Hindi madali para kay Jack Devera ang amining may gusto siyang isang babae—lalo na’t ang babaeng iyon ay ang mismong dahilan kung bakit minsang nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili. Mga panahong ni hindi niya kayang tingnan ang kanyang repleksyon sa salamin.
Noong una, ang nais lang niya ay isang simpleng pagbawi ng dignidad. Isang pahiwatig na siya na ngayon ang lalaking kayang tapatan—lampasan pa—ang babaeng minsang nagpaikot sa kanyang mundo. Ngunit habang lumalalim ang bawat araw na nakikita niyang muling humahakbang sa kanyang direksyon si Bhem, ibang damdamin ang unti-unting gumigising sa kanyang puso. Hindi na ito paghihiganti. Ito na ay muling pagkasabik. Pagkagusto. Pagmamahal. Sa bawat araw na nagdaraan sa loob ng kaniyang opisina, tila may misyon si Jack—ang mapalapit kay Bhem. Pero gaya ng dati, mailap ang babae. Tila ba hindi nito tinatanggap ang anumang pahiwatig ng pagkakaibigan o koneksyon. Parang may pader sa pagitan nila na mahirap tibagin—pader ng pride, ng sakit, ng nakaraan. “Hindi mo ba talaga ako kayang kausapin nang maayos, Bhem?” tanong niya isang araw matapos ang interbyu. “Tapos na ang interview, Sir. Wala nang ibang dapat pag-usapan,” malamig na sagot ng babae. At iyon ang dahilan kung bakit napagdesisyunan niyang gumawa ng mas matinding hakbang. Kung ayaw siyang pakinggan bilang si Jack—ang dating kaklase, ang dating biktima—baka pakinggan siya ni Bhem bilang si Mr. Devera, ang CEO ng Devera's Group of Companies. Ang lalaking may kapangyarihang kunin ang kahit sinong gusto niyang empleyado. Kahit ayaw nito. Dumaan ang ilang linggo. Sa kabila ng mga tangkang pakikipag-usap ni Jack, hindi pa rin lumalambot si Bhem. At sa panahong iyon, nabuo na ang plano niya—isang planong hindi lamang para mapalapit sa dalaga kundi upang ipakita rin dito kung gaano na siya kalayo sa lalaking minsan nitong pinaglaruan. Kaagad siyang nakipag-ugnayan sa manager ng firm kung saan nagtatrabaho si Bhem. “Gusto ko siyang kunin bilang executive assistant,” mariing sabi ni Jack sa kausap. Nagulat ang manager. “Jack, may mga mas qualified—” “Alam kong hindi ito base sa qualifications. Pero kilala mo ako. Hindi ako maglalagay ng kahit sinong hindi ko kayang i-train. Ako na ang bahala sa kanya. Kailangan ko lang ng pormal na dahilan para mailipat siya.” Dahil sa impluwensiya ni Jack at sa magandang alok, mabilis ding umayon ang manager. Kaunti na lang, at ang babae ay nasa poder na niya. Isang umaga, habang nakangiti si Bhem sa harap ng salamin sa banyo ng kanilang opisina, hindi niya inaasahang iyon na pala ang huling araw niya roon. “Magandang umaga, mga empleyado. Paki-punta po tayong lahat sa assembly hall. May mahalagang anunsiyo ang ating manager,” ani ng sekretarya ni Sir Leem. May kaba sa dibdib ni Bhem. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang bigat na iyon, pero parang may kulog na parating. Habang papunta sa hall, hindi maipaliwanag ang lamig ng kanyang palad. Pagkaupo niya sa isa sa mga huling hanay ng silya, agad niyang hinanap ang tingin ng manager. At doon niya nakita ang lungkot sa mga mata nito. “Magandang umaga. Pasensya na kung biglaan ang pagpupulong,” panimula ng manager. “Napakasakit sa akin ang ibabalita ko ngayon. Ilan sa inyo ay mawawalan ng trabaho simula sa susunod na linggo.” May sumigaw. May napa-iyak. May nanahimik sa pagkabigla. “Ginawa ko na ang lahat para ilaban kayo. Pero dumating na ang desisyon mula sa pinakamataas. Restructuring. Downsizing. Hindi na ako pinakinggan pa.” Parang lumubog ang mundo ni Bhem. Hindi niya inakalang kasali siya sa mga matatanggal. “Ako po ba... ako po ba ay kasali, Sir?” tanong niya nang matapos ang pulong. May pag-aalang tumingin ang manager. “Hindi ka matatanggal, Bhem. Inilipat ka lang. May bagong posisyon para sa iyo.” “Ha?” “Congratulations. May bagong kumpanya na gustong kuhanin ka. At hindi lang basta kumpanya. CEO mismo ang nag-request.” Sumunod na araw, sa opisina ng Devera's Group. Nakatayo si Bhem sa harap ng malaking glass window sa 33rd floor. Tinatanaw ang lungsod. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot. “Ikaw na pala ’yan, Ms. Acson.” Tumalikod siya. Jack. Suot ang three-piece suit, may hawak na tasa ng kape, at may ngiting nakapanghihina ng tuhod. Ngunit hindi iyon ang dahilan ng pagkalito ni Bhem—kundi ang titig nito. Malumanay. Hindi mapagmataas. Hindi rin nanunumbat. Kalmado. “Kami-kami pa rin sa likod ng hiring process,” paliwanag ni Jack. “Hindi ko intensyon na guluhin ka. Gusto ko lang ng pagkakataong makatrabaho ka. At... kung papayag ka, mapalapit ulit.” “Bakit mo ginagawa ito, Jack?” tanong niya, nanginginig ang boses. “Sapagkat... ikaw ang babaeng hindi ko kailanman nalimutan,” sagot ni Jack. “At hindi ko papayagang mawala ka ulit nang hindi mo nalalaman kung gaano kita pinahalagahan noon pa man.” Nanahimik si Bhem. Parang hindi siya makahinga. “Kung trabaho lang ang dahilan mo, dapat hindi mo na ako ginawan ng shortcut,” aniya. “Hindi ito shortcut. Isang paraan lang ito para mailapit kita sa buhay ko. Kung ayaw mong manatili, pwede mong iwan ang posisyon. Pero sana, bigyan mo ako ng pagkakataong ipakita kung sino na ako ngayon.” Dumaan ang mga araw. Tahimik si Bhem sa bagong trabaho, ngunit hindi siya padalos-dalos sa mga desisyon. Mahirap pagkatiwalaan ang isang taong minsang binasag ang paniniwala niya sa kabaitan. Ngunit hindi rin niya maitatangging may kakaiba sa kilos ni Jack. Hindi ito nang-aabuso sa posisyon. Hindi rin siya pinipilit. Lahat ay propesyonal. Malinaw ang boundaries. At sa bawat araw na lumilipas, parang unti-unting nahuhulog si Bhem sa bitag ng isang Jack na ibang-iba sa nakaraan. --- Hanggang sa isang gabing overtime sila pareho, habang nasa rooftop ng building... “Bakit hindi mo ako pinilit noon?” tanong ni Bhem. “Nang ilayo kita, nang ipahiya kita... hindi ka lumaban.” “Dahil mahal kita,” sagot ni Jack, walang pag-aalinlangan. “At minsan, kapag mahal mo, mas pipiliin mong hayaan siyang saktan ka kaysa saktan mo siya.” Napasinghap si Bhem. Hindi siya nakapagsalita. Tahimik. Hangin lang ang narinig nila. Hanggang sa biglang tumunog ang telepono ni Jack. Napakunot-noo ito. “Excuse me, saglit lang...” Tumalikod ito, lumayo ng kaunti. At nang marinig ni Bhem ang pangalan na binanggit ni Jack sa telepono, nanlamig ang kanyang katawan. “Hello? Clarisse?” Clarisse. Boses ng isang babae sa kabilang linya. Matinis. Malambing. At narinig niyang muli ang sabi ni Jack bago nito ibaba ang tawag— “Sige, pupuntahan kita. Huwag kang mag-alala, hindi niya malalaman...” To be continued...Matapos kong matanggap ang masamang balita mula sa kapatid ko, Mabilis akong nag paalam kay sir Jack " Sir , sorry po emergency lang po kailangan po kasi ako ng pamilya ko ngayon " akala ko tatanongin pa niya ako kong bakit pero hindi ko alam kong anong nakain niya at agad na siyang pumayag " Sige na magiingat ka sa byahe " ngayon kolang siya nakitang ganito ka ano.. Basta hindi ko maipaliwanag ang mga bagay tungkol sa kanya dahil sa kalituhan.Ng pumayag na nga siya mabilis kong binagtas ang direksiyon papunta sa sinilangan na aking pinanggalingan.Ngunit papunta palang ako roon habang nakasakay sa jeep yong kaba at takot ko ay malala na. Almost seven years narin akong hindi nagpapakita sa pamilya ko simula ng malugi na ang kompanya ng mga magulang ko. Masakit sakin , kasi yong pinaghirapan ng magulang ko bigla nalang mawawala na parang bula dahil sakin dahil ayaw kong magpakasal sa taong ni kilan hindi ko minahal si Bryan anak ng isang sangganong negosyanti, kong pumayag sana ako
" j-Jade ikaw ba yan ! " gulat kong bulalas , halos napanganga ako ng makita siyang nakatayo sa harap ko.Sa pagkagulat nabitawan ko ang bitbit kong nakabukas na mineral water , binili ko pa naman yon sa convenience store malapit sa aking tinitirhan.Nakita ko ang itsura niya mukhang galing sa away , basang basa pa ng ulan .Aaminin ko naawa ako sa ex boyfriend ko pero mas nanaig parin ang galit at hinanakit ko na halos magiisang taon kong kinimkim.Siya mismo ang bumasag sa pagkakagulat ko ." Bhem ... good evening lumipat kana pala kelan kapa rito? " his voice is soft ngunit mababakas sa kanyang mata ang lungkot at pagdadalamhati." Anong ginagawa mo rito ? Hindi mona kailangan malaman kong kelan pako lumipat dito " pagtataray ko , akala ko kasi pagnakaharap kona siya makakaramdam ako ng kaasiwaan sa kanya pero parang iba ang naramdaman ko ng kaharap kona siya .Yong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag halo-halong kaba , galit ,poot at iba pa.Nakita korin na may dala siya ,nguni
Kumpirmado na.Sabi nga nila, walang baho ang hindi sumisingaw.Bilang isang babae, napakalaking dagok sa puso ko ang katotohanang pilit kong tinatakasan—ang katotohanang niloko ako ng taong buong akala ko ay akin. Gusto kong magalit. Gusto kong sumigaw. Gusto kong manira ng gamit, pero ni isa sa mga ito, hindi ko magawa. Alam kong sa huli, ako lang din ang talo. Ako lang ang masasaktan.Tama sila. Kapag nagmahal ka, huwag mong ibigay ang lahat. Dahil kapag ubos ka na, wala nang matitirang kahit konting halaga para sa sarili mo.Isang hindi inaasahang tawag ang gumising sa akin sa realidad. Isang lalaki ang nagsabing kailangan ko raw malaman ang totoo. Akala ko prank call lang, pero habang nagsasalita siya, isa-isa niyang binanggit ang lahat ng bagay na pilit kong kinukuwestyon sa isip ko. Ang totoo, matagal ko nang nararamdaman. Yung pakiramdam na may mali, pero pinipili mong huwag pansinin. Ngunit sa huli, lumabas din ang katotohanan.Tama ang hinala ko. Si Jade at ang Canadian na i
"Marami daw ang namamatay sa maling hinala," ika nga ng matatanda.Pero mali nga ba talaga ang maghinala?Babae ako. At sa dami ng nararamdaman ko ngayon kay Jade, palagay ko ay natural lang naman sa aming mga babae ang makaramdam ng pagdududa. Lalo na kung may basehan, 'di ba?Ang hindi ko lang maintindihan, bakit araw-araw ko na lang itong nararamdaman? Hindi na ito basta simpleng selos. Ito na ang uri ng pakiramdam na gumigising sa akin sa gabi, at hindi na rin ako makatulog dahil sa mga gumugulong na tanong sa isip ko.Praning na yata ako. Kahit anong bagay tungkol kay Jade, inuugnay ko sa posibleng pagtataksil. Wala pa mang kumpirmasyon, pero ramdam ko na may mali. Siguro maiintindihan ninyo ako kung alam ninyo ang sitwasyon namin. LDR. Nasa ibang bansa siya, ako nandito lang sa Pilipinas.Nakakainsecure talaga. Lalo na kung ang nararamdaman mo ay unti-unting nadudungisan ng duda.Alam ko, hindi ako nag-iisa. Maraming babaeng tulad ko—nagmamahal, nag-aalala, at patagong nasasakta
Limang letra. Isang salita. Ngunit kayang guluhin ang puso at isipan ng kahit sinong umiibig. Selos.Mula nang makita ko ang ekspresyon ni Jade habang kausap ang babaeng 'yon ang babaeng Canadian na sinasabi niyang katrabaho lang hindi na ako mapakali. Parang may multong kumakalikot sa dibdib ko, gumagapang sa konsensya at bumubulong ng mga tanong na hindi ko masagot.Hindi ko maipagkakaila. Selosa akong tao. Pero hindi mo rin ako masisisi. Mahal ko si Jade. At kapag mahal mo, ayaw mong may ibang lumalapit. Dapat ikaw lang. Ikaw lang dapat ang tinitingnan. Ang nilalapitan. Ang pinipili.Doon ko napatunayan: hindi biro ang selos. Dati, pinagtatawanan ko lang 'yan. Akala ko arte lang. Pa-cute lang ng mga taong insecure. Pero iba pala 'pag ikaw na ang nasa posisyon. Totoo palang kaya kang lamunin ng selos, lalo na kung mahal mo ang taong maaaring maagaw ng iba.Isang linggo ang lumipas. Isang linggong katahimikan mula kay Jade. Walang tawag. Walang text. Walang paramdam.Hanggang kailan
"Namimiss ba niya ako?" Iyan na lang ang tanong ko sa sarili ko habang nakaupo sa sofa sa loob ng opisina ni Jack.Halos hindi ko namalayan na tambak na pala ako ng trabaho dahil sa pagtitig ko sa cellphone ko, naghihintay ng tawag mula kay Jade."Hey... hey, Bhem. Kanina ka pa tulala riyan. Mukhang ang lalim ng iniisip mo ngayon, ah?""A-ah, s-sorry, h-hindi naman gaano kalalim," gulat kong sagot kay Jack. Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala siya. Kung hindi niya ako nilapitan at tinapik ang braso ko, baka buong araw na lang akong nakatulala.Buti na lang at bumalik ako sa realidad.Mag-aalas dose na ng tanghali nang makatanggap ako ng tawag mula kay Jade. Saktong tapos na ako mag-lunch at 1PM pa ang balik ko sa trabaho. May oras pa ako para maki-bebetime sa kanya."Hello, babe. Kumusta ka na riyan? Miss na miss na kita. Kumain ka na ba?" tanong niya habang ngumunguya ng salad."Opo, tapos na po ako. Ikaw na lang ang hindi pa tapos. Ubusin mo 'yan, babe. Halos mabulunan ka na.