Home / Romance / The Billionaire’s Secret Bride / Chapter 7 - Pananakot sa Likod ng Telepono, Huli Ka!

Share

Chapter 7 - Pananakot sa Likod ng Telepono, Huli Ka!

Author: Osh Jham
last update Last Updated: 2025-05-01 17:39:17

Matapos ang gabing puno ng saya, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Sa mukha ni Bhem ay mababakas ang lungkot, takot, at pag-aalala lahat ng ito ay nagsimula dahil lamang sa isang misteryosong tawag mula sa hindi kilalang numero. Isang tinig na hindi niya matukoy kung kanino, ngunit malinaw ang mensahe: may nagbabantang panganib.

Kinabukasan, maaga na namang dumating si Bhem sa opisina ni Jack. Tulad ng nakagawian, siya pa rin ang unang dumarating, ngunit ngayon ay may halong kaba ang bawat hakbang niya. Hindi na niya tinangkang umupo sa upuan ng CEO gaya ng dati. Sa halip, pinili niyang sa sofa na lamang magtrabaho—mas malayo sa sentro, mas ligtas sa pakiramdam.

Habang abala siya sa pag-aayos ng mga dokumento, may kumatok sa pintuan. Agad siyang napatayo. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Inakala niyang si Jack na ang dumating, ngunit pagbungad ng pintuan, isang delivery man lamang ang naroon.

"Good morning po, si Sir J po nariyan? May dala po kasi ako para sa kanya," magiliw na bati ng lalaki.

"Ah, wala pa siya. Maaga pa kasi. Halika, pumasok ka na lang at ilagay mo na lang sa mesa niya, ayun oh," sagot ni Bhem, pilit pinapakalma ang sarili.

Pagkalapag ng mga dokumento, agad namang nagpaalam ang delivery man. Ngunit ilang saglit lang matapos nitong umalis, muling tumunog ang cellphone ni Bhem. Muling unknown number. Muli, nanginginig niyang sinagot ito.

"Hello? Sino po sila?"

Isang malamig na tinig ang narinig niya.

"Humanda ka."

Agad naputol ang tawag. Nanlaki ang mga mata ni Bhem. Kinilabutan siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Sa buong araw, hindi siya makapagpokus sa trabaho. Sa bawat tunog ng cellphone, tila sasabog ang kanyang dibdib sa kaba.

Upang kahit paano'y makalibang, lumabas siya ng opisina at naglakad-lakad sa hallway malapit sa elevator. Doon niya nakasalubong si Ken, ang senior editor ng kompanya matangkad, matipuno, at may karisma.

"Hi Miss, may hinahanap ka ba? Si Sir Jack ay wala ngayon. May emergency meeting siya sa Baguio, sa farm niya roon. Nag-leave siya ngayon," wika ni Ken.

"Ah, hindi naman. Lumabas lang ako para magpahangin. Tapos na rin kasi ako sa tasks ko," sagot ni Bhem na may bahagyang ngiti.

"Bagong empleyado ka rito, ano? Parang ngayon lang kita nakita. Pero anong ginagawa mo sa opisina ni Sir Jack?"

"Bago lang po ako. Wala pa akong isang buwan. Wala pa kasing available na opisina kaya doon muna ako pinapapasok ni Sir Jack."

"Ah, kaya pala. Oo, pinapaayos pa kasi 'yong kabilang building kaya siksikan muna lahat dito. Mabuti nga't sa opisina ka ni Sir Jack, matututo ka talaga sa kanya. Ako nga, sampung buwan din akong nag-opisina roon sa kanya bago ako lumipat."

Sa kanilang masayang usapan, kahit papaano'y naibsan ang takot sa puso ni Bhem. Ikinatuwa rin niya ang balitang naka-leave si Jack—wala ang mga tingin nitong tila sinusuri ang kanyang kaluluwa.

Ngunit makalipas ang isang linggo, hindi pa rin natigil ang mga tawag. Lalo lamang naging madalas at mapangahas. Mula umaga hanggang gabi, paulit-ulit ang parehong boses: "Humanda ka."

Nalulula na si Bhem. Halos hindi na siya makatulog. Lahat ng numero ay iniwasan niya, pinilit niyang palitan ang kanyang SIM card, ngunit bago pa niya ito maisakatuparan, isang tawag ang muli niyang natanggap. Sa pagkakataong ito, tila may pamilyar sa boses ng tumatawag. Isang tinig na hindi niya maalis sa alaala, ngunit hindi rin niya mahanap sa kanyang gunita kung kanino ito.

Nagdesisyon siyang kumilos. Gumawa siya ng hakbang upang matukoy kung sino ang nasa likod ng mga pagbabanta. Palihim siyang humingi ng tulong sa isang kaibigang may koneksyon sa cybersecurity.

Dalawang buwan ang lumipas. Mabigat ang bawat araw na hindi niya alam kung ligtas pa ba siyang magtrabaho. Hanggang isang araw, dumating ang resulta ng imbestigasyon. Kinumpirma ng teknolohiya ang kanyang hinala—at ang pagkadismaya niya ay mas malalim pa sa anumang takot.

Ang taong nasa likod ng lahat...ay kaibigan niya.

Hindi lang basta kaibigan. Isang matalik, pinagkakatiwalaan, at itinuring niyang kapatid. Isa sa mga taong alam niyang hinding-hindi siya pagtataksilan si Nikki, ang dati niyang kasamang tumatawa, umiiyak, at nangangarap sa iisang bubong.

Lumamig ang buong katawan ni Bhem. Hindi siya makapaniwala. Si Nikki pala ang kumuha ng litrato niya habang nakaupo sa silya ni Jack. Si Nikki rin ang tumatawag at nagbabanta. Lahat pala ng ito ay bunga ng inggit dahil lamang sa kaunting tagumpay at atensyon na hindi nakuha ng kaibigan.

Hindi na nagdalawang-isip si Bhem. Lumipat siya ng tirahan. Iniwang tuluyan ang condo unit na dati nilang pinaghahatian, kahit pa siya ang mas maraming naiambag roon. Ayaw na niyang makasama pa ang isang traydor. Higit pa sa pera, mas mahalaga ang kapayapaan ng isip.

Sa kabutihang palad, natagpuan niya ang isang unit sa Muse Residences. Sa hindi inaasahan, magkatabi pala ang unit niya sa mga condo nina Jane at Lara mga bago niyang kaibigan sa kompanya. Nagbigay ito ng kaunting ginhawa sa kanyang puso.

Bagamat naninibago sa bagong tirahan, pinilit ni Bhem na yakapin ang panibagong simula. Mas pinili niyang palayain ang sarili sa isang sitwasyong maaaring humantong sa trahedya. Alam niya sa sarili niyang hindi siya perpekto, pero hindi niya kailanman inasahan na ang taong mahal niya bilang kaibigan ang magpapabagsak sa kanya.

Sa kabila ng lahat, pinili niyang manahimik. Hindi siya nagsampa ng kaso. Hindi siya nagpost sa social media. Hindi siya naghimagsik. Sa halip, isinulat niya ang lahat sa kanyang journal ang tanging saksi ng mga luhang hindi niya pinakita sa iba.

Ngunit sa katahimikan, tanong sa kanyang puso ang patuloy na bumabalik:

Kaya mo bang lagpasan mag-isa ang mga ganitong klaseng sakit? Kaya mo bang patawarin ang taong nagtaksil sa’yo? At hanggang kailan mo kayang indahin ang isang sugat na walang dugo, ngunit patuloy na dumudugo sa kalooban mo?

Isang bagong kabanata na ang nagsisimula kay Bhem. Ngunit sa bawat simula, may kasamang takot. At sa bawat hakbang, may pangakong hindi na muling magpapalinlang sa taong hindi marunong magmahal ng totoo.

Sa buhay, may mga taong darating upang turuan tayong magpatawad. Ngunit may mga darating din upang turuan tayong lumayo kahit pa ang layo ay may kasamang sakit.

Masarap mag mahal ngunit pano kong yong mahal mo may mahal ng iba ? Ipaglalaban o papalayain ?

Pano kong may mahal na siyang iba?

Ang tanong: handa ka bang tanggapin ang katotohanang wala na talaga siya at hindi kana Ang mahal niya ?

-to be continued -

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Secret Bride   chapter 21 - Single Era :))

    " Good morning Self " saad ko sa sarili ko habang nagbibihis pagong dahil alas kuwarto palang ng madaling araw , para aliwin muna ang sarili sumayaw nalang ng cha-cha hindi naman ako makakadistorbo sa mga kasama ko sa bahay dahil hindi naman nila naririnig ang ingay ng kuwarto ko , kaya naman enjoy the moment ika nga nila.Ang sarap pala sa feeling pag single but ready to menggle ang isang tao. Kaya proud to be single ako dahil i can do all things i want without needing permission to someone puwera lang sa pamilya ko syempre kailangan na nagpapaalam parin ako sa kanila ayaw kona maulit uli yong nangyari.Nang mapatingin ako sa samalin don ko na realize na subrang napabayaan kona pala ang sarili ko ilang years ang nakalipas ang dating ako na hindi man lang nadadapuan ng lamok ay ito na ngayon, pero tanggap ko naman sa sarili ko kong ano ako noon at kong ano ako ngayon kasi hindi kona mababalik ang nakaraan para baguhin lahat ng maling nagawa ko. At dahil 12:00 noon pa ang pasok ko i to

  • The Billionaire’s Secret Bride   chapter 20 - Pagpili sa dalawang bagay !!!

    " Ang lalaking yan o Sarili mo? " nanggagalaiting tanong sakin ni kuya leo habang pilit akong pinapasakay sa sasakyan."Hindi ko alam!" Sagot ko habang umiiyak super napahiya kasi ako kanina sa harap ng maraming tao at sa harap ni Jade.Tinuturo-turo pako nito habang pinagsasabihan " Bhem dika paba na dala niloko kana nga ng gagong yon makikipag balikan kanaman uli."Natigilan ako ng marinig ko iyon at paulit-ulit na sumasagi sa isip ko " pano nalaman ni kuya ang tungkol do'n hindi ko naman na kuwento sa kanila ahh , sino kaya nag sabi sa kaniya ng bagay na yon? " ngunit bago pako makasagot uli agad na niyang pinaandar ang kotse, diritso sa bahay.Pagdating namin namumugto parin ang mga mata ko inakala ko tapos na ang pangsisirmon niya hindi pa pala.Dahil mas tumindi pa ang galit nito wari'y wala siyang pakialam kong marinig man iyon ni Daddy at Mommy basta mapagalitan lang niya ako.Habang ako nagsiagosan na ang luha sa mga mata ko , masakit kaya mapahiya sa maraming tao , pero m

  • The Billionaire’s Secret Bride   chapter 19 - Muling pagsuyo kay mahal

    Pauwi na sana ang pamilya Acson galing sa outing ngunit nakalimutan ni Bhem ang isang bag na dala niya kaya binalikan niya ito sa nirentahan nilang catage , pagbalik nga niya ay naroon parin ang bag na naiwan niya ngunit hindi inaasahang timing doon pala niya muling makikita ang isang tao na sumira ng tiwala niya.Dahil sa pagmamadali nakabanggaan niya ang isang lalaki na maydalang apat na manggo shake , galing sa counter ng resort kaya naman napagtaasan siya nito ng boses " Ano ba miss dahan-dahan naman ohh " ngunit pareho silang natigilan ng makilala ang isa't isa.Nakataas ang kilay ng lalaki ng makilala niya ang nakabanggaan niya " B-Bhem ? "Habang si Bhem tulala sa harap niya hindi makapaniwala sa nakita." B-Bhem anong ginagawa mo rito ? " pagtatanong nito kay Bhem ng may tuwa sa mukha." ahmm ahh nag outing kami ng pamilya ko " Nakangiti nitong tinanong uli si Bhem " I see , muzta kana? , long time no see." Malugod namang sinagot ni Bhem ang tanong ni Jade kahit med

  • The Billionaire’s Secret Bride   chapter 18 - Back to normal !!! simula ng bagong umaga

    " Bunsoyy , matutuloy muna ang pangarap mo! " nakangiting sambit ni Ate Jona , habang tumatalon talon ito dahil sa tuwa.Pero hindi namin alam kong bakit siya masaya kaya naman nagtanong ako " Ate , ano ang ganap? " pagtataka ko , kaya yong kaliwang kilay ko tumaas naman.Ngunit bago niya ako sagutin niyakap muna niya si Lyla " May bago nang scholarship si Lyla hindi na siya titigil makakatapos na siya ng pagaaral ," nagulat kaming apat, ngunit mas nanaig parin ang saya na nadama naming lima.Kaya naman agad naming ipinaalam kay Mommy ang magandang balita kahit nasa ospital siya natuwa parin siya. Upang tuloyan nang makapasok kinabukasan si Layla nag ambagan kaming apat para sa mga gastosin ni Lyla sa pagaaral.Pang allowance niya kong baga.Kahit wala nakong kapera-pera tanging pang isang lingo ko nalang budget ay iniambag ko nalang , para makapasok na siya.Narealize ko God is good talaga , he always there not just for me and my family but also to all people. Wala talagang s

  • The Billionaire’s Secret Bride   chapter 17 - Lahat ng Bagay naglaho ng isang iglap

    " Ate wala na yong mansion " umiiyak na balita sakin ni Lyla , ang bunso namin.Ng marinig ko nga ang sinabi nito hindi na ako nagdalawang isip na umalis sa kinatatayoan ko .Agad akong nag hanap ng masasakyan pauwi upang puntahan kong ano na ang nangyari sa pamilya ko.Pagkarating ko nga sa mansion naabutan ko nalang ang Mommy at ang bunso kong kapatid na nasa labas na ng bahay , pati yong mga gamit namin nasa labas narin. Hindi ko napigilang mapa luha sa nadatnan ko , kaya nang makita ko ang representative ng bangko agad ko itong diniritsahang kinausap." Sir mawalang galang napo , bakit niyo naman po kami pinapalayas agad akala ko po ba sa makalawang buwan pa kami aalis rito " " Sir Bakit po ? " pagtatanong ko sa matandang lalaki na nag papalabas ng mga gamit namin." Sorry hija , may buyer na kasi nitong bahay at dapat lang na umalis na kayo rito dahil halos 10 years na kayong hindi nakakabayad kaya kailangan niyo nang umalis rito , " at agad nakong tinalikoran ng matandang l

  • The Billionaire’s Secret Bride   chapter 16 - Tipidism ang person

    Ng bumuti na ang lagay ng Daddy at hindi narin siya masyadong nahihirapan dahil sa mga gamot na natake na niya. Kinailangan konang pumasok sa trabaho dahil may magbabantay naman sa kanya ang mga kapatid ko. Halos tatlong buwan rin akong naka leave sa trabaho , nangangamba nako baka pag tumagal na hindi pako pumapasok baka tanggalin nila ako.At dahil nagtitipid nga ako kailangan kong gumising ng maaga para maka sabay kay kuya Garin , sa pinsan ko. At dahil iisa lang ang company na pinapasokan namin , sabay na kami lagi sa pagpasok sa work.Araw ng lunes , unang araw ng buwan ng Mayo kaya kailangan kong maaga gumising kasi ang dami kong aasikasohing papelis .Ngunit ang plinano kong paggising ng maaga taliwas sa nangyari , naggising nalang ako na nagbubukang liwayway na ang araw at magaalas syete na ng umaga kaya naman no more relapse moment sa kama , transform agad bilang flash the second .Kahit hindi pa nakakaalmusal , ni pagsuklay sa basa kong buhok hindi kona nagawa .Dahil wal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status