Share

Chapter Twenty-five

ALAS-SAIS na ng gabi ngunit nasa daan pa rin si Megara, tila wala sa sariling naglalakad at hindi alam kung saan pupunta.

Kanina nang malaman mula sa babaeng si Aliyah na ilang araw nang umuuwi nang maaga si Russel, kahit na gabi na ito laging dumadating sa bahay nila, tila siya nabibingi at hindi magawang mag-isip nang tama.

Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa lalaki. Malaki ang tiwala niya rito at hindi niya kayang maniwala na may ginagawa itong kalokohan. Pero ano pa bang rason? Bakit ito umaalis sa opisina nang maaga pero late nang umuuwi sa kaniya?

Muli siyang tumigil sa paglalakad nang makakita ng isang coffee shop sa kabilang kalye. Ilang ulit siyang lumunok bago tumawid ng daan at pumasok sa loob. Ang plano niya ay uupo muna roon at magpapalipas ng oras.

Matinding emosiyon ang nararamdaman niya. Hindi niya kayang umuwi sa bahay nila dahil paniguradong hindi maganda ang kalalabasan. Baka kapag umuwi siya at nagkita sila ni Russel, kung hindi si

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Lalaine Rambo
D parehas na kayo may tinatago..
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status