Share

Chapter 2

Author: VelvetProse
last update publish date: 2026-07-29 18:08:51

“Aya, bumangon ka na!”

Malakas na sigaw ni Inay mula sa loob ng kuwarto ko.

“Alas-singko pa lang ng umaga. Hindi pa oras ng pag-alis ko,” gulat kong sabi habang sinisilip ang oras sa cellphone ko.

“Hindi ka aalis ngayon. May lagnat si Tala, kaya ikaw ang magbabantay sa kanya. Hindi siya kayang alagaan ni Tito Peter kapag may sakit siya.”

“Pero may usapan kami ni Ria ngayon, Ma.”

“Makikita mo pa siya sa susunod na linggo. Mas mahalaga si Tala,” malamig niyang sagot, na para bang walang saysay ang gusto kong sabihin.

“Ma, kasi naman—”

“Makinig ka.”

Bigla siyang lumapit at hinila ang buhok ko. Namanhid ang ulo ko nang gawin niya iyon. Pakiramdam ko ay humiwalay ang anet ko sa aking ulo. Mapapanot pa yata ako. 

“Babantayan mo ang kapatid mo, at hindi ka lalabas ng kuwarto niya. Maliwanag ba?”

“Opo...” mahina kong sagot.

Pakiramdam ko ay napanot ako dahil sa malakas niyang sabunot sa akin. 

“Ayaw kong may pag-uusapan pa kayo ni Tito Peter maliban kay Tala. Walang kalokohan, naiintindihan mo?”

“Parang mas mahal mo pa siya kaysa sa akin.”

“Hindi ito ang oras para makipagtalo o magdrama. Pumunta ka na sa kuwarto ni Tala at humiga ka sa tabi ng kama niya.”

Alam kong matagal na akong hindi gusto ni Inay. Kahit kailan at kahit sa anong paraan, kaya niya akong tratuhin nang masama. Pero sa tuwing magsasalita siya nang ganoon, natatakot pa rin ako sa sobrang lamig ng tono niya. Pakiramdam ko’y hindi na talaga niya ako mahal. 

“Kung ayaw mong matulog, plantsahin mo ang mga damit niyang nilabhan mo kahapon. Huwag mong kalimutang paghiwalayin ayon sa kulay kapag inililigpit mo para hindi mahirap hanapin mamaya.”

Pagkasabi niya noon ay umalis na siya ng kuwarto nang hindi man lang naghintay ng sagot.

Tumayo ako at nagbihis. Siniguro kong maayos ang suot ko. Walang shorts at walang damit na maaaring magpakita ng hubog ng katawan ko.

Pagkatapos ay dumiretso ako sa kuwarto ng nakababata kong kapatid. Dalawang taong gulang pa lang si Tala. Napakabait niyang bata. Siguro dahil ako ang nagpalaki sa kanya. Palagi kaming magkasundo, at mahal na mahal ko siya.

Mula nang isilang siya, ako na ang nag-aalaga sa kanya. Ako ang unang nagpaligo sa kanya at ako rin ang laging nagsasama sa kanya sa buwanang check-up niya.

Mahal na mahal din siya nina Inay at Tito Peter. Kung kinakailangan, handa pa silang ibigay ang buhay nila para sa kanya. Ang pag-aarugang hindi nila maibigay sa akin, ibinibigay nila nang sobra-sobra kay Tala. At kahit paano, nakapagpapagaan iyon ng loob ko. Kapag umalis na ako rito balang araw, alam kong magiging maayos ang kalagayan niya.

Pagpasok ko sa kuwarto, mahimbing na natutulog si Tala.

Pero halata sa mukha niya ang paghihirap. Agad kong kinuha ang temperatura ng katawan niya, pinainom ng gamot, at humiga sa tabi niya.

Alam kong hindi na muling papasok si Inay roon bago mag-alas-siyete, kaya natulog ako ng kahit konting oras. 

Umalis na si Inay para pumasok ng trabaho. Dalawang beses namang dumaan si Tito Peter para silipin si Tala nang umagang iyon.

Alas-una y medya na ng hapon. Hindi pa rin ako nakakakain ng tanghalian.

 Mukhang bumuti na ang pakiramdam ni Tala. Wala na ang lagnat niya at maayos na niyang kinakain ang lahat ng ibinibigay ko. Nang makatulog siyang muli, lumabas ako ng kuwarto para kumain dahil kumakalam na ang sikmura ko.

Naabutan ko si Tito Peter sa kusina. Nakatayo siya sa may lababo habang umiinom ng tubig.

“Nasaan si Tala?” matigas niyang tanong.

“Kakatulog lang niya. Wala na rin siyang lagnat,” sagot ko nang hindi man lang siya tinitingnan.

Habang nagsasandok ako ng pagkain, bigla kong naalala si Ria. Ngayong maayos na ang lagay ni Tala, baka puwede pa akong lumabas sandali para makapagpaalam sa kanya.

Malaki ang respeto ko sa kanya kaya humingi pa ako ng pahintulot sa stepfather ko.

“Tito Peter...”

Napatingin siya sa akin.

“Dahil okay na si Tala, puwede ba akong lumabas sandali? May lakad kasi ako ngayon.”

“Lakad? Anong lakad?” nagtatakang tanong niya.

“Makikipagkita ako sa kaibigan ko.”

“Kaibigan?” mapanlait siyang ngumisi. “Hmm... alam ko na. Lalabas ka lang para maghanap ng lalaki.”

Natigilan ako.

“Saan mo naman nakuha ‘yan, Tito? Anong basis mo’t nasabi mo ‘yan? Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan.” 

“Mula kailan pa ako dapat gumalang sa katulad mo?” sagot niya. “Bahay ko ito. Sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Akala mo ba hahayaan kitang manatili rito kapag umuwi kang buntis? Sisipain kita palabas, naiintindihan mo?”

Napakasama ng tingin niya sa akin kahit wala naman akong nagawang masama.

Tahimik lang akong tao. Hindi ako palabas ng bahay at hindi ako naging problema kay Inay kaya hindi ko maintindihan ang galit nila sa akin. 

“Igalang mo ako!” sigaw ko.

Bigla siyang lumapit at sinakal ako.

May hawak pa akong mangkok ng mainit na sabaw.

“Bakit kita igagalang? Akala mo ba hindi ko kayang makilala ang isang malandi? Hindi ka aalis. At kung gustong-gusto mong makatikim ng lalaki, ipapakita ko sa'yo ang tunay na lalaki rito mismo sa bahay.”

Kasabay ng mga salitang iyon, marahas niyang hinawakan ang dibdib ko habang pilit hinihila ang blouse ko. Hindi na ako nag-isip. Buong lakas kong inihampas ang mangkok ng kumukulong sabaw sa mukha niya.

Napasigaw siya sa sakit at agad na bumagsak sa sahig.

Nataranta ako.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kuwarto ko, kinuha ang bag ko, at lumabas ng bahay. Habang tumatakbo ako palabas ng gate, nakita kong paulit-ulit niyang binubuhusan ng tubig ang mukha niya sa lababo habang sumisigaw sa sakit at inuulan ako ng mura. 

Mukhang matindi ang pagkakapaso niya.

Deserve niya ‘yon! Bastos siya. 

Patakbo akong nakarating sa dulo ng kalye namin nang may dumaan na taxi. Agad ko itong pinara.

“Kuya, sa bus terminal po.”

Pagdating ko roon, saka ko lang napagtanto ang sitwasyong kinasangkutan ko matapos kong lumaban sa walanghiyang iyon.

Hindi ako paniniwalaan ni Inay kahit sabihin ko ang totoo. At hindi na rin ako puwedeng bumalik sa bahay. Sigurado akong papatayin ako ni Tito Peter. Ang dala ko lang ay ang suot kong damit at ang backpack ko. Nandoon ang mga hair bow na paninda ko, ang ID ko, cellphone, at lahat ng naipon kong pera.

Iyon lang ang naisip kong kunin.

Ito na ang pagkakataon mo, Aya.

Dito magsisimula ang kalayaan mo.

Kailangan mo nang umalis.

Lumapit ako sa ticket counter at humingi ng tiket papunta sa probinsya. Hiningi ng babae ang ID ko. Nang makita niyang menor de edad pa ako, umiling siya.

“Menor de edad ka pa, neng. Hindi ka pwedeng umalis.” Aniya bago ibalik ang pera ko. “Next!” Sigaw niya. 

“Teka po. Saglit lang. Dalawang buwan na lang po, eighteen na ako. Hindi po ba pwede ‘yon?” 

“Kung sa kalapit na bayan ka lang pupunta, baka puwede pa. Pero dahil mag-isa kang bumiyahe, kailangan ko ng nakasulat na permission mula sa guardian mo.”

“Please... nagmamakaawa po ako. Ibenta n'yo na po sa akin ang ticket na iyon. Buhay ko po ang nakataya.”

Halos maiyak na ako habang nakikiusap.

“Miss, kung buhay mo ang nakasalalay, mas mabuting pumunta ka sa ospital o sa pulis. Hindi dito sa bus terminal. Marami kaming mga problema at trabaho na dapat atupagin. Hindi para dagdagan mo pa.” 

Walang emosyon niyang sinabi iyon bago niya ako tuluyang binalewala at bumalik sa ginagawa niya.

Hindi ako puwedeng magsumbong sa pulis.

Kapag sinabi kong sinubukan akong abusuhin ng stepfather ko, iisipin nilang nag-iimbento lang ako.  At alam kong si Inay ang kakampi sa kanya.

Naupo ako sa isang tabi, tuluyang nawalan ng pag-asa. Hindi ko alam ang susunod kong gagawin. Tumayo ako at muling naglakad papunta sa ticket counter.

Pero bago pa man ako makarating...

May narinig akong sumigaw ng pangalan ko.

“Aya!”

Bigla akong kinilabutan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 37

    A few days earlier…ENZO’S P.O.VPagpasok ko ng kwarto, saka pa lang nag-sink in sa’kin ang ginawa ko."Damn it. Hinalikan ko si Aya."Napahawak ako sa noo ko at napailing."I can't believe I did that."Pero kasi, sobrang lapit ni Aya habang kinakausap ako. Madilim na madilim pa, and for a second, I thought she was Hera.Kahit gaano karaming sakit ang naidulot sa akin ng babaeng iyon, she was still the woman who had owned my heart for years.Well...Maybe not anymore.The way Aya kissed me—it awakened somethin

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 36 (Part Two)

    “Ha? Anong ibig mong sabihin?”Nagtataka kong tanong. Hindi ko talaga siya maintindihan.“Wala, wala…”Tumatawa pa rin siya at napipikon ako sa tawa niya.“Ano nga?”Umiling siya at bahagyang napasandal.“Kaibigan ni Sir ‘yung attending physician mo, ‘di ba?”Tumango ako.“Tumawag siya kay Sir Enzo. Sabi niya, discharge ka na raw. Tinanong niya si Tito kung tumawag ka sa kanya pero sabi ni Tito, wala siyang natatanggap na tawag galing sa’yo.”

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 36

    Nagising ako sa tunog ng pag-ikot ng doorknob. Naghintay ako na may pumasok, pero ilang segundo ang lumipas at walang nagbukas ng pinto. Napabangon ako at lumapit para tingnan kung sino ang nasa labas.Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, isang malaking bag ang nakita kong nakasabit sa doorknob. Kinuha ko iyon at binuksan.May isang kahon sa loob, kasama ang isang maliit na note."Aya, take this as a gift. Dahil matagal din naman kitang hindi na-swelduhan, sa'yo na 'tong laptop ko. This should be useful once you start your studies. Na-reset ko na rin—pwede mo na siyang gamitin.P.S. Don't feel special. Pinaglumaan ko na 'yan. Nanghinayang lang akong itapon dahil bumili na 'ko ng bago. ‘Wag kang feeling.” Napangiti ako sa nabasa ko at natawa naman ako nang mabasa ko ang sinabi niya sa dulo. Kahit kailan talaga, hindi niya kayang maging sweet sa akin. Bumalik ako sa loob ng kwarto at binuksan ang kahon. Perfect condition pa ang laptop. At kung hindi ako nagkakamali, mamahalin ‘tong brand d

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 35 (Part Two)

    Natigilan ako at agad na tinalikuran siya. Ayokong makita niyang umiiyak ako. “Why are you just standing there? Do you not see the faucet’s still running?”Naramdaman ko ang paglapit niya at siya mismo ang pumatay ng gripo. Bakit ba sobrang tahimik ng yabag ng lalaking ‘to? Hindi ko man lang narinig ang pagbaba niya ng hagdan at ang pagdating niya dito. “Sorry…” Bulong ko pero sapat ang lakas no’n para marinig niya. Basag pa ang boses ko nang sabihin ko ‘yon kaya’t alam kong mahahalata niya. “Lagi ka na lang nag-so-sorry.” Hindi pa rin niya ako iniiwan. Gusto ko na sanang umakyat at dalhin ang tubig ko pero nakaharang siya sa dadaanan ko. Kapag ginawa ko ‘yun, makikita niya ang mukha ko. Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Tinuon niya ang isang braso niya sa lababo at nang balak ko siyang iwasan ay magkabila na niyang inilagay ang braso niya sa lababo. Dahilan para ma-trap ako sa pagitan niya at ng counter. "Turn around and face me, Aya."Hindi ko man siya gu

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 35

    Tahimik kaming kumain. Sa sobrang tahimik namin dalawa, pakiramdam ko’y pako ang nilulunok ko. Ang sakit sa lalamunan. Kinakabahan ako. Sobrang awkward talaga kapag kasama ko ‘tong masungit na ‘to lalo na kailangan kong kapain kung anong mood niya. Minsan, okay siya. Minsan naman, ang sungit.Hindi ko alam kung alin sa dalawang version niya ang haharap sa akin sa tuwing magkikita kami."This month, hindi mo kailangang mag-alala kay Ethan. Tutulungan ka ni Mia. I want you to focus on yourself para mabilis kang maka-recover."Tinapunan ko siya ng tingin. Nakakahiya. Sa halip na nagagawa ko nang maayos ang trabaho ko, kinakailangan ko pang maka-istorbo sa kanila. “Sorry talaga, Enzo, laking abala pa tuloy ako sainyo.” Kahit ayokong malaman ng amo ko ang mga personal kong problema, wala naman akong magagawa. Nakakahiya. Pakiramdam ko, naubos na ang dignidad ko. Tinitigan ako ni Enzo at malalim na bumuntong-hininga.Hindi ko talaga siya maintindihan. Hindi ko rin mabasa ang mga expre

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 34 (Part Two)

    Naging tahimik lang ang byahe namin pauwi. Masyado yata kami maraming napag-usapan kaya naubos na ang energy namin pareho. Nang makarating kami sa hacienda, agad na sumalubong sa amin si Mia para yakapin ako. “Happy birthday!” “Thank you, Mia!” Sagot ko naman nang kumalas siya. Sinilip ko rin agad si Ethan na mahimbing na natutulog. Samantalang si Enzo naman ay dumiretso agad sa office niya. Marami pa raw kasi siyang gagawin.“Kamusta ka naman, Aya? Buti nakalabas ka na ngayon at talagang tinaon pang birthday mo.” “Kaya nga, eh.” Tumawa ako. “Maayos naman ang pakiramdam ko. Maayos na maayos na.” Sinaway ko pa si Mia nang ayusin niya ang kama na hihigaan ko. Pero wala rin akong nagawa. Kailangan ko raw sumunod sa kanya dahil baka mabinat ako. “Kamusta pala siya, Mia?” “Okay naman, Aya. Hindi naman niya kami pinahirapan.” Napangiti si Mia."Alam mo ba, para mapatulog ko siya, kinailangan ko pang ilagay sa tabi niya ang unan mo.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status