Home / Romance / The Billionaire's Surrogate Bride / CHAPTER 5 — The Contract

Share

CHAPTER 5 — The Contract

Author: GennWrites
last update Huling Na-update: 2025-09-21 19:28:26

Chapter 5 – The Contract

---

Tahimik ang buong opisina ni Caelum habang nakaupo siya sa leather chair, hawak-hawak ang isang glass ng red wine. Sa harap niya, nakalatag ang folder ng natitirang aplikante.

“Solenne Villareal,” bulong niya, paulit-ulit na binabasa ang pangalan. Tumagal ng ilang segundo ang titig niya sa picture ng dalaga. Simple lang ang suot nito sa ID photo, plain blouse, minimal makeup pero may kakaibang hatak ang mga mata. Hindi iyon tipong seductive o pretentious. Malinis, inosente, pero may bigat ng responsibilidad na hindi madaling ikubli.

Pumasok si Rafe dala ang laptop at ilang bagong folders. Nakakunot ang noo nito habang inilapag ang mga dala sa mesa. “Here’s what you asked for. Background check ng babae.”

Tinaas ni Caelum ang isang kilay. “That fast?”

“Of course,” sagot ni Rafe, bahagyang pagod ang tono. “You know me. Once you say dig, I dig.”

Binuksan niya ang laptop at iniharap kay Caelum. Tumambad sa kanya ang mga files tungkol sa family background, medical history, financial standing. Habang nagsa-scroll si Rafe, nagsimula itong magpaliwanag.

“Lives in a small, rundown apartment in Quezon City. Squatter area, halos sira-sira na ang bubong. Breadwinner since sixteen. Father died sa aksidente, naipit ang tricycle na pinapasada nang bumangga sa SUV. Mother, Emilia Villareal, early stage cancer. Curable pa naman.”

Napangisi si Caelum, dahan-dahan na inikot ang wine glass. “Tragic. And perfect.”

Huminga nang malalim si Rafe. Kita sa mukha ang kaunting guilt habang binabasa ang report. “She also has a younger brother. Fourteen. Still in high school. Dependents nila dalawa. Kaya pala kung anu-anong trabaho pinapasok niya tulad ng barista, convenience store cashier. Kahit anong racket, tinatanggap.”

Hindi nagsalita si Caelum. Nakatingin lang ito sa screen, malamig ang mata.

“Her financial records,” dagdag ni Rafe, “utang sa barangay cooperative, past due sa ilang bills. Wala nang halos savings. One hospital bill and she’s done.”

Napaikot ni Caelum ang baso ng alak at ngumiti ng malamig. “All the more reason she won’t say no. And if she does, I’ll make sure she can’t afford to.”

Natahimik si Rafe. Hindi siya sanay makaramdam ng konsensya kapag trabaho ang usapan, pero may kung anong bigat ang bumara sa dibdib niya. “Cael... bro, sure ka ba talaga dito? You’re basically cornering a desperate girl. Blackmail, in a way.”

Sandaling tumigil si Caelum at tumitig kay Rafe. Walang bakas ng guilt, puro determinasyon. “This is not blackmail. This is strategy. She gets what she needs—money. I get what I need—an heir. Mutual benefit. Kung hindi niya kayang lunukin, then too bad. I’ll remind her na wala siyang choice.”

Napailing si Rafe, pero hindi na nagkomento. Boss niya si Caelum, at kahit pa magkaibigan sila, alam niyang walang silbi ang pagtutol.

“Fine,” mahina niyang sabi. “So what’s next?”

“Draft the contract,” malamig na utos ni Caelum. “I want her signature tonight. And she starts tomorrow.”

---

Samantala, nasa sala si Solenne. Nakasalampak siya sa isang malaking sofa na kulay beige, halos malunod siya sa lambot nito. Parang hindi siya makapaniwala na nakaupo siya sa ganoong kagandang lugar.

Nilibot ng mata niya ang paligid. Mula sa sahig na pulang carpet na may gold embroidery, paakyat sa grand staircase na may makapal ding carpet. Sa dulo ng ikalawang palapag, may nakasabit na isang napakalaking family portrait. Ang estilo ng painting ay parang classical medieval art, pero modernized, sharp colors, modern clothes, pero may regal touch.

Ang kisame ay mataas, may crystal chandeliers na kumikislap, at bawat sulok ng bahay ay may mamahaling gamit tulad ng flat-screen TVs, abstract sculptures, leather couches, pati grand piano sa gilid. Halos malula siya.

“Grabe,” bulong niya sa sarili, mahigpit na yakap ang bag. “Dito ako magtatrabaho?” tanong niya sa sarili na may halong kaba at excitement.

Nasa gilid niya, inalok siya ng isa sa mga kasambahay. “Miss, kumain po muna kayo.” Inilapag nito ang tray na may roasted chicken sandwich, fruit salad, at orange juice.

Nagpasalamat siya at marahang kumain, halos nanginginig pa ang kamay. Kakaiba ang pakiramdam. Para bang nasa ibang mundo siya ng mga sandaling iyon.

Habang ngumunguya, hindi niya maiwasang isipin si Nanay Emilia. “Kung makukuha ko lang ‘to... Diyos ko, sana. Sana ito na...”

---

Makalipas ang ilang oras, bumalik si Rafe dala ang kontrata. Makapal iyon, halos booklet na. Ipinalapag niya sa mesa ni Caelum.

“Everything’s in place. Standard employment contract on the surface. Pero nakatago sa loob ang surrogacy clause, confidential section, fine print. She signs this without reading carefully, wala na siyang kawala.”

Tinitigan ni Caelum ang makapal na papeles at marahang ngumisi. “Good. Let’s not waste time.”

Maya-maya pa'y nagtungo na si Rafe sa sala kung saan naghihintay si Solenne. Naka-business suit pa rin siya, pero pinilit ang isang pormal na ngiti.

“Miss Villareal?” tawag niya.

Agad tumayo si Sol, medyo nahulog pa ang bag sa pagkabigla. “O-opo!”

“Congratulations. You passed the selection process. Effective tomorrow, you will start working here in the mansion.”

Parang natulala si Solenne, hindi agad makapagsalita. Nang maka-react, napakapit siya sa dibdib at halos maiyak. “T-totoo po? Pasado ako?”

Tumango si Rafe. “Yes. But before anything else, kailangan mo munang pirmahan ang kontrata. Basahin mo nang mabuti dahil importante ang trabaho na gagampanan mo. Once signed, you’re officially part of the household staff.”

Inilapag niya ang makapal na folder sa coffee table sa harap ni Sol.

Halos nanginginig si Solenne nang buksan ang kontrata. Nakikita niya ang dami ng pahina at maliliit na letra. Nagsimula siyang basahin ang unang pahina, pero bago pa siya makausad sa pangalawang page at tumunog ang cellphone niya.

Nahihiya man, sandali munang humingi ng excuse si Solenne sa kaharap saka sinagot ang tawag nang makitang si Julian iyon.

“Hello, Julian?” mabilis na sagot niya habang mabilis ang tibok ng puso.

Sa kabilang linya, halos pasigaw naman nang magsalita si Julian. “Ate! Si Nanay! Nag-seizure siya, dinala namin sa ospital ni Aling Nena!”

Parang sumabog ang mundo ni Solenne nang marinig iyon. “Ano?! Saan?! Anong ospital?!”

“Nasa East Avenue Medical Center. Ate! Bilisan mo!”

Halos mabitawan niya ang phone sa sobrang pagkataranta saka mabilis niyang pinatay ang tawag at tumayo. “Sir, pasensya na po, kailangan ko pong pumunta sa ospital! Critical po ang nanay ko!”

Napakunot si Rafe, pero pinilit nanatiling kalmado. “I understand. Pero Miss Villareal, kailangan niyo munang tapusin ito. Please, just sign here para wala nang problema.”

Nataranta si Solenne. Halos mangiyak-ngiyak na siya, pero dinampot pa rin niya ang ballpen habang nanginginig ang kamay. “P-Pasensya na po, wala na akong oras magbasa. P-Pipirmahan ko na lang po.”

Wala nang nagawa si Rafe nang basta na lang isinulat ni Sol ang pangalan niya sa pinakahuling pahina. Mabilis, nanginginig, at walang pakialam sa laman ng kontrata.

Pagkatapos pirmahan, agad niyang kinuha ang bag. “Salamat po, Sir. Promise, babalik ako bukas. Kailangan ko lang pong puntahan si Nanay ngayon sa hospital.”

Napatigil si Rafe, tinitigan ang kontrata na kapipirma lang ng babae. Hindi niya alam kung naiintindihan ba nito ang bigat ng pinirmahang kontrata.

Sa huli, tumango na lang siya. “Sige. Sasamahan ka ng driver. Ihahatid ka sa ospital.”

“Maraming salamat po, Sir!” halos mangiyak-ngiyak si Solenne sa pasasalamat bago mabilis na lumabas.

---

Bumalik naman si Rafe dala ang kontratang may pirma ng babae. Tahimik niyang inilapag iyon sa mesa ni Caelum.

“Signed. She didn’t even read the fine print. May tawag mula sa kapatid, emergency. Dinala ang nanay sa hospital. Nagmamadali, so she just signed.”

Mabagal na binuksan ni Caelum ang kontrata. Nang makita ang pirma ng babae, ngumisi siya nang malamig. “Perfect. Exactly as planned.”

Napatigil si Rafe, huminga nang malalim. “Cael, bro… alam mo bang wala siyang kaalam-alam kung ano talaga ang pinasok niya? She thinks she’s just a maid.”

Matalim ang titig ni Caelum habang tiniklop ang kontrata. “She’ll find out soon enough. And when she does… it’ll be too late.”

Nanatiling tahimik si Rafe, mabigat ang dibdib. Kahit anong pilit niyang balewalain, hindi niya maiwasan ang awa para kay Solenne.

Samantala, si Caelum, nakasandal sa upuan, malamig ang ngiti sa labi. “Welcome to my world, Solenne Villareal. My surrogate bride...”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 12 — The Contracted Night

    “Tomorrow, we’ll discuss about the marriage...” PAULIT-ULIT na tumatakbo sa isipan ni Solenne ang salitang binitiwang iyon ng lalaki. Kaya kahit madaling-araw na ay mulat na mulat pa rin ang kanyang mata. “Tama ba talaga 'tong gagawin mo, Solenne?” tanong niya sa sarili habang nakatingala sa puting kisame. Maya-maya, muling bumalong ang kanyang mga luha. Masakit para sa kan'ya na matatali siya sa kasal at ibibigay niya ang pagkababae sa lalaking hindi naman niya kilala. Na gagawin lang siyang kasangkapan para magkaroon ito ng anak na tagapagmana. Buong akala ni Solenne, sa drama lang iyon nangyayari. Pero ngayong naroon siya sa sitwasyong iyon, wala siyang magawa kundi umiyak nang umiyak. Wala na siyang pagpipilian kundi tanggapin ang kapalaran niya. Simula noong mamatay ang tatay niya, nangako na siya sa sarili na siya ang tatayong ama at ate sa kapatid niya. Kaya kung sa pamamagitan niyon ay mapapabuti ang lagay ng Nanay Emilia niya at ni Julian, pikit-matang tatanggapin niya a

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 11 — The Silent Dinner

    Chapter 11 – The Silent Dinner---Hindi na namalayan pa ni Solenne kung gaano siya katagal nakatulog, basta nagising na lang siyang masakit ang kanyang ulo at may natuyo pang luha sa gilid ng mga mata. Mabigat din ang pakiramdam niya na para bang may malaking bato ang nakadagan sa kanyang dibdib.Paglingon niya, tumambad ang wall clock na nakasabit sa ibabaw ng lampshade. Pasado alas-siyete na ng gabi. Napakurap siya. Siguro ay oras na ng hapunan sa mansyon na iyon.Huminga siya nang malalim at luminga sa paligid. Ang lampshade sa tabi ng kama ay nakabukas na, at nagbibigay ito ng malambot na liwanag sa buong kwarto. Sa ibabaw ng queen size na kama, maayos na nakapatong ang isang simpleng sleeveless white dress at isang pares ng undergarments, malinaw na inihanda para sa kanya.Mabilis niyang naalala ang malamig na bilin ng lalaki sa kan'ya. “Maligo ka muna at magpahinga. Someone will call you for dinner later.”Kahit mabigat ang dibdib, bumangon siya. At dala ang damit, marahan siya

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 10 — Chains Behind the Walls

    Chapter 10 – Chains Behind the Walls---Tahimik ang buong biyahe mula ospital patungo sa mansyon ng mga Valtieri. Nakaupo sa backseat si Solenne, halos nakadikit sa bintana ng itim na luxury car. Sa labas, mabilis na dumadaan kanilang sasakyan sa mga ilaw ng EDSA, mga naglalakihang billboard ng mga sikat na artista at modelo, matataas na poste ng kuryente, mga modern jeepney, at mga taong walang kamalay-malay na may isang babae sa loob ng magarang sasakyan na iyon na tila ibinabyahe papunta sa isang kulungan.Mahigpit niyang hawak ang strap ng sling bag, na parang iyon na lang ang natitirang bagay na kayang kapitan sa mga sandaling iyon. Pinipilit ni Solenne na huwag umiyak, pero hindi niya mapigilan ang matinding kabog ng dibdib na parang gusto nang kumawala.Samantala, kanina pa siya tinitingnan ni Rafe sa rearview mirror. Tahimik lang itong nagmamaneho, pero halata sa mga mata niya na nababasa niya ang kaba sa mukha ng kawawang dalaga.“First time mo sigurong lumayo sa family mo,”

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 9 — Between Hope and Chains

    Chapter 9 – Between Hope and Chains---Tahimik ang biyahe pauwi sa hospital. Nakaupo si Solenne sa likuran ng itim na luxury car na ipinahanda ni Caelum. Sa labas ng tinted na bintana, dumadaan ang mga ilaw ng Maynila, mga poste ng kuryente, mga gusaling puno ng buhay, at mga taong walang kamalay-malay sa bigat na dinadala niya.Nakahawak pa rin siya sa kontrata na nakatupi at nakasiksik sa loob ng kanyang sling bag. Kahit hindi niya ito tingnan, parang nakaukit na sa isip niya ang bawat salita. Every clause felt like shackles binding her to a fate she never chose.Huminga siya nang malalim, pinilit ipaalala sa sarili kung bakit niya ginawa ito. “Para kay Nanay… para kay Julian…” iyon lang ang mantra niya sa isip habang tinutunaw ng kaba ang dibdib.---Pagdating nila sa East Avenue Medical Center, agad siyang sinalubong ng mga tauhan na inutusan ni Caelum. May nakaabang na nurse para ihatid siya papunta sa surgical wing.“Miss Villareal?” tawag ng nurse. “Your mother has been moved

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 8 — The Price of Surrender

    Chapter 8 – The Price of Surrender---Tahimik ang buong silid nang mapagtanto ni Solenne na wala na siyang ligtas na daan. Nakatitig pa rin siya sa kontratang hawak, nanginginig ang mga daliri at mabigat ang dibdib. Para siyang nilamon ng sitwasyon na siya mismo ang pumasok, at hindi niya alam kung paano siya makakalabas.Sa kabilang dulo ng silid, nakaupo si Caelum, walang bakas ng emosyon. Ang mukha nito ay parang marmol, matikas at malamig. Ang bahagyang kurba ng labi niya ay nagbigay ng impresyong nanalo siya sa isang laban na hindi man lang niya pinagpawisan. Parang isang negosyanteng nasungkit ang billion-dollar deal, iyon ang aura ng lalaking ng mga sandaling iyon.Huminga nang malalim si Solenne, pero kahit paano niya subukang pakalmahin ang sarili, ang kabog ng dibdib niya’y parang drum na walang tigil. She hated the fact that he was right... her mother was lying in a hospital bed, fighting for her life, at siya lang ang may hawak ng susi para sa kaligtasan nito.Maya-maya p

  • The Billionaire's Surrogate Bride   CHAPTER 7 — The Contract of No Return

    Chapter 7 – The Contract of No Return“So, ikaw pala si Solenne Villareal… my surrogate bride.”Nanigas si Solenne sa kinatatayuan niya. Para siyang nahulog sa isang bangin sa narinig. Napakabilis ng tibok ng puso niya, pero inisip niyang baka nagkamali lang siya ng pandinig. “Hindi… imposible. Siguro mali lang ang pagkakaintindi ko...” isip-isip niya at basta na lang binalewala ang narinig.Mabilis siyang lumapit at naupo sa swivel chair na nakaharap sa kanyang bagong “amo” at pilit na ngumiti kahit na ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga kamay.“Good evening po, Sir,” mahina niyang bati, halos hindi makatingin ng diretso.Nakaupo si Caelum sa likod ng malaking desk, hawak-hawak ang isang basong may mamahaling alak. Ang tingin nito, malamig at mapanuri, na para bang binabasa ang bawat iniisip niya.“I know you needed money,” panimula ni Caelum, diretso at walang pasakalye.Napasinghap si Solenne, hindi inasahang agad na bubuksan ng lalaki ang usapan.“At ibibigay ko ang halaga

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status