THE CEO’S CONTRACT BRIDE

THE CEO’S CONTRACT BRIDE

last updateLast Updated : 2025-07-06
By:  ForgetMeNot Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
11Chapters
116views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

She hides behind the stars. He stands in the spotlight, but their fake marriage might be the most real thing they’ve ever known. Reeyah Olivar works in the shadows of showbiz—doubling for actresses in dangerous stunts, and paparazzi setups. She’s used to pretending. So when billionaire CEO Jurgen Gabriel Del Rosario offers her ten million pesos to pretend to be his wife for a year, it feels like just another role. Only this time, the bruises aren’t fake, and neither are the feelings. As the cameras fade and reality sets in, Reeyah finds herself in a new kind of danger—the kind that comes with falling for a man who swore he’d never love.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1: The Fall

The scream wasn’t real—but the pain was.

My body hit the pavement with practiced grace, my spine absorbing the impact just enough to make the fall look brutal without breaking my bones. Mayamaya, narinig kong sumigaw ang director ng “Cut” kapagkuwa’y nagmamadaling lumapit sa akin ang ilang crew members, offering hands but I just waved away.

“Okay lang ako,” sabi ko, saka ako dahan-dahan na tumayo at ipinagpag ang mga palad ko sa aking hita. My knees throbbed, and my back ached. But pain meant payment, so wala akong karapatan na magreklamo. This is my job.

Kahit hindi pa tuluyang nakare-recover sa mga stunts na ginawa ko lalo na ang sakit ng katawan na natamo ko, pinilit kong maging okay.

Mayamaya, nakita ko si Maxine Dela Paz, the actress I doubled for, a socialite-turned-starlet. Naglalakad ito palapit sa direksiyon ko habang tumutunog ang six-inch heels nito sa nilalakarang semento. She’s untouched and flawless, while me? Heto at iniinda ang sakit sa buong katawan ko.

“Salamat, Reeyah,” nakangiting wika nito sa akin. Pero I know, deep inside her, sarcastic ang pagkakasabi ng mga salitang binitiwan nito. “You made me look badass,” dagdag pa nito.

Pinilit kong ngitian ito kahit sa loob-loob ko rin ay naiinis ako sa babaeng ito. Sa lahat kasi ng artista na kinuha akong maging double, ito lang ang bukod tanging naiiba. She’s pretty, yeah, pero ang ugali? Napaka-plastic. Pakitang taon ang ugali sa harap ng production crew pati na rin sa mga fans nito. Hindi ko nga alam kung bakit pa sumikat ang Maxine na ito?!

“That’s the job,” walang buhay na sabi ko.

“Yeah, right. Whatever!” Tumalikod ito at kaagad na iniwan ako.

It wasn’t glamorous. It wasn’t famous. Yet for six years, I earned my living as the unseen woman behind the lens—the one performing the dangerous falls, the dramatic slaps, and the lips kissing a co-star when the real actress refused. Ayaw ko man sanang gawin ang part na iyon, but this is my job. Kailangan ko ng pera, so I will do anything the director said.

For six years of doing my job, I never expected applause. Just the envelope of money. Iyon naman ang mahalaga sa akin. At least for now.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sa ere matapos kong sundan ng tingin si Maxine. Pagkatapos ay naglakad na rin ako papunta sa tent kung saan naiwan ang mga gamit ko. I changed into my real clothes—jeans, hoodie, bruises—and checked my phone. Four missed calls from Mien. My little sister.

Nangunot ang noo ko. Hindi naman tumatawag sa akin si Mien ng maraming beses unless emergency or importante ang sasabihin nito sa akin.

Ewan, pero bigla akong nakadama ng kaba nang maisip ko si mama. Kaagad kong pinindot ang call button para tawagan si Mien. Kabado ako habang naghihintay na sagutin ang tawag sa kabilang linya.

Pagkatapos ng ilang ring, sumagot na rin ito.

“Mien—”

“Ate,” wika agad nito hindi pa man ako natatapos sa sasabihin ko sana. “Si mama. Nasa ospital ako ngayon. Tumawag kasi ang nurse na naka-assigned kay mama.”

What she said sent a deeper wave of fear and worry through me.

“Mien, kumalma ka nga muna,” sabi ko kasi nahihimigan kong labis din itong nag-aalala sa kalagayan ng mama namin.

“Ate, ang sabi ng doctor, hindi na raw nagre-response sa antibiotics ang lungs ni mama. Kailangan na rin po nating ma-settle ang bills by Friday dahil kung hindi . . .”

Hindi man nito sinabi sa akin ang lahat ng gusto nitong sabihin ay alam ko na kung ano ’yon.

Naikuyom ko ang aking kamao habang banayad na nagpapakawala nang malalim na paghinga. “Magkano raw?” tanong ko sa mahinang boses.

“Three hundred fifty thousand. Cash daw, ate.”

Pakiramdam ko biglang tumahimik ang buong paligid pagkarinig ko sa sinabi ni Mien. I stared at the edge of the tent, my thoughts beginning to stir with an unease I couldn’t quite name. What the hell? Saan naman ako maghahanap ng three hundred fifty thousand sa loob lang ng dalawang araw? Napakalaki ng perang iyon. Oo may savings ako, pero hindi pa rin ’yon kakasiya. Ano naman ang magagawa ng twenty thousand na ipon ko? Hindi nga kumalahati sa kailangan kong bayaran sa ospital bills ni mama. Kung ibebenta ko rin naman ang motor ko, hindi pa rin iyon sasapat. Hindi ko maibebenta nang mahal ang motor ko kasi second hand ko lang din naman na nabili iyon sa dati kong katrabaho.

Nanghihinang napahakbang na lamang ako palapit sa upuang nasa gilid ng tent. “Um, s-sige. Gagawan ko ng paraan, Mien,” mahinang sambit ako.

“Pero, paano, ate? Malaki ang pera na kakailanganin natin. Dalawang araw na lang din ay Friday na. Ate Reeyah . . .”

“H-Hindi ko alam, Mien. Pero . . . pero ako na ang bahala. Gagawan ko ng paraan.”

“Kung may maitutulong lang po sana ako sa ’yo, ate—”

“Huwag mo nang isipin ’yon, Mien. Basta bantayan mo lang si mama, okay? Ako na ang bahala na maghanap ng pera para may ibayad tayo sa ospital.”

“Sige, ate. Teka, pauwi ka na ba, ate?”

“Mamaya pa. Katatapos lang ng shooting namin, pero may pupuntahan pa ako.”

My mother is in the dark about the kind of work I do. The only one who knows is my sister—and we’ve agreed to keep it that way. Simula kasi nang maaksidente ako, five years ago na, natatakot na si mama na gawin ko ang pagdo-double sa mga artista. Lalo na ’yong mga stunts na medyo delikado. Hindi ko naman siya masisisi, but I need this job.

Gusto na rin ni Mien na tumigil sa pag-aaral para daw makatulong na sa akin sa mga gastusin sa bahay lalo na sa pagpapagamot ni mama, pero hindi ko siya pinapayagan. Isang taon na lang ay magtatapos na siya sa college. Kaya ko pa namang suportahan ang pag-aaral niya. Sayang kasi kung pahihintuin ko siya e, matatapos na siya.

“Sige po, ate. May iniwan akong ulam sa bahay. Initin mo na lang ’yon mamaya pagkauwi mo. Magpahinga ka rin po agad, huh! Bukas ka na dumalaw rito sa ospital.”

“Sige. Tawagan mo lang ako kung may problema diyan.”

“Opo, ate.”

Kaagad kong pinatay ang tawag nang matapos ang pag-uusap namin ni Mien. Nagpakawala rin ulit ako nang malalim na paghinga bago tumayo sa puwesto ko at lumabas na sa tent.

Kailangan kong makahanap ng mahihiraman ng pera kahit napakaimposibleng gawin iyon. Para kay mama, gagawin ko ang lahat.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Jheng Zurikutoji B
mukhang interesting and full of emotions na naman ito Ms A!! excited for this new story!! <3 <3 <3
2025-07-03 19:13:54
1
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status