Share

Chapter Twenty-one

BAHAGYANG nabahala si Russel nang hindi siya salubungin ni Megara sa pagdating niya sa bahay nila. Ngunit hindi naman siya natakot para sa kapakanan nito. Panigurado kasi kung may nangyaring masama, agad na tatawag o magti-text ang mga guwardiya at mga lalaking binayaran niya upang magbantay sa babae.

Matapos makapasok sa loob, agad siyang umakyat sa hagdan at dumiretso sa kanilang silid. Hindi niya nahagilap ang babae sa loob ng kuwarto. Pupunta sana siya sa banyo, pero napansin niyang nakabukas ang walk-in closet nila.

Walang ingay siyang lumapit sa bahagyang nakabukas na pintuan at sumilip sa loob. Natagpuan ng mga mata niya si Megara habang tila nagmamadali nitong pinapasok ang isang kahon sa loob ng isa nitong bag. Nang matapos ay agad nitong isinara ang glass sliding door ng bag closet nito.

Dumistansiya siya sa pintuan nang makita itong nagmamadaling lumapit sa pinto. Napasinghap pa ito at namilog ang mga mata nang sa pagbukas nito ng pintuan ay bumungad

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status