Share

Husband Duties

Penulis: Lathala
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-15 19:30:32

Nagising si Selene dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Nagkusot siya ng mata para tignan ang paligid niya.

Ngunit nanlaki ang mata niya nang biglang maramdaman ang sakit sa kaniyang gitna. Parang tubig na dumaloy sa kaniyang utak ang lahat ng nangyari kagabi.

Napabalikwas siya at napatingin sa kaniyang sarili. Nakasuot siya ngayon ng malaking tshirt na panlalaki at boxer shorts. Malamang ay kay Levi iyon.

“Gaga ka, Selene! Anong ginawa mo?!” Inis na sabi niya sa sarili habang bahagyang sinasabunutan ang buhok.

Hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon. Sa dalawang taon na magkasama sila ni Seth ay hindi niya naibigay ang kaniyang sarili dahil hindi pa siya handa. ‘Yon pa nga ang tinuturong dahilan ng lalaki kaya ito nagloko.

Ngunit ngayon ay hinalikan lang siya ni Levi at naibigay niya iyon?!

Ang mas nakakainis pa ay ni wala siyang maramdamang pagsisisi. Na para bang ayos lang na kay Levi niya iyon naibigay.

Sinubukan niyang tumayo ngunit umaray lang siya dahil s
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Husband Duties

    Nagising si Selene dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Nagkusot siya ng mata para tignan ang paligid niya. Ngunit nanlaki ang mata niya nang biglang maramdaman ang sakit sa kaniyang gitna. Parang tubig na dumaloy sa kaniyang utak ang lahat ng nangyari kagabi.Napabalikwas siya at napatingin sa kaniyang sarili. Nakasuot siya ngayon ng malaking tshirt na panlalaki at boxer shorts. Malamang ay kay Levi iyon.“Gaga ka, Selene! Anong ginawa mo?!” Inis na sabi niya sa sarili habang bahagyang sinasabunutan ang buhok.Hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon. Sa dalawang taon na magkasama sila ni Seth ay hindi niya naibigay ang kaniyang sarili dahil hindi pa siya handa. ‘Yon pa nga ang tinuturong dahilan ng lalaki kaya ito nagloko.Ngunit ngayon ay hinalikan lang siya ni Levi at naibigay niya iyon?!Ang mas nakakainis pa ay ni wala siyang maramdamang pagsisisi. Na para bang ayos lang na kay Levi niya iyon naibigay. Sinubukan niyang tumayo ngunit umaray lang siya dahil s

  • The Billionaire’s Temporary Wife   [SPG] I Had You First

    Kapwa pa rin lasing na lasing sa mapupusok na halikan si Selene at Levi. Napasinghap siya nang maramdaman ang umbok sa gitna ng kaniyang hita. Ramdam na ramdam niya talaga iyon lalo na at napakanipis lang ng kaniyang suot na lingerie dress at nakatapis lamang ng tuwalya si Levi sa pang-ibaba. “Baby, I’m so turned on…” Bulong nito sa kaniya habang nagsisimulang maglakbay ang kaniyang mga halik.Bahagyang tumingala si Selene para mabigyan ng access si Levi sa kaniyang leeg. Napapikit pa siya ng marahang kagatin nito ang kaniyang leeg.Alam niya at siguradong sigurado siya na magmamarka ito kinabukasan pero wala na siyang pakealam. Bukas niya na iyon poproblemahin.Bahagyang ibinaba ni Levi ang strap ng kaniyang suot at nagsimulang halikan ang bandang dibdib niya. Napapaarko na lamang ang likod ni Selene sa labis na sarap na nararamdaman. “You smell like my body wash. Tangina, I didn’t know something could make me crazy like this…” Sabi ni Levi na mas lalong nagpainit kay Selene.Para

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Aangkinin Kita

    “You should wash up para makapagpahinga ka na.” Biglang sabi ni Levi kaya naman agad napamulagat si Selene.Nakita niya itong unti-unti nang lumalayo sa kaniya habang inaalis ang neck tie na suot nito.Para siyang binuhusan ng malamig ng tubig. Gusto niyang batukan ang sarili niya dahil sa ginawa. Talagang pumikit pa siya habang naghihintay ng halik ni Levi?!Mabilis siyang kumaripas ng takbo sa isang pinto na sa tingin niya ay CR para lamang makatakas sa kahihiyan. Hindi naman siya nagkamali dahil CR nga iyon kung saan mayroon din walk-in-closet.Sosyal na sosyal talaga ang dating ng lahat. Para siyang nasa mamahaling hotel room. May mga tuwalya na rin na nakasabit doon na parang hindi pa nagagamit.Agad niyang inalis ang suot na damit at naligo. Kumpleto ang gamit sa banyo kaya hindi na siya nahirapan pa.Nang patayin niya ang shower at magpunas ng katawan ay saka nanlaki ang mata niya sa realisasyon.Wala siyang pamalit na damit!“Selene naman! Masyado ka na bang binabaliw ng lala

  • The Billionaire’s Temporary Wife   One Room

    Habang nasa byahe papunta kung saan man ang bahay ni Levi ay ramdam na ramdam ni Selene ang pag-iinit ng kaniyang pisngi.“No more buts. Tutuparin pa natin ang hiling ni Lola Fely. Simulan na natin ang paggawa sa isang dosenang apo na gusto niya.” Paulit-ulit iyong nagre-replay sa utak niya. Hindi niya naman alam kung seryoso ba doon si Levi o biro lang ang lahat para sa kaniya.Hindi rin naman niya mabasa sa mukha nito kung biro lang iyon dahil literal na sinabi niya ito ng walang ekapresyon! Na para bang normal na normal lng sabihin iyon.Wala na rin siyang magawa kung hindi sumama sa binata dahil ayaw niya rin naman munang umuwi sa bahay nila. Masyado pang mainit ang mata sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Hindi pa siya handa sa sermon at kung ano-ano pang masasakit na salita na magmumula sa kanila. “We’re here.”Natigil ang pag-iisip ni Selene nang magsalita si Levi. Ngayon niya lang napansin na tumigil na sila. Luminga-linga siya sa paligid at nakitang nasa isang subdivision s

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Isang Dosena

    Katulad nang sinabi ni Leviticus ay tumakas nga sila sa kanilang sariling kasal. Ngayon ay narito na naman si Selene sa Aston Martin ni Levi.Hindi katulad ng dati na may driver sila, ngayon ay si Leviticus ang nasa driver seat at siya naman ang nasa tabi nito.“May gusto ka bang puntahan?” “G-Gusto kong puntahan ang Lola ko.” Alinlangang sagot ni Selene.“Your grandmother? Why? Where is she? Wala ba siya sa kasal?”“Wala.” Malungkot na sabi ni Selene, “Nasa hospital siya. Siya ang nanay ng Mama ko na namayapa na. Pangarap ko na makita niya akong ikasal pero may s-sakit siya at nangyari pa iyong panloloko ni Seth.”Nakatitig lamang si Levi sa kaniya habang siya ay nagsasalita. Ngunit may napansin siya. May kakaiba sa ekspresyon nito, parang hindi awa kung hindi… concern.Concern? Bakit naman siya magiging concern sa akin? Sa isip ni Selene.“If that will make you better, then we will go there.” Sagot ni Levi pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. Nagsimula na nitong paandarin ang

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Here Comes the Groom!

    Hindi magkamayaw ang tibok ng puso ni Selene habang naghihintay sa may altar. Napapikit siya nang mariin habang pinapakinggan ang samu’t saring komento ng kaniyang mga kamag-anak.Suot niya ang isang puting wedding gown na sa unang tingin ay alam niyang mamahalin. Puno kasi ito ng mga gems at kung ano-ano pang palamuting kumikinang.Hindi dapat ito ang isusuot niya. Dapat ay isang simpleng puting wedding gown lang pero dumating ito sa kanilang bahay. May ideya naman siya kung kanino galing pero nakumpira niya iyon ng makita ang nakasulat na letra sa card na kasama nito. T.“Selene, pinagbubulungan na tayo ng mga Tita mo. Nasaan na ba ang lalaking sinasabi mo?” Mariing tanong ng ama na nakatayo sa gilid niya.“My god, Selene. Baka naman gawa-gawa mo lang ‘yan para hindi ka mapahiya ah? Mas lalo tayong mapapahiya nito! Kung hindi lang ako pinilit ni Santino ay hindi talaga ako pupunta rito!”“Criselda, mas lalo akong mapapahiya kung wala akong makakasama rito.”Napapikit si Selene haba

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status