TATLONG araw na rin ang lumilipas, puno na ng text messages at missed calls ang cell phone ni Russel dahil sa paulit-ulit na pag-contact sa kaniya ni Narissa. Tatlong araw na rin siyang hindi nakikipagkita sa babae.
Lagi niyang ginagawang busy ang sarili at nakikipag-meeting sa mga kliyente nila sa labas ng opisina. Ginawa niya iyon upang kahit magpunta si Narissa sa office niya, hindi sila magkikita ng babae. Pagkatapos naman ng mga trabaho niya, agad na siyang umuuwi sa bahay para makasama si Megara.
Ilang ulit niyang nilinaw kay Narissa na kailangan muna niya ng espasiyo. Sa katutuon niya ng atensiyon sa dalagang modelo, hindi na niya nababantayan ang asawa. Malakas ang pakiramdam niya na may inililihim sa kaniya ang babae.
Sa loob ng tatlong araw, naging normal naman ang kilos ni Megara, maliban na lamang sa ilang beses nitong pagpasok sa banyo dala ang cell phone nito. Minsan ay matagal itong nananatili sa loob, minsan naman ay mabilis lang, ngunit alam niy
"MAY lalaki ka ba?"Salubong ang dalawang kilay, lumingon si Meg at tinitigan siya na parang hindi makapaniwala. Bakas ang pinaghalong inis at pagkalito sa mukha ng babae."Are you seriously asking me that?"Matagal niya itong tinitigan. Siya man, gustong saktan ang sarili dahil sa mga naiisip niya. Asawa niya si Megara, kilala niya ito. Hindi magagawa sa kaniya ng babae ang magloko, pero napa-paranoid na siya. Siguro dahil ginagawa niya kaya takot siyang gawin sa kaniya."Sino ang lalaking iyon?""Sinong lalaki ba ang tinutukoy mo?" Bahagyang tumaas ang boses ni Megara. Halata niyang hindi na ito komportable sa pinag-uusapan nila."Iyong lalaking nagmamatyag sa iyo sa labas. Sino siya? Stalker mo ba? Dati mong karelasiyon, o baka naman may namamagitan sa inyo?"Lalong lumalim ang mga gitla sa noo ng babae. "Ayusin mo nga iyang pananalita mo, Russel! Of all people, ikaw dapat ang nakaaalam na hindi ko magagawa iyang pinagsasabi mo!"
MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Megara matapos marinig ang paliwanag ng lalaki sa harap niya."Pasensiya ka na talaga, Meg. Pinaghahanap na ako ng mga pinagkakautangan ko. Dahil sa takot, napilitan akong magsinungaling sa lahat ng taong naghahanap sa akin."Pinagmasdan niya ang mukha ng binatang si Roy. Halata nga roon na problemado ito. Malalim ang itim sa ilalim ng mga mata nito at humpak din ang magkabilang pisngi."Pero ano ba talaga ang nangyari sa kaniya? Namatay ba talaga siya?"Hindi ito makatinging nagbaba ng mukha. "O-oo. Nandoon ako sa ospital nang ideklara ng doctor na dead on arrival siya."Malalim siyang nagpakawala ng hangin sa narinig. Tila hindi makapaniwalang napahawak siya sa sintido at pumikit.Kung talagang patay na ang ex niya, sino ang nagpapadala sa kaniya ng mga litrato nila na tanging siya at ang dating karelasiyon lamang ang mayroon!"Bakit mo nga pala naitanong? May nangyari ba?" usisa ng lala
GULAT ang mababakas sa mukha ni Narissa matapos nitong buksan ang pintuan ng condo unit nito at bumungad siya sa dalaga. Wala naman siyang paalam nang tuluyang pumasok sa loob at umupo sa mahabang sofa malapit sa balkonahe.Iyon ang condo unit ng babae na malapit sa opisina nila. Madalas itong maglagi roon sa tuwing may photoshoot itong gagawin.Sumunod naman sa kaniya ang dalaga. Naupo ito sa armchair sa kaliwa ng mahabang sofa na kinauupuan niya at mataman na tumitig sa kaniya."Bakit ka nandito? I already told you, may photoshoot ako ngayong araw.""Huwag kang pumunta," mabilis niyang saad rito at itinuon ang mga mata sa nakabukas na telebisiyon.Sumilay ang ngiti sa mga labi ng babae. Nakaarko ang kilay na inangat nito ang isang paa at ipinatong sa isa pa."Pinapapili mo ba ako?"Tumalim ang mga mata niya nang ibaling dito ang paningin. "Inuutusan kita."May ilang segundong natahimik ang babae dahil sa sinabi niya. Umikot a
PAGSAPIT ng alas-sais y medya, nakaligo at nakapagbihis na rin si Russel nang abutan niya ito sa kuwarto nila. Pumasok siya sa kanilang walk-in closet at inilagay sa gilid ng pintuan ang laundry basket bago muling umalis.Hindi pa man tuluyang nakalalabas ng silid, huminto siya at nilingon ang lalaking abala sa pagsusuot ng mamahalin nitong relo habang nakatingin sa malaking salamin sa harap nito. Matagal niya itong tinitigan habang nagdadalawang-isip kung yayayain itong mag-agahan o hindi.Sa huli, nagpakawala siya ng hangin at tuluyang kinausap ang asawa. "Ready na ang breakfast. Bumaba ka na.""Sa office na lang ako mag-aagahan."Nawalan siya ng gana nang marinig ang sinabi nito. Nasaktan siya at sa parehong pagkakataon, nakaramdam din ng inis. Gusto niya itong lapitan at komprontahin. Kung anu-anong senaryo ang pumapasok sa isipan niya.Kumuyom ang mga kamao niya bago kinagat ang ibabang labi. "Gumising ako nang maaga para lang ipagluto ka ng b
MATAGAL na pinag-isipan ni Russel ang mga sinabi ng kaibigang si Vicente. Mahigit kalahating araw na rin siyang nag-iinom sa loob ng restobar ng bagong nobya nito. Pilit niyang iniisip kung ano nga ba talaga ang dapat niyang gawin sa sitwasiyon na iyon.Sa loob nang limang taon, nagawa niyang pigilan at itago kay Megara ang totoong kalagayan niya. Ayaw niyang iparanas dito ang isang pagkatao niya na pilit na niyang ibinabaon sa limot.Sa tulong ng pagmamahal ng asawa, nagagawa niyang kontrolin ang halimaw sa loob niya. Pero simula nang dumating sa buhay niya si Narissa, tila nagising nito ang isang parte ng madilim niyang nakaraan. Ngayon na nagkakaroon na sila ng problema ni Megara, mas lalong tumitindi ang kagustuhang makawala ng halimaw mula sa loob niya.Nagbuga siya ng hangin nang maalala si Narissa. Ang dalaga ang tanging nakapagbibigay sa kaniya ng satisfaction na hinihingi ng katawan niya. Dito niya nailalabas ang init niya, pero sa tuwing napapalapit si
MATAPOS ilapag ng waitress ang isang tasa ng kape, dalawang juice at tatlong sliced ng cakes sa ibabaw ng table nila, nagpasalamat siya sa babae na sinuklian naman nito ng isang ngiti. Nang makaalis ang waitress, saka niya binalingan sina Becka at ang asawa nitong private investigator. "Salamat talaga sa pagpunta." "Naku, wala iyon! Napakabait mo sa akin noong highschool pa tayo. Oras na rin para makabawi ako sa iyo." Malapad na ngumiti ang babaeng si Becka. Hindi pa niya nasasabi sa dalawa ang sadya niya. Iniisip niya pa rin kasi kung sakaling tanungin siya ng mga ito sa posibleng dahilan ng pagmamanman sa kaniya ng lalaki, ano ang sasabihin niya? Nakita niya ang pag-inom ng kape ng asawa ng kaibigan niya. Matangkad ito, medyo malaki ang pangangatawan at namumutla sa kaputian ang kutis. Matapos nitong ilapag ang kape, binalingan naman siya nito ng tingin. "Tungkol saan ang gusto mong imbistigahan ko?" Mahinahon ngunit malaki ang boses nito.
MAG-A-ALAS-SIETE pa lamang ng gabi, narinig na ni Megara ang paghinto ng kotse sa tapat ng kanilang bahay. Ayaw man niya, pinilit niya ang sarili na tumayo at lumapit sa pinto.Ganoon na lang ang pagsinghap niya nang sa pagbukas niya ng pintuan, bumungad sa kaniya ang lasing na si Russel. Namumungay ang mga mata nito, nangangamoy alak at hawak na sa isang kamay ang hinubad nitong itim na blazer.Sinubukan niyang langhapin ang pabango ng babae na lagi niyang naaamoy rito, pero sa hindi malamang dahilan, tanging alak at pabango ni Russel na lamang ang naaamoy niya. Nawala na ang pabango ng babae nito."Lasing ka na naman," komento niya saka sinubukang alalayan ito, pero napahinto siya nang i-angat nito ang isang kamay para pigilan siya."Huwag mo akong lapitan."Natigilan siya at napatitig sa mukha nito. Mabilis siyang nakaramdam ng kirot sa kaniyang puso. Parang sinasaksak ng kutsilyo ang dibdib niya.Humakbang ito at pumasok sa loob ng kitch
MATAGAL siyang nakatitig sa harap ng sariling repleksiyon sa salamin—namumutlang mukha, nangingitim ang ilalim ng mga matang gabi-gabi kung umiyak. Nawawalan na rin ng kulay ang mga labi niyang dati ay puno ng sigla at matitingkad na ngiti.Iyon ang laging nakikita ni Megara sa tuwing sisilipin niya ang sarili sa salamin. Tuluyan na niyang napabayaan ang sarili. Kahit anong pangungumbinsi ang gawin niya, hindi na niya kayang magpanggap na walang problema at kaya niya.Mula sa salamin sa kaniyang harap, nilingon niya ang mga damit na nagkalat sa ibabaw ng kama. Kaninang alas-singko pa siya namimili nang maisusuot, subalit wala siyang matipuhan sa mga kasuotang nasa loob ng cabinet niya.Gusto niyang lumabas. Gusto niyang mag-shopping at pagurin ang sarili sa mga bagay na nakasulat sa listahan na nahanap niya sa internet. Kanina, nag-research siya kung ano ang puwedeng gawin ng mga babaeng katulad niya. Iyong mga nawalan na ng pagmamahal sa sarili dahil sobr