Share

Chapter 23

last update Huling Na-update: 2025-09-27 19:39:18

"That's so unfair! Dinaya mo ako!" paingos na reklamo ni Kelly. "Paano ako mananalo kung nauna ka na?"

"Kasi gusto kong ako ang manalo. I want my reward, Kelly," seryosong saad ni Zion saka siya kinabig, kaya napahawak siya sa dibdib nito. Malamig ang tubig, pero parang nagbabaga ang katawan ni Zion kaya biglang naglaho ang lamig.

"Ma... madaya pa rin 'yon. Ikaw lang ang may reward, paano naman ako—" Hindi na nagawa ni Kelly tapusin ang sasabihin nang walang babalang siilin ng halik ni Zion ang kanyang labi.

She was caught off guard, kaya hindi siya kaagad nakapag-react.

Pero the moment she realized it, kusa na siyang tumutugon sa mga halik ni Zion. Not feeling any reservations at all, dahil kusa niyang ikinawit ang mga kamay niya sa batok nito.

Walang tigil ang agos ng tubig sa kanilang mga katawan subalit tila wala ni isa sa kanila ang gustong tumigil. Malakas ang lagaslas ng tubig pero narinig pa rin ni Kelly ang sarili niyang ungol nang kabigin siya ni Zion para lalo pang magdikit
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 41

    Kanina pa busangot ang mukha ni Zion at di maipinta. Kakatapos lang nilang mag-usap ni Attorney, at nire-request niya na huwag munang sabihin kay Kelly ang lahat tungkol sa resulta.Gusto niyang isipin pa rin nito na kasal pa sila. Lalo na’t dama niya na may namamagitan na sa kanilang dalawa ng Rayver na iyon. At hindi siya makakapayag na magkamabutihan ang dalawa.Tinapos niya lang ang mga kakailanganin sa mall at umalis na rin siya roon. Habang naglalakad siya sa loob ng mall, nakita niya ang kanyang asawa na kasama ang lalaking kinaiinisan niya. Malayo siya sa kinaroroonan ng mga ito. Ayaw naman niyang sumigaw at baka pagtinginan siya ng mga tao roon. Hindi pa naman siya nasisiraan ng bait para magsisigaw.Nang mawala sa paningin niya ang dalawa dahil pumasok ito sa loob ng elevator, nanggigigil sa inis si Zion kaya naman pumasok rin siya sa isang elevator para salubungin ang dalawa sa pag-aakalang bababa ito.Nang makarating siya sa baba, inis na inis siyang hindi niya makita ang

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 40

    Hatinggabi nang makarinig ng ingay mula sa labas si Kelly. Noong una ay hindi niya ito pinansin, iniisip na sa kapitbahay niya ito. Nakatira kasi siya sa isang village.Pero habang patagal ng patagal ang ingay, hindi na siya mapakali kaya napadungaw siya sa bintana. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang maingay sa labas. Si Zion pala ang kumakanta, pero sintunado ang boses.Nilabas niya ito at sinaway.“Gabing-gabi na, Zion, nang bubulahaw ka pa? Akala mo naman ang ganda ng boses mo. Itigil mo na 'yan,” saway niya rito sabay pamaywang. Sa totoo lang, hindi naman siya kinilig sa ginawa nito. Sumakit lang ang tainga niya sa sintunadong boses.“Kelly, hindi mo ba nagustuhan ang aking pag-awit?” tanong ni Zion na umaasang napasaya niya ang kanyang asawa.“Hindi,” mataray na sagot ni Kelly rito.Agad niyang sinenyasan ang mga kasama niya.“Sige na, umalis na kayo. Hindi niyo naman inaayos. Baka hindi ko pa kayo bayaran,” taboy ni Zion sa mga back-up niya. At talagang nanis

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 39

    Masamang-masama ang loob ni Zion sa kanyang nakikita. Kung nakakamatay lamang ang kanyang matalim na tingin, baka kanina pa bumulagta si Rayver.Nagtatawanan pa rin kasi sina Kelly at Rayver. Masaya si Kelly sa presensya ng lalaki, bagay na hindi ipinaramdam sa kanya noon ng kanyang asawa. Kung sana ganito lang ka-effort si Zion sa kanya noon, baka sakaling pagbigyan niya pa ito.Nang maggagabi na, nag-aya ng umuwi si Rayver at ihahatid siya. Doon na lumapit si Zion at hinawakan ang kanyang asawa. Hindi na kasi siya makatiis, baka saan pa dalhin ng gagong lalaki ang kanyang asawa. Kahit naman ongoing ang process ng annulment nilang dalawa ni Kelly, sa mata ng batas ng tao, legal pa rin silang mag-asawa.“Zion, anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba talaga ako?” gulat na tanong ni Kelly. Kasi nang magkahiwalay sila ng bahay, alam niya na wala na silang pakialamanan sa bawat isa.“Sinusundo ka,” mariing wika ni Zion.“Talaga ba? Bakit hindi ka na lang mag-enjoy or buhay binata kagaya

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 38

    Habol-hininga sila nang matapos sa pagpapaligaya sa isa’t isa. Nahiga si Zion sa tabi ni Kelly at niyakap niya ito nang mahigpit.Kinaumagahan, masakit ang buong katawan ni Kelly. Pakiramdam niya para siyang nabugbog ng maraming tao. Babangon sana siya kaso nahihirapan talaga siya kaya nanatili siyang nakahiga. Nang dumilat ang mga mata ni Zion ay nakangiting bumati sa kanya.“Good morning, wife. How’s your sleep?” tanong nito. Tila good mood ang umaga nito.“Okay naman. Masakit lang ang katawan ko.”“Sorry, hindi ko kasi alam. Akala ko–”“Akala mo basta na lang ako bumibigay kunga kanino-kanino, ganon ba? Pangit lang ang katawan ko noon pero maingat ako sa sarili ko,” sagot ni Kelly at parang bumalik na naman sa kanya ang sakit.“H-Hindi... sa ganon iyon,” giit ni Zion.Bumangon siya at nang makita ang pulang mantsa sa bedsheet, napangiti siya at talagang virgin pa ang kanyang asawa.****Dalawang araw makalipas ang nangyari kina Zion at Kelly ay nagpaalam na sila na babalik na sa Ma

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 37

    Maayos naman ang buhay nila Zion at Kelly sa probinsya. Hindi pa rin naman natigil si Zion sa panunuyo sa kanyang asawa kahit na may nararamdaman ito. Ang hindi alam ni Kelly ay medyo bumubuti na rin ang kalagayan ng paa ni Zion pero inililihim lang nito. Natakot kasi ito na baka iwan siya ni Kelly kapag nalaman na may magandang progress na nangyayari sa mga paa niya.Kagaya kanina nagpautos siya na bilhan sa bayan si Kelly ng bungkos na mga bulaklak.Pagkagising ni Kelly may bulaklak na sa ibabaw ng table niya. Nang maupo siya at kunin ito binasa niya ang nakasulat sa notes.“To my dearest, baby Kelly...”Ayon lang ang laman ng notes. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman kung kanino galing ang bulaklak. Para tuloy siyang tanga na pangiti-ngiti habang hawak ang bulaklak.Nag-ayos na siya ng kanyang sarili at pinuyod na lamang niya ang kanyang buhok.Pagbaba niya sa sala wala roon si Zion. Napaisip siya kung saan nga ba nagpunta ito. Nasanayan na rin naman siya na hindi na ito nagpap

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 36

    Habol ni Kelly ang kanyang paghinga dahil kanina pa kabog ng kabog ang kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman nang biglang magtama ang kanilang mga mata. Batid naman niya na mahal niya noon ang asawa, dahilan lamang na ang galit sa puso niya ang nanaig.Nang pinadala siya nito sa ibang bansa, halos isumpa niya si Zion. Pero malaking pasasalamat niya rin rito dahil kung hindi siya pinadala nito sa ibang bansa, hindi niya babaguhin ang kanyang sarili, na para rin naman sa kanya.Nang matapos si Zion sa paggamit ng comfort room, tinawag siya nitong muli.“Baby,” pang-aasar nito.Lumapit siya at inalalayan ito. “Sinabi ko na sa’yo, Zion, huwag mo akong matawag-tawag na baby. Hindi na tayo mag-asawa pa ngayon. Baka nakakalimutan mo na ikaw pa mismo ang nanghiling ng kalayaan mo,” inis na wika ni Kelly at talagang naiirita siya sa asawa.“Bakit ka ba sa akin laging nagagalit, huh? Look, hindi pa ba sapat na binuwis ko ang buhay ko para sa kaligtasan mo? Hindi pa ba

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status