LOGINHello! I’m a new small author building my voice from scratch. This is where I share my rawest thoughts and wildest imaginations. Welcome, beloved readers! 📖✨ Your support means the world to me. So far, what is your favorite scene or lines? I’d love to hear what resonated with you! Share it below! 🙂 -MIYAAAW69 😘
SEBASTIANIn the past few months that we stayed together in this penthouse, everything changed. I got to know the real Savannah—the side of her that the camera never saw. For the rest of the world, she was the flawless Diamond Sweetheart, always acting perfect, poised, and calculated in front of every lens. She was a public property, managed and curated to fit an industry standard. But inside these walls? She was completely different. Here, she didn't have to carry the weight of being the country’s top actress. She was just a woman trying to find her own breath, and I was more than willing to give her the space to do so.I saw a Savannah who was incredibly lovable. A Savannah who was cute, clumsy, and loved acting like a baby around me whenever she wanted something.Minsan, kapag nagluluto ako sa kusina, bigla na lang siyang susulpot sa likod ko para yumakap, isisiksik ang mukha niya sa likod ko habang bumubulong na gutom na siya. She would pout her lips when I teased her about her mov
SAVANNAHNinamnam ko pa nang husto ang tamis ng pagkatuwa ko sa ngitngit na inis ni Isabella dahil sa trending post kong 'yun. How can she beat a Best Actress who has been dominating the industry for how many years? Nice try, sweetheart. Hahahahaha. Ang sarap sa pakiramdam na sa isang simpleng click lang ng post, niyanig ko ang buong mundo niya nang hindi man lang ako nagpapakapagod.Pero habang abala ako sa pag-i-scroll sa libo-libong nakakatawang comments ng mga netizens, biglang nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko sa screen, awtomatikong nawala ang ngiti sa aking mga labi.It was Dad.Napatitig ako sa pangalan niya habang patuloy na umiilaw ang screen sa ibabaw ng kama. It has been almost four months since we last talked. Apat na buwan na walang paramdam, walang kahit isang text para alamin kung humihinga pa ba ako pagkatapos ng lahat ng gulo. Walang kumustahan, at ngayon lang ulit siya tumawag matapos kong mag-post sa social media. Nakakatawa na kailangan muna palang may mabulab
SAVANNAHSa mga lumipas na oras at araw namin dito sa penthouse kasama si Sebastian, ngayon ko na lang ulit nahawakan ang phone ko. Parang nakakapanibago na may liwanag na nanggagaling sa screen pagkabukas ko nito. At tulad ng inaasahan, agad na dagsa ang iba't ibang mensahe, notifications, at alerts mula sa mga social media platforms ko.Sari-saring mga posts ang bumungad sa akin na nagsasabing hiwalay na raw kami ni Sebastian. May mga kumalat pang tsismis na kesho nag-file na kami ng annulment, na lumayas na raw ako ng bansa, at may pa-hashtag pa ang mga netizens na #PowerCoupleNoMore.Nairita ako, pero nangingibabaw ang tawa ko habang nag-i-scroll. Hanggang sa may isang post na nakapag-trigger talaga sa akin.Isang post mula kay Isabella.Isang aesthetic photo ng coffee cup sa isang pamilyar na opisina, at may caption na: "It's so nice to be someone's home again."Halos umikot ang mga mata ko sa ka-kornihan ng caption niya. Pagtingin ko sa comments section, punong-puno ito ng mga ta
SAVANNAHMatapos ang makabagbag-damdaming araw na 'yun para sa aming dalawa, pareho kaming nagulantang sa emosyong biglang dumaloy sa amin. Ang mga pader na matagal naming iningatan ay tuluyang gumuho sa isang saglit. Pero ni isa sa amin, walang balak tumanggi o umatras. Hinayaan na lang namin ang oras na lumipas para sa araw na 'yun, hinahayaang tangayin ng agos ang lahat ng takot at pag-aalinlangan.Kinagabihan, magkatabi kami sa loob ng kwarto ko. Ang kwartong ito na naging kanlungan ko sa loob ng maraming taon ng pagiging artista. Itong penthouse na 'to ang pinag-ipunan ko nang husto para lang makalabas sa bahay ng mga magulang ko. Ginawa ko ang lahat para mamuhay nang mag-isa, kahit pa ang kapalit ng kalayaan ko nun para sa bahay na ito ay ang obligasyong ayusin palagi ang trabaho ko—ang maging laging perpekto at malinis na tao sa harap ng maraming tao at ng mga camera. Mabigat ang naging kapalit, pero tiniis ko. At sa loob ng mga taong 'on, ni minsan ay wala akong dinalang lalaki
SAVANNAHIlang linggo na ang nakalipas simula noong gabing nag-gala kami. Ilan linggo ko na ring pinatay ang lahat ng social media platforms ko. I pina-pause ko muna ang mga tapings, endorsements, at maging ang mga nakatambak na interviews. Nagtago lang ako sa loob ng penthouse ko, pilit na ibinabalik ang sarili ko sa mundo kung saan walang Sebastian De Cartier na nanggugulo sa sistema ko.Sa loob ng mga linggong 'yun, walang tigil ang pagtunog ng telepono ko. Si Daddy, kinukulit na naman ako sa mga calls para pangaralan sa naging bagsak ng image ko sa media. Pero sa unang pagkakataon sa buong buhay ko bilang anak at bilang artista, idinedma ko ang mga tawag ni Daddy. Pati si Mommy, hindi ko rin sinasagot. Kahit ang mga missed calls at messages ni Sebastian, nanatili lang na unread. Si Gina lang ang tanging kasama ko rito sa penthouse, siya ang nag-aasikaso sa pagkain ko at nagbabantay sa akin mula sa ingay sa labas.Nakatitig lang ako sa kawalan habang nakaupo sa sofa nang marinig ko
SEBASTIANNakatitig lang ako sa screen ng phone ko, kung saan malinaw na nakabalandra ang trending hashtag na #IsIsabellaTheOneThatGotAway. Pero hindi 'yun ang dahilan kung bakit nagdidilim ang paningin ko. Ang totoong nagpapakulo ng dugo ko ay ang litrato nina Savannah at Marco na magkayakap sa dressing room.Mariin kong ibinagsak ang aking kamao sa ibabaw ng glass desk, sapat para mayayanig ang mga papeles doon."Damn it, Savannah," bulong ko sa sarili, ang boses ay gumaralgal sa galit na hindi ko maipaliwanag.Dalawang araw na itong hindi sumasagot sa mga tawag ko. Hindi ko maintindihan kung baka bumabalik ang asawa ko sa lumang pag-ibig nito—samantalang sa akin lang ito dapat nakatali. Ngunit bakit ba ako nagagalit nang ganito? Eh peke lang naman ang pagpapanggap namin? Bakit ba iba ang tama sa akin nitong asawa ko?Mahal ko na ba si Savannah?Napasandal ako sa upuan at napahawak sa aking peluka. Ang buong buhay ko ay nakaplano, bawat desisyon ay kalkulado para sa kumpanya. Pero si
Pagkatapos ng nakakapagod na prenup shoot, tila bawat himaymay ng kalamnan ni Savannah ay sumisigaw ng pahinga. Hindi biro ang tumayo sa harap ng lente nang buong araw, lalo na’t kailangan mong dayain ang sarili mong emosyon para magmukhang in love sa taong hindi mo naman dapat mahalin. Humiling siy
Tahimik ang loob ng sasakyan habang pabalik sila sa mansyon. Pinagmamasdan ni Savannah ang nagliliparang mga ilaw ng siyudad sa labas ng bintana, ngunit ang isip niya ay naiwan sa opisina ng kanyang ama sa GMN-Network. Ramdam niya ang titig ni Sebastian sa kanya paminsan-minsan, isang titig na hindi
Alas-otso ng umaga nang dumarating ang itim na Rolls-Royce sa tapat ng main entrance ng mansyon. Kasalukuyang tinatapos ni Savannah ang kanyang kape habang si Sebastian ay seryosong nakatingin sa labas ng bintana. Ramdam ang bigat ng presensya ng mga parating."Ayusin mo ang mukha mo," sabi ni Seba
Pagpasok ni Savannah Madrigal sa loob ng De Cartier Mansion, unang pumasok sa isip niya ang isang salita.Museum. Hindi bahay.Ang lobby pa lang ay parang isang five-star hotel. Marble ang sahig na makintab na parang salamin, at ang kisame ay napakataas na halos hindi niya makita ang dulo. May isan







