Share

Kabanata 10: Condition

MULA SA hindi kalayuan ay kanina pa pinagmamasdan ng lalaki si Caroline. Alam niyang wala silang matinong mapag-uusapan kung sariwa pa rin sa isipan ng babae ang nasaksihan nito kanina sa kaniyang opisina, kaya palilipasin na muna nito ang araw na iyon.

Saka na lang siya magpapaliwanag kapag kalmado na ito, at kapag hindi lasing. Aminado rin naman siya sa kaniyang sarili na kahit saang banda ay maling-mali talaga ang kaniyang nagawa. Una ay ang pag-iwan niya rito sa restaurant, at pangalawa ay noong magtangka siyang halikan ang dati nitong asawa. Nahihibang na nga yata talaga siya.

Caroline is the one who saved him from his tragic life. Noong mga panahong nagluluksa siya sa paglisan ni Xandra sa kaniya ay ito ang palaging nariyan para damayan siya. Hindi ito kailanman nawala sa kaniyang tabi.

Ngunit para sa kaniya ay tanging kapatid na babae lang ang turing niya rito, hanggang sa pinilit niya kalaunan ang kaniyang sarili na mahalin ang babae pabalik para matugunan ang nararamdaman ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status