Beranda / Romance / The Billionaire’s Secret Bride / Chapter 6 - Bagong Lugar, Bagong Mukha

Share

Chapter 6 - Bagong Lugar, Bagong Mukha

Penulis: Osh Jham
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-21 18:06:13

Bagong trabaho. Bagong amo. Bagong mundo.

At sa puntong ito ng buhay ni Bhemzly Acson, wala na siyang ibang mapagpipilian. Tinanggap na niya ang alok ni Mr. Jack Devera—isang alok na tila ba hindi lang magpapabago sa kanyang career, kundi pati na rin sa takbo ng kanyang kapalaran.

Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw, gising na si Bhem. Habang ang karamihan ay mahimbing pa ang tulog, siya naman ay abalang inaayos ang kanyang mga gamit para sa panibagong yugto ng kanyang buhay. Hindi pa siya opisyal na regular sa kumpanya. Wala pa siyang sariling opisina. Kaya naman tuwing working hours, sa opisina muna ng mismong CEO siya nakikitambay—isang set-up na mas nagpalakas ng pressure sa kanyang dibdib. Ayaw niyang malate. Ayaw niyang mapag-usapan. Ayaw niyang bigyan ng kahit anong dahilan ang mga tao para kwestyunin ang kanyang trabaho. Lalo na ang kanyang boss.

Kaya bago pa man tumuntong ang alas sais ng umaga, nakatayo na siya sa harapan ng Devera International Building.

“Kuya, good morning po!” masiglang bati niya sa guwardiyang si Mang Rod habang binubuksan nito ang gate.

“Oh, Bhemzly! Grabe ka talaga. Alas sais pa lang, andito ka na. May pamilya ka na ba’t ganyan ka kung mag-overtime?” natatawang sagot ng guard habang ngumunguya ng mainit na pandesal. Inalok pa siya nito, pero magalang siyang tumanggi.

“Wala pa po, Kuya. Gusto ko lang pong mauna. Ayokong matambakan ng trabaho. Baka malintikan ako ni Sir Jack,” biro niya, kasabay ng mahinang tawa.

“Sa ganda mong ‘yan, parang imposibleng wala pang umaaligid sa ‘yo.”

“Wala po talaga, Kuya. Hindi naman po lahat ng lalaki na-attract sa pagiging workaholic,” sagot niya sabay kindat.

Pagpasok sa building, sumakay siya agad ng elevator at diretso sa top floor kung saan naroon ang opisina ng kanyang boss. Tahimik. Malinis. Amoy mamahaling pabango ang paligid—pabango ni Jack.

Pag-upo niya sa swivel chair ni Jack, agad siyang bumuntong-hininga.

“Report para kay Sir Loi… papers para kay Miss K… Ano pa ba?” bulong niya sa sarili habang inaayos ang mga papel sa mesa.

“Baka may nakalimutan ako. Diyos ko, Bhem, hindi ka puwedeng magkamali. Huwag mong hayaang sisihin ka na naman ni Mr. Devera. Hayst! Sana ‘wag siyang pumasok ngayon. Naiirita ako sa mga titig niya. Parang nang-aakit eh! Pero ang pogi niya talaga, grabe. Ang tangos ng ilong. Hihi—”

Click.

Isang mahinang tunog ng alarm ang umalingawngaw mula sa gilid ng mesa. Napalingon si Bhem—at muntik nang mahulog sa upuan sa gulat.

“J-Ja… Jack?! Kanina ka pa diyan?” nanginginig ang boses niya.

Nakaupo si Jack sa leather couch, pormal, tahimik, pero halatang pinipigilan ang pagtawa. Ang mga mata niya—matatalim, pero may halong aliw habang pinagmamasdan si Bhem.

“Mga forty-five minutes na rin siguro,” aniya, sabay ngisi.

“F-FORTY-FIVE MINUTES?! Langya ka, Jack!” halos mapasigaw si Bhem pero agad napigilan ang sarili. Mabuti na lang at soundproof ang opisina.

“Relax. Natuwa lang akong panoorin kang nagmumura’t kinikilig mag-isa,” sagot ng lalaki, dahan-dahang tumayo.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. “S-Sorry po, Sir. Lalabas na po ako. Iha-hatid ko lang itong mga reports…”

“Sure ka?” tanong ni Jack habang papalapit. “Mukhang nanginginig ka pa eh. Gusto mo ng tubig?”

“Hindi na po, Sir. Thank you po. Okay lang po ako!” mabilis na sagot ni Bhem sabay labas ng opisina.

Pagkalabas niya ay halos mapasandal siya sa pader.

“Sh*t. Narinig niya lahat. Pati ‘yung sinabi kong cute siya. Hala ako.”

Dahil sa sobrang hiya, dumiretso siya sa mga departamento kung saan niya ipamamahagi ang mga reports. Doon niya unti-unting nabawasan ang kaba, lalo na nang makasalamuha niya ang ibang empleyado ng kumpanya. Mababait. Propesyonal. Nakangiti.

Hanggang sa hindi niya namalayang natatawa na rin siya sa mga kuwentuhan. Sa dami ng nakilala niya, may dalawang babaeng agad niyang naging kaklose—sina Jane at Lara. Matagal na ang mga ito sa kumpanya. Anim na taon na raw silang naroon.

“Bhem, gusto mo? Kami na lang ni Lara magpakita sa ‘yo ng buong building,” alok ni Jane habang nakangiti.

“Talaga? Salamat! First time ko kasi makakita ng ganitong kalaking opisina,” masiglang tugon ni Bhem.

At sa buong hapon, naging tour guide niya ang dalawa. Ipinakilala siya sa mga head ng bawat departamento, tinuruan kung paano gumamit ng intercom, at isinama pa sa lounge area kung saan may free coffee at mga imported snacks.

“Ang ganda talaga ng training niyo dito. Parang lahat well-mannered,” ani Bhem habang humihigop ng cappuccino.

“Basta kay Boss Jack ka, hindi puwedeng basta-basta lang. Gusto niya, lahat ng empleyado may dignidad at respeto sa trabaho,” sagot ni Lara.

At para pasalamatan ang dalawa, niyaya niya itong mag-dinner.

“Libre ko. Promise. Para lang makatumbas ng pasasalamat,” giit ni Bhem.

Pumayag ang dalawa, kaya pagdating ng alas siyete, magkakasama silang lumabas ng building at nagtungo sa isang Korean BBQ resto malapit lang sa opisina. Tawanan. Kwentuhan. Pagbabahagi ng love life—o kakulangan nito.

“Bhem, aminin mo na. May gusto ka kay Boss Jack, ‘no?” pang-aasar ni Jane habang kumakain ng samgyeopsal.

“Ay, grabe kayo! Hindi ah! Tsaka bakit ko naman magugustuhan ‘yon? Masungit kaya!” pagtatanggol niya, pero hindi mapigilan ang mapula ang pisngi.

“Kahit pa! Ang pogi kaya! Tsaka may aura. Yung tipong kahit galit, gusto mo pa ring halikan!” sabat ni Lara.

“Hoy! Hahaha. Tumigil kayo!” sabay tawa ni Bhem habang tinatakpan ang mukha.

Masaya. Magaan. Pakiramdam ni Bhem ay unti-unti na siyang nag-aadjust. Hindi na siya kabado sa paligid. Hindi na siya naiilang. At sa unang pagkakataon, naramdaman niyang... baka nga tama sila.

Na sa bawat bagong lugar, may bagong mukha.

At ang mga mukhang ‘yon—maaaring maging kaibigan…

O maaaring maging higit pa.

Pero bago matapos ang gabi—isang tawag ang bumasag sa kasiyahan.

Ring! Ring!

Tumunog ang cellphone ni Bhem. Nakalagay sa screen: Unknown Number.

Agad siyang napa-kunot-noo.

“Hello?” bati niya, medyo nagtataka.

“Miss Acson?” malamig na boses ng babae sa kabilang linya.

“Opo, sino po sila?”

“Pasensya na kung istorbo ako. Pero dapat mong malaman... delikado ang pinasok mong mundo. Ang trabaho mo ngayon... hindi ‘yan ordinaryong trabaho. Ingatan mo ang sarili mo. Hindi lahat ng ngiti sa opisina ay totoo. Lalo na ang sa amo mong si Jack Devera.”

Nag-freeze si Bhem.

“Ha? Paano ninyo nakuha ang number ko? Anong pinagsasabi ninyo?”

Pero bago pa siya makapagtanong muli…

Click.

Binaba na ang tawag.

At ang kinang ng masayang gabi—napalitan ng biglaang lungkot at takot.

To be continued...

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire’s Secret Bride   chapter 21 - Single Era :))

    " Good morning Self " saad ko sa sarili ko habang nagbibihis pagong dahil alas kuwarto palang ng madaling araw , para aliwin muna ang sarili sumayaw nalang ng cha-cha hindi naman ako makakadistorbo sa mga kasama ko sa bahay dahil hindi naman nila naririnig ang ingay ng kuwarto ko , kaya naman enjoy the moment ika nga nila.Ang sarap pala sa feeling pag single but ready to menggle ang isang tao. Kaya proud to be single ako dahil i can do all things i want without needing permission to someone puwera lang sa pamilya ko syempre kailangan na nagpapaalam parin ako sa kanila ayaw kona maulit uli yong nangyari.Nang mapatingin ako sa samalin don ko na realize na subrang napabayaan kona pala ang sarili ko ilang years ang nakalipas ang dating ako na hindi man lang nadadapuan ng lamok ay ito na ngayon, pero tanggap ko naman sa sarili ko kong ano ako noon at kong ano ako ngayon kasi hindi kona mababalik ang nakaraan para baguhin lahat ng maling nagawa ko. At dahil 12:00 noon pa ang pasok ko i to

  • The Billionaire’s Secret Bride   chapter 20 - Pagpili sa dalawang bagay !!!

    " Ang lalaking yan o Sarili mo? " nanggagalaiting tanong sakin ni kuya leo habang pilit akong pinapasakay sa sasakyan."Hindi ko alam!" Sagot ko habang umiiyak super napahiya kasi ako kanina sa harap ng maraming tao at sa harap ni Jade.Tinuturo-turo pako nito habang pinagsasabihan " Bhem dika paba na dala niloko kana nga ng gagong yon makikipag balikan kanaman uli."Natigilan ako ng marinig ko iyon at paulit-ulit na sumasagi sa isip ko " pano nalaman ni kuya ang tungkol do'n hindi ko naman na kuwento sa kanila ahh , sino kaya nag sabi sa kaniya ng bagay na yon? " ngunit bago pako makasagot uli agad na niyang pinaandar ang kotse, diritso sa bahay.Pagdating namin namumugto parin ang mga mata ko inakala ko tapos na ang pangsisirmon niya hindi pa pala.Dahil mas tumindi pa ang galit nito wari'y wala siyang pakialam kong marinig man iyon ni Daddy at Mommy basta mapagalitan lang niya ako.Habang ako nagsiagosan na ang luha sa mga mata ko , masakit kaya mapahiya sa maraming tao , pero m

  • The Billionaire’s Secret Bride   chapter 19 - Muling pagsuyo kay mahal

    Pauwi na sana ang pamilya Acson galing sa outing ngunit nakalimutan ni Bhem ang isang bag na dala niya kaya binalikan niya ito sa nirentahan nilang catage , pagbalik nga niya ay naroon parin ang bag na naiwan niya ngunit hindi inaasahang timing doon pala niya muling makikita ang isang tao na sumira ng tiwala niya.Dahil sa pagmamadali nakabanggaan niya ang isang lalaki na maydalang apat na manggo shake , galing sa counter ng resort kaya naman napagtaasan siya nito ng boses " Ano ba miss dahan-dahan naman ohh " ngunit pareho silang natigilan ng makilala ang isa't isa.Nakataas ang kilay ng lalaki ng makilala niya ang nakabanggaan niya " B-Bhem ? "Habang si Bhem tulala sa harap niya hindi makapaniwala sa nakita." B-Bhem anong ginagawa mo rito ? " pagtatanong nito kay Bhem ng may tuwa sa mukha." ahmm ahh nag outing kami ng pamilya ko " Nakangiti nitong tinanong uli si Bhem " I see , muzta kana? , long time no see." Malugod namang sinagot ni Bhem ang tanong ni Jade kahit med

  • The Billionaire’s Secret Bride   chapter 18 - Back to normal !!! simula ng bagong umaga

    " Bunsoyy , matutuloy muna ang pangarap mo! " nakangiting sambit ni Ate Jona , habang tumatalon talon ito dahil sa tuwa.Pero hindi namin alam kong bakit siya masaya kaya naman nagtanong ako " Ate , ano ang ganap? " pagtataka ko , kaya yong kaliwang kilay ko tumaas naman.Ngunit bago niya ako sagutin niyakap muna niya si Lyla " May bago nang scholarship si Lyla hindi na siya titigil makakatapos na siya ng pagaaral ," nagulat kaming apat, ngunit mas nanaig parin ang saya na nadama naming lima.Kaya naman agad naming ipinaalam kay Mommy ang magandang balita kahit nasa ospital siya natuwa parin siya. Upang tuloyan nang makapasok kinabukasan si Layla nag ambagan kaming apat para sa mga gastosin ni Lyla sa pagaaral.Pang allowance niya kong baga.Kahit wala nakong kapera-pera tanging pang isang lingo ko nalang budget ay iniambag ko nalang , para makapasok na siya.Narealize ko God is good talaga , he always there not just for me and my family but also to all people. Wala talagang s

  • The Billionaire’s Secret Bride   chapter 17 - Lahat ng Bagay naglaho ng isang iglap

    " Ate wala na yong mansion " umiiyak na balita sakin ni Lyla , ang bunso namin.Ng marinig ko nga ang sinabi nito hindi na ako nagdalawang isip na umalis sa kinatatayoan ko .Agad akong nag hanap ng masasakyan pauwi upang puntahan kong ano na ang nangyari sa pamilya ko.Pagkarating ko nga sa mansion naabutan ko nalang ang Mommy at ang bunso kong kapatid na nasa labas na ng bahay , pati yong mga gamit namin nasa labas narin. Hindi ko napigilang mapa luha sa nadatnan ko , kaya nang makita ko ang representative ng bangko agad ko itong diniritsahang kinausap." Sir mawalang galang napo , bakit niyo naman po kami pinapalayas agad akala ko po ba sa makalawang buwan pa kami aalis rito " " Sir Bakit po ? " pagtatanong ko sa matandang lalaki na nag papalabas ng mga gamit namin." Sorry hija , may buyer na kasi nitong bahay at dapat lang na umalis na kayo rito dahil halos 10 years na kayong hindi nakakabayad kaya kailangan niyo nang umalis rito , " at agad nakong tinalikoran ng matandang l

  • The Billionaire’s Secret Bride   chapter 16 - Tipidism ang person

    Ng bumuti na ang lagay ng Daddy at hindi narin siya masyadong nahihirapan dahil sa mga gamot na natake na niya. Kinailangan konang pumasok sa trabaho dahil may magbabantay naman sa kanya ang mga kapatid ko. Halos tatlong buwan rin akong naka leave sa trabaho , nangangamba nako baka pag tumagal na hindi pako pumapasok baka tanggalin nila ako.At dahil nagtitipid nga ako kailangan kong gumising ng maaga para maka sabay kay kuya Garin , sa pinsan ko. At dahil iisa lang ang company na pinapasokan namin , sabay na kami lagi sa pagpasok sa work.Araw ng lunes , unang araw ng buwan ng Mayo kaya kailangan kong maaga gumising kasi ang dami kong aasikasohing papelis .Ngunit ang plinano kong paggising ng maaga taliwas sa nangyari , naggising nalang ako na nagbubukang liwayway na ang araw at magaalas syete na ng umaga kaya naman no more relapse moment sa kama , transform agad bilang flash the second .Kahit hindi pa nakakaalmusal , ni pagsuklay sa basa kong buhok hindi kona nagawa .Dahil wal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status