Beranda / Romance / The Billionaire’s Secret Bride / Chapter 4 - Araw-Araw Ay Hiring Day

Share

Chapter 4 - Araw-Araw Ay Hiring Day

Penulis: Osh Jham
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-15 11:16:11

Isang buwan na ang lumipas mula nang unang beses na nagtungo si Jack Devera sa law firm kung saan nagtatrabaho si Bhem Acson. Sa paningin ng marami, iyon ay isang ordinaryong araw ng recruitment. Pero sa katotohanan, tila naging personal mission na ito ng binata—dahil simula noon, araw-araw na siyang dumadalaw. At sa araw-araw na iyon, iisa lang ang aplikanteng sinusuyo niya—si Bhem.

Hindi ito basta-bastang paghikayat. May kasama itong effort, charm, at matiyagang panunuyo. VIP si Jack sa kumpanya kaya’t tila may invisible pass siya sa lahat—maging sa mismong manager ni Bhem na laging kampi sa binata.

Isang umagang punô ng hamon ang dumating—umuulan ng hindi inaasahan. Walang dalang payong si Bhem, kaya’t na-stranded siya sa isang convenience store malapit sa kanilang opisina. Tawid lang sana at nandoon na siya, pero dahil sa lakas ng ulan, mas pinili niyang magpalipas muna. Ayaw niyang magkasakit at—lalo na—ayaw niyang makipagsagupaan ng basang-basa sa opisina.

Ngunit tila pinaglalaruan siya ng tadhana. Sa gitna ng kanyang pagpapahinga sa sulok ng tindahan, dumating si Jack—basang-basa rin, pero dala pa rin ang pamatay na ngiti.

"Miss Beautiful, ikaw pala 'to. May payong ka ba? O stranded din gaya ko?" bungad ni Jack, may kasamang malambing na pagbibiro.

"Haha. Halata bang may payong ako, Mr. Devera? Kita mo namang nandito ako—basang sisiw at late na! Dagdag stress ka pa talaga ngayon," sagot ni Bhem, habang giniginaw.

Hindi nagpatinag si Jack. Nang mapansin niyang nanginginig si Bhem, agad niyang hinubad ang suot niyang leather coat at ipinasuot ito sa dalaga—walang pag-aalinlangan.

"Ano ba—Jack! Hindi ko kailangan 'to," tanggi ni Bhem, pilit inaalis ang coat sa balikat.

Ngunit hinawakan ni Jack ang kamay ng dalaga, malumanay pero may diin. Mula sa kanyang mga mata ay lumabas ang sinseridad—hindi basta panunuyo, kundi malasakit.

"Please, ’wag mong tanggalin. Ayokong magkasakit ka. Mahirap na. Baka hindi na kita makita araw-araw. Gusto mo ba ’yon?" mahina niyang bulong, may kasamang ngiti na halos tunawin ang kahit sinong babae.

"Hoy! Bakit ba palagi mo akong pinapangaralan? Hindi mo naman ako girlfriend, ’di ba? Wala kang karapatang manduhan ako!" sagot ni Bhem, nagmamaldita pero hindi naitago ang mabilis na tibok ng puso.

Ngunit sa loob-loob niya, humahampas ang kaba’t kilig. May kung anong bahagi sa kanya ang natitinag sa bawat sulyap at salita ni Jack.

"Malapit na. Hindi bilang boyfriend… kundi bilang boss mo. Tanggapin mo na kasi 'yung proposal ko," aniya, seryoso ang tingin.

"Hah! Sa panaginip mo na lang. Hindi ako magtatrabaho sa'yo. Gusto mo lang makaganti dahil sa nangyari noon, ’di ba?" mariing sagot ni Bhem.

Tumango si Jack, ngunit hindi siya napikon. Sa halip, ngumiti siya—’yong ngiting hindi mo alam kung mapapa-hay ka ba o magdududa.

"Ang iniisip mo, hindi ko iniisip. Hindi ako katulad mo na may galit sa puso. Ako… nagpapatawad," mahinahong sagot niya.

Nang humupa ang ulan, nagmadaling tumawid si Bhem sa kabila. Sa opisina, huli na siya ng trenta minutos. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nadatnan niyang kausap ng kanilang manager si Jack—at parehong masaya pa!

"Good morning, sir. Pasensya na po, na-stranded kasi ako sa highway. Ang lakas po ng ulan—" paliwanag niya.

Ngunit bago pa siya matapos, ngumiti ang manager niya.

"Miss Acson, it's okay. Sige na, bumalik ka na sa mesa mo. Puno na ng documents ’yon."

At syempre, hindi nagpahuli si Jack. "O, kita mo? Kung tinanggap mo lang ang alok ko, hindi ka overload ngayon. Pero ayos lang, mas maganda ka kapag cramming."

Nginitian ni Bhem ang dalawa—ngiting matamis pero puno ng inis sa loob.

Buong maghapon siyang nagtatrabaho, at nang dumating ang hapon, agad siyang nagpaalam para makauwi nang maaga. Ngunit tila hindi talaga siya makaiwas kay Jack. Sa elevator, siya na naman ang kasama.

"Oh, what a coincidence! Miss Acson, lagi na lang tayong magkasabay. Baka naman kasi tayo talaga ang itinadhana… ang kaso, ayaw ko sa babaeng ma-pride."

"Jack, pwede ba? Tigilan mo na ako. Hindi tayo tinadhana, at lalong wala kang mapapala sa ’kin!"

"What if ayaw kong tumigil? May magagawa ka ba, Miss Acson?"

Hindi siya sinagot ni Bhem. Sa halip, tumalikod ito, halatang gusto nang makatakas.

"Bakit ba lagi kang galit sa ’kin? Mula noon, parang ang bigat ng tingin mo sa akin. Ano bang kasalanan ko sa ’yo?"

"Kasalanan mo? Ang tanong, anong karapatan mong tanungin ’yan? Tigilan mo ako, Jack, baka masaktan pa kita."

Ngunit hindi nagbago ang tono ng lalaki. Kalma, malumanay, at walang bahid ng pikon.

"Same old Bhem. Akala ko nagbago ka na. Pero gano’n ka pa rin pala."

"At ano ngayon kung hindi ako nagbago? Wala kang alam, kaya ’wag kang magpanggap na kilala mo pa rin ako."

"Siguro nga. Pero kahit ilang taon pa ang lumipas, isa lang ang sigurado ko… hindi ko bibitawan ’tong pagkakataon na makasama kang muli."

Bago bumukas ang pinto ng elevator, humarap si Jack sa kanya. Muli, may lalim ang titig.

"Miss Acson, simula pa lang ito. Huwag kang mag-alala. Makukuha rin kita… gaya ng kung paanong nakuha mo ako noon."

Mabilis siyang lumabas, iniwan si Bhem na naguguluhan at kabado. Hindi niya alam kung mas magagalit ba siya, o... mas matatakot sa posibilidad na totoo ang mga sinabi ng binata.

Tsk. You will be mine soon, bulong ni Jack, habang unti-unting lumalayo.

At kung ang lahat ng ito ay sinadya ng tadhana, handa ka bang pumili? Sa pagitan ng matagal mong pinanghawakang pride—o ng nakaraang kasing tindi ng bagyong hindi mo napigilang bumalik?

To be continued…

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 12 - PANLOLOKO MO'Y KUMPIRMADO NA!!!

    Kumpirmado na.Sabi nga nila, walang baho ang hindi sumisingaw.Bilang isang babae, napakalaking dagok sa puso ko ang katotohanang pilit kong tinatakasan—ang katotohanang niloko ako ng taong buong akala ko ay akin. Gusto kong magalit. Gusto kong sumigaw. Gusto kong manira ng gamit, pero ni isa sa mga ito, hindi ko magawa. Alam kong sa huli, ako lang din ang talo. Ako lang ang masasaktan.Tama sila. Kapag nagmahal ka, huwag mong ibigay ang lahat. Dahil kapag ubos ka na, wala nang matitirang kahit konting halaga para sa sarili mo.Isang hindi inaasahang tawag ang gumising sa akin sa realidad. Isang lalaki ang nagsabing kailangan ko raw malaman ang totoo. Akala ko prank call lang, pero habang nagsasalita siya, isa-isa niyang binanggit ang lahat ng bagay na pilit kong kinukuwestyon sa isip ko. Ang totoo, matagal ko nang nararamdaman. Yung pakiramdam na may mali, pero pinipili mong huwag pansinin. Ngunit sa huli, lumabas din ang katotohanan.Tama ang hinala ko. Si Jade at ang Canadian na i

  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 11 - PAGHIHINALA

    "Marami daw ang namamatay sa maling hinala," ika nga ng matatanda.Pero mali nga ba talaga ang maghinala?Babae ako. At sa dami ng nararamdaman ko ngayon kay Jade, palagay ko ay natural lang naman sa aming mga babae ang makaramdam ng pagdududa. Lalo na kung may basehan, 'di ba?Ang hindi ko lang maintindihan, bakit araw-araw ko na lang itong nararamdaman? Hindi na ito basta simpleng selos. Ito na ang uri ng pakiramdam na gumigising sa akin sa gabi, at hindi na rin ako makatulog dahil sa mga gumugulong na tanong sa isip ko.Praning na yata ako. Kahit anong bagay tungkol kay Jade, inuugnay ko sa posibleng pagtataksil. Wala pa mang kumpirmasyon, pero ramdam ko na may mali. Siguro maiintindihan ninyo ako kung alam ninyo ang sitwasyon namin. LDR. Nasa ibang bansa siya, ako nandito lang sa Pilipinas.Nakakainsecure talaga. Lalo na kung ang nararamdaman mo ay unti-unting nadudungisan ng duda.Alam ko, hindi ako nag-iisa. Maraming babaeng tulad ko—nagmamahal, nag-aalala, at patagong nasasakta

  • The Billionaire’s Secret Bride   CHAPTER 10 – SELOS

    Limang letra. Isang salita. Ngunit kayang guluhin ang puso at isipan ng kahit sinong umiibig. Selos.Mula nang makita ko ang ekspresyon ni Jade habang kausap ang babaeng 'yon ang babaeng Canadian na sinasabi niyang katrabaho lang hindi na ako mapakali. Parang may multong kumakalikot sa dibdib ko, gumagapang sa konsensya at bumubulong ng mga tanong na hindi ko masagot.Hindi ko maipagkakaila. Selosa akong tao. Pero hindi mo rin ako masisisi. Mahal ko si Jade. At kapag mahal mo, ayaw mong may ibang lumalapit. Dapat ikaw lang. Ikaw lang dapat ang tinitingnan. Ang nilalapitan. Ang pinipili.Doon ko napatunayan: hindi biro ang selos. Dati, pinagtatawanan ko lang 'yan. Akala ko arte lang. Pa-cute lang ng mga taong insecure. Pero iba pala 'pag ikaw na ang nasa posisyon. Totoo palang kaya kang lamunin ng selos, lalo na kung mahal mo ang taong maaaring maagaw ng iba.Isang linggo ang lumipas. Isang linggong katahimikan mula kay Jade. Walang tawag. Walang text. Walang paramdam.Hanggang kailan

  • The Billionaire’s Secret Bride   CHAPTER 9 - I MISS YOU, BABE

    "Namimiss ba niya ako?" Iyan na lang ang tanong ko sa sarili ko habang nakaupo sa sofa sa loob ng opisina ni Jack.Halos hindi ko namalayan na tambak na pala ako ng trabaho dahil sa pagtitig ko sa cellphone ko, naghihintay ng tawag mula kay Jade."Hey... hey, Bhem. Kanina ka pa tulala riyan. Mukhang ang lalim ng iniisip mo ngayon, ah?""A-ah, s-sorry, h-hindi naman gaano kalalim," gulat kong sagot kay Jack. Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala siya. Kung hindi niya ako nilapitan at tinapik ang braso ko, baka buong araw na lang akong nakatulala.Buti na lang at bumalik ako sa realidad.Mag-aalas dose na ng tanghali nang makatanggap ako ng tawag mula kay Jade. Saktong tapos na ako mag-lunch at 1PM pa ang balik ko sa trabaho. May oras pa ako para maki-bebetime sa kanya."Hello, babe. Kumusta ka na riyan? Miss na miss na kita. Kumain ka na ba?" tanong niya habang ngumunguya ng salad."Opo, tapos na po ako. Ikaw na lang ang hindi pa tapos. Ubusin mo 'yan, babe. Halos mabulunan ka na.

  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 8: LDR, Set-Up

    "Congratulations, Babe!" masigla kong bati sa boyfriend kong si Jade habang nasa video call kami. Si Jade Lindo ang pangalan niya—isang IT Specialist sa Canada. Katatanggap lang niya ng promosyon bilang manager sa kompanya nila. Kaya naman kahit malayo siya, gusto kong maramdaman niya na proud ako sa kanya. "Thank you, Babe," ngumiti siya sa akin ng buong lambing. "Babe, kamusta ka na riyan sa Canada?" tanong ko sa kanya habang pinipilit itago ang lungkot sa likod ng ngiti ko. "Ito, Babe… namimiss ka. I want to hug you na po," malambing niyang sabi na agad nagpabula ng pisngi ko. "Namimiss din kita, kaso ang layo mo, eh. Hindi kita ma-hug," sagot ko habang tinititigan siya sa screen. Kita sa mga mata niya ang pananabik. "Sabi ko na sa 'yo, mapo-promote ka rin. Tiyaga lang." Ngumiti siya at tumango. "Tama ka, Babe. Kung hindi mo ako minotivate noon, baka sumuko na ako. Pero thankful ako kasi nariyan ka para sa 'kin. Hindi mo ako iniwan kahit malayo tayo sa isa’t isa," an

  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 7 - Pananakot sa Likod ng Telepono, Huli Ka!

    Matapos ang gabing puno ng saya, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Sa mukha ni Bhem ay mababakas ang lungkot, takot, at pag-aalala lahat ng ito ay nagsimula dahil lamang sa isang misteryosong tawag mula sa hindi kilalang numero. Isang tinig na hindi niya matukoy kung kanino, ngunit malinaw ang mensahe: may nagbabantang panganib.Kinabukasan, maaga na namang dumating si Bhem sa opisina ni Jack. Tulad ng nakagawian, siya pa rin ang unang dumarating, ngunit ngayon ay may halong kaba ang bawat hakbang niya. Hindi na niya tinangkang umupo sa upuan ng CEO gaya ng dati. Sa halip, pinili niyang sa sofa na lamang magtrabaho—mas malayo sa sentro, mas ligtas sa pakiramdam.Habang abala siya sa pag-aayos ng mga dokumento, may kumatok sa pintuan. Agad siyang napatayo. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Inakala niyang si Jack na ang dumating, ngunit pagbungad ng pintuan, isang delivery man lamang ang naroon."Good morning po, si Sir J po nariyan? May dala po kasi ako para sa kanya," magiliw na

  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 6 - Bagong Lugar, Bagong Mukha

    Bagong trabaho. Bagong amo. Bagong mundo.At sa puntong ito ng buhay ni Bhemzly Acson, wala na siyang ibang mapagpipilian. Tinanggap na niya ang alok ni Mr. Jack Devera—isang alok na tila ba hindi lang magpapabago sa kanyang career, kundi pati na rin sa takbo ng kanyang kapalaran.Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw, gising na si Bhem. Habang ang karamihan ay mahimbing pa ang tulog, siya naman ay abalang inaayos ang kanyang mga gamit para sa panibagong yugto ng kanyang buhay. Hindi pa siya opisyal na regular sa kumpanya. Wala pa siyang sariling opisina. Kaya naman tuwing working hours, sa opisina muna ng mismong CEO siya nakikitambay—isang set-up na mas nagpalakas ng pressure sa kanyang dibdib. Ayaw niyang malate. Ayaw niyang mapag-usapan. Ayaw niyang bigyan ng kahit anong dahilan ang mga tao para kwestyunin ang kanyang trabaho. Lalo na ang kanyang boss.Kaya bago pa man tumuntong ang alas sais ng umaga, nakatayo na siya sa harapan ng Devera International Building.“Kuya, good morni

  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 5: Lahat ng Bagay, Gagawin Upang ang Gusto ay Makuha

    Hindi madali para kay Jack Devera ang amining may gusto siyang isang babae—lalo na’t ang babaeng iyon ay ang mismong dahilan kung bakit minsang nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili. Mga panahong ni hindi niya kayang tingnan ang kanyang repleksyon sa salamin.Noong una, ang nais lang niya ay isang simpleng pagbawi ng dignidad. Isang pahiwatig na siya na ngayon ang lalaking kayang tapatan—lampasan pa—ang babaeng minsang nagpaikot sa kanyang mundo. Ngunit habang lumalalim ang bawat araw na nakikita niyang muling humahakbang sa kanyang direksyon si Bhem, ibang damdamin ang unti-unting gumigising sa kanyang puso.Hindi na ito paghihiganti.Ito na ay muling pagkasabik.Pagkagusto. Pagmamahal.Sa bawat araw na nagdaraan sa loob ng kaniyang opisina, tila may misyon si Jack—ang mapalapit kay Bhem. Pero gaya ng dati, mailap ang babae. Tila ba hindi nito tinatanggap ang anumang pahiwatig ng pagkakaibigan o koneksyon. Parang may pader sa pagitan nila na mahirap tibagin—pader ng pride, ng sakit, n

  • The Billionaire’s Secret Bride   Chapter 4 - Araw-Araw Ay Hiring Day

    Isang buwan na ang lumipas mula nang unang beses na nagtungo si Jack Devera sa law firm kung saan nagtatrabaho si Bhem Acson. Sa paningin ng marami, iyon ay isang ordinaryong araw ng recruitment. Pero sa katotohanan, tila naging personal mission na ito ng binata—dahil simula noon, araw-araw na siyang dumadalaw. At sa araw-araw na iyon, iisa lang ang aplikanteng sinusuyo niya—si Bhem.Hindi ito basta-bastang paghikayat. May kasama itong effort, charm, at matiyagang panunuyo. VIP si Jack sa kumpanya kaya’t tila may invisible pass siya sa lahat—maging sa mismong manager ni Bhem na laging kampi sa binata.Isang umagang punô ng hamon ang dumating—umuulan ng hindi inaasahan. Walang dalang payong si Bhem, kaya’t na-stranded siya sa isang convenience store malapit sa kanilang opisina. Tawid lang sana at nandoon na siya, pero dahil sa lakas ng ulan, mas pinili niyang magpalipas muna. Ayaw niyang magkasakit at—lalo na—ayaw niyang makipagsagupaan ng basang-basa sa opisina.Ngunit tila pinaglalar

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status