LOGINChapter 6 – The Price of Hope
--- PASADO alas-otso na nang makarating si Solenne sa East Avenue Medical Center. Halos hindi na niya maramdaman paa na sumasayad sa sahig habang tinatakbo ang hallway ng emergency room. Matinding kaba ang nararamdaman niya na para bang sasabog siya anumang oras. Sa loob ng ER, agad niyang nakita ang kapatid na si Julian. Nakaupo ito sa bakal na upuan, hawak-hawak ang maliit na tuwalya at pinupunasan ang sariling mukha na basang-basa ng luha. Nasa tabi nito si Aling Nena, ang kapitbahay nilang matagal nang tumutulong sa kanila, hawak ang balikat ng bata habang inaalo. “Ate!” agad na sigaw ni Julian nang makita siya. Tumayo ito at mabilis na yumakap at muling humagulgol. “Shh… shh…” hinagod ni Sol ang likod ng kapatid, pinipilit huwag sumabay umiyak. “Nandito na si Ate, huwag kang matakot.” Nilingon niya si Aling Nena na agad namang tumango. “Buti dumating ka na, Sol. Wag kang mag-alala, stable naman daw si Emilia. Pero kanina, halos nangingitim na ang nanay mo.” Halos mapaluhod si Solenne sa sinabi ng kaharap. “Maraming salamat po, Aling Nena. Hindi ko alam anong gagawin namin kung wala kayo.” Ngumiti ang matanda, pero halatang pagod din. “Anak, ikaw na muna bahala dito. Uuwi na rin ako, kailangan ko ring bantayan ang apo ko. Tawagan mo lang ako kung kailangan.” Mabilis siyang nagpasalamat at hinatid ng tingin si Aling Nena hanggang makalabas. Pagbalik niya, hinila niya si Julian paupo at dahan-dahan silang pumasok sa loob ng maliit na cubicle kung saan nakahiga si Nanay Emilia. At mistulang sinaksak ang puso ni Solenne nang makita ang ina. Nakahiga ito sa puting kama ng ospital, payat at namutla na. May nakakabit na IV line sa kanang kamay nito, at oxygen cannula sa ilong. “Nanay…” mahina niyang tawag, nilapit ang kamay at marahang hinaplos ang pisngi nito. Mainit pa rin ang balat, pero ramdam ang panghihina. Umupo si Sol sa tabi ng kama habang si Julian naman ay sumiksik sa kabilang gilid, mahigpit na hawak ang kamay ng ina. Pareho silang halos hindi makahinga sa bigat ng eksenang iyon. Maya-maya, pumasok ang isang lalaking doktor na nakasuot ng puting coat. Matangkad, nasa late forties, may salamin at mababait ang mata. May nakasukbit na stethoscope sa leeg at may hawak na folder. “Miss Villareal?” mahinahon niyang tawag. Agad tumayo si Solenne. “O-opo, ako po.” Nagpakilala ang doktor. “I’m Dr. Marcelo Santos, attending physician ng nanay mo. Kailangan natin mag-usap tungkol sa kondisyon niya.” Tumango siya, nanginginig ang kamay. “Dok, bakit po siya nag-seizure kanina? Cervical cancer lang po ang sakit niya… akala ko po wala pang ganito.” Huminga nang malalim ang doktor bago ipinaliwanag. “Ganito kasi, Miss Villareal. Ang nanay mo may cervical cancer, stage 1B. Early stage pa, tama ka. Pero dahil hindi pa siya naoperahan o nagkaroon ng tamang management, may mga komplikasyon na lumalabas. Ang seizure na nangyari kanina, possible dahil sa tinatawag nating electrolyte imbalance. Kapag matagal ang may sakit, lalo na’t mahina ang katawan, nagkakaroon ng kakulangan ng sodium o potassium sa dugo. Nagti-trigger iyon ng abnormal electrical activity sa utak, kaya siya nag-seizure.” Parang gumuho ang tuhod ni Solenne. “Ibig sabihin, dok… delikado na?” Tumango ang doktor, seryoso ang mukha. “Yes. Kailangan na siyang ma-operahan sa lalong madaling panahon. The best option is radical hysterectomy with pelvic lymph node dissection. Tatanggalin ang buong matris, pati na rin ang mga kalapit na lymph nodes para matiyak na hindi kakalat ang cancer cells.” Napahawak si Sol sa bibig, nanlumo. “Magkano po… ang kailangan, dok?” Muling tumingin si Dr. Santos sa folder. “Kung sa public hospital tulad nito, ang estimated total cost ay nasa ₱350,000 to ₱450,000 para sa operasyon at post-surgery care. Kailangan ng at least ₱100,000 down payment bago namin maischedule ang procedure. Kung walang operasyon sa lalong madaling panahon, may chance na kumalat ang cancer at maging stage 2 or 3. At kapag nangyari iyon, chemotherapy na ang kakailanganin… mas mahal, mas mahirap, at mas masakit para sa pasyente.” Parang puputok ang ulo ni Solenne nang marinig ang halaga ng operasyon.n“₱100,000…?” mahina niyang ulit, halos hindi makapaniwala. “Miss Villareal, I know this is overwhelming,” dagdag ng doktor. “Pero kung aaksyon tayo agad, malaki ang chance ng recovery ng nanay mo. She’s still strong enough for surgery.” Hindi na nakapagsalita pa si Solenne sa mga narinig. Saang kamay ng Diyos naman niya kukunin ang ganoong kalaking halaga? “Ate…” mahinang tawag ni Julian, nanginginig ang boses. “Wala na ba talagang pag-asa si Nanay? Mamamatay na ba siya?” Agad niyang niyakap ang kapatid na halos hindi na mapigilan ang pag-iyak. “Shhh… huwag mong sabihin ‘yan. Buhay si Nanay, at hinding-hindi ko hahayaang mawala siya.” Pero sa loob-loob niya, nanlulumo siya. Wala siyang pera. Wala siyang koneksyon. Kahit sampung libo, wala siya. Paano pa kaya ang isang daang libo? Pero maya-maya pa nga'y nabuhayan siya nang maisip ang bago niyang trabaho. “Maid ako sa mansion,” bulong niya sa sarili. “Kung makahiram lang ako kahit pang-down payment… may pag-asa pa si Nanay.” Mahigpit niyang niyakap si Julian. “Makinig ka sa akin, Jul. Gagawin ko ang lahat. Maghahanap ako ng paraan. Hindi mawawala si Nanay sa atin.” --- Pagdating ng gabi, matapos makausap si Dr. Santos at ma-finalize ang initial test results, nagdesisyon si Solenne. Isa-isa niyang tinawagan ang dalawang pinakamalapit na kaibigan para makisuyo. Unang tinawagan si Clarisse, pero hindi ito makakasama dahil naka-duty ito bilang nurse sa ospital na pinagtatrabahuan. “Sol, pasensya na talaga. Gusto kong samahan ka, pero panggabi ang duty ko. Huwag kang mag-alala, kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako agad.” Sumunod niyang tinawagan si Bianca, na agad namang nagpresinta. “Ako na bahala kay Julian. Bantayan ko si Tita Emilia. Ikaw, magpahinga ka at ayusin mo muna kung ano ang dapat mong ayusin.” Napaiyak si Sol sa tuwa. “Salamat, Bian… wala akong ibang maaasahan kundi kayo.” “Hindi mo kailangang magpasalamat, Sol. We’re family,” sagot ni Bianca. --- Makalipas ang isang oras, dumating si Bianca at agad na inasikaso si Julian. Saglit silang nag-usap ni Sol sa labas ng kwarto. “Sol, totoo bang maid ka na sa mansion ng mga Valtieri?” tanong ni Bianca, may halong gulat. Tumango siya, pilit na ngumiti. “Oo. Kanina lang ako pumirma ng kontrata. Effective tomorrow daw ang start.” “Grabe… ang swerte mo. Pero bakit parang hindi ka masaya?” Huminga nang malalim si Solenne. “Kasi… kailangan ng Nanay ng operasyon. Sobrang laki ng halaga, Bian. Wala akong ibang maisip kundi humiram ng pera sa boss ko. Kahit pang-down lang.” Nanlaki ang mata ni Bianca. “Humiram? Sigurado ka? Baka hindi gano’n kadali, Sol.” “Alam ko… pero wala na akong choice. Kailangan ko siyang subukan. Para kay Nanay.” --- Gabi na nang magpasya si Solenne na bumalik sa Forbes Park. Bitbit ang maliit na pag-asa at ang dasal na sana’y maunawaan ng magiging amo. Pagdating sa gate ng subdivision, agad siyang pinapasok ng guard. “Miss Villareal?” tanong nito sabay abot ng gate pass. “Salamat po,” mahina niyang sagot. Sa loob ng mansion, sinalubong siya ng mga security guard na tila inaasahan na ang kanyang pagdating. Pinapasok siya hanggang sa main entrance kung saan naghihintay ang isang matandang babae, nasa late fifties, naka-uniform at may aura ng authority. “Good evening, hija. Ako si Marta, mayor-doma ng mansyon. Sumama ka sa akin, pinapatawag ka ni Sir.” Kinabahan si Sol sa narinig, pero mabilis naman siyang tumango. “O-opo.” Dinala siya ng mayor-doma sa study room sa ikalawang palapag. Habang umaakyat sila sa malawak na hagdanan, pakiramdam niya’y lalo siyang nadudurog sa matinding kaba. --- Samantala, sa loob naman ng study room, nakaupo si Caelum Valtieri, malamig at tahimik. Kanina pa niya alam na paparating si Solenne Villareal dahil pinasundan niya ito sa mga tauhan niya mula pa sa hospital. At alam niya ring desperado itong makahanap ng pera para sa ina na nangangailangan ng agarang operasyon. Napangisi siya nang bahagya, hawak ang isang baso ng alak. “As expected,” bulong niya sa sarili. Maya-maya'y, narinig niya ang mahinang katok mula sa pinto. “Sir, narito na po si Miss Villareal,” anunsyo ng mayor-doma. “Let her in,” malamig na utos ni Caelum. Ilagay sandali pa'y dahan-dahang bumukas ang pinto, at sa kauna-unahang pagkakataon, nagtagpo ang kanilang mga mata. Si Caelum, nakaupo sa likod ng malapad na desk ay matalim at mapanuring nakatitig. Si Solenne naman, nakatayo sa bungad ng pinto, nanlalamig ang mga kamay, pero napako ang tingin sa lalaking parang hinulma ang anyo sa isang Greek God. Sandali niyang nakalimutan ang problema at nanatiling natulala lang. “So, ikaw pala si Solenne Villareal, my Surrogate Bride...”MADALING-ARAW pa lang, gising na si Caelum. Tahimik ang buong study, tanging liwanag lang ng malaking monitor ang nagbibigay-ilaw sa paligid. Ang mga mata niya ay nakatutok sa series ng encrypted data na tumatakbo sa screen, mga dokumento, transfer logs, at pangalan ng mga empleyado sa ValTech division na tila may koneksyon sa isang matagal nang itinagong lihim. Sa kabilang linya ng headset, maririnig ang bahagyang garalgal na boses ni Damon. “Sir, we confirmed one thing. There’s a ValTech analyst named Marco Sison who’s been copying internal data from your branch servers for months.” “Marco who?” malamig ngunit kalmado ang boses ni Caelum, habang pinipisil ang bridge ng ilong. “Sison, thirty-two. IT specialist under Research Integration. He’s connected to Voltaire Industries’ old payroll. Same network we traced before.” Tahimik siya ng ilang segundo, tinitigan ang screen na para bang kaya niyang pasunugin ang pangalan sa tingin. Sa loob ng katahimikan, ang tanging maririnig ay
ISANG linggo na ang lumipas mula nang kaharapin ni Caelum ang kanyang Uncle Hector, pero hanggang ngayon, walang malinaw na ebidensya. Ang mga report na dumarating gabi-gabi kay Damon ay puro teknikal offshore accounts, shell companies, mga numero na walang pangalan. Pero sa gitna ng lahat ng iyon, ramdam niya na malapit na siya. Masyadong tahimik ang mga susunod na araw at sa katahimikang iyon, mas lalo siyang naging mapagbantay. --- 7:00 AM. Sa kusina, abala ang mga kasambahay sa paghahanda ng almusal. Tahimik na pumasok si Solenne, naka-simpleng cotton dress, may hawak na maliit na notebook. Sa mga unang linggo ng pagbubuntis niya, mas madalas niyang maramdaman ang pagod. Minsan kahit simpleng pag-akyat lang sa hagdan, parang napapagod agad siya. “Good morning, Ma’am,” bati ni Maria habang nagbubuhos ng gatas. “Mainit po, para hindi sumama ang tiyan.” Ngumiti siya. “Salamat, Maria.” Habang umiinom ng gatas, napansin niyang nasa mesa ang folder ni Caelum. Nakaipit ang i
HINDI pa sumisikat ang araw ay nasa kompanya na si Caelum. Ang buong opisina sa penthouse floor ng Valtieri Tower ay balot ng dilim maliban sa ilaw mula sa malaking monitor sa harap niya. Naka-display doon ang isang IP trace, mga linya at coordinates na kumikislap sa mapa ng Metro Manila.“Cross-reference the data set again,” utos niya kay Damon sa kabilang linya, kalmado pero matalim. “Double-check the encryption key. I want a clear confirmation before I make the call.”“Yes, Sir,” sagot ni Damon. “But there’s no mistake. The breach came from an old shell company— Voltaire Industries.”Tahimik si Caelum sa ilang segundo, nakatitig lang sa monitor. Sa isang click, lumabas ang archived file.“VOLTAIRE INDUSTRIES (Inactive since 2009)”Sa ilalim, ang pangalan ng registered owner— Hector M. Valtieri.Nanlamig ang mga daliri ni Caelum. Hindi siya agad kumilos. Bagkus, pinilit niyang magpakatino at pinilit ang boses na manatiling kalmado, pero ang panga niya ay halatang nag-igting.“Send m
LATE evening sa mansyon. The sky was an endless sheet of deep blue-black, sprinkled with faint city lights from afar. Sa loob, tanging ilaw lang ng hallway sconces at mahinang tunog ng grandfather clock ang maririnig. Everything looked peaceful—too peaceful.Caelum sat alone in his study. The room was dim, lit only by the desk lamp that cast a golden glow across the dark wood. Sa mesa niya, nakakalat ang mga papel at laptop na nakabukas sa mga report. Sa tabi, naroon pa rin ang ultrasound photo—flattened, untouched, but always within reach.He leaned back in his chair, removing his glasses. The silence felt heavy, almost unnatural. For the first time in days, he couldn’t focus. There was an itch at the back of his mind, something off, something he couldn’t name.Sa labas ng bintana, umuulan nang mahina. The raindrops hit the glass in small, steady beats, matching the rhythm of his thoughts.---Meanwhile, sa kabilang wing ng mansyon, Solenne was sitting by the window of her
MAPAYAPA ang umaga sa mansyon. Ang araw ay unti-unting sumisilip sa malalaking bintana, nag-iiwan ng malambot na sinag sa marmol na sahig. Sa kusina, mahinang kalansing lang ng kutsara at plato ang maririnig, habang sa sala naman ay ang mabagal na tunog ng orasan sa dingding.Nasa dining area si Solenne, nakaupo at tahimik na iniikot ang kutsarita sa tasa ng gatas. Wala pa si Caelum, pero naroon na ang isang plato ng oatmeal at prutas, gaya ng araw-araw na nakahanda para sa kanya.“Good morning, Ma’am,” bati ni Maria. “Si Sir Caelum po nasa office pa. Nagpadala lang ng message na huwag n’yong kalimutang kumain.”Ngumiti si Solenne ng mahina. “Parang may choice pa ba ako?”Tumawa nang mahina si Maria. “Hindi po talaga. Kahit kami, sinusundan ng schedule kapag may utos si Sir. Pati tulog namin halos may oras.”Napailing si Solenne. “Typical Caelum.”Sa totoo lang, nasasanay na siya sa ganitong klase ng routine. Maaga siyang gigising, may nakahandang pagkain, tapos may listahan ng mg
MAAGA pa lang ay abala na ang buong mansyon. Tahimik pero buhay ang paligid, mga kasambahay na nag-aayos ng mesa, tunog ng mga kutsarang maingat na tinatabi, at ang amoy ng kape na nagmumula sa kusina. Ang tanging hindi pa gumigising sa oras na iyon ay si Solenne, na marahang idinilat ang mga mata nang marinig ang mahinang katok sa pinto.“Ma’am Solenne,” tawag ni Maria. “May breakfast po kayo sa veranda. Si Madam Isabella po gusto kayong samahan.”Napatigil si Solenne. Mabilis na bumalik ang kaba na naramdaman niya kahapon. Agad siyang bumangon, naglagay ng manipis na robe sa ibabaw ng pajama at tumingin sa salamin. Namumugto pa ang mata niya sa kakaisip kagabi kung paano siya tinignan ni Isabella, kung paano ito ngumiti na parang may alam pero piniling manahimik.Huminga siya nang malalim bago lumabas ng kwarto. Sa veranda, nakita niya agad ang ginang na nakaupo sa may dulo ng mesa, may hawak na tasa ng kape, habang binabasa ang pahayagan. Nakasuot ito ng kulay ivory na blouse







