Jade POV
Hindi ko alam pero parang namamalik mata ako. Parang nakita ko si Matias. Pero impossible iyon. Matagal ng patay si Matias. Tinanggap ko na lang sa sarili ko na patay na talaga ang lalaking mahal ko, na iniwan niya na kami ng aming anak. Napahawak akong muli sa railings ng balkonahe ko nang maalala muli si Matias ang lalaking mahal ko. Ang asawa ko lang ang tanging minahal ko. Kahit na maraming nagpapalipad hangin ay wala akong nakikitang mas lamang dito. "Mama." Nilingon ko ang anak ko. Ang 15 years old kong anak na babae. Michaella Jane—ang nag-iisang bunga ng aming pagmamahalan ni Matias. "Oh, akala ko maaga kang matutulog." "Hindi ako makatulog, ma. I am excited. Alam mo iyon. Mag-aaral ako sa isang school. Sa isang university." Nilapitan ko ang anak ko at hinaplos ang buhok nito. "Masaya ka ba?" tanong ko dito. "Yes, mama. I am so happy." "Good. Dahil wala akong ibang hiling sa iyo kundi ang kaligayahan mo anak." Niyakap ko ang anak ko. "Matulog ka na. Maaga ka pa bukas, di ba?" "Oo, mama. Sige, ma, Good night!" Humalik ang anak ko sa pisngi ko. "Good night." Lumabas na sa kwarto ko ang anak ko. Tumingin muli ako sa labas, sa malawak na kadiliman. Huminga ako ng malalim. Bago ako pumasok sa loob ng kwarto ko. Kinabukasan ay maaga akong nagising, dahil gusto kong ihatid ang anak ko sa school niya. Maaga din akong nagluto ng agahan. Dahil breakfast person ang anak ko. "Good morning, mama!" masiglang sambit ng anak ko. "Good morning, baby." Hinalikan ko ito sa pisngi at agad na umupo sa upuan nito. Nilagyan ko ng sinangag ang plato nito at daing. Dahil alam kong paborito nito ang mga pagkaing na nakahain sa hapagkainan ngayon. "Ang dami naman na niluto mo, mama." "Baon mo ang iba dyan." Natapos nang kumain ang anak ko at umakyat muli ito para magbihis. Ako naman ay naligo at nagbihis na rin. Dahil dadalawin ko ang bestfriend ko ngayong si Ayiesha at Sheena. Nakilala ko ang dalawa sa States, sila ding dalawa ang tumulong sa akin na makapag-move on. Pero alam ko sa sarili ko. Kahit kailan ay hindi ako nakapag-move on. Nang matapos akong maligo at magbihis ay agad akong bumaba sa sala. Dahil t'yak na naghihintay na ang anak ko sa sala. "Lets go!" Lumapit ako sa anak ko at magkayakap kaming dalawa na nagtungo sa kotse. Binuksan ko ang pinto kotse at pumasok naman ang anak ko. Lumipat kami sa isang subdivision kung saan ay may bahay din akong binili. Ayaw ko sa mansion na ibinigay ng parents ko. Dahil sobrang laki iyon para sa aming dalawa ni Ella. Kaya lumipat kaming dalawa sa isang subdivision. Lulan na kami ng kotse at lumabas na kami. Inihatid ko muna sa school si Ella, bago ko kitain ang dalawa kong kaibigan. "Ingat sa school, anak." "I will, mama." Masayang pumasok sa isang paaralan ang anak ko. Nakita ko din na sinalubong ito ni Clea at Nichole. Michaela POV Hindi ko alam kong saan ako dinala ng ama ko. Nagising na lang ako na nasa ibang kwarto na ako. Matagal ko nang nakikita ang ama ko. Since, I am 10 years old. Pero ayaw nitong ipaalam sa ina ko na buhay siya. Kahit gusto ko mang sabihin kay mama ay ayaw naman ni papa. Huminga ako ng malalim. Dahil hindi ko alam kong ano talaga ang gusto ng ama ko. Hinubad ko ang Uniform ko. Dahil magbibinhis ako. Para sa swimming lesson namin. Iniwan ko muna ang panty at bra ko. Narinig kong bumukas ang pinto. Kaya lumingon ako. Dahil sa lalaki ang pumasok ay tumili ako. "Manyakis." sigaw ko. "I am not." Gusto kong sumiksik sa pader o kahit saan. Dahil natatakot ako sa lalaking iyon. Hindi ko siya kilala. Pumasok ito sa banyo ng locker room namin. "Where's Althea?" tanong nito sa akin. "I don't know. Kung nasaan si Althea. Malay ko ba sa babaeng iyon kung saan saan nagsu-suot at isa pa hindi ako hanapan ng nawawala, kaya lumabas ka na!" sigaw ko dito. Pero parang wala itong narinig. Hindi man lang ito natinag. Nilapitan niya ako. Napaatras ako. natatakot na ako sa inaasta nito. Paano kung isa pala ito sa kalaban ni papa? Baka mamatay ako nito ng wala sa oras. Napasandal ako sa pader. Wala na akong maatrasan. Itinukod nito ang isang kamay sa ibabaw ng ulo ko. "You know what. Maganda ka pa naman. But you are not my type. Magbihis ka nga. Hindi naman kagandahan ang katawan mo." Bigla ay umusok ang ilong ko dahil sa sinabi nito. "What the hell!" sigaw ko. "Hoy, Mr. FYI, maganda ang katawan ko." Tinalikuran niya ako. Pero bago ito lumabas sa banyo na iyon at nagsalita muna ito. "Hindi ko alam kung sino ka man. Pakisabi na lang kay Althea na hinahanap ko siya," sabi nito sa akin. Bigla ay para bang gusto kong pumatay ng tao at uunahin ko ang lalaking iyon. Gusto ko siyang gilitan. Hindi ba niya alam na anak ako ni Sebastian McLysaint. Isang makapangyarihang tao. Alam ko kung ano ang mga negosyo ni papa. Sana ay hindi magalit si mama. Once na malaman niya ang buong katotohanan. Tuluyan nang lumabas ang antipatikong lalaki na sana ay hindi na bumalik. Pumasok na ako sa banyo ng locker upang magbihis. Nang natapos akong magbihis at tinawagan ko si Clea ang matalik kong kaibigan. Bago ako pumunta sa swimming class ko. "Sana ay good news ang aasahan ko sa iyo." "Magandang balita? Ano namang balita." "Na ikakasal ka na." Jade POV "Alam mo, Jade. Talo ka, eh," ani ni Sheena. Habang sumisimsim ito ng Milktea. Habang ako ay pinaglalaruan ko ang Milktea ko. "Bakit naman, Sheena? Hindi talo si Jade ano." Nagtatalo ang dalawa. Dahil sa sinabi ko. Sinabi ko lang naman sa dalawa na hindi pa ako naka-move on sa asawa ko. "Alam mo, Ayeisha. Talo talaga si Jade. Akalain mo, hindi magka lovelife. Dahil hanggang ngayon ay kumakapit pa rin sa ala-ala nila ng namayapa niyang asawa." "Hayaan mo siya, Sheena. Buhay niya iyan. Ang asikasuhin mo ay iyang asawa mo. Baka naghanap na iyon ng iba." Pang-aasar ni Ayeisha dito. "Hindi magagawa iyon ni Clyde. He loves me at napatunayan ko na iyon." Nakangiti na lang akong pagmasdan ang dalawa na nagtatalo. Alam ko kasi ang pinagdaanan nilang dalawa. Hindi din kasi madali ang naging buhay ng dalawang ito. "At ikaw naman, Jade. May ipapakilala ako sa iyo. Sobrang gwapo noon." "Wag na, Sheena. Ayaw ko na may iisipin." Napatingin ako sa labas. Napatayo ako ng makita ko ang isang pigura. Isang pamilyar na pigura. Tumayo ako at dali-daling lumabas. Hinabol ko iyon. Pero dahil maraming tao ay nawala iyon. "Impossible... hindi kaya buhay si Matias?"Jade POVKinagabihan ay agad kaming bumalik ni Matias sa syudad. Dahil bukas ay pasukan na naman.Hindi talaga maalis sa isipan ko ang nangyari kanina lang. Nandoon ang lalaki na possibleng may alam sa nakaraan ni Matias. Pero natatakot akong malaman ang totoo.Paano pala kong may ibang mahal si Matias at hindi ako iyon? Paano kung may pamilya si Matias na naiwan. Paano na ako? Naiisip ko pa lang ay nasasaktan na ako.Kinabukasan ay maaga akong nagising, dahil may pasok ay naghanda na ako. Agad akong bumaba matapos kong maligo at magbihis. Hindi ko makita si Matias sa sala kaya agad akong pumunta sa kusina.Napasandal ako sa may hamba ng pinto nang kusina dahil nakita ko lang naman na nagluluto ang lalaking mahal ko. Hindi ako umimik. Nanatili akong tahimik. Hanggang sa matapos itong magluto.Lumapit ako sa may mesa."Ang bango naman nyan? Anong niluto mo?""Hindi ko din alam. Basta naisipan ko lang na lutuin ito.""Bumalik na ba ang ala-ala mo?" nababahala kong tanung dito."Wala nam
Jade POVKinagabihan ay abala na ang lahat. Dahil sa birthday party ni Mama. Halo-halo ang mga bisita. Inimbitahan nila ang mga kaibigan nilang Politico, businessman, at iba pa.Madaming bisita, madaming tao. Abala ang lahat."Mayor Ash Grey McLysaint." tawag ni Mama doon sa isang lalaki.Humarap ang lalaki at agad ko itong nakilala. Nanlalaki ang mga mata ko. Dahil alam ko na kilala nito ang tunay na pagkatao ni Matias. Siya iyong lalaki na tumawag na Uncle Sebastian kay Matias."Hello, Donya Lenie.""It is nice to see you here, matagal na kitang iniimbitahan sa mga gatherings namin buti ay pinaunlakan mo kami.""I clear my schedule today, Donya Lenie."Sumulyap sa akin ang lalaki. "And this is?""My Daughter. Liberty Jade.""What a nice name.""Hija, accompany, Mayor Ash. May lalapitan lang kaming ibang bisita."Inilinga ko ang paligid. Walang Matias na nagpakita."I know who you are," nilingon ko ang lalaking nagsalita."Really?""Yeah, ibigay mo na ang Uncle Sebastian ko. Hindi si
Jade POV"Galit na galit ka kay Cathleya.""Sino ang hindi magagalit, inaagaw ka niya sa akin. Alam mo naman na ayaw ko na may kaagaw sa atensyon mo. Kahit na gusto kong umupo sa unahan ay nauna pa itong umupo. Panay pa ang pa cute sa iyo.""Kalimutan mo na iyon, ang isipin mo ay iyong tayong dalawa."Hinalikan nito ang balikat ko. Papunta sa leeg ko. Nasa bathtub kasi kaming dalawa. Kakatapos lang namin mag-isa kanina. Dahil gusto kong maligo ay lumusong ako sa bathtub."Alam mo naman na mahal na mahal kita, Jade.""Saka mo na sabihin iyan, pag bumalik na ang mga ala-ala mo, ayaw kong umasa, Matias. Dahil baka masaktan lang ako."Dumating ang araw ng kaarawan ni Mama. Abala ang lahat habang ako ay nasa kwarto ko ay kagigising lamang. Nagkasama na naman kami ni Matias kagabi sa Cabin ko. Inangkin namin ang isa't-isa. Pinagsawa. Mamaya pang gabi ang party pero abala na sa umaga ang iba.Ayaw sana ni Mama na magpa-party ngayong birthday niya. Pero si papa ay mapilit. Lumabas ako sa kwar
Jade POVHindi talaga mawala sa isipan ko ang sinabi ng lalaking iyon noong isang araw. Sino ka ba talaga Matias?"Jade."Napatingin ako sa gawin ni Cathleya, hindi ko narinig ang sinabi nito."May sinasabi ka?""Wala ka sa sarili mo, Jade. Anong nangyari?""Wala, abala lang ang isip ko sa magiging party ni Mama."Ayaw ko munang sabihin sa kanila ang relasyon namin ni Matias. Masyado pang maaga. Kung may una mang makakaalam sa relasyon namin ni Matias ay iyon ang aking mga magulang."Oo nga pala. Ngayong sunday na ang birthday ni Donya Lenie. Dapat maganda tayo sa araw na iyan."Napatingin ako sa gawi ni Cathleya. Alam ko naman na hindi siya parte ng pamilya namin. Dahil scholar siya ng mama at papa at anak din ng isa sa katulong namin ay parang parte na din siya ng pamilya namin. Hindi naman ito nawawala sa mga importanteng okasyon namin. Pero ang napapansin ko lang ay para bang mas gusto nitong mas mapansin pa ito kaysa sa akin na tunay na anak. Iyon ang nakikita ko sa kinikilos ni
Jade POVHindi pa rin ako tumitinag sa kinauupuan ko. Ayaw ko siyang pansinin."Kumain ka na."Isang irap muli ang ibinigay ko sa kanya.Tumawa ito, "What did I do this time?"Hindi ko siya kinikibo. Ayaw ko siyang kausapin. Galit ako sa kanya."Look hindi ako ang kusang lumapit sa kanila. Sila ang lumapit sa akin.""Di sana ay umiwas ka."Isang ngiti ang namutawi sa mga labi nito."I love when your jealous, Jade. Pakiramdam ko, napaswerte ko, dahil minahal ako ng isang babae na tila kay hirap abutin.""Matias..."Natigilan ako sa sinabi nito, dahil hindi ko rin naisip na masasabi niya iyon sa akin.Hinawakan nito ang kamay ko. Dinala iyon sa labi nito, upang halikan. Napatingin ako sa paligid. Dahil nakakahiya ang ginagawa nito."Stop it, Matias. Nakakahiya.""I just want to show them who owns me. Walang makaka-agaw sa akin mula sa iyo, Jade. Iyong iyo ako. Hindi kita iiwan. Kung iiwan man kita. Iyon ay kung patay na ako."Napatitig ako sa kanya. Lumambot ang expresyon ko, dahil sa s
Jade POVNagising ako na masakit ang pang-ibabang bahagi ng katawan ko. Para bang binugbog ito ng paulit ulit.Kinapa ko ang nasa tabi ko, ngunit wala akong napakapa. Agad akong bumangon na sana ay hindi ko binigla. Isang ngiwi ang isinagot ko sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko akalain na magiging ganito kasakit ang una ko. Sobrang laki naman kasi ang kay Matias.Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Agad akong kinabahan dahil baka si Manang ang pumasok. Pero laking ginhawa ko ng makita ang mukha ng lalaki na siyang dahilan kung bakit ako nahihirapan ngayon. Agad itong lumapit sa akin ng makita niya akong nahihirapan."Hey, masakit ba.""Sobra.""Halika, iluloblob kita sa bathtub. Upang maibsan ang sakit.""Ikaw naman kasi. Sabi kong tama na. Sige ka pa rin nang sige.""Paano ba naman. Sa tuwing titingin ako sa iyo. Naaakit ako. Kaya ayon, nakailang round din tayo."Binuhat niya ako. Ibinalot ko ang sarili ko sa Kubrekama. Pinatayo niya muna ako, binuksan ang fucet ng bathtub. Pinuno ni
Jade POVAbala ako buong maghapon sa pag-aaral. Kaya paglabas ko ay pakiramdam ko ay pagod na pagod ako."Jade."Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nasa ay hindi ko na lang ginawa."Pwede bang sumama sa iyo, sa bahay nyo? Para mag bonding naman tayo.""Stop it, Claudia. Alam ko naman na hindi ako ang gusto mong puntahan sa bahay. Alam ko na ang sadya mo ay ang driver ko.""Gusto ko lang naman makasama si Matias. Masama ba iyon. Ngayon na nandito na siya. Makakapagbonding na kami.""Sino ka ba sa buhay niya?" maanghang kong tanong dito.Umatras ito. Umiwas ng tingin sa akin. Kinagat ang pang-ibabang labi."Sinabi ko na sa iyo kahapon. He is my boyfriend.""Boyfriend? He don't do girlfriends. Ayaw niya sa commitments."Biglang nagbago ang mukha ni Claudia, para bang anytime ay iiyak na ito."Kaya wag ka ng umasa sa driver ko. Hindi siy seryoso sa iyo." Dahil sa akin lang siya seryoso.Gusto ko sanang idagdag kaso ayaw kong malaman ni Claudia na kami na ni Matias. Hindi pa ito ang tamang p
Jade POVAgad akong umalis sa kusina at umakyat sa kwarto ko. Kahit na kumatok si Matias ay hindi ko ito pinagbuksan. Ayaw ko siyang makausap. Kakasimula lang ng relasyon namin ay may tampuhan na agad kami.Nagseselos ako sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Hindi ko na lang sana siya pinayagan na maginv boyfriend ko. Pero wala naman akong makapang pagsisisi. Nagbihis ako. I want to unwind. Total ay saturday naman, baka sa beach house muna ako. Iyong wala akong iniisip. Iyong di ko siya nakikita.Paglabas ko sa kwarto ko ay nasa hagdan ito. Nakatayo, inaabangan yata ako na lumabas. Nang makita niya akong bihis na bihis ay agad niya akong nilapitan"Where are you going?" tanong nito sa akin."Sa labas.""Sasamahan na kita.""No, Matias. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong makapag-isip, kung tama ba na sinagot kita. Kakasimula lang ng relasyon natin, may tampuhan agad. Ayaw ko ng ganito, masyadong toxic."Nabigla ito sa sinabi ko. Napaatras ito."Ayaw mo bang samahan kita?" tanong nito sa ak
Jade POVIsang linggo na mula ng nasa bahay si Matias. Isang linggo na din na iniiwasan ko siya. Umalis nga ako sa Hacienda, upang hindi ito nakita, pero bakit sumunod parin ito.Papasok na ako sa loob ng bahay ng may humawak sa aking braso. Gabi na at wala ng tao. Gabi na kasi ako nakauwi, dahil sa daming ginagawa sa school. Nabigla ako nang hilahin niya ako tungo sa kwarto nito. Iba ang kwarto ni Matias.Agad nitong inilock ang pinto, bigla akong natakot."Don't be scared, I just want to talk to you, Jade," may pagsusumamo sa mga mata nito. "Magkasama nga tayo, hinahatid kita sa paaralan mo, pero para akong may sakit, dahil iniiwasan mo ako."Napayuko ako. Sa pananatili nito dito. Ilang beses na ding pumupunta si Claudia dito na mag-isa. Dalawang araw simula ng dumating ito. Gusto ko na sanang makipag-ayos dito. Pero nakita ko na naman sa parking lot na nag-uusap silang dalawa ni Claudia.Alam kong wala siyang ginagawang masama. Pero kinakain ako ng selos ko. Gusto kong alisin lahat