan ako na kasama si Tito. 

“Ayaw mo ba? Siya ang bumubuhay sa atin at sa bahay na ito, dapat nga araw-araw kang lumuluhod at nagpapasalamat sa kanya. At tungkol d’yan sa drama mo, ubos na ubos na ang natitira kong pasensya. Sige na, umalis ka na sa harap ko at paliguan mo na si Tala dahil aalis pa kami.” 

“Saan tayo pupunta?”

“Hindi ka kasama. Kami lang. Nakalimutan mo na bang magulo ang bahay? Habang wala kami, lampasuhin mo ang sahig.”

Palagi na lang ganoon.

Isang araw bago ang day off ni Tito Peter, umaalis silang dalawa nang hindi ako isinasama.

At para bang hindi pa sapat iyon, ako pa ang iniiwan nilang gumawa ng lahat ng gawaing bahay, parang si Cinderella.

“At huwag mong kalilimutan na bukas ang day off mo. Si Tito Peter ang mag-aalaga kay Tala kaya makakapagpahinga ka.”

Sinabi niya pang makakapagpahinga ako. Pero ang totoo, ayaw lang niyang maiwan kaming dalawa ni Tito Peter sa bahay. Hindi dahil natatakot siyang may gawin siya sa akin. Kundi dahil natatakot siyang baka ako ang umakit sa kanya.

Hindi maintindihan ni Inay na sukang-suka ako sa lalaking iyon. Hindi ko matanggap ang pagmumukha niya, lalo na ang palihim niyang pagtitig sa akin sa tuwing nagkakasalubong kami sa bahay.

Isang bagay lang na maganda sa sitwasyon ko, kumikita ako ng kaunting pera. Habang nasa trabaho sina Inay at Tito Peter, gumagawa ako ng mga accessories sa buhok para sa mga bata. Kapag Miyerkules, na siyang day off ni Tito Peter—lumalabas ako para ibenta ang mga iyon.

Naglalakad ako sa paligid ng mga daycare, paaralan, at maternity hospital, at kahit sa mga mall dahil mas maraming tao ron at mas maraming benta ‘pag nagkataon. 

Ang kinikita ko ay ipinambibili ko ulit ng materyales, at ang tubo ay iniipon ko. Hindi ako gumagastos kahit isang sentimo.

Nag-iipon ako para sa araw na makaalis ako sa bahay na ito.

Siyempre, wala silang kaalam-alam. Dahil kapag nalaman nila, matagal na nilang kinuha ang lahat ng perang pinaghirapan ko.

No’ng isang beses nga, habang paalis ako ng bahay, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Inay, pero binigyan niya ako ng isang libo at sinabing bumili ako ng kahit anong gusto ko.

Noon ay buntis pa lang siya, napaisip ako. Puwede kong gastusin ang perang iyon sa kung anu-anong bagay at mauubos agad.

O maaari ko itong ipuhunan?

Kaya iyon ang ginawa ko.

Bumili ako ng ribbon, hot glue, mga beads, at natutong gumawa ng hair bow sa tulong ng mga tutorial sa feed app.

Maingat kong itinatago ang lahat ng gamit ko. Kapag lalabas ako, inilalagay ko ang mga iyon sa backpack ko at ibinebenta ang mga nagagawa ko.

Dahil doon, nakaipon na ako ng singkwenta mil. Dalawang bagay na lang ang hinihintay ko, ang makaipon pa at ang mag-diyesotso. Kapag nangyari iyon, aalis na ako rito. Lilipat ako sa ibang lugar. Maghahanap ng trabaho.

Maghahanap ng matitirhan at susubukan na makapasok ng college para kahit papaano ay magkaroon ako ng diploma. Alam kong hindi magiging madali ang lahat ng iyon. Pero wala na akong ibang pagpipilian kundi ang sumugal.

Kung mananatili ako rito, hinding-hindi ako makakapag-aral o magkakaroon ng trabahong may sahod. Hindi ko naman hahayaan na hanggang dito na lang ang buhay ko. 

Para kina Inay at Tito Peter, sapat nang kabayaran sa lahat ng ginagawa ko ang may natitirahan at mapakain ako.

Nang makaalis silang lahat kinagabihan, agad kong inilagay sa backpack ko ang mga paninda ko pati na rin ang lahat ng naipon kong pera.

Mapanganib man ang maholdap sa daan, mas natatakot akong manakawan sa sarili naming bahay. Pakiramdam ko kasi, tuwing umaalis ako, kinakalkal ni Inay ang mga gamit ko.

Matapos kong maihanda ang lahat, tinawagan ko ang nag-iisa kong kaibigan.

“Hi, Ria. Kumusta na ang paghahanda mo sa pag-alis mo?”

Lilipat na si Ria sa ibang estado upang manirahan sa tiyahin niya matapos siyang mabigyan ng scholarship sa isa sa pinakamahusay na medical school sa bansa. Magkaibigan na kami simula pa noong elementarya. At mula noon, hindi na kami nagkahiwalay.

Pareho naming pinangarap na mag-college nang magkasama. Pero noong nakaraang taon, pagkatapos kong makatapos ng high school, hindi ako pinayagan ni Inay na kumuha ng entrance exam. Kailangan ko raw alagaan si Tala.

Sayang lang daw ang pambayad sa babysitter kung may anak naman siyang nasa bahay lang.

Sobrang nasaktan ako. Sa totoo lang, pakiramdam ko noon ay gumuho ang mundo ko. Alam kong kaya ko ring makakuha ng scholarship. Masipag akong mag-aral. Palagi akong mataas ang grado.

Mula nang mawala si Papa, iisa lang ang pangarap ko. Makapag-aral. Maging doktor. At mabigyan ng magandang buhay si Inay.

Pero dumating si Tito Peter at tuluyan nang nagbago ang lahat.

Ang pagmamahal na dati niyang ibinibigay sa akin ay napalitan ng pang-iinsulto, pananakit, at kawalan ng respeto. Lahat iyon dahil sa isang selos na hindi niya man aminin, kitang-kita ko naman sa bawat malamig niyang pakikitungo sa akin.

“Handa na ang lahat. Nakaimpake na ang maleta ko. Bukas, alas-kuwatro ng hapon ang alis ko. Pupunta ka para magpaalam, 'di ba?”

“Siyempre. Day off ko bukas ‘no. Hindi ako mawawala.” sarkastiko kong sagot.

“Ang lungkot isipin na hindi na tayo magkasama. Pangarap ko pa namang sabay tayong mag-college.”

“Huwag mo na akong isipin. Masaya ako para sa'yo. Sigurado akong magiging mahusay kang Doktor.”

“Nalulungkot ako para sa'yo, Aya. Sana kapag dumating ‘yung tamang panahon na hinihintay mo, makaalis ka na d’yan. Sobra na ang nararanasan mo kay Tito at Tita. Hindi na tama ‘yan…” 

“Humahanap lang ako ng pagkakataon at aalis na ako dito.”

“Saan ka naman pupunta?”

“Hindi ko pa alam. Basta kailangan kong makaalis dito, Ria, ‘pag hindi, ikamamatay ko. Hindi ko man alam kung anong naghihintay sa akin sa lugar na pupuntahan ko pero nakakasigurado akong mas mabuti na ‘yon kaysa manatili ako rito.” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 4

    Sa sandaling iyon, parang tumigil ang puso ko at nilaktawan nito ang isang tibok. Magiging saksi ako sa isang pagpapakamatay kung wala akong gagawin. Dahil sa instinct ko, sinubukan kong kunin ang atensyon ng lalaki at pigilan siya sa paggawa ng isang bagay na pagsisisihan niya.“Sir!” sigaw ko para marinig niya ako. “Pakiusap, huwag mong gawin ‘yan!”Agad kong nakita na ibinaling niya ang mukha niya papunta sa akin.Sobrang dilim ng paligid, at bahagyang humina ang ulan, pero sapat pa rin ang lakas ng ulan para hindi ko siya makilala. Sa kabila ng kadiliman, paminsan-minsan ay nasisilayan ko ang anino ng kanyang katawan dahil nakasuot siya ng hoodie.“Sino ka?”Sa sandaling iyon, kinilabutan ako. Napakalakas ng sigaw ng lalaki, at ang malago niyang boses ay nagpadala ng malamig na kilabot sa buong katawan ko.“Hindi mo ako kilala. Taga malayo ako. Pero sana makinig ka sa’kin na may iba pang solusyon para sa mga problema mo at hindi ito ‘yon.”“Wala kang alam.” patuloy niyang tanong,

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 3

    “Aya, Aya!”Napalingon ako at nakita ko ang kaibigan kong si Ria. Ang ganda ng pustura niya ngayon, parang nag-make up pa ito at nagpaayos ng buhok. Kumakaway-kaway pa ito palapit sa akin. Buti dumating siya dahil hindi ko na talaga alam ang dapat gawin. “Akala ko hindi ka na darating, Aya!” sabi niya habang niyayakap ako.“Ria, hindi mo alam ang nangyari—sinubukan akong gahasain ng walanghiyang Peter na ‘yon.” Sabi ko habang umiiyak, muling naaalala ang eksenang hinahawakan ng lintik na lalaking iyon ang katawan ko.“Ano?” sagot niya, hindi makapaniwala.Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Niyakap niya ako at umiyak kasama ko.“May maiisip akong paraan, Aya. Hindi ka na babalik sa bahay na iyon. Alam ko na ang gagawin natin!”“Ano ang nasa isip mo?”“May pirmadong pahintulot ako mula sa mga magulang ko para bumiyahe, at nabili ko na rin ang ticket ko. Kailangan mo lang sumakay ng bus para sa akin.”“Baliw ka ba?”“Bibili na lang ako ng panibago at aalis ako bukas. Bukod doon,

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 2

    “Aya, bumangon ka na!”Malakas na sigaw ni Inay mula sa loob ng kuwarto ko.“Alas-singko pa lang ng umaga. Hindi pa oras ng pag-alis ko,” gulat kong sabi habang sinisilip ang oras sa cellphone ko.“Hindi ka aalis ngayon. May lagnat si Tala, kaya ikaw ang magbabantay sa kanya. Hindi siya kayang alagaan ni Tito Peter kapag may sakit siya.”“Pero may usapan kami ni Ria ngayon, Ma.”“Makikita mo pa siya sa susunod na linggo. Mas mahalaga si Tala,” malamig niyang sagot, na para bang walang saysay ang gusto kong sabihin.“Ma, kasi naman—”“Makinig ka.”Bigla siyang lumapit at hinila ang buhok ko. Namanhid ang ulo ko nang gawin niya iyon. Pakiramdam ko ay humiwalay ang anet ko sa aking ulo. Mapapanot pa yata ako. “Babantayan mo ang kapatid mo, at hindi ka lalabas ng kuwarto niya. Maliwanag ba?”“Opo...” mahina kong sagot.Pakiramdam ko ay napanot ako dahil sa malakas niyang sabunot sa akin. “Ayaw kong may pag-uusapan pa kayo ni Tito Peter maliban kay Tala. Walang kalokohan, naiintindihan m

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 1

    Lagpas alas-sais na ng gabi nang dumating si Inay sa may gate ng bahay namin, habang malakas na sumisigaw.“Aya!”Dali-dali akong lumabas. Parehong puno ng mga pinamili ang mga kamay niya.“Bilisan mo nga! Hindi mo ba nakikitang ang bigat-bigat nito?”Masama na naman ang timpla ni Inay, gaya ng nakasanayan ko. Sigurado akong may nasabi o may nagawa na namang hindi niya nagustuhan si Tito Peter. At gaya ng dati, sa akin na naman niya ibubunton ang inis niya.“Mga grocery natin 'yan para sa buwang ito. Ilagay mo lahat sa tamang puwesto. Alam mong ayaw ni Tito Peter ng makalat. At isa pa, huwag kang kukuha ng kahit ano nang hindi nagpapaalam. Kapag nagutom ka, sabihin mo sa akin at ipagtatabi kita ng pagkain.”“Wow. Hindi ba puwedeng kumuha na lang ako ng makakain sa sarili kong bahay?”“Tumigil ka nga, Aya! Kapag hindi ka tumigil, bubugbugin talaga kita. Akala mo nakakatuwa ang mga biro mo? Wala namang kahit isang sentimo sa mga grocery na 'yan ang galing sa'yo. Wala ka ngang naitutulon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status