Mag-log inChapter 7 – The Contract of No Return
“So, ikaw pala si Solenne Villareal… my surrogate bride.” Nanigas si Solenne sa kinatatayuan niya. Para siyang nahulog sa isang bangin sa narinig. Napakabilis ng tibok ng puso niya, pero inisip niyang baka nagkamali lang siya ng pandinig. “Hindi… imposible. Siguro mali lang ang pagkakaintindi ko...” isip-isip niya at basta na lang binalewala ang narinig. Mabilis siyang lumapit at naupo sa swivel chair na nakaharap sa kanyang bagong “amo” at pilit na ngumiti kahit na ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga kamay. “Good evening po, Sir,” mahina niyang bati, halos hindi makatingin ng diretso. Nakaupo si Caelum sa likod ng malaking desk, hawak-hawak ang isang basong may mamahaling alak. Ang tingin nito, malamig at mapanuri, na para bang binabasa ang bawat iniisip niya. “I know you needed money,” panimula ni Caelum, diretso at walang pasakalye. Napasinghap si Solenne, hindi inasahang agad na bubuksan ng lalaki ang usapan. “At ibibigay ko ang halaga ng perang kailangan mo,” dugtong nito, walang kahit anong emosyon sa boses. “Basta magampanan mo nang maayos ang magiging trabaho mo.” Parang biglang gumaan ang loob ni Solenne. Halos mapaiyak siya sa bilis ng pagbigay ng solusyon sa matinding problema niya. Hindi niya akalain na ganito pala kabait at may konsiderasyon ang magiging amo niya. “Maraming salamat po, Sir!” bulalas niya, halos mapaiyak pa sa sobrang sayang nararamdaman. “Hindi ko po alam kung paano ako magpapasalamat. Akala ko talaga wala na akong pag-asa para sa Nanay ko. 'Di ko po alam na napakabait pala ninyo,” tuloy-tuloy na pasasalamat niya. Pero ang bahagyang ginhawang iyon ay agad na naputol nang unti-unting tumaas ang sulok ng labi ni Caelum, isang ngising malamig at may bahid ng panunuya. “Nabasa mo ba ng buo ang kontrata?” sa halip ay tanong ng lalaki. Napatigil si Solenne. Kinabahan siya, pero pilit ding ngumiti. “S-Sorry po, Sir. Nataranta po kasi ako kahapon dahil biglang tumawag ang kapatid ko. Isinugod po kasi ang nanay ko sa ospital. Kaya pinirmahan ko na lang po kaagad ang kontrata kahit hindi ko nabasa buo. I’m really sorry.” Humigpit ang hawak ni Caelum sa baso at unti-unting lumapit sa desk. Nakapako ang malamig na titig nito sa babaeng kaharap. “So ibig sabihin…” tumigil muna ito at saka ngumisi, “hindi mo alam ang totoong trabaho mo sa mansion?” Kumunot ang noo ni Solenne. Pinilit niyang maging matatag sa kabila ng kabang unti-unting namumuo sa kanyang dibdib. “W-What do you mean, Sir? A-Ang pagkakaintindi ko po sa job description, maid po ang magiging trabaho ko rito—” “Maid?” Mabilis siyang pinutol ni Caelum, ang boses nito malamig at matalim. Tumawa pa ito nang mahina, pero walang bakas ng tuwa. “No, Miss Villareal. Hindi kita kinuha para maging maid. You are here for one reason— to be a surrogate mother for my child.” Parang biglang naglaho ang lahat ng tunog sa paligid ni Solenne dahil sa narinig. Hindi maiproseso ng utak niya ang mga narinig kaya sandali siyang natigilan at maang lang na nakatingin sa lalaki. “W-what…?” bulong niya, halos hindi makapaniwala. Tumayo si Caelum at naglakad papunta sa isang drawer. Binuksan niya iyon at kinuha ang isang folder. Sa bawat hakbang niyang papalapit, pakiramdam ni Solenne ay unti-unting lumiliit ang mundo niya. Inilapag nito sa desk ang folder at dahan-dahang binuksan. Nakita niya roon ang kontratang pinirmahan niya kahapon. At doon, kitang-kita ang pirma niya sa ibaba ng bawat pahina. “Here,” malamig na sabi ni Caelum. “Basahin mo.” Nanginginig ang kanyang mga kamay habang dinampot ang mga papel. Isa-isang dumulas sa mga mata niya ang bawat linya, at sa bawat salitang mababasa niya ay parang binubuhusan siya ng malamig na tubig. Nakalagay roon, malinaw at walang paligoy-ligoy ang mga salitang parang unti-unting humihiwa sa kanyang dibdib. “The party, Miss Solenne Villareal, agrees to serve as surrogate bride and mother for the child of Caelum Valtieri, under the conditions stated…” Halos malaglag siya sa kinauupuan matapos basahin iyon. Hindi siya makapaniwala. Ni hindi makapagsalita dahil sa halu-halong emosyon na lumulukob sa kanyang ng mga sandaling iyon— takot, galit, at pagkalito. “Hindi…” bulong niya, nanginginig habang isa-isang pumapatak ang mga luha. “Hindi 'to totoo…” Nanghihina siyang napaatras sa upuan, napatingin kay Caelum na walang kahit anong bakas ng emosyon sa mga mata. “I-I’m sorry… pero hindi ko po matatanggap ang ganitong trabaho. H-Hindi po ito para sa akin.” Tumayo siya, nanginginig ang tuhod, at dahan-dahang umatras palayo. “Hindi ko po kayang gawin ‘to…” Ngunit naputol ang boses niya nang malamig na magsalita muli si Caelum. “Talaga? Kaya mo bang tanggihan, knowing na ang nanay mo ay nasa ospital ngayon at kailangan ng immediate surgery?” Napatigil si Solenne. Nanlaki ang mga mata dahil sa naulinigan. “Kaya mo bang tiisin na hindi siya maoperahan dahil wala kang pambayad?” dagdag pa nito, mabagal ang bawat salita, pero masakit sa tenga. “And your brother… Julian, right? Ilang taon na lang bago siya mag-college. Gusto mo bang makita siyang hindi makapag-aral dahil wala kang maipang-tuition?” Doon, para siyang binagsakan ng langit at lupa. Unti-unting bumigat ang dibdib niya dahil akam niyang totoo ang mga sinasabi nito. Mariin siyang pumikit. “P-Paano n’yo nalaman…?” “Hindi mo na kailangang itanong,” malamig na sagot ni Caelum. “I have my ways.” Lumapit ito at tumayo sa harap niya, mataas at nakakatakot. “Narinig mo ang sinabi ko. Hindi kita ginawang maid. I made you my surrogate bride. And in exchange, I’ll make sure your mother receives the best treatment abroad. I’ll cover everything. As for your brother, I’ll take care of his education until he graduates.” Napakagat-labi si Solenne. Tumulo ang luha niya, isa-isa, habang nanginginig ang kanyang katawan. “Take it or leave it,” dagdag pa ni Caelum, nakangisi. Para siyang pinipilipit ang kaluluwa sa loob niya. Sa isang banda, gusto niyang sumigaw, gusto niyang tumakbo palayo, gusto niyang bawiin ang pirma niya at itapon sa mukha ng lalaking ito. Pero sa kabilang banda, naroon ang imahe ng kanyang ina, nakahiga sa ospital, nanghihina, at ang kapatid niyang walang malalapitan kundi siya. Paano niya tatanggihan, kung ang kapalit ay buhay ng ina at kinabukasan ng kapatid? Tumulo pa ang mas maraming luha sa mga mata ni Solenne. Niyakap niya ang sarili, para bang iyon na lang ang natitirang lakas niya. “I… I don’t have a choice,” mahina niyang bulong. Napangisi si Caelum, malamig at mapanganib. “Exactly. Walang choice. You signed the contract, Solenne Villareal. And now, you belong to me… until I get what I want.” Parang binasag ang puso niya sa marahas na deklarasyon nito. Hindi lang siya natatakot sa lalaking kaharap kundi nararamdaman niya ring unti-unting kinakain ng desperasyon ang lahat ng dignidad niya. Napaluhod siya sa gilid ng upuan, tinakpan ang mukha, at tuluyan nang napahagulgol. Ang bawat hikbi niya ay umaalingawngaw sa maluwang at tahimik na opisina, ngunit si Caelum ay nakatayo lang doon, malamig, tila walang nararamdaman. Sa huli, wala siyang nagawa kundi tanggapin na simula sa gabing iyon, tali na siya sa isang kontrata na walang balikan. At sa sandaling iyon, tuluyang bumagsak ang mundo ni Solenne...MADALING-ARAW pa lang, gising na si Caelum. Tahimik ang buong study, tanging liwanag lang ng malaking monitor ang nagbibigay-ilaw sa paligid. Ang mga mata niya ay nakatutok sa series ng encrypted data na tumatakbo sa screen, mga dokumento, transfer logs, at pangalan ng mga empleyado sa ValTech division na tila may koneksyon sa isang matagal nang itinagong lihim. Sa kabilang linya ng headset, maririnig ang bahagyang garalgal na boses ni Damon. “Sir, we confirmed one thing. There’s a ValTech analyst named Marco Sison who’s been copying internal data from your branch servers for months.” “Marco who?” malamig ngunit kalmado ang boses ni Caelum, habang pinipisil ang bridge ng ilong. “Sison, thirty-two. IT specialist under Research Integration. He’s connected to Voltaire Industries’ old payroll. Same network we traced before.” Tahimik siya ng ilang segundo, tinitigan ang screen na para bang kaya niyang pasunugin ang pangalan sa tingin. Sa loob ng katahimikan, ang tanging maririnig ay
ISANG linggo na ang lumipas mula nang kaharapin ni Caelum ang kanyang Uncle Hector, pero hanggang ngayon, walang malinaw na ebidensya. Ang mga report na dumarating gabi-gabi kay Damon ay puro teknikal offshore accounts, shell companies, mga numero na walang pangalan. Pero sa gitna ng lahat ng iyon, ramdam niya na malapit na siya. Masyadong tahimik ang mga susunod na araw at sa katahimikang iyon, mas lalo siyang naging mapagbantay. --- 7:00 AM. Sa kusina, abala ang mga kasambahay sa paghahanda ng almusal. Tahimik na pumasok si Solenne, naka-simpleng cotton dress, may hawak na maliit na notebook. Sa mga unang linggo ng pagbubuntis niya, mas madalas niyang maramdaman ang pagod. Minsan kahit simpleng pag-akyat lang sa hagdan, parang napapagod agad siya. “Good morning, Ma’am,” bati ni Maria habang nagbubuhos ng gatas. “Mainit po, para hindi sumama ang tiyan.” Ngumiti siya. “Salamat, Maria.” Habang umiinom ng gatas, napansin niyang nasa mesa ang folder ni Caelum. Nakaipit ang i
HINDI pa sumisikat ang araw ay nasa kompanya na si Caelum. Ang buong opisina sa penthouse floor ng Valtieri Tower ay balot ng dilim maliban sa ilaw mula sa malaking monitor sa harap niya. Naka-display doon ang isang IP trace, mga linya at coordinates na kumikislap sa mapa ng Metro Manila.“Cross-reference the data set again,” utos niya kay Damon sa kabilang linya, kalmado pero matalim. “Double-check the encryption key. I want a clear confirmation before I make the call.”“Yes, Sir,” sagot ni Damon. “But there’s no mistake. The breach came from an old shell company— Voltaire Industries.”Tahimik si Caelum sa ilang segundo, nakatitig lang sa monitor. Sa isang click, lumabas ang archived file.“VOLTAIRE INDUSTRIES (Inactive since 2009)”Sa ilalim, ang pangalan ng registered owner— Hector M. Valtieri.Nanlamig ang mga daliri ni Caelum. Hindi siya agad kumilos. Bagkus, pinilit niyang magpakatino at pinilit ang boses na manatiling kalmado, pero ang panga niya ay halatang nag-igting.“Send m
LATE evening sa mansyon. The sky was an endless sheet of deep blue-black, sprinkled with faint city lights from afar. Sa loob, tanging ilaw lang ng hallway sconces at mahinang tunog ng grandfather clock ang maririnig. Everything looked peaceful—too peaceful.Caelum sat alone in his study. The room was dim, lit only by the desk lamp that cast a golden glow across the dark wood. Sa mesa niya, nakakalat ang mga papel at laptop na nakabukas sa mga report. Sa tabi, naroon pa rin ang ultrasound photo—flattened, untouched, but always within reach.He leaned back in his chair, removing his glasses. The silence felt heavy, almost unnatural. For the first time in days, he couldn’t focus. There was an itch at the back of his mind, something off, something he couldn’t name.Sa labas ng bintana, umuulan nang mahina. The raindrops hit the glass in small, steady beats, matching the rhythm of his thoughts.---Meanwhile, sa kabilang wing ng mansyon, Solenne was sitting by the window of her
MAPAYAPA ang umaga sa mansyon. Ang araw ay unti-unting sumisilip sa malalaking bintana, nag-iiwan ng malambot na sinag sa marmol na sahig. Sa kusina, mahinang kalansing lang ng kutsara at plato ang maririnig, habang sa sala naman ay ang mabagal na tunog ng orasan sa dingding.Nasa dining area si Solenne, nakaupo at tahimik na iniikot ang kutsarita sa tasa ng gatas. Wala pa si Caelum, pero naroon na ang isang plato ng oatmeal at prutas, gaya ng araw-araw na nakahanda para sa kanya.“Good morning, Ma’am,” bati ni Maria. “Si Sir Caelum po nasa office pa. Nagpadala lang ng message na huwag n’yong kalimutang kumain.”Ngumiti si Solenne ng mahina. “Parang may choice pa ba ako?”Tumawa nang mahina si Maria. “Hindi po talaga. Kahit kami, sinusundan ng schedule kapag may utos si Sir. Pati tulog namin halos may oras.”Napailing si Solenne. “Typical Caelum.”Sa totoo lang, nasasanay na siya sa ganitong klase ng routine. Maaga siyang gigising, may nakahandang pagkain, tapos may listahan ng mg
MAAGA pa lang ay abala na ang buong mansyon. Tahimik pero buhay ang paligid, mga kasambahay na nag-aayos ng mesa, tunog ng mga kutsarang maingat na tinatabi, at ang amoy ng kape na nagmumula sa kusina. Ang tanging hindi pa gumigising sa oras na iyon ay si Solenne, na marahang idinilat ang mga mata nang marinig ang mahinang katok sa pinto.“Ma’am Solenne,” tawag ni Maria. “May breakfast po kayo sa veranda. Si Madam Isabella po gusto kayong samahan.”Napatigil si Solenne. Mabilis na bumalik ang kaba na naramdaman niya kahapon. Agad siyang bumangon, naglagay ng manipis na robe sa ibabaw ng pajama at tumingin sa salamin. Namumugto pa ang mata niya sa kakaisip kagabi kung paano siya tinignan ni Isabella, kung paano ito ngumiti na parang may alam pero piniling manahimik.Huminga siya nang malalim bago lumabas ng kwarto. Sa veranda, nakita niya agad ang ginang na nakaupo sa may dulo ng mesa, may hawak na tasa ng kape, habang binabasa ang pahayagan. Nakasuot ito ng kulay ivory na blouse







