로그인SAVANNAHIt’s our second month of being husband and wife based on the script we made. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit peke lang ang lahat ng ito, naghanda pa rin ako ng regalo para sa kaniya. Noong nakaraang buwan kasi ay wala akong naibigay dahil sa sobrang busy naming dalawa. Siguro, ibibigay ko na lang ito mamaya pagkatapos ng pagbisita namin sa dalawang charity events.Kasalukuyan akong nag-aayos sa harap ng vanity table ko. Sinadya kong hindi tawagan ang glam team ko, at maging ang alok ni Sebastian na gamitin ang glam team ni Tita Aurora ay tinanggihan ko rin. Ayokong magmukhang pupunta sa isang taping; gusto kong maging natural ang hitsura ko sa harap ng mga tao. Siyempre, dahil kilala kaming "Power Couple," asahan nang may media mamaya para mag-interview, pero this time, I want them to see the real me—with Sebastian by my side.Ayoko mang aminin sa puso’t isip ko, malaking bahagi siya ng pagbabagong nararamdaman ko bilang tao. Bilang Savannah. Hindi na lang ito dahil isa a
Ang charity event na pupuntahan namin sa mga susunod na araw ay saktong pumatak sa petsa kung saan dalawang buwan na kaming kasal ni Sebastian. Of course, Dad knows that. Alam na alam niya kung paano gamitin ang bawat timing para sa imahe namin bilang "Power Couple." He wants us to be seen as a generous and powerful couple sa mata ng publiko. Ang charity na ito ay para sa mga bigating celebrities na gustong mag-donate sa kanilang napiling advocacies. Sa ganitong klaseng pagtitipon, hindi na mawawala ang mga taong genuine ang gustong tumulong, pero siyempre, mawawala ba naman ang mga pakitang-tao?I admit before, I hate going there. It's too crowded and annoying. Masyadong maraming plastik at masyadong maraming camera na nakatutok sa bawat galaw mo. Pero hindi ko alam kung bakit, this time, I feel excited. And to be honest, hindi na lang ito para sa camera. Gusto ko talagang makatulong sa mga tao ngayon. I am proud that I am changing for the better, at nararamdaman ko ang maturity na un
Nagising ako sa silaw ng araw na tumatagos sa kurtina ng kwarto ni Sebastian. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko, tila ba hindi sapat ang tulog ko kahit alas-dyes na ako ng gabi dinala rito. Ngunit ang mas nagpabigat sa pakiramdam ko ay ang braso ni Sebastian na nakapulupot sa bewang ko. Possessive even in sleep. Pilit kong iniaalis ang kamay niya nang hindi siya naggigising, pero tila ba may sariling isip ang mga daliri niya at lalo lang itong humihigpit sa bawat galaw ko.“Stop struggling, Savannah. It’s too early,” paos na boses niya ang bumasag sa katahimikan. Hindi man lang siya nagmulat ng mata pero ramdam ko ang ngisi sa boses niya.“Bitawan mo ako, Sebastian. May appointment ako kay Gina, at kailangan ko nang mag-ayos,” pagsisinungaling ko. Ang totoo, wala akong balak gawin kundi ang umiwas sa kaniya, pero sa posisyon namin ngayon, tila imposible iyon.Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata, ang kaniyang malamig na titig ay agad na sumalubong sa akin. Walang bakas ng antok,
Ilang linggo na rin ang lumipas mula nang maganap ang eksena naming iyon sa sasakyan ni Sebastian. Sa mga nagdaang araw, para kaming mga estranghero sa isa’t isa. Tila nag-aantayan kami kung sino ang unang kikibo sa aming dalawa. Maaari sigurong pareho kaming nagulat sa inasal namin noon sa kotse at sa mga bagay na napag-usapan namin. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang bigat ng mga salitang binitawan niya, at lalong-lalo na ang mga salitang binitawan ko na tila ba naging mitsa ng panibagong tensyon sa pagitan naming dalawa.Malapit na pala ang ika-dalawang buwan naming kasal ni Sebastian. Noong unang buwan kasi ay pareho kaming lunod sa trabaho. Masyado kaming naging busy, at ako naman ay tinapos ang huling taping na hindi namin nagawa ni Marco noon sa Laguna. Mabilis ang takbo ng oras, hindi ko akalain na magdadalawang buwan na pala kaming kasal, ngunit heto kami ngayon—parehong iniiwasan ang isa’t isa. Pero sa tingin ko, tama na rin siguro itong distansya na ito. Pareho kaming lit
Ang bigat ng katahimikan sa loob ng sasakyan habang binabaybay namin ang daan palayo sa Laguna. Nakabalot pa rin sa akin ang suit jacket ni Sebastian, at ang amoy niya—yung halo ng mamahaling leather, alak, at panlalaking pabango—ay tila sumasakop sa bawat hininga ko. It's suffocating yet comforting at the same time, dahilan para hindi ako makapag-isip nang maayos."I was supposed to be in Marcus' car. He told you everything, Am I right?" panimula ko para mabasag ang katahimikan. Hindi ko na kailangang magtanong pa dapat dahil obvious naman kung paano niya nalaman ang gulo sa set; Marcus is a De Cartier man, through and through."Of course. He's my right hand and a trusted person to look after you. Is there any problem, Mrs. De Cartier?" malamig at seryoso niyang sagot, ang mga kamay niya ay matigas na nakahawak sa manibela.Napaayos ako ng upo, ramdam ang awtoridad sa boses niya na tila ba binabalaan ako. "Iniwan natin siya doon, Sebastian. That's unprofessional. At 'di ba may bo
Pagbaba ko pa lang ng sasakyan sa set sa Laguna, sinalubong na ako ng bulungan. Hindi ko na kailangang hulaan kung ano ang pinag-uusapan nila—ang viral tweet ni Sebastian kagabi at ang scarf na suot ko ngayon ay sapat na para mag-apoy ang chismis."Savannah, ready ka na? Last day na natin, kailangang makuha natin 'yung emosyon sa final scene niyo ni Marco," bungad ni Direk habang tinitingnan ang script.Tumango lang ako, pilit na iwinawaksi sa isip ko ang mukha ni Sebastian na nang-aasar kaninang umaga. Pero kahit anong gawin ko, tila ba nakakabit sa balat ko ang amoy ng kaniyang pabango. It’s distracting. It’s annoying. At higit sa lahat, it’s making me feel things I shouldn't be feeling for a "contract" husband.Pumasok ako sa tent para sa huling retouch. Si Gina, hindi rin nakatiis. "Dear, ang 'Honeymoon Period' headline niyo, lampas 1 million likes na sa IG. At 'yung tweet ng asawa mo? Grabe, pati ang mga fans mo, nagwawala! Ano bang pinakain mo kay Sebastian De Cartier at na
Nagtagis ang mga bagang ni Sebastian habang nakaharap kay Marco. Ang hangin sa paligid namin ay tila napuno ng kuryente, isang maling galaw lang ay baka sumabog ang lahat. Ramdam ko ang higpit ng hawak ni Sebastian sa akin, isang pag-angkin na hindi ko magawang ireklamo sa harap ng taong minsan ay n
Maaga akong nagmulat ng mga mata. Sa kabila ng tensyong bitbit ng bawat nagdaang araw, tila may kakaibang gaan ang dala ng umagang ito. Marahil ay dahil sa mahimbing na tulog o dahil sa katahimikang bumabalot sa buong silid. Paglingon ko sa aking tabi, wala na ang bulto ng lalaking na nagpapadagdag
Pagkatapos ng nakakapagod na prenup shoot, tila bawat himaymay ng kalamnan ni Savannah ay sumisigaw ng pahinga. Hindi biro ang tumayo sa harap ng lente nang buong araw, lalo na’t kailangan mong dayain ang sarili mong emosyon para magmukhang in love sa taong hindi mo naman dapat mahalin. Humiling siy
Tahimik ang loob ng sasakyan habang pabalik sila sa mansyon. Pinagmamasdan ni Savannah ang nagliliparang mga ilaw ng siyudad sa labas ng bintana, ngunit ang isip niya ay naiwan sa opisina ng kanyang ama sa GMN-Network. Ramdam niya ang titig ni Sebastian sa kanya paminsan-minsan, isang titig na hindi







