Share

Chapter Twenty-two

"TALAGA?"

Gulat na tinitigan ni Megara ang asawang kararating lang mula sa opisina. Kinuha niya ang briefcase na dala nito at saka isinara ang pintuan ng kanilang bahay.

"May dadaluhan kang party? Mamaya na agad? Bakit ngayon mo lang sinabi?"

Sunod-sunod niyang tanong dito nang paakyat na sila ng hagdan. Nakapulupot ang braso ng lalaki sa baywang niya at paulit-ulit siyang hinahalikan sa pisngi.

"Biglaan din, baby. Kanina lang ako naimbitahan."

Napasimangot siya nang makapasok sila sa loob ng kuwarto. Naligo pa naman siya, nagpaganda at nagpabango para lang sa lalaki. Akala niya ay makapagtatalik sila pero aalis pala ang asawa niya para um-attend ng party.

Nilapag niya sa ibaba ng kama ang briefcase nito saka bumubuntong-hiningang umupo sa dulo ng higaan. Pinanood niyang maghubad si Russel sa harap niya hanggang sa tuluyan nitong maalis ang lahat ng kasuotan sa katawan.

Napangiti siya nang maglandas ang mga mata sa buong katawan nito.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status