Maagang nabulabog ang tulog ni Savannah dahil sa ingay sa labas ng kanyang kwarto. Pagbukas niya ng pinto, nakita niya ang isang mahabang rack ng mga gowns na itinutulak ng mga assistant, kasunod ang isang babaeng mukhang strikta ang ayos."Good morning, Miss Savannah. I’m Celine, the head stylist for the De Cartier gala," bati ng babae.Tiningnan ni Savannah ang mga damit at agad na uminit ang ulo niya. "I told Sebastian, ayaw ko ng satin. Mukha akong gift-wrapped na hamon sa texture niyan. At itong gold? Masyadong matanda ang dating. I’m 25, hindi 50.""Pero Miss Savannah, pinili po ito ni Sir Sebastian para bumagay sa mga dyamanteng ipapahiram sa inyo," paliwanag ni Celine."Then let Sir Sebastian wear it!" asik ni Savannah. "Sabihin niyo sa kanya, hindi ako magmumukhang manang sa harap ng mga investors niya. I have my own brand. Kung gusto niyang maging 'perfect couple' kami, dapat mukha akong reyna, hindi decoration."Padabog niyang isinara ang pinto. Inis na inis siya dahil pati
Last Updated : 2026-03-11 Read more