Hindi nga nagkamali si Saint nang sabihin nito na darating agad ang mga singsing dahil pagkarating nila ni Sloane sa simbahan pagtapos magpalit ng wedding attire ay naroon na agad nakahanda ang mga singsing.
Hindi pa nagsisimula ay napapalunok na si Sloane dahil mula sa entrance ng simbahan kung saan siya magsisimulang maglakad, nakikita niya na agad ang kinang ng mga singsing na siguro ay umabot sa humigit-kumulang 50 million kabuuan. Suot ang magarbong wedding gown at flower bouquet sa kamay, lumakad siya palapit sa altar, dinarama ang bawat sandali bago siya legal na maging misis. Sa bawat hakbang niya ay tila naka-slow motion ang paligid, hindi makapaniwala na talaga ngang nasa kasalan na siya—na siya mismo ang bride at hindi abay lang. Tiningnan niya si Saint sa harapan. Seryoso ang titig nito sa kaniya ngunit may kakaibang kislap sa kaniyang mga mata. Sa likuran nito ay ang kaibigan nitong abogado na gumawa ng marriage contract nila, ang nag-iisa nilang witness. Nang makarating siya sa harapan, sinalubong siya ni Saint at hinawakan nito ang malamig niyang mga kamay, kabaligtaran nito ang init na pakiramdam ng mga kamay ng lalaki. “You ready?” mahinang tanong nito. Tumango lamang siya bago sila tuluyang pumunta sa altar kung saan naroon na ang pari na nakaantabay sa kanila. “Dearly beloved, thank you all for coming today to share in this wonderful occasion. Today, we are here together to unite Sloane Elizabeth Alvarez and Saint Evander Irvine in marriage,” panimula ng pari. Doon natauhan si Sloane. Isang Irvine ang ikakasal sa kaniya. Ang hindi gaanong kilalang CEO ng mga kilalang multibillion company sa Pilipinas, Italy, at America. Kilala ito sa pagiging “faceless” dahil bibihira lamang ito nakikita sa publiko. Kung sa mga magazine naman, exclusive lang ito sa mga elite socialites kaya halos sila-sila lang din ang nakakakilala sa lalaki. Nagpatuloy ang seremonya na parang hinahalukat ang sikmura ni Sloane dahil sa nalaman niya. Hindi nga ito basta-basta lang. At sigurado siyang malaki nga ang magiging pagbabago sa buhay niya lalo na’t dinadala rin niya ang tagapagmana nito sa hinaharap. “Do you, Sloane Elizabeth Alvarez, take this man to be your lawfully wedded husband, to live together in matrimony, to love him, comfort him, honor and keep him in sickness and in health, in sorror and in joy, to love and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?” Parang may bikig sa lalamunan ni Sloane na pinipigilan siyang magsalita. Samantala, nakatitig lamang si Saint sa kaniya na may kaba kahit na alam nitong hindi na siya matatakasan pa. “I-I do…” Tila nakahinga nang maluwag si Saint. Inulit ng pari ang kaniyang mga sinabi kay Saint. Hindi gaya ng babae, walang pag-aalinlangan itong sumagot. “I do.” Nang maisuot ang mga singsing, mas lalo pang naramdaman ni Sloane ang bigat sa kaniyang dibdib. Kabaligtaran ito ng nararamdaman ni Saint na parang nabuhayan ng dugo nang maisuot ang singsing sa babae. Sa kaniya na ito ngayon. Ilang segundo lamang ay magiging opisyal niya na itong asawa. “By the authority vested in me, I now pronounce you as husband and wife!” Hindi na nag-aksaya ng oras si Saint at agad na hinalikan si Sloane, bagay na matagal na niyang gustong gawin. Dinig naman ang palakpakan ng kaibigan ni Saint at ng pari. Mag-asawa na sila ngayon. Bagay na kailanman ay hindi na nila matatakasan. Ilang sandali lang ang lumipas ay nasa bahay na sila ni Saint, o mas maganda sigurong sabihin na mansyon dahil sa sobrang garbo at lawak nito. “From this day, my properties are your properties. What is mine is also yours.” Ramdam ni Sloane ang mainit na hininga ni Saint sa kaniyang likuran na nagpatindig ng kaniyang balahibo. “At anong kapalit?” “Ikaw. Ikaw pati ng magiging anak natin.” Lumapit si Saint at ipinulupot ang mga braso sa baywang ni Sloane at hinapit ito papalapit. Tahimik na napasingap si Sloane nang maramdaman niya ang matigas na dibdib ng kaniyang asawa. Asawa. Hindi niya alam ang kaniyang mararamdaman. Naging misis agad siya sa iilang oras lang. Kaninang umaga lang ay gumising siya upang magtrabaho, ngunit ngayon ay matutulog siyang may asawa na at may sanggol pa sa kaniyang sinapupunan. “You’re an Irvine now. Your life has already changed,” bulong ni Saint sa kaniyang tainga habang hinihimas ang tiyan nito. “I will make sure you and our baby will enjoy being mine.” Napalunok si Sloane. “Sana lang ay huwag mong kalimutan na kasal lang tayo sa papel at ginagawa lang natin ito para sa bata,” tangi niyang nasabi. Halos hindi niya na marinig ang sariling boses sa lakas ng tibok ng puso niya. Naramdaman niya ang ngisi ni Saint at mas lalo pa siyang hinapit palapit, wala nang pagitan sa kanilang dalawa. Kumislap nang kakaiba ang mga mata nito. “That reminds me of another contract you need to sign.”Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi nagtagal ay tuluyan na ring nakalabas ng ospital si Saint. Nagte-take pa rin siya ngayon ng medications niya para sa mas mabilis na paghilom ng kanyang sugat ngunit kahit papaano ay hindi na ito gaanong masakit. Back to normal work na rin si Sloane dahil sa wakas ay nakabalik na si Rocky. Hindi na rin natuloy ang pagbisita rito nina Tita Mary at Tito Roen niya dahil siya na rin mismo ang pumigil dito. When Rocky finally learned all the things that had happened that night, he slowly understood how much Saint loves Sloane. It almost… pained him. Ngayong nakikita niya nang unti-unti na ulit nagiging malapit sina Saint at Sloane dahil sa imbestigasyon, alam niyang paliit din nang paliit ang pag-asa niya sa babae. Siguro nga ay mananatili na lang siyang tagabantay ni Sloane mula sa malayo. Even his mother noticed it. “Anak, marami namang ibang babae r’yan,” ani ng kanyang nanay habang ka-video call ito. “I’m sure you’ll find someone suitable for
“A lot of things had changed when you left, Sloane. Bumaligtad ang mundo ko noong umalis ka kahit na alam ko namang kasalanan ko,” patuloy ni Saint, mahina ngunit mariin ang boses niya. “Did you know that I develop alcohol drinking issues?” Mahinang napasinghap si Sloane sa rebelasyon ni Saint. A bitter, pained chuckle escape his lips as if he was reminiscing about the past. “I had to stay in the hospital for a long time para mapigilan ang damage sa atay ko. It was painful… dahil wala ka. And it was even more painful because I felt like you’re gonna be disappointed in me if you found out.” “Why did you do that?” Sloane asked in a whisper, her voice carrying a hint of pain mixed with guilt. Yes. Guilt. Sa sobrang pag-aalala niya kay Saint, pakiramdam niya ay may kinalaman siya sa pagiging alcoholic nito kahit na nagluluksa din naman siya noong tuluyan silang naghiwalay. “Hindi kasi ako makatulog kapag wala ka, eh,” inosenteng sagot ni Saint ngunit basag ang boses nito. “Nasanay a
Napakurap lamang si Sloane sa mga sinabi ni Saint. Humigit ang pagkakakapit nito sa kanyang kamay na para bang nagmamakaawa. “Please, Sloane… ako na lang ulit ang mahalin mo. Choose me again, please…” he pleaded, desperation coating his voice. “Saint…” Sloane choked out with her words. She couldn’t bring herself to speak coherently. Tila ba ay may nakabara sa kanyang lalamunan. Kahit na masakit ang katawan ay pilit na tumayo ni Saint. Naalarma si Sloane kaya inalalayan niya ito. “What are you doing, Saint? You should be resting!” she panicked. Hindi nagpapigil si Saint. “I will only rest if you choose me again, Sloane. Otherwise, I will exhaust my body until the day comes when you forgive and choose to love me again.” Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Sloane. Parang hinahalukay ang sikmura niya ngunit sa magandang paraan. Naghahatid ito ng kiliti sa kanyang katawan na huli niya pang naramdaman ay noong sila pa ni Saint. And to fasten the beating of her heart, there
Saka lang nakahinga nang maayos si Sloane nang ikumpirma ng doctor na successful nga ang operation ni Saint. Hindi niya tuloy maiwasang mapatulala sa tuwing bumabalik sa kanya ang panaginip niya na tila ba totoo dahil sa sakit sa kanyang puso. It all felt so real, so vivid. Dama niya ang sakit na para ban tunay ngang nawala si Saint sa kanya. But then, she couldn’t help but realize something. She’s afraid to lose Saint. She’s afraid that she will lose him forever. Pagkatapos ng limang taon na dinala niya ang galit sa lalake ay saka lang lumitaw muli ang emosyon na pilit niyang ibinabaon sa limot—pagmamahal. Habang hawak ni Sloane si Saint sa bisig niya kung saan naliligo ito sa sariling dugo, tila ba nag-flash sa kanyang isip ang ilang mga alaala nila ng lalake. Kahit iyong mga simpleng bagay ay muli niyang nakita. And when that dream of her hurt her the way she didn’t imagine, she knew that the feeling she kept buried for years has finally resurfaced. Pagkatapos ng dalawang ara
Humagulhol si Sloane habang nakikisabay sa takbo ng stretcher kung saan naroon si Saint na walang malay at duguan dahil sa saksak na natamo niya. Her heart was violently aching, like someone is ripping her heart out. Malabo ang mga mata niya dahil sa mga luha pero patuloy pa rin siya sa pagsunod patungo sa emergency room. Natawagan na si Mich ng isa sa mga board member niya upang maipalagay ang kondisyon niya. Kahit si Rocky ngayon ay na-inform na rin at nagbalak pang umuwi ngunit si Sloane na ang tumanggi sa kanya. Even her aunt and uncle in Canada were already informed as they planned to go to the Philippines to check Sloane. “I-I’m sorry, ma’am, pero hanggang dito na lang po kayo.” Wala ng nagawa si Sloane nang pigilan na siya ng nurse na pumasok sa operating room. Apparently, due to the deep stab wound, Saint has to be operated on in order to check any damage in his internal organs. Marami rin kasi ang nawalang dugo sa kanya, and of course, kailangan ding tahiin ang sugat niya
Sloane waited for the company van to arrive. Unfortunately, due to heavy traffic, aabutin pa ng almost one hour bago siya masundo. She tapped her heels against the concrete ground of the parking lot as she glanced at her wristwatch from time to time. Katatapos niya lang din i-text si Mich na male-late siya ng uwi. She chuckled at her phone when her friend sent her a cute picture of Evony posing a flying kiss on a camera. Kaya naman hindi niya na napansin ang dalawang lalake na marahas na papalapit sa kanya. “Thank God, nandito na kayo—AHHHHHHH!” Kitang-kita ni Saint kung paano hinablot si Sloane ng dalawang lalake kaya wala siyang pagdadalawang-isip na lumabas ng kotse niya. “Let her go!” His voice echoed in the parking lot. Lumingon sa kanya ang dalawang lalake. Nanliit ang mga mata niya habang sinusubukan itong kilalanin sa kabila ng takip sa mukha nito. Nagalit ang isa sa kanila kaya mabilis itong naglabas ng kutsilyo at sinugod si Saint. “Mhmhm!” Sloane internally sc