Share

Simula 1.2

“Ahhh, fuck me harder James please.” Malalakas na ungol ang maririnig namin ngayon sa buong hardin. 

“Anong nangyayari?! Patayin niyo yan!” malakas na sigaw ni James, nagkakagulo na rin ang mga bisita at nakatutok ang lahat ng mga mata nila sa big screen. Tiningnan ko ang kapatid ko na tinatakpan niya na ang mukha niya. “Hon please, that is not true. Huwag kang maniniwala sa nakikita mo.” pakiusap niya sa akin subalit isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kaniya.

“Tiffany!” malakas na tawag sa akin ng aking ina pero hindi ko siya pinansin. Sinampal ko pa ng isang beses si James at alam kong nasa amin na ang atensyon ng lahat ng mga bisita. Tiningnan ko pa ang Ate kong nakayuko pa rin.

“Mga baboy kayo, ito ang gagawin niyo sa akin? Ikakasal na tayo James pero nagawa mo pa rin akong lokohin! At ikaw naman Ate, akala mo kung sino kang painosente pero may kati ka rin palang tinatago!”

“Hindi mo ako masisisi Tiff! Simula noong mga bata pa lang tayo ikaw na lang palagi, ikaw na lang palagi ang pinapansin ng mga tao maging ng mga magulang natin!” hindi ko inaasahan ang pagsigaw niya sa akin, sinamaan ko ng tingin si James saka ko binuhat ang mabigat kong gown at tumakbo palabas ng hardin.

Paulit-ulit nila akong tinatawag pero hindi na ako lumingon pa at tuluyan ng umalis. Pinara ko ang isang taxi na kadaraan lang. Wala akong ginawa kundi ang umiyak, minahal ko siya ng apat na taon tapos ito lang ang isusukli niya sa akin? Wala akong naging pagkukulang, kung ang dahilan lang nito ay dahil hindi ko maibigay ang pangangailangan niya, napakababaw niya naman! Hindi ko alam kung saan na ako dinala ng taxi, patuloy lang naman ang pagdadrive niya at hinahayaan akong umiyak. Tumigil ang sasakyan niya, napatingin naman ako sa paligid at napagtanto kong nasa dagat na pala kami.

“Dito na kita dinala dahil alam kong malungkot ka iha, magandang palipasan ng oras ang tabi ng dagat. Bumaba ka na diyan, hihintayin lang kita dito. Huwag kang mag-alala sa bayad” nakangiti niyang saad sa akin, hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko sa kaniya para gawin niya sa akin ito. Sinunod ko naman na siya, bumaba ako ng taxi at naupo sa mga batuhan. Dinama ko ang pagyakap ng mainit na hangin sa aking balat. Para bang dinadamayan ako sa lungkot na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag umuwi na ako ng bahay, alam kong sinira ko ang plano nila Daddy para sa akin. Kompanya namin ang nakasalalay sa kasal na ito pero alam kong maiintindihan naman nila ako.

Nanatili pa ko sa dalampasigan, gaya ng sinabi ng taxi driver ay naghintay siya sa akin. Bago pa man magdilim ay naihatid niya na ako sa bahay. Saka ko lang naalala na wala pala akong kadala-dalang pera bukod sa cellphone ko.

“Hayaan mo na iha, isipin mo na lang na dinamayan na lang kita.” Saad niya pero ayaw ko namang pumayag, kung hindi niya ako pinasakay malamang may iuuwi siyang pera at pagkain para sa pamilya niya.

“Pwede ko po bang makuha ng account number ng bangko niyo?”

“Huwag ka ng mag-abala pa iha, ayos lang.” Pinilit ko naman siya at kinuha ko ang bank account niya, ayaw kong magkaroon ng utang na loob, ayaw kong kaawaan nila ako dahil sa nakikita nila sa akin.

Mabilis kong sinend sa account niya ang halaga.

“Masyado naman yata itong malaki iha, sobra sobra pa ito.” gulat niyang saad.

“Para po sa kabutihan niyong loob, maraming salamat po.” Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at pumasok na ako sa loob ng bahay. Naabutan ko naman sila Mommy at Daddy na kunot na kunot ang noo at halata ang stress sa kanilang mukha.

“Mom, Dad.” Saad ko, mabilis naman silang lumingon sa akin.

“God Tiffany, where have you been?! Kanina ka pa namin hinahanap at kinokontak pero hindi ka nasagot! Bakit ka tumakbo sa kasal?!” galit na galit na saad sa akin ni Daddy. Hindi ito ang inaasahan kong sasabihin niya. What happened?

“Dad? Anong gusto niyong gawin ko? ang ipagpatuloy pa rin ang kasal namin ni James kahit na malinaw ng nakita sa video lahat?!”

“Oo! Tandaan mo, itinabi mo na lang sana ang lahat ng sakit na nararamdaman mo para sa kompanya natin! alam mo namang ang pamilya niya na lang ang pag-asa natin!” hilaw akong natawa tiningnan ko si Mommy pero mukha siyang nadissapoint sa akin para bang ako pa yung may maling ginawa.

“Can’t you see? Yung lalaking gusto niyong pakasalan ko ay isang manloloko! Gusto niyo bang mabuhay na lang ako sa sakit at puro kasinungalingan?! Bakit ako ang pinapagalitan niyo ngayon na dapat ay si Ate?!”

“Sana nagtiis ka na lang! Hinayaan mo na lang! Nag-isip ka na muna sana Tiffany! Ang taas-taas ng expectation ko sayo but this time you disappoint me!”

“Dad, pera na lang ba ang gumagana sa inyo?! pera na lang ba ang nasa isip niyo. Hindi niyo man lang ba inisip kung ano yung mararamdaman ko, kung ano yung nararamdaman ko ngayon?! Mukha ka ng pera Daddy!” malakas kong sigaw pero kasunod nun ay halos mabingi ako dahil sa lakas ng sampal niya sa akin. Hindi ako agad nakapagsalita, hindi ko akalain na magagawa nila sa akin ito. Akala ko sila ang unang makakaintindi sa akin pero nagkamali ako.

Nadissapoint ko pa pala sila sa paraan na yun? Hindi ba dapat at maging masaya sila dahil hindi ako naipakasal sa isang gagong lalaki? Kompanya pa rin pala namin ang iniisip nila. “Sa ayaw at sa gusto mo, ikakasal kayong dalawa ni James.”

“Sinabi ko ng ayaw ko Dad! Bakit ba ipinipilit niyo pa? may kapal pa ng mukha ang pamilya ni James na magpakita sa atin?!”

“Tandaan mo tayo ang may kailangan sa kanila kaya ikaw ang mahiya! Itutuloy ang kasal niyo kapag humupa kung anong nangyari ngayon, kung hindi lang sana sa katangahan mo kasal na sana kayo ngayon. Ano pa ba ang ikinagagalit mo? hindi naman ibang babae ang pinaglipasan niya ng gabi kundi ang ate mo lang.” Parang hindi ko na sila kilala sa mga sinasabi nila sa akin ngayon. Ibang iba na ang mga magulang ko, hindi ko akalain na sa dami ng nagawa ko sa kanila ay ito pa rin ang igaganti nila sa akin. Ipinagmamalaki lang nila ako dahil sa mga naabot ko, mahal lang nila ako kapag may naabot ako. Ang tagal kong nagtiis sa lahat ng gusto nilang gawin ko, malugod ko naman iyung sinunod kahit na kapalit nun ay ang mga pangarap ko pero ito pa rin ang ipapakita nila sa akin, ito pa rin pala ang isusukli nila sa akin. “Mamili ka Tiffany, alam kong mahal mo si James. Kung ayaw mong magpakasal sa kaniya? then your sister will be the bride.” May diin niyang saad sa akin. 

Kung ganun itotolerate pa nila ang ginawang iyun ni Ate Ava? Natuwa pa sila sa bagay na iyun? Kung ayaw kong ipakasal ay si ate ang ipapakasal nila? Isang laro lang ba ang pagpapakasal?

“This is the first time I will ask a favor Ava, kung ayaw ng kapatid mo ikaw ang ipapakasal ko. Don’t disappoint me.”

“Yes Dad,” masaya pang sagot ni Ate. Anong nangyari sa pamilyang ito? tiningnan ko si Mommy pero inilingan niya lang ako saka siya sumunod kay Daddy. Pati ba naman si Mommy ay hindi ako kakampihan? Nang dahil sa pagtatanggol ko sa sarili ko ay ganito na ang ginawa nila sa akin?

Hindi naman ako robot para sundin na lang sila palagi. Tao rin naman ako na gusto lang magmahal ng normal. Pero bakit ganito ang binigay sa akin?!

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Ronalyn Pimentel
unang chapter plng kumulo na dugo ko eh..pasabanot nga ng isa Ava na yan tpus pasuntok sa sikmura yang daday nila
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
ibang klaseng pamilya nman ito,di si ava ang ipakasal bakit paba si tiffany
goodnovel comment avatar
Mar Ya
ibang klaseng pamilya yan aba
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status