Samantala gabi na at nasa sala pa si Abi na naghihintay sa pagdating ng asawa niya. Hindi pa ito tumatawag sa kanya simula pa kanina. Si Baby Gavin andun na sa nursery room natutulog at binabantayan ni nanay Rosa. Yes, may kasama na sila sa bahay. Ipinilit kasi talaga ni Seb na kumuha ng makakasama niya sa bahay para hindi siya mahirapan sa gawaing bahay at mag focus na lang kay baby Gavin.
Hindi naman na niya tinutulan pa ang gusto ng asawa. Kahit pa kaya naman niyang gampanan ang lahat. Laki siya sa hirap kaya lahat kaya niya.Pumunta siya ng dining area at ininit na muna niya ang mga pagkaing inihanda niya kanina para kay Seb. Baka pagod galing sa trabaho ang asawa niya at gutom na ito kaya mabuti ng ihanda na niya ang hapunan nilang dalawa. Hindi pa rin naman kasi siya kumakain at hinihintay niya itong dumating para sabay na silang kumain. Ito ang pangalawang beses na ginabi ng uwi ang asawa niya. Dati kasi maaga itong nakakauwi. Siguro busy lang talaga ito sa kompanya at maraming inaasikaso.Hindi naman siya nabigo at ilang minuto lang ang hinintay niya matapos na initin ang mga pagkain, ay nauniligan niya ang ugong ng sasakyan sa garahe. Malamang si Seb ito, dumating na ang asawa niya. Mabilis niyang inayos ang mga pagkain at inilatag muli sa hapag-kainan.Tinungo na rin niya ang main door at doon hinintay ang pagdating ng kanyang asawa.Ilang minuto lang ang hinintay niya at nagbukas na ang pintuan at iniluwa nun si Seb. Halatang ang pagod sa mukha nito. Ngunit napangiti naman ng makita siyang nag-aabang sa pintuan."Hey, love, ano'ng ginagawa mo rito sa baba? Bakit gising ka pa?" sunod-sunod na tanong ni Seb sa kanya matapos siya nitong gawaran ng halik sa noo at labi.Ngumiti naman siya kay Seb habang tinutulungan itong alisin ang suot nitong coat. Kinuha na rin niya ang dala nitong attache case. Nilapag niya muna ang mga iyon sa sofa. Pati sapatos ni Seb, ay tinanggal na rin niya at medyas. Ganito lagi siya sa asawa. Pagkatapos ay magkahawak kamay silang pumunta sa dining area para kumain ng dinner."Thank you, sa paghintay sa akin love. Late ka na rin tuloy kumain, dahil late akong nakauwi. Sana nauna ka na lang kumain kanina at hindi na lang ako hinintay." Wika si Seb, matapos nguyain ang pagkain."Anu ka ba love, okay lang 'yon. Hinintay talaga kita at hindi pa naman ako nagugutom kanina. Isa pa mas masarap kumain kapag kasama kita," nakangiti niyang sagot na siyang nagpasilay ng magandang ngiti sa mga labi ni Seb.Hay ang gwapo talaga ng lalaking to. Ang swerte niya kay Seb, talaga.Well, totoo naman na hindi siya kumain kanina dahil busog pa siya at gusto niya rin talaga itong makasabay sa pagkain.Pagkatapos nilang kumain ay hinugasan na niya ang pinagkainan nila. Pinauna na niya si Seb sa taas para makapag pahinga na ito at susunod na lamang siya. Pero hindi umalis ang lalaki. Bagkus, tinulungan pa siya nito. Ito ang nagpunas sa lamesa at nagligpit ng mga natirang pagkain.Patapos na siya sa pagbabanlaw ng mga hugasin ng maramdaman niyang yumakap sa likuran niya si Seb. Ipinatong pa nito ang baba niya kanang balikat niya."Love, sorry ha kung hindi ako nakatawag kanina. Ang dami ko kasing tinapos na trabaho sa opisina. Marami rin meetings na nakapila. Plus dumagdag pa itong si Johnson." pagpapaliwanag ni Seb sa kanya.Nagpunas naman siya ng kamay at humarap sa asawa. Hinaplos niya ang makinis na pisngi nito."Ayos lang, love naiintindihan naman kita. Alam kong busy ka kaya ayos lang," malambing niyang sambit sa asawa."Nga pala, love kamusta si Johnson? Naayos mo ba ang problema niya? Yong nasagasaan niya, maayos ba ang lagay?" tanong niya.Dinig niya ang pagbuntong hininga ni Seb."Naayos ko na love, nailabas ko na rin sa kulungan si Johnson. Nabayaran ko na rin ang pamilyang nadisgrasya niya. Buti na lang at buhay pa ito at nagpabayad na lang ang pamilya. Pati bills sa hospital sinagot ko na rin." mahabang wika ni Seb."By the way, love, ikaw kamusta ka rito? Kayo ni baby Gavin? Hindi ka ba nahihirapan? Gusto mo kumuha pa ako ng isang kasambahay?"Napailing siya sa huling sinabi ni Seb."No, love, wag ka na kumuha ng isa pang kasambahay. Ayos lang ako, kami ni baby. Hindi naman na ako nahihirapan dahil nandito naman si Nay Rosa. Kaya wag ka na mag abala pa." aniya."Love, hindi naman abala yon, ayoko lang nahihirapan ka." ani Seb sa malambing na tono.Hindi niya tuloy mapigilan ang kiligin. Kahit kailan talaga lagi na lang siyang pinapakilig ng asawa niya."Love, huwag ka na mag alala, ayos lang talaga ako." ngumiti siya ng matamis at tumingkayad para gawaran ng halik sa labi ang asawa niya.Ngunit nagulat na lang siya ng bigla siya nitong buhatin at umangat siya sa ere ng hindi napuputol ang halikan nilang dalawa. Mabilis tuloy niyang naiyakap ang mga binti sa beywang ni Seb. Karga karga siya nito habang tinatahak ang hagdanan paakyat sa kanilang kwarto.ELLA "What?!" biglang bulalas ni Ella. "Yes, Ella," sagot sa kanya ng boss niya habang may pilyong ngiti sa mga labi. "But, don't worry, Ella. Tutulungan ko pa rin na maipagamot ang kapatid mo, pumayag ka man sa alok ko o hindi. At huwag ka ring mag-alala dahil hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Gaya ng sabi ko sa'yo, handa akong maghintay," saad sa kanya ni Sir Gavin kaya nakahinga nang maluwag si Ella. Una, inaasar-asar lang siya nito pero ngayon paseryoso nang paseryoso ang lalaki sa kanya. Naglalakbay tuloy sa ibang mundo ang utak niya dahil sa mga narinig niya. Magtatakip-silim na nang umuwe sila ni Ella. Hinatid pa sila ng boss niya dahil nagpumilit ito, kaya naman hinayaan na lang niya. "Pasok po muna kayo sa loob Sir," aniya. "Salamat," anito at sumunod sa kanya. "Kayo lang ba na dalawa ng kapatid mo rito? Sino nag-aalaga sa kanya kapag nasa trabaho ka?" tanong nito matapos umupo sa sofa. "Tatlo kami, Sir, kasama ang tiyahin ko. Pero wala siya rito ngayon at
ELLA "Happy birthday, bunso!" bati ni Ella sa kapatid niya habang inaalalayan ito na nakatayo sa harapan ng mesa na puno ng pagkaing hinanda nila ng tiyahin niya para sa kapatid niya. "Mag-wish ka muna bago mo i-blow ang candle mo ha," kausap ni Ella kay Mikael. "Opo, Ate," sagot nito habang nakangiti. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan kahit pa na hindi nito nakikita ang mga inihanda nila para sa kaarawan nito. "Okay, bunso. Blow your candle na," masayang utos ni Ella at hinawakan ang cake para mahipan ng kapatid niya ang kandila. "Yehey!" "Happy birthday, Mikael!" Palakpakan at kanya-kanyang bati ang mga kalaro ng kapatid niya. "Masayang-masaya si Mikael. Mabait na bata siya, kaya sayang at nagkaroon siya ng kapansanan," wika ni Tita Gianna niya habang pinagmamasdan nila si Mikael na kaharap ang mga kaibigan nitong bata at masayang nagtatawanan. "Kung may pera lang sana tayo na sasapat para maipagamot siya," dagdag pa nito at napabuntong hininga. "Iyan din po ang in
Ilang oras na ang lumipas hanggang sa sumapit na ang hapon pero tila tulala pa rin si Ella. Para bang nararamdaman pa niya sa labi niya ang labi ng boss niya. Ang malambot at matamis nitong halik kanina na bago sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala na hinayaan niya ito kanina na halikan siya. Tila nawalan din siya ng lakas na pigilan ito dahil ramdam niyang ipagkakanulo rin siya ng sarili niya. Ganun pala ang pakiramdam ng first time mahalikan? Napailing na lamang si Ella. Sa katunayan ay kanina pa siya hindi mapakali sa kinauupuan niya. Malapit na mag-uwian at plano niya sanang magpaalam sa boss niya na absent siya bukas, pero nahihiya siyang humarap dito ngayon dahil sa nangyari kanina. Isa pa naguguluhan din siya sa nararamdaman niya. "Hay, bahala na nga," bulong niya sa sarili bago tumayo. "Sir?" tawag pansin ni Ella sa boss niya pagpasok niya sa loob ng opisina nito. Pero nakita niyang nakatalikod ang lalaki sa desk nito habang nakaupo sa swivel chair at may kausap sa
ELLA Inis na nilampasan ni Ella si Glaiza at bumalik sa pwesto niya. Gigil siya ng babaeng iyon e, no? Pagbintangan ba naman siya na nilalandi niya ang boss niya. Samantalang itong boss nila ang lumalandi sa kanya. Kung alam lang nito. Isa pa, ito na nga ba ang iniiwasan niyang mangyari. Napuna na siya ng isang babaeng pakialamera sa buhay dahil sa boss niyang malandi. Pagdating niya sa desk niya ay nakita niya si Missy na tila hinihintay siya. "Hoy babae! Saan ka naman galing kanina? Hinintay kita sa cafeteria pero hindi ka dumating," sita nito sa kanya. "Sabi ni Jack, kasama mo raw si boss Gavin. Kaya ayon, walang gana na kumain kanina ang manliligaw mo," dagdag pa nito. Natampal ni Ella ang noo. Nakalimutan pala niyang i-message ito kanina. Paano kasi kakamadali niya sa akala niyang meeting kuno ng boss niya, pero wala naman pala. "Ah, e, sorry na. Sabi kasi kanina ni Sir Gavin may lunch meeting daw siya sa labas at kailangan kong sumama," wika niya. "Daw?" ani nito.
"Yes, Sir. You have a meeting today, but it's schedule after lunch," sabi niya. "Narinig mo naman ang sinabi ko di ba? May lunch meeting ako ngayon at kailangan kita roon," tila naiinis na sagot ng boss niya. Napatingin si Ella kay Jack at kita niyang ngumiti ito sa kanya at tumango. "Ella, go," wika ni Jack at may ininguso sa likuran niya. Napalingon naman si Ella at nanlaki ang mga mata niya nang makita na malapit na sa vip elevator si Sir Gavin niya. "Shit!" mura niya sa isip. Mabilis na hinablot niya ang shoulder bag saka patakbong nagtungo sa vip elevator na ngayon ay nagbukas na at pumasok ang boss niya. Muntik na siyang masaraduhan kung hindi pa niya binilisan ang takbo. Langya naman! Sinulyapan niya ang boss niya at nakita niyang ngingiti-ngiti pa ang loko. Kaya hindi niya napigilang irapan ito. "Cute," mahinang sambit nito na narinig niya. "Cute mo mukha mo," aniya at naunang lumabas pagbukas ng elevator. Narinig pa niya ang tawa nito sa likod na na tila
ELLA "Hi, Ella." Napatingin si Ella sa lalaking nagsalita sa harapan niya. Si Jack, kapwa niya empleyado at sa marketing department ito naka-aasign. Matamis na nakangiti sa kanya ang lalaki kaya nginitian niya rin ito pabalik. Isa itong si Jack sa mga lalaking nagpapansin sa kanya rito sa trabaho. Meron pang isa, si Ethan. Pero wala na rito sa kumpanya ang binata dahil ang alam niya ay inilipat ito sa isang kumpanya na pagmamay-ari rin ng Ashford company. Masugid niyang manliligaw noon si Ethan kahit ilang beses na niyang binasted. Sa ngayon ay wala na siyang balita rito. Hindi naman kasi sa pagmamayabang pero kung ganda lang din naman ang pag-uusapan ay may maipagmamayabang naman siya. Maputi siya at makinis, matangkad at malaki rin ang hinaharap niya. Pero gaya ng sabi niya, kapatid muna niya bago lovelife. Ngayon naman ay si Jack ang nagpapalipad hangin sa kanya. Mabait naman ang lalaki, gwapo rin ito at palangiti. "Ang ganda-ganda mo talaga Ella," papuri ni Jack kaya n