hello, darlings! pasensya na late update, may injury sa kamay si author kaya hirap kumilos. please subscribe, comment, and give gems. thank u!!
Ilang linggong nanahimik sina Sloane at Saint upang planuhin ang kanilang ganti laban kina Samantha, Nicolette, at Lawrence. Nangyari rin ang partnership nila nang tahimik at walang nakakalaam ni isa sa media. Tanging ang kumpanya lang nina Sloane at Saint ang present sa contract signing.It was their plan to stay silent so the other party won’t suspect a thing. Nagawa na rin kasi ng assistant ni Samantha na pumanig kina Saint nang bayaran siya ng lalake ng mas malaking halaga kumpara sa binabayad sa kanya ni Samantha.Being desperate and in need of money as she was, mabilis siyang naging espiya nina Saint sa kuta ni Samantha. Araw-araw nire-report sa kanya ng assistant nito ang bawat kilos ng ina niya at kung saan man ito pumupunta.Minsan nga ay sinasabi nito sa kanya na madalas itong nasa casino kung saan nilulustay nito ang pera na nakuha mula sa kumpanya ni Saint habang may nilalanding ibang businessman.It made Saint so furious that Sloane had to restrain him every time so the p
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon nina Saint at Sloane, marami pa silang nadiskubre tungkol sa iba pang kaso gaya ng embezzlement of funds simula pa noon. Si Rocky na rin ang kinuha nilang corporate lawyer considering his excellence in his field.“Wait, what do you mean matagal ng nagkakaroon ng embezzlement sa kumpanya ko?” naguguluhang tanong ni Saint.Napahinga nang malalim si Rocky. “Gaya ng sinabi mo, nagkaroon na rin ng embezzlement sa funds mo sa company mo sa Italy. I also looked into it, and I know na alam mong si Miss Nicolette ang may gawa noon,” aniya. “However, dito sa company mo sa Pilipinas ay mas malaki ang nanakaw na pera. Lahat ng documents sa accounting ay fake and forged. Dinoctor lahat.”Mahinang napasinghap si Sloane. “So you mean nanakawan na rin noon si Saint sa kumpanya niya sa Italy?”Rocky only glanced at Saint. Napalunok naman ang lalake.“Yes… if you could remember the time when I had an emergency meeting sa Italy noon, that was it. Napag-alaman naming kinu
Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi nagtagal ay tuluyan na ring nakalabas ng ospital si Saint. Nagte-take pa rin siya ngayon ng medications niya para sa mas mabilis na paghilom ng kanyang sugat ngunit kahit papaano ay hindi na ito gaanong masakit. Back to normal work na rin si Sloane dahil sa wakas ay nakabalik na si Rocky. Hindi na rin natuloy ang pagbisita rito nina Tita Mary at Tito Roen niya dahil siya na rin mismo ang pumigil dito. When Rocky finally learned all the things that had happened that night, he slowly understood how much Saint loves Sloane. It almost… pained him. Ngayong nakikita niya nang unti-unti na ulit nagiging malapit sina Saint at Sloane dahil sa imbestigasyon, alam niyang paliit din nang paliit ang pag-asa niya sa babae. Siguro nga ay mananatili na lang siyang tagabantay ni Sloane mula sa malayo. Even his mother noticed it. “Anak, marami namang ibang babae r’yan,” ani ng kanyang nanay habang ka-video call ito. “I’m sure you’ll find someone suitable for
“A lot of things had changed when you left, Sloane. Bumaligtad ang mundo ko noong umalis ka kahit na alam ko namang kasalanan ko,” patuloy ni Saint, mahina ngunit mariin ang boses niya. “Did you know that I develop alcohol drinking issues?” Mahinang napasinghap si Sloane sa rebelasyon ni Saint. A bitter, pained chuckle escape his lips as if he was reminiscing about the past. “I had to stay in the hospital for a long time para mapigilan ang damage sa atay ko. It was painful… dahil wala ka. And it was even more painful because I felt like you’re gonna be disappointed in me if you found out.” “Why did you do that?” Sloane asked in a whisper, her voice carrying a hint of pain mixed with guilt. Yes. Guilt. Sa sobrang pag-aalala niya kay Saint, pakiramdam niya ay may kinalaman siya sa pagiging alcoholic nito kahit na nagluluksa din naman siya noong tuluyan silang naghiwalay. “Hindi kasi ako makatulog kapag wala ka, eh,” inosenteng sagot ni Saint ngunit basag ang boses nito. “Nasanay a
Napakurap lamang si Sloane sa mga sinabi ni Saint. Humigit ang pagkakakapit nito sa kanyang kamay na para bang nagmamakaawa. “Please, Sloane… ako na lang ulit ang mahalin mo. Choose me again, please…” he pleaded, desperation coating his voice. “Saint…” Sloane choked out with her words. She couldn’t bring herself to speak coherently. Tila ba ay may nakabara sa kanyang lalamunan. Kahit na masakit ang katawan ay pilit na tumayo ni Saint. Naalarma si Sloane kaya inalalayan niya ito. “What are you doing, Saint? You should be resting!” she panicked. Hindi nagpapigil si Saint. “I will only rest if you choose me again, Sloane. Otherwise, I will exhaust my body until the day comes when you forgive and choose to love me again.” Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Sloane. Parang hinahalukay ang sikmura niya ngunit sa magandang paraan. Naghahatid ito ng kiliti sa kanyang katawan na huli niya pang naramdaman ay noong sila pa ni Saint. And to fasten the beating of her heart, there
Saka lang nakahinga nang maayos si Sloane nang ikumpirma ng doctor na successful nga ang operation ni Saint. Hindi niya tuloy maiwasang mapatulala sa tuwing bumabalik sa kanya ang panaginip niya na tila ba totoo dahil sa sakit sa kanyang puso. It all felt so real, so vivid. Dama niya ang sakit na para ban tunay ngang nawala si Saint sa kanya. But then, she couldn’t help but realize something. She’s afraid to lose Saint. She’s afraid that she will lose him forever. Pagkatapos ng limang taon na dinala niya ang galit sa lalake ay saka lang lumitaw muli ang emosyon na pilit niyang ibinabaon sa limot—pagmamahal. Habang hawak ni Sloane si Saint sa bisig niya kung saan naliligo ito sa sariling dugo, tila ba nag-flash sa kanyang isip ang ilang mga alaala nila ng lalake. Kahit iyong mga simpleng bagay ay muli niyang nakita. And when that dream of her hurt her the way she didn’t imagine, she knew that the feeling she kept buried for years has finally resurfaced. Pagkatapos ng dalawang ara