Share

Chapter 4

Author: Zyglerx
last update Huling Na-update: 2024-10-22 20:56:39

Nalilito pa rin si Sarah matapos marinig ang sinabi ng kanyang ina.

"Singsing? Kailan pa ako nakatanggap ng isa –” Natigilan si Sarah nang maalala ang isang bagay. “O, tama! Nay, naalala ko, kahapon pinadalhan ako ng isang anonymous na fan ng diamond ring sa pamamagitan ng express delivery! Natatakot ako na baka magkagulo ang media tungkol dito, kaya tinabi ko at hindi ko na dinala."

Natuwa si Tasha nang marinig niya ito.

"Ayan! Matagal na sigurong may lihim na pagtingin si Mr. Maki sa iyo at hinahabol ka niya sa pangalan ng fan mo. Nag-imbestiga na ako at ang dumating para mag-propose kahapon ay ang personal assistant ni Mr. Maki.

Ang pamilyang Montealegre ang fist family at si Maki ay sinsero at may gusto sa ‘yo. Hindi ka magkakamali kung pakakasalan mo siya.”

Hindi napigilan ni Sarah ang pamumula at ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Hindi pa niya nakita si Maki, ngunit naririnig na niya ang tungkol sa young master ng first family. Si John Maki Montealegre, siya ang diyos ng mundo ng negosyo!

Hindi rin nila inaasahan na maging si Maki ay fan ni Sarah at baliw na baliw ito rito, kaya dumiretso ang binata sa bahay nila Sarah upang magbigay ng regalo sa kasal. Siguradong dahil ito sa charm at angking ganda ni Sarah.

***

Kinahapunan,

Bumalik si Irene mula sa labas, hawak ang isang magandang frame ng larawan sa kanyang mga braso. Pumasok siya sa bahay, nagpalit ng tsinelas, at dumiretso sa itaas.

Nagkataon na bumababa si Sarah at sadyang hinarangan siya.

"Ano yang hawak mo sa kamay mo? Ninakaw mo ba ang mga alahas sa regalo ko galing sa mapapangasawa ko?"

Huminto si Irene at mahinang nagsalita.

"Sa ‘kin to at private property ko to!"

"Hindi ako naniniwala, ilabas mo ‘yan at titingnan ko!"

Mula pagkabata, hindi na gusto ni Sarah ang kapatid na si Irene na lumaki sa nayon. Sa tingin niya kasi ay isa itong malaking kahihiyan sa kanilang pamilya at hindi siya nirerespeto.

Hinablot ni Sarah at inagaw ang bagay na hawak ni Irene sa kanyang braso.

"Naku! Akala ko naman kayamanan na. Larawan lang pala ng kabit niyang ina.”

“Hindi kabit ang nanay ko!”

Muling inagaw ni Irene ang frame ng larawan, ngunit sadyang ibinagsak ito ni Sarah sa sahig.

"Oops! Sorry, nadulas yung kamay ko!" pang-aasar nito.

Nang makita ni Irene ang picture frame na tinapakan ni Sarah, ang mga mata niya ay nagmistulang kulay pula.

Ito ay isang lumang larawan ng kanyang ina na sa wakas ay natagpuan niya sa lumang photo album ng pamilya Smith. Ngayon, ibinalik niya ito, inayos ang quality ng photo, at nilinis, inihahanda na ilagay sa kanyang silid upang i-display.

Marahas na hinila ni Irene ang damit ni Sara at galit na nagsalita.

“Damputin mo ‘yan at ibigay mo sa ‘kin!”

Hindi natakot si Sarah.

"Ang lakas naman ng loob mo na hawakan ako? Hayaan mong sabihin ko sa iyo! Malapit na akong maging binibini ng pamilyang Montealegre. Kung maglalakas-loob kang kalabanin ako, siguradong pagbabayarin ka ng pamilya Montealegre!"

Bahagyang nag-alinlangan si Irene at napakunot ang noo.

“Teka. Pamilya Montealegre?

Ang lalaking nagpilit sa kanya na magpakasal kahapon ay Montealegre din. Ngayon, nang marinig niya ang salitang Montealegre, nanginginig ang kanyang anit.

"Ang tinutukoy mo ba ay ang first family, ang pamilyang Montealegre?" tanong niya.

Taas noong ngumiti si Sarah at nagsalita.

"Tama! Ano? Natatakot ka ba? Tama lang na matakot ka! Si John Maki Montealegre, ang panganay na anak ng pamilya nila ay isa sa mga tagahanga ko at wala siyang ibang pakakasalan kundi ako! Ang magagandang regalo na nandoon ay ang regalo sa kasal na binigay ng pamilya sa akin kagabi. Mas mabuting huwag mo silang hawakan dahil baka hindi mo kayang bayaran kapag nasira mo.”

Itinagilid ni Irene ang kanyang ulo para tingnan ang mga regalong itinuturo ni Sarah at natigilan sandali na para bang may nahulaan siya.

‘Baliw ba siya? Dumating talaga ang lalaking iyon para mag-propose ng kasal?’ gulat na sambit ni Irene sa kanyang isip.

Ngunit pagkatapos mag-isip tungkol dito, isang kumikinang na liwanag ang kumislap sa mga mata ni Irene, at sinabi niya kay Sarah.

"Kung gayon, kailangan talaga kitang batiin! Kaso lang, para sa isang malaking pamilya tulad ng pamilyang Montealegre, sigurado ba silang matatanggap nila ang isang babaeng artista na puno ng mga iskandalo sa entertainment industry bilang head lady?"

Nakaramdam ng kirot ang puso ni Sarah dahil sa sinabi ni Irene.

"Hindi mo kailangang mag-alala! Mahal na mahal ako ni Young Master Maki at natural na mapoprotektahan niya ako!" nagmamalaking tugon ni Sarah.

"Talaga?"

Ngumiti si Irene at wala nang sinabi pa.

Kinuha niya ang litrato ng kanyang ina, pinagpag ang alikabok, at umakyat sa itaas. Nag-aalala pa rin si Irene kung paano maaalis ang gulo na naranasan niya sa lalaking iyon kahapon. At dahil sabik na sabik si Sarah na magpakasal kay Maki kapalit niya, perpektong pagkakataon iyon.

Sa kabilang banda, malamig na bumuntong-hininga si Sarah, ngunit nagbulung-bulungan siya sa kanyang isip.

May katuturan ang sinabi ng babaeng taga-nayon na si Irene. Ang pamilyang Montealegre ay ang unang pamilya at siya naman ay isang artista lamang na hindi masyadong sikat. Nakakatakot kung malaman ng elder ng pamilya Montealegre ang tungkol sa mga eskandalo niya at magkaroon ng masamang impresyon sa kanya.

Sa pag-iisip nito, nagpasya si Sarah na umalis kaagad sa entertainment industry.

Kung ikukumpara sa pagiging young lady ng pamilyang Montealegre, walang sinabi ang maliliit na exposure mula sa entertainment industry.

Tatawagan na sana ni Sarah ang kumpanya para ipa-terminate ang kontrata at huminto sa industriya, ngunit biglang tumunog ang kanyang telepono.

Hindi niya maintindihan kung bakit recently, napakarami niyang natatanggap na tawag, ngunit wala siyang balak sagutin ito.

Nang makita niya sa screen ng kanyang cellphone ang numero ng sponsor na naka-fling niya kamakailan lang, sinagot niya ito, dahil gusto na niyang putulin ang ugnayan dito.

"Baby, where are you? I miss you so much! Halika sa hotel mamayang gabi at samahan mo ako." sambit ng lalaki sa kabilang linya.

Naiinis na sinabi ni Sarah: "Huwag mo akong tawaging baby! Kung hindi nakakadiri para sa ‘yo ang tawag na iyon, puwes sa akin nakakadiri!"

"Anong sabi mo? Nakakadiri ako? Huwag mong kalimutan kung paano ka nakiusap na tulungan kitang makuha ang Lotus Award aktres!"

Hindi siniryoso ni Sarah ang sinabing iyon ng lalaki.

"Nagretiro na ako sa industriya ng entertainment. Wala na akong pakialam sa Lotus Award, ibigay mo na lang sa sinumang may gusto. Huwag mo na akong tatawagan ulit!”

Mula sa kabilang linya ng telepono, galit na galit ang matandang lalaki na halos mangasul ang kanyang mukha.

Bumili pa siya ng diamond ring para sa babaeng ito at ipinadala sa kanya sa pamamagitan ng express delivery.

“Ang walang hiya! Wala na siyang kinikilala pagkatapos niyang matanggap ang regalo! Babaeng walang utang na loob. Wag na wag niyang iisipin na muling pumasok sa entertainment industry in the future, sisiguraduhin kong maba-ban siya!” saad ng matandang lalaki matapos ibaba ang telepono.

***

Makalipas ang tatlong araw.

Ang pamilyang Smith ay nagdaos ng handaan para sa kanilang anak na babae, at ang mga kamag-anak at kaibigan nila ay dumating upang dumalo at bumati.

Sinadya ni Tasha na hilingin kay Ben na gumawa ng handaan, para sa kasal ng kanyang anak na si Sarah.

"Tingnan nyo, nandito na ang convoy ng pamilya Montealegre! Nakakamangha! Lahat ng sasakyan nila ay mga limited edition na luxury cars," pagpuri ng isang bisita.

“Sa mga magazine ko lang nakikita ‘yong nangungunang kotse. Makakabili ka ng sampung Brady sa presyo nito!"

"Sobrang inggit ako kay Sarah. Kaya niyang pakasalan ang isang top man tulad ni Mr. Maki."

Tahimik at puno ng pagmamataas na nakikinig sa mga pambobola ng mga kamag-anak at kaibigan si Sarah na ngayon ay nakasuot ng traje de boda.

“Siya nga pala, hindi pa rin lumalabas si Irene. Siguradong nagtatago siya sa isang lugar at lihim na naiingit kay Sarah ngayon, di ba?” muling sambit ng isang bisita.

“Humph, hayaan nyo siyang mainggit, pero wala naman siyang karapatang mainggit.”

Malapit nang makilala ni Sarah ang kanyang nobyo at inaabangan niya ito. Ano kayang klaseng tao si Mr. Maki?

Sa isip ni Sarah, nakikita na niya ang guwapong mukha ni Maki. Luluhod ito sa kanyang harapan gamit ang isang tuhod at ipagtatapat ang pagmamahal sa kanya, sa harapan ng mga matang may malalalim na inggit.

Huminto ang pangkat ng wedding car sa pintuan ng villa ng pamilya Smith.

Bumaba si Maki Montealegre mula sa lead wedding car na may matangkad at tuwid na pigura. Siya ay maharlika, marangal at matikas.

Sinenyasan ni Luke ang mga groomsmen na noon ay naka-suit na lumabas na ng kotse mula sa likuran at sinundan ang young master. Ang pinto ng Smith family villa ay nilagyan nila ng salitang "Happiness."

Biglang huminto ang lalaking ikakasal na si Maki, tumingala siya at ang matalas niyang mga mata ay tumama sa balkonahe ng Smith family villa.

Sa maliit na balkonahe, isang babaeng naka-pajama ang nakasandal sa bakod, pumuputok ng mga buto ng pakwan at nanonood sa mga exciting na nangyayari.

Nang sandalling tumama ang tingin sa kanya ni Maki, mabilis na tumalikod ang babae at nawala.

Naramdaman ni Irene na may mali. Tila nadiskubre siya ni young master Maki na iyon habang nanonood ng kasiyahan sa balkonahe ngayon lang.

Gayunpaman, heavy makeup ang suot ni Irene noong unang araw silang nagkita at ngayon ay tinanggal na niya ang kanyang makeup, kaya hindi siya dapat makilala ng binata.

Kung sakali, hindi advisable na manatili sa bahay nang matagal, kailangan na niyang magmadali at lumayas.

Sa ibaba, nang makitang biglang huminto ang young master, nataranta ang assistant niyang si Luke at pinaalalahanan siya.

"Young master, nasa harap lang ang gate ng pamilya Smith. Kung hindi ka papasok, baka ma-miss mo ang mahalagang oras ng kasal," bulong ni Luke sa kanya.

Hindi naman tumugon si Maki at nakatitig lamang ito sa itaas ng balkonahe na animoy may ideya na sa mga nangyayari.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 24.1

    Sa SNOW box.Bagaman tinawag itong box, ang loob ay parang isang malaking flat stage na napakaluwag.Mayroong magandang ilaw ngunit malabo, habang tumutugtog ang isang live band.Nakasuot ng magagandang damit ang mga tao, umiinom at nag-uusap sa kani-kanilang mga barkada.Pinagmasdan ni Irene ang mga tao sa paligid, hinahanap si Angela.Maya-maya lang, biglang may lumabas sa pinto na may kulay Barbie pink na buhok patungo sa kanya, “Tita...”Inunat ni Irene ang isang daliri at pinindot ang mga labi ni Angela, pinatahimik ang huling salita na “Tita,” at sinabi: “Kapag nasa labas tayo, tawagin mo ko sa pangalan ko.”Ngumimik si Angela, “Ah, sige! Irene...”Bahagyang nakasimangot si Irene at sinuri mula ulo hanggang paa kung may mga sugat ang babaeng kaharap, “Anong nangyari sa’yo? Tinawag mo ako para humingi ng tulong?”Hindi kumportable na niyakap ni Angela ang braso ni Irene, lumingon siya at itinuro ang likod niya, “Sila yon! Minamaltrato nila ko!”Itinaas ni Irene ang kanyang mga ma

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 24

    Ang ikalawang palapag ng Twilight ay isang high-end na pribadong kuwarto, na hindi naririnig ang ingay mula sa bar sa ibaba at tila ibang mundo.Tinawagan ni Irene si Angela ngunit walang sumagot, at hindi niya alam kung saang pribadong kuwarto ito naroroon.Napansin siya ng general manager ng Twilight at lumapit ito nang may paggalang, "Miss Smith, hinahanap mo ba si Sir Dave?"Dahan-dahang umiling si Irene at nagtanong, "Nakita mo ba kung saang pribadong kuwarto nandoon ang panganay na babae ng pamilya Han?"Sabi ng manager, "Hindi po, walang tao mula sa pamilya Han ang naasikaso sa itaas ngayon."Nagtangka si Angela na hanapin si Maki nang palihim kaya hindi siya dumaan sa karaniwang proseso ng bar.Pinag-isipan ni Irene ito at muling nagtanong, "Saang private room pumasok si Maki?"Matapat na sumagot ang manager, "Miss Smith, si Ginoong Maki ay nasa SNOW."Ang SNOW ang pinakamalaki at pinaka-luxurious private room sa bar na iyon, eksklusibo para sa mga nakatataas sa lipunan.Haban

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 23

    Tumaas ang ulo ni Irene at tiningnan ang salamin na corridor sa second floor kung saan nakaturo si Angela. Sumingkit ang mga mata ng dalaga nang mapatunayang si Maki nga ang lalaking ito na may payat at malamig na pigura. Sa likuran ni Maki, naroon ang isang Magandang babae, matangkad, payat ang baywang, mahaba ang binti at kulot na buhok. Sinusundan nito ang lalaking si Maki.Ibinalik ni Irene ang tingin niya, kalmado ang kanyang ekspresyon, at magaan ang tono, "Huwag mo siyang isipin."Nagtaka si Angela sa sinabi ni Irene, "Tita, ang asawa mo ay lihim na nakikipagkita sa ibang babae sa taas, at wala kang pakialam?"Walang pakialam na uminom si Irene ng juice gamit ang straw, "Wala akong pakialam."Kaka-break lang ni Angela sa isang lalaking manloloko, at lasing pa siya, kaya hindi niya matiis ang ganitong bagay."Hindi! Tita, hindi ka man lang nagagalit sa tito ko? Huhulihin ko siya sa panloloko para sa iyo! Humph, may asawa na siya, pero kasama pa rin niya ang ibang babae. Sobrang

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 22

    Walang ganang umirap si Irene saka tumugon, "Oo at hindi."Nakayuko pa rin si Maki at saka nilipat ang pahina sa dokumento na hawak niya."Totoo ba o hindi?"Sinabi ni Irene ang totoo, "Nilagay ng babaeng iyon ang video, pero ang tunog ay nirecord ko gamit ang aking phone at idinagdag doon sa video."Bumuntong-hininga si Maki nang mahina, "I asked you to be a bridesmaid, pero sinamantala mo ang pagkakataon para sirain ang kasal ng iba. Paano mo ipapaliwanag iyon?"Kumunot ang noo ni Irene, "Uncle, honestly speaking, negosyo ito ng inyong pamilya, hindi sana ako dapat makialam! Pero, ang mga walanghiya ay mga kaaway ng lipunan, may obligasyon akong patayin ang isa kapag nakakita ako ng isa."Bahagyang itinaas ni Maki ang kanyang labi na may halong pagngisi, "Hindi ko alam na si Miss Irene ay isang messenger of justice."Medyo nagalit si Irene, "Ang lalaking iyon na si Yuan, hindi lang niloko si Angela, kundi sinamantala rin niya ang pagkakataon na hawakan ang kamay ko nang magkita kami

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 21

    "Napakawalang hiya mo!"Itinaas ni Angela ang kamay niya para sampalin si Yuan, pero nahawakan agad ng binata ang kamay nito.Hindi nagalit si Yuan, bagkus ay tumawa pa, "Angela, mas mabuting sumunod ka na lang at pakasalan mo ako. Huwag mo akong suwayin, dahil alam mo na kung ano ang mangayayari."Nanaginip ka! Hindi kita pakakasalan kahit mamatay pa ako!" Namumula sa galit ang mga mata ni Angela. Nakita na niya ang tunay na kulay ni Yuan at nadidiri siya. Gusto na niyang bugbugin ito hanggang sa mamatay.Ngunit mahigpit na hawak ng binata ang pulso niya. Hindi niya mahila o maalis ang kamay niya.Mayabang na tumawa si Yuan, "Hindi ka ba natatakot na ang magaganda mong litrato na halos wala nang saplot ay ia-upload sa mga social media platforms, at saka..."Pack!Biglang may isang sampal ang lumipad sa ere at tumama nang malakas sa mukha ni Yuan.Napaikot si Yuan at tumama sa mural sa koridor.Walang gana na inalis ni Irene ang alikabok sa kanyang mga kamay."Basura!" inis na sambit

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 20

    Nagsimulang mamutla ang mukha ni Yuan at agad na tiningnan si Charice. Sigurado siya na ito ay may kagagawan ng mga nangyayari.Samantala, unti-unti namang nagbago ang expression ni Angela, ang kaninang masaya nitong mukha ay napalitan ng pagkagulat. Halos hindi na ito makagalaw sa kinatatayuan dahil sa nakita.Lumingon si Angela kay Yuan na nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala.“Y-Yuan, A-Anong relasyon mo sa babaeng ‘yan?” nauutal na tanong ni Angela.Agad na hinawakan ni Yuan ang balikat ni Angela. “Angela, listen to me. Mali ang inaakala mo. ‘Yang mga oras na ‘yan, lumapit sa akin ang bridesmaid at sinabing masama ang pakiramdam niya. She asked for my help kaya sinamahan ko siya sa storage room. Sino ang mag-aakala na maghuhubad siya sa harapan ko at aakitin ako? Maniwala ka, Angela, wala akong ginagawang masama,” sunod-sunod na paliwanag ni Yuan at pilit nitong pagsisinungaling.Tinulak ni Angela si Yuan at mabilis na lumakad patungo sa kinaroroonan ng mga bridesmaid. “Si

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status