Share

Kabanata 1.1

Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nila Daddy ang sagot ko pero isa lang ang maririnig nila sa akin, hinding hindi ako magpapakasal kay James. Ang kakapal pa ng mukha nilang magpakita sa amin pagkatapos ng ginawa ng anak nila sa akin? Para bang utang ko pa ang ginawa ko sa araw ng kasal namin.

“Please talk to me Tiff, hindi ko naman sinasadya eh. Dala lang ng alak ang nangyari sa amin ng Ate mo. Hindi ko alam ang ginagawa ko noong gabing iyun.” Pagmamakaawa sa akin ni James, nandito sila ngayon ng mga magulang niya at tinatanong kung itutuloy pa ba ang kasal. Para bang wala lang nangyari, tila isang normal lang ang nangyari sa amin.

“Lasing? Lasing ba talaga ang matatawag mo dun? James kitang kita ng mga mata ko! rinig na rinig ko ang pag-uusap niyo ni Ava. Matagal niyo na akong niloloko, at anong sabi mo? ako ang pakakasalan mo pero si Ava ang uuwian mo? nahihibang ka na ba?!”

“Alam mo namang may pangangailangan din ako bilang lalaki kaya hindi mo ako masisisi.”

“Yun! Umamin ka rin!” halos sabunutan niya ang sarili niya.

“Tiff, hindi dapat ako ang nagmamakaawa sayo, ikaw dapat ang nakikiusap sa akin ngayon dahil kailangan niyo ang pamilya ko, ang pera namin.” isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kaniya. Kung iyun na lamang ang mindset nilang lahat hindi ko kayang mabuhay kasama sila.

“Ang kapal ng mukha mo James, ilang taon kitang minahal tapos ganiyan ang sasabihin mo sa akin? Anong tingin mo magpapakasal lang ako sayo ng dahil sa pera mo?! kainin mo yang pera mo James! Hindi ako magpapakasal sayo.” matigas kong saad sa kaniya, tinalikuran ko naman na siya pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa bahay ay narinig ko pa ang sinabi niya.

“I will marry your sister then, it’s your loss Tiffany not mine.” Nag-igting ang panga ko ng dahil sa sinabi niya, gusto ko na silang palayasin sa bahay at ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha nila. Ang kapal kapal ng mukha niya, anong gusto niya ako pa ang magmakaawa sa kaniya at makiusap para lang pakasalan ko siya? Hindi pa ako nahihibang para gawin iyun.

“Oh iha, nasan na ba si James?” tanong sa akin ng Mommy niya. Naging mabait sa akin ang Mommy niya pero hindi ko akalain na matatanggap niya lang ang ginawa ng anak niya at ituring na tila walang nangyari.

“Ayaw ko na siyang pilitin Tito Jack, I will marry Ava instead. Mahirap pilitin ang ayaw.” Mayabang niyang saad, sinamaan naman ako ng tingin ni Daddy pero mabilis din niyang sinagot si James.

“I’m sorry about that James, if that’s what you want we can change your bride.” Pinal ng saad ni Daddy, para bang nakikipaglaro lang kami at pwede kang magpalit ng iba kapag umalis na ang isa. Tiningnan ko naman si Ate Ava at bakas ang saya sa kaniyang mukha. This family is the worst, akala ko perpekto na, akala ko ipagpapasalamat ko habang buhay na naging kabilang ako ng pamilya nila. Nagtiis ako ng maraming taon, nagagawa lahat ni Ate Ava ang lahat ng gusto niya habang ako naman ay nakakulong lang sa bahay maghapon at pinag-aaralan ang lahat ng gusto ni Daddy tapos dito lang ako babagsak, magiging isang hangin sa kanila.

Nagsimula na silang mag-usap usap tungkol sa magiging kasal nilang dalawa pero hindi na ako nakinig pa. Wala akong panahon na makipagplastikan. Plastic na nga silang lahat dadagdag pa ba ako.

Mabilis na lumipas ang mga araw, muli nanaman silang naghahanda sa araw ng kasal nilang dalawa. Tuluyan na akong naging hangin sa pamilya ko, wala na silang pakialam kung anong oras ako uuwi at kung saan ako nanggaling. Blinock din ni Daddy ang bangko ko, mabuti na lamang pala ay nakagawa ako ng bangko ko ng hindi niya nalalaman, at least may pera ako ngayon dun.

“Tiffany, gusto kong makipag-usap ka sa designer ng gown ko at pakisabi naman na pakibilisan, sabihin mo na rin na gandahan niya ang pagkakagawa dahil ang kasal ko ang pinakamasaya sa buong buhay ko.” maarteng saad sa akin ni Ate, ang Ate na nakasanayan ko ay nawala na para bang bula.

“Bakit hindi ikaw ang gumawa? Gusto mo palang mapadali bakit hindi ka na lang rumenta?”

“Tiffany! Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan ang Ate mo tandaan mo utang natin sa kaniya ang buhay natin.” sigaw sa akin ni Daddy, hilaw naman akong natawa. Kailan pa ako nagkautang sa kaniya ng buhay? Sa pagkakaalam ko ay mas marami pa akong nagawa kay Ate pero ni minsan ay hindi nila ako pinagsabihan na utang namin sayo ang ganito. “Huwag ka ng tumunganga diyan! Sundin mo na lang ang pinapagawa niya sayo!” muli nanaman niyang sigaw sa akin, ngumisi naman sa akin si Ate.

Humugot na lamang ako ng malalim na hininga saka naglakad palabas ng bahay. Dumiretso na ako sa designer ng gown which is same with mine. 

“Oh girl, what happened?” malungkot na salubong sa akin ni bakla ng makita niya ako. “Okay ka lang ba? Bakit naman ganun yung nangyari? Malinaw namang nakita sa video na niloko ka ng Ate at fiancé mo tapos parang ikaw pa naging kontrabida sa kanila? Ang unfair naman nun. Silang dalawa pa ang naging ending? What happened to the earth?” apektado niyang saad, pinaupo niya naman muna ako.

“Hindi ko rin alam, pagod na akong pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyun. Pakibilisan mo raw sabi ng senyorita at pakigandahan.”

“Aba maghintay siya kamo, kung nagmamadali siya marami akong reserba diyan siya lang ang maarte. Wala ng gaganda sa gown na ginawa ko sayo. Hindi siya gold.” Bahagya na lamang akong ngumiti sa kaniya. Nanatili pa ako sa boutique niya bago ko naisipang umalis at nagtungong bar. Gusto kong kalimutan man lang panandalian ang lahat ng sakit na nararanasan ko ngayon. Minahal ko si James at hindi madali sa aking tanggapin na lang agad ang lahat ng panloloko niya sa akin, trust ang mahirap ng ibalik kapag iyun ang nawala. Ayaw kong maging tanga para lang tanggapin ko uli siya, kung nagawa niya na ng minsan hindi malabong gawin niya uli sa susunod.

Umupo na ako at umorder ako ng isang bote ng alak sa bartender. Inabot niya naman sa akin, hindi na ako umorder ng pulutan ko dahil mas masarap ang alak kapag may problema, kapag puro. Mabilis kong nilagok ng sunod sunod ang alak, wala na akong pakialam sa paligid ko basta ang gusto ko lang ngayon ay magpakalasing, tutal hindi ko naman ito nagawa dati pa dahil sa pagiging strikto ni Daddy.

Ganito pala ang pakiramdam ng makawala sa hawla, malayang malaya ka at walang iisipin na may magagalit sayo pagdating, walang kokontrol sa buhay mo. Ito naman yung gusto ko diba? Ang hindi pa makasal at matali dahil hindi ko pa natutupad ang mga pangarap ko. Iyun ang gusto ko diba? Dapat maging masaya ako dahil hindi ako tuluyang naitali pero bakit nasasaktan ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko? wala silang karapatan na saktan ako, wala silang karapatan na diktahan ako, wala silang pakialam sa akin! Mag-aasawa ako kung kailan ko gusto! Kung kailan handa na ako at hindi ako mag-aasawa para lang sa pera!

“Wala kayong mga utang na loob! Pagkatapos ng ginawa ko ito ang isusukli niyo sa akin?!” malakas kong sigaw habang hawak hawak ko paitaas ang tagayan, mabilis ko iyung ininom. “Magsama-sama kayong lahat! kailan nga ba kayo nagkaroon ng pakialam sa akin?! Ginamit niyo lang ako para sa mga kanegosyo niyo! Isinakripisyo ko yung pangarap ko para sa inyo! binigay ko ang buong pagmamahal ko sayo pero niloko mo ako at sa kapatid ko pa talaga ha?! mga baboy kayo!” alam kong lasing na ako, malapit ko ng maubos ang isang bote ng alak pero wala akong pakialam. Kahit panandalian man lang ay makalimutan ko ang lahat, kahit saglit lang mawala sa isip ko ang lahat ng ginawa nila sa akin. Hindi ko sila mapapatawad, kahit kailan hindi ko sila mapapatawad! Ibinagsak ko ang tagayan ng huli na iyung lagok ko ng alak. Umiikot ang paligid ko, lumalabo na rin ang paningin ko pero kaya ko pa.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Snow nieves01
Kung aq lalayas nq s bahay nyo naku mga wlang kwenta mga nakatira puro mukang pera
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
nku tiffany
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
naku ingat ka baka kong mapaano ka jan sa bar
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status