“Tiffany, please accept my offer.” Inis kong hinarap si Samuel ng muli niya akong puntahan sa office ni Shine.
“Ang alam ko masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo at gusto mong tao ang naghahabol sayo at hindi ikaw kaya bakit ka nagpapakababa sa isang katulad ko? mas marami pang mas deserve ang offer mo Samuel at hindi ako yun. Minsan mo pa akong kulitin kahit ikaw ang kilalang magaling sa mundo ng negosyo, ipapakaladkad na kita.” May diin ko ng saad sa kaniya. Kahit na malaki ang ibibigay niya sa akin, kahit na maganda ang offer niya ayaw ko pa rin siyang makatrabaho. Ayaw kong makita ang pagmumukha niya sa araw-araw. Alam kong wala naman dapat akong ikagalit sa kaniya pero hindi ko alam sa tuwing naiisip ko na ganun niya ako kadali palayasin, na ganun niya kadali pinaniwalaan ang mga taong may galit sa akin ay nasasaktan pa rin ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa bagay na iyun, hindi ko alam kung anong ikinagagalit ko gayong iyun lMaaga akong bumangon ngayong araw at nagpaalam sa mga anak ko. Nagtungo naman na ako ng opisina ni Shine, hindi na rin ako nagulat ng muli kong makita si Samuel dun at naghihintay. Tiningnan ko pa si Shine at tinanguan lang ako, alam kong pipilitin din niya akong pumayag na sa offer. Nilingon ko si Samuel at seryoso siyang nakatingin sa akin.“Let’s talk, follow me.” anas ko sa kaniya saka ko sila tinalikuran, naglakad naman ako patungong hagdan, ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin kaya nagpatuloy ako. Binuksan ko ang pintuan ng roof top ng building na ito saka nagtungo sa pinakangdulo kung saan kita ko ang ibaba. Tumayo naman sa tabi ko si Samuel at may kalahating dipa ang layo namin sa isa’t isa. “I will accept your offer but in one condition.” Saad ko, kita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglingon niya sa akin.“Go on,” napabuntong hininga naman ako saka ko siya hinarap. Nakakunot ang noo niya ng mags
THIRDPERSON POV“May ipapagawa ako sayo Noah,” saad ni Samuel kay Noah ng nasa opisina silang dalawa. Salubong na salubong ang mga kilay ni Samuel dahil sa mga iniisip niya. Naghihintay naman si Noah ng idadagdag pa ni Samuel. “Gusto kong alamin mo kung ano pang dahilan ni Tiffany kung bakit gusto niyang bumagsak ang kompanya ni Bautista, alam kong may iba pang dahilan bukod sa niloko siya nito anim na taon na ang nakakalipas.” Saad nito, naalala niya ang reaksyon ng mukha ni Tiffany dahil desidido itong mapabagsak ang kompanya ng kaniyang ex-fiance.Palaisipan na sa kaniya simula pa lang kung bakit ganun na lang ang galit niya sa mga ito.“Maaasahan ba kita rito?” tanong niya kay Noah na tahimik lang.“Oo naman,”“Sa sobrang abala ko sa trabaho ko ni hindi ko man lang nalaman na isa siyang sikat na model sa London. May balita ka ba tungkol sa nagin
Nang matapos silang makakuha ay humarap na silang dalawa kay Samuel.“Okay na po, can we find now our yaya?” hindi makapaghintay na saad ni Daniel saka niya hinawakan sa kamay ng mahigpit ang kaniyang kapatid. Ayaw niyang mawala ito sa kaniya dahil hindi niya na alam kapag nawala ang kapatid niya sa malawak na lugar na ito.“Sure,” naglakad naman na sila patungong counter saka binayaran ni Samuel ang lahat ng mga nakuha ng mga bata. Binitbit niya naman na iyun ng mailagay na sa paper bag. Inilibot niya ang kaniyang paningin ng makita niya ang dalawang guard na tila may hinahanap. Nilapitan naman nila ito.“Hi, may hinahanap kayo?”“Yes Sir, kambal ang hinahanap namin na nawala sa supermarket. May nakita po ba kayo?”“Saan ko makikita ang yaya nila?” seryoso nitong tanong. Itinuro naman ng guard ang isang direksyon. Hindi naman na nagsalita si Samuel at hinawak
TIFFANY POV“Paniguradong pagkakaguluhan ka sa show ninyo, are you ready?” napabuntong hininga ako dahil sa tanong ni Shine.“Yeah, I know that.” iyun na lang ang nasabi ko sa kaniya.“Hindi ka lang pagkakaguluhan dahil sa model ka kundi dahil sa naging asawa ka ni Samuel. Sigurado ka bang okay ka lang kapag nakakabit sa bawat tanong sayo ang pangalan ni Samuel kasi hindi lang naman sayo eh, pati kay Samuel ganun din. Sana mapag-usapan niyo ang tungkol sa bagay na iyan.” Inihilig ko na lamang ang ulo ko sa sofa, alam ko namang kagulo ito sa mundo ng media. Ang naging asawa ni Samuel ay hindi nakita ng maraming taon kaya malamang kahit saan ako magpunta at nakita nila ay tatanungin ako.“Hindi namin kailangang mag-usap, bahala na.” sagot ko sa kaniya, napapailing naman sa akin si Shine. Hindi ko kayang magtagal sa tabi ni Samuel, hindi naman namin minahal ang isa&rsquo
Tumikhim na lamang ako at tinalikuran siya, kinuha ko ang heels at isinuot ko na lang iyun. Nagulat na lang ako ng agawin niya sa akin ang heels ko saka siya lumuhod sa harapan ko.“What are you doing?” tanong ko sa kaniya, pinagpagan pa niya ang heels ko saka niya ako tiningala.“Hayaan mong isuot ko ito sayo,” anas niya saka niya hinawakan ang paa ko at dahan dahan niyang isinuot iyun. Akala mo ay isang babasagin ang paa ko kung paano niya ingatan iyun. Heto nanaman ang puso ko, hindi ko nanaman maintindihan para akong nababaliw kapag ang isang Del Rosario ang kaharap ko. Ang mga maliliit na bagay na ginagawa niya ay hindi ko alam pero parang ang laking epekto sa akin. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya ng tingalain niya nanaman ako. “Huwag mong susubukang takasan ako uli Mrs. Del Rosario.” Malambing ngunit may pagbabanta niyang aniya. Tumayo na rin siya, ako naman ngayon ang napapatingala sa kaniya. “Wait m
“Okay ready ready, any minute ay mag-uumpisa na tayo.” Halos aligaga ang lahat ng tao ngayon dahil sa event ng kompanya ni Samuel. Napabuntong hininga na lamang ako dahil maging ako ay nakakaramdam ng kaba dahil ito ang pinakamalaking event na gaganapan ko. Ako rin ang center kaya hindi ko maiwasang hindi rin kabahan.Mag-isa ko rito sa silid na ito at isang make-up artist. Hindi ako isinama ni Samuel sa mga model pa niyang iba. Tapos naman na ako ayusan at ano mang oras ay magsisimula na. Hindi naman ako ang unang lalabas dahil mamaya pa ako.“Do you want water ma’am?” abot sa akin ng isang staff. Kinuha ko na lamang ang iniaabot niya sa aking bottled water saka ako uminom ng kaunti lang. Nakakailang buntong hininga na lang ako sa kinauupuan ko.“Magsisimula na ang show!” sigaw mula sa labas ng silid na ito. Umayos na ako sa pagkakaupo, tiningnan ko na lamang ang mga alahas na isusuot ko at ganun na ri
“Nagkalayo lang tayo Tiffany at hindi tayo naghiwalay, walang divorce na nangyari at sa mga tanong mo iisa lang ang sagot ko, yes.” Napapikit na lamang ako, ano ba talagang plano ng lalaking ito? nagalit siya sa akin noon, pinalayas niya ako kahit na hindi kami nagkaroon ng divorce hindi niya na dapat ako trinatrato na akala mo ay mag-asawa pa nga kaming dalawa! “Please,” nakikiusap niyang aniya. Napabuntong hininga na lang ako.“Fine,” suko kong sagot. Kukunin ko na sana ang iba ko pang gamit ng kunin na iyun ni Samuel. Sabay naman na kaming naglakad palabas. Kalalabas pa lamang namin ni Samuel ng bigla niya akong itago sa likod niya dahil sa mga reporters na dinumog kami.“Mrs. Del Rosario, maaari niyo po bang sabihin sa amin kung anong nangyari sayo sa nakalipas na anim na taon?”“Mrs. Del Rosario, kahit kaunting pahayag lamang po mula sa inyo. Ang akala namin ay naghilaway kayo ni Mr. De
“Wala ka talagang ginawa kundi ang magpasikat no? Alam mo ang ganda na nga ng buhay mo sa ibang bansa diba? Kaya bakit ka pa bumalik dito at magpapasikat? Feeling Del Rosario ka pa rin?” napabuntong hininga na lamang ako dahil sa sinabi ni Ava. Papasok na ako ng kompanya ni Samuel ng harangin niya ako, sinubukan siyang harangin ng mga body guard ko pero pinigilan ko na lang sila. Gusto kong makita ang nabwibwisit na mukha ni Ava. “Mas maganda kung bumalik ka na lang kaya?”“Ano bang ikinagagalit mo sa pagbabalik ko Ava? Hindi ba at taga rito naman talaga ako at wala akong dahilan para hindi bumalik.”“May dahilan ka kung bakit ka bumalik, gusto mo pa ring magpapansin at angkinin si Samuel. Bakit? Kaya ba hindi mo pinirmahan yung divorce niyo kasi gustong gusto mong tinatawag kang Del Rosario? May kahihiyan ka pa ba sa katawan mo?” tinaasan ko naman siya ng kilay at bahagya pang natawa.“Anon