Share

Chapter 5

Bukod sa naubos ang ipon niya sa peyansa nito nadungisan ang pangalan nila. Hahayaan sana niya itong mabulok na lang sa loob pero nakita niya ang matinding iyak ni Frits. Pero nagkamali ata siya ng nagawa ng mga oras na iyon. Pagkatapos kase niyon ay may mga ilang gabing hindi uuwi ang madrast at napupuyat sila ni Frits kakaantabay dito.

Hindi maaalis sa kanya ang nerbiyusin dahil baka kung saang presinto na nama niya ito puntahan. Matapos ang tatlong araw na nawala ito isang gabi ay nadatnan niya ito na nasa bahay. Akala niya ay ayos na ang sitwasyun kaya maaga silang natulog.

Pagod si Steff noon dahil sa nalalapit na pasko, kaya nag angkat sila n madaming paninda. Pero laking gimbal ni Steff ng magising ito ng madaling araw. Lumabas siya ng sala at halos maubo sa pangit na usok na nalanghap. Naabutan niyang kasaluluyang nagsi share ang madrasta at ang dalawang kasama nitong mga kabataan.

"TYANG! ANAK NG TOKWA DITO PA KAYO NG PAT SESSION NAMAN PATI KAMI NI FRITS IDADAMAY MO SA KASO NIYAN EH. HOY KAYO MADSILAYAS KAYO DITO HA WAG NA KAYONG BABALIK KUNG HINDI ITITIMBRE KO KAYO" banta ng dalaga. Agad namang sumibat ang dalawang kabataang halos nasa bente ang edad.

"Dios ko naman Tyang hindi na ba talaga kayo magbabago. hindi ba kayo naaawa sa anak nyo? Napapabayan nyo na, hindi ba kayo naaawa sa akin kuba na ako kakatinda para sa atin?" sermon si Steff.

"Sa totoo lang tiyang pagod na ako sa inyo, hindi ko kayo kaano ano kung hindi lang sa habilin ni Bogart ay matagal na akong umalis dito. Kaya kung pwede ayusin nyo naman ang buhay nya. Sabi ng dalaga at tinungo ang lamesa at uminom ng tubig saka bumalik ulit sa silid nito. Ultimatum na ito ng Tiyang niya.

Kapag naulit ito ay aalis na lang siya sa pamamahay nila, hindi naman niya ito mapapalayas wala din mapupuntauan ang mga ito. Kinaumagahan pag gising nila ay wal ang madrasta. napailing na lang si Steff. Tuluyan ng nagupo ng mangbisyo ang madrasta. Tulad ng lahat ng bisyo kapag natikman mo ay mahirap ng tanggihan pa.Halos dalawang buwan nawala ang madrasta umiiyak na si Frits pero pinalalakas lamang niya ang loob nito.

Anim na buwan itong nawala, parang nabunutan siya ng tinik sa daan kahit pa nga naaawa sa naiwang supling nito. Ang akala ni Steff ay simula na ito ng pagbabagong buhay. Pero laking gulat ni Steff isang araw ay sumulpot ang madrasta. May bakas pa rin na galit pa din itosa kanya pero masigla at maaliwalas ang mukha nito.

Malaking pera ang inabot nito sa kanya, nagtanong ng dalaga kung saan iyon galing ang sabi ng madrasta ay nanalo ito sa sugal. Hindi biro ang 100 thousand. Duda si Steff sa pinagmulan ng pera kaya itinabi niya lamang ito dahil mahirap ng madawit kung sakali.

Muling naglaho ang madrasta matapos lang ang isang linggo. This time hindi na sila nabigla pa.Hindi na rin nila inaasahang babalik agad ito. Abala si Steff dahil pasukan na. Na e enroll na niya si Frit's ng grade six medyo gumanda din ang pasok ng nakaraang kapaskuhan kaya ang dating paninda ni Steff ay medyo nadagdagan.

Kaya lang nagpalit ng administrasyon sa lugar nila nagpasikat ang nahalal na Major at nilinis ang bangketa. purnada ang kabuhayan ni steff. Pinilit nilang mga vendor na makipagsapalaran pero hinuhuli sila at ubos na sa kutong ang pera nila lugi pa sa paninda.

Napilitan si Steff natigil na muna sa pagtitinda at sinubukang mamasukang arawan sa isang tindahan na may bakery. Saktong anim na buwan ulit nang sumulpot na naman ang kanyang madrasta. Humpak na humpak na ang hitsura nito nawala na ang ganda at alindog nito na kinabaliwan ni Bogart noon. Inabot sa kanya nito ang mas malaking pera100 thousand ulit. Hindi yung tinanggap ng dalaga. Nagdududa siya sa pinagmulan ng malaking pera. Alam niyang sa droga ito galing.

Kinabukasan ay hindi na niya naabutan ang madrasta muli itong nawala. Pero iniwan ang pera sa sobre. Naisip ng dalaga na ilagay sa bangko ang pera dahil kapag may naka pagtimbre sa madrasta ay damay sila at mas malaking ebidensiya kapag nakuhanan sila ng mark money. Sa totoo lang hirap na siya. Hindi na siya nakatulog sa gabi at pakiramdamn niya hindi na siya safe.

Sa malas ng dalaga tatlong buwan lamang siya sa bakery, pinalayas siya ng among babae dahil palaging nahuhuling tinitingnan siya ng asawa nitong insik. Pero dahil may mga bibig na kailangang mabuhay hindi nawalang ng pagasa ang dalaga. Sa isang Restobar sa isang kilalang resort muling nakahanap ng pagpapala si Steff. Natanggap siya doon bilang waitress. Magaan lamang ang trabaho, mabigat lamang kapag peak season at summer.Bagamat wala sa minimum ang sahod ay ayos lang sapat lang naman sa kanila ni Frits. May pangarap din naman si Steff mataas kung tutuusin pero sa ngayon pinipili muna niyang mabuhay sa realidad at priority.

Matagal na nawala ang kanyang madrasta, halos walong buwan itong missing in action bago ito muling sumulpot sa bahay nila. Wala itong inabot na pera sa kanya. Gabi gabi itong lasing, gabi gabing bangag. Halos isang buwan niya itong palaging naaabutang wasak at palagi rin niyang inaaway.

Isang gabing umuwi siya ay nahuli niya nagbibisyo ito. Binalewala muna niya iyon pero ng sumunod na gabi hindi ay hindi niya nagustuhan ang ginawa nito. Halos patayin nito sa bogbog ang sariling anak dahil lamang hindi siya sinunod nito ibili siya ng alak. Nangangatwiran ang bata na sarado na ang mga tindahan pero bangag ang kanyang madrasta kaya sarado ang isipan mabuti na lang at naabutan niyang iksaktong papaluin sana ng kanyang madrasta si frits ng tropy sa mukha. Mabigat yun, tropy niya sa liga ng volleyball iyun.

Umabot na sa sukdulan si Steff.Kinaumagahan ay ipinadampot ni Steff ng madrasta sa baranggay. Pansamantalang iniwan nila Steff ang bahay nila at tumira sila sa isang maliit na silid malapit sa resort. Nang kalkalin ni Steff ang bag ng madrasta ay nagulat ito sa laman. Malaking halagang pera na naman parang nasa 100 thousand ulit ito.

Agad idineposito ni Steff ang pera dahil sa pag aakalang galing ito sa droga. Sa ibang Bayan siya nagbukas ng account  para iwas na may makakita sa kanya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
m_🏹
"ano kaya ginagawang kalokohan ng madrasta ni Steff..?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status